SugarCRM integration
Partner website
Partner Privacy Policy
SugarCRM Privacy policy
Ano ang SugarCRM?
Ang SugarCRM ay isang malaking open-source customer relationship management software na may sales automation, marketing campaign, customer support, at mga kapasidad para sa collaboration.
Available ang code ng application na ito sa anumang user o developer, kaya puwede ninyong ma-customize ang inyong workflow kung meron kayong paraan at kakayahan.
Paano ito magagamit?
Sa integration na ito, di na kayo malalampasan ng anumang notifications ng mga news o update tungkol sa mga customer, contact, field, task, module, case, lead, entry o oportunidad. Puwede ring kayo na mismo ang gumawa o mag-update ng impormasyon o fields na ito mula sa inyong dashboard.
Mga Benepisyo
- Customer relationship management mula sa iisang software
- Notifications para lagi kayong updated
- Maraming actions na magagawa mula mismo sa dashboard
- Nadagdagan ang workflow
- Tipid sa oras, di na palipat-lipat ng apps
Paano mag-integrate ang SugarCRM sa LiveAgent gamit ang Zapier
Ang SugarCRM ay puwedeng ma-integrate sa LiveAgent gamit ang Zapier sa pamamagitan ng isang trigger at action system na tinatawag na Zap. Puwede kayong gumawa ng maraming integrations mula sa options na available sa site.
Kung wala kayong Zapier account, gumawa dito. Pagkatapos, pumunta sa LiveAgent + SugarCRM Integrations site.
Mag-scroll pababa hanggang makita ang Connect LiveAgent + SugarCRM in minutes na section. Piliin ang inyong gustong trigger at action dito. Tingnan ang listahan ng ibang posibleng integrations at isipin kung ano ang gusto ninyong magawa ng inyong integration.
Magpapakita kami ng connection ng SugarCRM trigger na New Task at LiveAgent action na Create Conversation. Kung nakapili na kayo ng inyong trigger at action, i-click ang blue na continue button.
Ang unang hakbang ay ang pag-set up ng trigger. Mag-log in sa SugarCRM gamit ang Zapier at ilagay ang data access. Puwede muna ninyong i-test ang napiling trigger para tingnan kung gumagana ito.
Ang ikalawang hakbang ay ang configuration ng LiveAgent action. Sa kasong ito, kailangang ilagay ang mga detalye tulad ng email address ng recipient at sender, message subject, at iba pang impormasyon.
Magsagawa ng isang huling test ng integration. Pagakatapos nito ay okay na. Ngayon, tuwing gagawa kayo ng panibagong task sa SugarCRM, makakakuha ang mga agent ninyo ng message tungkol dito.
Gumawa lang ng panibagong mga integration para sa iba’t ibang gawain sa Zapier
Frequently Asked Questions
Ano ang SugarCRM?
Ang SugarCRM ay isang customer relationship management na hinahayaang mag-automate ng sales at mga proseso ng marketing ang kompanya ninyo, mula pa noong 2004.
Paano magagamit ang SugarCRM integration sa loob ng LiveAgent?
- makakuha ng notifications tungkol sa anumang pagbabago o updates - all-in-one na platform - mag-update ng impormasyon ng customer mula sa LiveAgent
Discover the seamless integration of Vtiger CRM with LiveAgent, a cloud-based solution for managing customer relationships, contacts, and marketing campaigns. Stay updated on cases, leads, and more, enhancing your customer service efficiency. Try it free and improve your CRM management effortlessly.
I-integrate ang HubSpot sa LiveAgent para sa mas mahusay na social media marketing at customer service. Pamahalaan ang mga kumpanya, kontak, at pag-uusap mula sa isang interface gamit ang Zapier. Alamin kung paano simulan ang integration at makuha ang mga benepisyo ng streamlined workflow. Subukan ito nang libre at pagbutihin ang pamamahala ng iyong mga proyekto, CRM, at pakikipagtulungan.