Xero integration
Partner website
Partner Privacy Policy
Ano ang Xero?
Ang Xero ay isang accounting platform na ginagamit para sa invoicing, reporting, bank reconciliation, at marami pa.
Paano ito magagamit?
Gamitin ang Xero integration sa paggawa o pag-manage ng mga bagong bill, order, payment, contact, quote, invoice, o resibo. Puwede rin itong gamitin para makakuha ng notification tungkol sa anumang bagong news or pagbabago sa mga item na ito.
Mga Benepisyo
- I-track at i-manage ang inyong mga invoice, report, at marami pa
- Gumawa ng tasks at iba pang actions mula sa iisang software na lang
- I-manage ang inyong mga customer o magdagdag ng tasks at comments
- Di na palipat-lipat ng apps
Paano mag-integrate ng Xero sa LiveAgent gamit ang Zapier
Puwedeng gamitin ang Zapier sa pag-integrate ng Xero sa LiveAgent. Pinapadali ng Zapier ang proseso ng integration ng dalawang apps. Ilang minuto lang at tapos ito agad, at di mo kailangang maging marunong sa coding para gawin ito.
Ang una ninyong kailangan ay isang Zapier account. Gumawa ng isa dito. Pagkatapos, mag-log in lang at tumuloy sa LiveAgent + Xero integrations site.
Pagkatapos, i-click ang blue button sa ibaba. Bilang halimbawa sa guide na ito, pinili namin ang Xero trigger na New Bill at ang LiveAgent action na New Conversation.
Sa susunod na section, kailangang i-configure ang Xero trigger. Mag-log in sa account ninyo at ilagay ang kinakailangang data permissions. Magagawa agad ang configuration sa pag-click ng ilang simpleng options.
Ang susunod na gagawin ay ang pag-test sa trigger ninyo. Puwede ninyong laktawan ang hakbang na ito pero rekomendado naming subukan pa rin ninyo para maiwasan ang anumang isyu.
Ngayon ay ang configuration naman ng LiveAgent action. Sa setup na ito, kailangang sulatan ang ilang fields tulad ng sender at recipient email, message subject, at iba pa. Mag-iiba-iba ito depende sa integration na gusto ninyong gawin. Tandaan na ang message sender email ay hindi puwedeng katulad ng ginagamit ninyo para sa LiveAgent account ninyo.
Kapag tapos na kayo, magsagawa ng panghuling integration test para makita kung gumagana ito. Sakaling magkaroon ng problema, may mainam na troubleshooting guide ang Zapier sa site.
Makikita na ninyo ang paggana ng integration. Tuwing may panibagong bill na idadagdag sa Xero, makakakuha kayo ng bagong ticket sa LiveAgent ticketing system.
Bumalik lang sa site tuwing gusto ninyong gumawa pa ng maraming integration para sa inyong LiveAgent help desk.
Frequently Asked Questions
Ano ang Xero?
Ang Xero ay isang cloud-based accounting software na ginagamit ng mga maliliit na business. Puwedeng gawin ang sumusunod sa Xero: - mag-schedule at magtago ng mga payment - mag-claim ng expenses - mag-track ng mga project
Paano magagamit ang Xero integration sa LiveAgent?
Sa Xero integration ng LiveAgent, puwedeng gawin ang sumusunod: - mag-manage ng mga bill, payment, order, invoice, resibo - makakuha ng notifications tungkol sa anumang news at pagbabago
Discover how Zimbra integrates with LiveAgent to enhance your business email and collaboration experience. Zimbra offers innovative messaging solutions, syncing appointments and contacts seamlessly. Elevate your customer support with LiveAgent's ticketing system, organizing Zimbra emails efficiently. Unlock advanced communication features and manage your emails, live chats, social media, and more—all in one platform. Start your free trial today and transform your customer service with Zimbra and LiveAgent integration.
Ikonekta ang hallo sa LiveAgent nang libre at pagbutihin ang iyong customer experience gamit ang kanilang VoIP integration. Subukan ang hallo kasama ang LiveAgent para sa seamless telephony at cloud services nang walang dagdag na bayad sa integration. Alamin kung paano simulan ang iyong libreng account at gamitin ang iba't-ibang device para sa mas epektibong serbisyo.
Discover Kerio Connect, an all-in-one collaboration solution with email server capabilities, ideal for small to medium-sized businesses. Effortlessly integrate with LiveAgent for enhanced customer support. Experience easy setup, robust security features, and seamless communication across platforms. Try for free!
Discover seamless project management with Trello and LiveAgent integration! Easily manage tasks, automate processes, and enhance workflow efficiency without switching apps. Integrate through Zapier and enjoy advanced task management, all from your LiveAgent dashboard. Start your free trial now—no obligations!