VoIPcloud integration
Partner website
Partner Privacy Policy
Ano ang VoIPcloud?
Ang VoIPcloud ay isang VoIP at cloud services provider. Kasama sa kanilang service portfolio ang multi-tenant cloud PBX, call termination, mga inbound service, pati ang kanilang sariling billing platform at direct routing sa Microsoft Teams.
Paano gamitin ang VoIPcloud?
Ang unified communications ticketing system ng LiveAgent ay may kasamang call center. Habang ang aming help desk solution ang nag-aasikaso sa inyong mga pangangailangan sa call center, ang isang VoIP provider gaya ng VoIPcloud ang magbibigay ng inyong call number. Ang inyong call number ay madaling ikonekta sa LiveAgent at puwede agad kayong magsimulang tumugon sa inyong customer calls.
Ang advanced call center features ng LiveAgent ay makatutulong sa inyong pagaanin ang inyong mga workflow at i-manage ang inyong mga call. Pakinabangan ang call routing at IVR trees para tulungan ang inyong mga customer na makipag-ugnayan sa tamang mga department.
Hayaang mag-request ang mga customer ng automatic callbacks o gumawa ng internal calls sa inyong mga katrabaho. Siguradong nakatago para sa hinaharap ang lahat ng mga call sa pamamagitan ng unlimited record history
Ano ang mga benepisyo sa paggamit ng VoIPcloud?
- Global ang coverage
- Kasama na ang billing management feature
- Suportado ang Microsoft Teams calls
- May partnership program
Considering a call center help desk?
LiveAgent's ticketing system handles customer calls effortlessly. Start our 14-day trial and set up your call center today
May bayad ba ang integration ng VoIPcloud sa LiveAgent?
Habang may hiwalay na bayad ang VoIPcloud para sa mga serbisyo, ang VoIPcloud integration sa LiveAgent ay sakop na ng paid plan at walang karagdagang bayad. Puwede kayong maglagay ng kahit gaano karaming mga numero at libre ito, at agad na ninyong simulan ang pagtawag sa inyong mga customer.
Paano ang integration ng VoIPcloud sa LiveAgent?
Hindi kailangang i-activate o i-configure ang maski anong mga plugin o gumamit ng mga third-party service. Idagdag lang ang inyong numero at ilang karagdagang detalye para makatawag agad. Sundan ang guide sa ibaba para malaman kung paano.
- Kailangan ng registration sa VoIPcloud. Kung wala pa kayong VoIPcloud number, pumunta sa kanilang website at mag-click sa Apply Online sa kanang kanto sa itaas. Kailangan ninyong sagutin ang contact form at hintayin ang tugon ng VoIPcloud team. Kapag nakuha ninyo ang access sa inyong bagong account, lumipat sa LiveAgent.
- Kapag nakuha na ninyo ang inyong VoIPcloud account username, password, at phone number, pumunta sa inyong LiveAgent dashboard at buksan ang Configuration > Call > Numbers. I-click ang orange na create button sa itaas at piliin ang VoIPcloud mula sa listahan ng mga provider.
- Magbubukas ang bagong section. Ilagay ang inyong username, password, host at VoIPcloud number. Puwede rin ninyong piliin ang department, dial-out prefix, pangalanan ang number, at piliin kung gusto ninyong recorded ang mga call. Kapag nagawa na ninyo, i-click ang Add at tapos na ito.
Balikan lang muli ang guide na ito kung gusto ninyong dagdagan ang mga call number sa LiveAgent call center. Gusto pa ninyo ng karagdagang detalye tungkol sa LiveAgent call center at ticketing system? Magbasa sa aming features page o panooring nang sagit ang video tour sa ibaba para makita ang lahat.
Frequently Asked Questions
Ano ang VoIPcloud?
Ang VoIPcloud ay isang VoIP at cloud service provider na may world-class na voice platform at global support. Sila ay may offer ding sariling billing management at Microsoft Teams support.
Puwede bang mag-integrate ang VoIPcloud sa LiveAgent?
Hindi kailangang isama ang VoIPcloud dahil ito’y kasama na sa call center ng LiveAgent. Ang kailangan lang ninyong gawin ay kumonekta sa inyong VoIPcloud number. Pumunta sa LiveAgent at buksan ang Configuration > Call > Numbers Gumawa ng bagong numero at piliin ang VoIPcloud Sagutin ang mga detalye at i-click ang Add
Libre ba ang VoIPcloud integration sa LiveAgent?
Habang ang VoIPcloud ay may hiwalay na bayad, ang LiveAgent naman ay kasama na sa isa sa mga plan ang integration na ito kaya wala nang hiwalay na bayad
Discover Sipcall, a reliable VoIP telephony solution for seamless integration with LiveAgent's call center. Enhance your business communication with virtual phone systems, SIP trunk connections, and certified SIP accounts featuring Swiss phone numbers. Effortlessly manage calls and improve customer relations with advanced features like IVR and call recording. Visit our page to explore how Sipcall can benefit your business and simplify your call center operations!
Ikonekta ang hallo sa LiveAgent nang libre at pagbutihin ang iyong customer experience gamit ang kanilang VoIP integration. Subukan ang hallo kasama ang LiveAgent para sa seamless telephony at cloud services nang walang dagdag na bayad sa integration. Alamin kung paano simulan ang iyong libreng account at gamitin ang iba't-ibang device para sa mas epektibong serbisyo.
Ikonekta ang GoTrunk VoIP sa LiveAgent nang libre at palakasin ang iyong call center operations. Alamin ang simpleng proseso ng integrasyon at magsimula sa mga mababang singil sa pagtawag gamit ang GoTrunk, isang nangungunang SIP trunking service. Siguraduhing ma-maximize ang iyong customer service experience sa pamamagitan ng advanced features ng LiveAgent call center software. Bisitahin ang aming site para sa higit pang detalye.