Ucraft integration
Partner website
Partner Privacy Policy
Ucraft Privacy policy
Ano ang Ucraft?
Ang Ucraft website builder ay tutulong sa pagsasagawa ng web ideas ninyo na maging realidad sa online. Ang aim nito ay gawing madali, mabilis, at may quality ang proseso ng paggawa ng mga website. Kung gusto ninyong gumawa ng sarili ninyong website para sa business o isang event, Ucraft ang mahusay na option. Gamit ang Ucraft, puwede kayong gumawa ng mga online page nang madali at mabilis sa pamamagitan ng pag-drag at pag-drop. Magkakaroon kayo ng mas maraming visitors kapag maganda ang website ninyo.
Paano gamitin ang Ucraft?
Ang Ucraft ay angkop sa sinumang gustong gumawa ng personal o business website. Masisimulan nito ang paggawa ng inyong mga landing page, blogging platform, at online store. Puwede ninyong gamitin ang Ucraft para magsimula ng sarili ninyong business website at itaguyod ito, o maglunsad ng isang online store at magbenta ng mas maraming produkto o serbisyo online.
Bawat mahusay na online store ay nangangailangan ng mahusay na customer support. Masuwerte at madali ninyo itong magagawa gamit ang LiveAgent chat button sa inyong website at paggawa ng koneksiyon ng inyong sistema ng web support email sa aming ticketing system.
Ang live chat ay isang kahanga-hangang customer support tool at isang mainam na communication tool para sa customer-agent communication. Ang nagpapahusay rito ay ang kasimplehan nito. Puwede kayong gumawa ng isang custom chat button sa LiveAgent configuration – piliin ang disenyo, magtakda ng mga form at ibang mga detalye, at i-copypaste ang code sa inyong website.
Makikita agad ng website visitors ang button at puwede nila itong i-click lang para makakonekta sa customer support. Ang komunikasyon ay mabilis at ang inyong mga customer ay puwedeng magpatuloy sa kanilang pag-shopping nang walang pagkainis dahil sa mga tanong na di natutugunan tungkol sa inyong mga produkto o serbisyo.
Ang pinakamainam pa ay konektado ang live chat sa buong LiveAgent ticketing system na nangangasiwa rin ng emails, call center calls, customer portals, at social media – Facebook, Twitter, Instagram, WhatsApp at Viber. Ito rin ay puno ng features na makatutulong sa inyong tapusin ang trabaho nang mas maayos at mas mabilis.
Pakinabangan ang real-time typing para makita ninyo ang nais alamin ng inyong mga customer bago pa man sila pumindot ng send. Puwede ninyong paghandaan ang mga sagot sa mga karaniwang tanong gamit ang canned messages habang ang proactive chat invitations ay sisiguraduhing mapapansin nila ang inyong chat button.
Nabanggit ba naming ang live chat namin ang isa sa pinakamabilis na live chat widgets ngayon? Ang bilis ng pag-display nito ng chat ay di lalampas sa 2.5 segundo. Tingnan ang pagkumpara sa link na ito.
Ano ang mga benepisyo ng Ucraft?
- Isang epektibo at simpleng website builder
- May kasamang logo maker
- Mabilis na komunikasyon dahil sa live chat
- Pinagsanib na pinakakumpletong ticketing system
Looking to provide faster support?
Add a LiveAgent live chat to your website and handle customer requests quickly and efficiently
Paano ang integration ng LiveAgent live chat sa inyong Ucraft page?
Interesado kayo kung paano lagyan ng live chat widget ang inyong website? Sundin ang integration guide sa ibaba para malaman kung paano gumawa ng Ucraft website at paano mag-integrate ng LiveAgent live chat widget sa inyong homepage. Kung hindi pa ninyo nagagawa ang inyong Ucraft website, sundin ang mga unang hakbang. Kung nagawa na ito at nai-publish na, laktawan na ang mga unang hakbang at dumiresto na sa live chat widget setup.
- Puntahan ang Ucraft website at i-click ang Get Started button sa kanang kanto sa itaas. Kayo ay agad dadalhin sa website creation page.
- Puwede na kayong mamili mula sa 120 na template. Ang mga kategorya ay business, e-commerce, personal, blog, event, at marami pang iba. Suriin silang mabuti at piliin ang template na pinakabagay sa inyo. Pagkatapos ay pumili ng pangalan para sa inyong Ucraft subdomain at i-click ang get started.
- Sa mga susunod na hakbang ay papipiliin kayo ng mga payment option, pati na ang pagkakataong simulan na ang inyong libreng 14-araw na trial. Kapag natapos na ito, dadalhin kayo sa website editor at puwede ninyong i-customize ang website. Ang editor ay talagang user-friendly at matutulungan kayong iwasan ang mga problema sa pag-customize ng inyong website.
- Kapag nagawa na ninyo ito at gusto ninyong idagdag ang LiveAgent live chat button, i-click ang Dashboard sa kaliwa at pumunta sa Integrations. Ngayon ay piliin ang LiveAgent mula sa listahan at ilagay ang inyong mga detalye – LiveAgent company name at Chat button ID. I-click ang Connect.
Tapos na! Okay na ang inyong integration ng LiveAgent live chat at handa na itong sumagot sa mga tanong at request ng customer. Pumunta sa LiveAgent academy at alamin kung paano makipag-ugnayan nang maayos sa live chat o basahin ang live chat features para makita kung ano ang mga kakayahan nito.
Take your website support to the next level and deliver seamless customer experiences
Easily manage customer inquiries, support requests, and engage with visitors in real-time, all within the LiveAgent platform with Ucraft integration.
Frequently Asked Questions
Ano ang Ucraft?
Ang Ucraft ay isang intuitive website builder na magagamit ng parehong mga baguhan at propesyonal. Pinasimple nito ang proseso ng paggawa ng mga website at pinabilis ang proseso na di bumababa ang quality. Ang website na ginawa sa Ucraft ay isang magandang option kung kayo ay interesado sa paggawa nito para sa inyong kompanya o event.
Paano gamitin ang Ucraft sa LiveAgent?
Mahalaga ang customer service sa ikatatagumpay ng kahit anong online store at business website. Ang magandang balita ay, ang LiveAgent ay nagpapasimple sa prosesong ito sa pamamagitan ng pagdagdag ng chat button sa inyong website at paglalagay ng ticketing system na kinokonekta ang inyong support email sa chat button.
Paano ang integration ng Ucraft sa LiveAgent?
Ito’y simple! Kapag nakuha na ninyo ang inyong website, puwede nang mag-edit. Pumunta sa Dashboard > Integrations at piliin ang LiveAgent. Pagkatapos, kailangan na lang ilagay ang inyong help desk link at chat button ID. Pag-click ng Connect, tapos na ang integration.
Alamin kung paano madaling magdagdag ng live chat sa iyong uKit website gamit ang LiveAgent integration. Ang uKit ay isang user-friendly na website builder na perpekto para sa mga hindi teknikal na gumagamit, na nag-aalok ng mga pre-made at customizable na template para sa iba't ibang negosyo. Simulan ang iyong libreng pagsubok at pagandahin ang customer interaction sa pamamagitan ng live chat button. Bisitahin ang aming website para sa step-by-step na gabay at simulang gamitin ang LiveAgent ngayon!
Discover TimeCamp, a feature-rich time tracking app integrated with LiveAgent. Track team projects, tasks, and productivity effortlessly with automatic time tracking. Enjoy free access or opt for advanced features to enhance your team's performance and customer support. Start your free 14-day trial today and optimize your workflow with seamless integration. No credit card required!
Discover seamless project management with Trello and LiveAgent integration! Easily manage tasks, automate processes, and enhance workflow efficiency without switching apps. Integrate through Zapier and enjoy advanced task management, all from your LiveAgent dashboard. Start your free trial now—no obligations!
Enhance your small business with vCita integration on LiveAgent, offering seamless appointment scheduling, client management, and marketing tools. Easily manage customer interactions, streamline workflows, and schedule appointments directly from LiveAgent. Start your free trial today and discover how vCita can boost your business efficiency.