Yootel integration
Partner website
Dagdag na Info
Partner Privacy Policy
Yootel Privacy policy
Ano ang Yootel ?
Ang inyong reference VoIP operator, ang Yootel, ay itinatag noong 2012 at dedicated ang kanilang mga serbisyo sa mga propesyonal. Ang users ay laging konektado sa kanilang mga collaborator at magbebenepisyo sa mga makabuluhang pakinabang tulad ng total support, napakaayos na koneksiyon, at state-of-the-art na equipment.
Ang aming business telephony, fixed man o mobile, ay madaling nakakapag-interface sa mga business application. Pareho silang simpleng gamitin, angkop sa lahat ng paggamit sa anumang kaso sa organisasyon ninyo, at kapaki-pakinabang sa inyong gawain sa araw-araw.
Binibigyan kayo ng access ng Yootel sa mga VoIP feature na nangunguna sa market, halimbawa ang IP telephony para sa mga business, Centrex, Trunk Sip, ang unified communication, at ang management solution para sa mga contact center nang mapabuti ang mga customer relation. Dagdag ito sa mga marketing solution at mga high value-added na serbisyo gaya ng mga special number, voice reception, at IVR.
Paano ito magagamit?
Kung hanap ninyo’y isang VoIP provider para ikonekta sa inyong LiveAgent call center, magandang piliin ang Yootel. Ang LiveAgent call center ang mag-aasikaso ng tawag at tickets habang ang Yootel ang gagawa ng iba pang kailangang gawin. Kailangan lang ng laptop o smartphone microphones at speakers para makapagtayo ng isang starter call center. Puwedeng magdagdag ng ibang hardware kapag gusto ninyong mag-improve ang inyong call quality sa paglaon.
Paano makakabenepisyo sa LiveAgent call center?
Kahit na mas pinipili ng iba ang digital customer experience, may mga naghahanap pa rin ng malalimang personal na koneksiyon sa brands na gusto nila. Ang mga call center ay magandang paraan para mapahusay ang inyong customer relationships, magbenta ng produkto, magkaroon ng bagong customers at users ng serbisyo ninyo, o magbigay ng pangkalahatang customer service.
Dahil sa humihina na ang mga tradisyonal na call center at mas dumadalas na ang paggamit sa mga call center software tulad ng LiveAgent, mas madali nang makapagbigay ng ganitong uri ng mga karanasan para sa inyong mga customer nang hindi na kailangang gumastos nang malaki. Mas abot-kaya na ang call center ng iba’t ibang uri ng mga business, malaki man o maliit.
Paano gumagana ang LiveAgent call center?
Ginagawang mas madali ng LiveAgent ang pangangasiwa at pagpapatakbo ng isang call center sa tulong ng kanilang advanced features. Halimbawa, puwede kayong gumawa ng custom na IVR (Interactive Voice Response) trees, na automatic ang pag-route ng mga customer ninyo sa nararapat na department at agent.
Ang pinakamahusay na bahagi rito ay ginagawa ng LiveAgent IVR feature ang lahat ng trabaho, at nagiging hassle-free ang karanasan ng mga customer. Kailangan lang nilang pakinggan ang IVR menu at pindutin ang nararapat na dial pad key (tulad ng “pindutin ang 1 para sa sales”) para makonekta sa tamang tao na tutulong sa kanila.
Sa maling department ba aksidenteng kumonekta ang customer? Simple lang ang solusyon dito — gamitin ang call transfer nang iruta ang customer sa isa sa inyong mga katrabaho para makatipid ng oras.
Nakakalimutan ba ninyo ang mga sinasabi ng mga customer? Huwag mag-alala. Nire-record ng LiveAgent ang lahat ng incoming at outgoing call at itinatago itong lahat sa sistema. Kung kailangan mong alalahanin ang anumang detalye, hanapin lang ang ticket at pakinggan ang buong call recording. Puwede ring gamitin ang call recording sa training ng mga bagong agent para maipakita sa kanila ang mga tamang pagsagot sa mga tawag ng customer.
Gusto pa ninyo ng karagdagang impormasyon tungkol sa features ng call center namin? Bisitahin ang aming Call Center feature page na naglalaman ng lahat ng impormasyon tungkol sa kapasidad ng LiveAgent call center.
Paano ang integration ng Yootel VoIP sa LiveAgent?
Kung gusto ninyong gumawa ng LiveAgent call center na Yootel ang VoIP provider, sundin lang ang simpleng guide na ito.
- Buksan ang LiveAgent at pumunta sa Configuration > Call > Numbers. I-click ang orange na Create button sa itaas.
- Piliin ang Yootel sa listahan ng VoIP providers.
- Pangalanan ang number, piliin ang department, ilagay ang mga detalye ng login ninyo, at piliin ang dial-out prefix number ninyo. Puwede ring ilagay o alisin ang check option na magre-record ng lahat ng tawag na makukuha at gagawin mula sa number na ito. Kung tapos ma kayo, i-click ang Add button sa ibaba.
Ang phone number ay nasa LiveAgent at handa nang gamitin. Kung gusto ninyo, puwede pang magdagdag ng ibang Yootel phone number o mga number mula sa ibang VoIP provider.
Alamin ang karagdagang impormasyon tungkol sa LiveAgent Call Center software
Gusto ba ninyong alamin kung ano pa ang magagawa ng LiveAgent? Panoorin ang video sa ibaba para makita ang kabuuang tour ng aming customer support software.
Discover seamless communication with VoipTel International, a leading telecom provider in Switzerland offering competitive pricing and high-quality services. Easily integrate with LiveAgent call center for free and enhance your customer support experience with advanced features like IVR and call recording. Experience cost-effective solutions and exceptional support with VoipTel International. Start your free trial today and transform your business communication!