Zentyal integration
Partner website
Partner Privacy Policy
Zentyal Privacy policy
Ano ang Zentyal?
Ang Zentyal ay isang email server at groupware solution na tumatakbo sa Linux. May libre itong download development addition pati na ang available na source code. Meron itong dalawang package – Zentyal Server para sa SMBs at Zentyal Cloud sa pag-host ng providers. Ang email server solution na ito ay para sa mga kompanyang may kakayahan at karanasan na sa pag-install at pag-maintain ng email servers. Ang Zentyal ay may offer na anti-virus at antispam protection, pati na rin contact at calendar services.
Paano ginagamit ang Zentyal?
Ang Zentyal ay isang email server na bagay sa mga kompanyang may mahuhusay na teams na nakakaintindi kung paano mag-set up, mag-configure, at mag-maintain ng email server. May native compatibility ito sa Microsoft Active Directory kaya madaling makaka-manage ng clients dito. Ang Zentyal ay may customer support sa lahat ng customers tuwing kailangan nila ng tulong, pero madali lang itong gamitin kahit wala nang tulong. Ang website ay may offer na documentation ng maraming topics tungkol sa solution, pati na customer portal. Puwede ring makapag-integrate ng Zentyal email ninyo sa LiveAgent at gamitin ito bilang primary help desk communication platform.
Ang LiveAgent ticketing system ay nakaka-integrate sa virtual mail domains ninyo bilang isang dedicated solution ng customer support. Pakinabangan ang maraming productivity features tulad ng universal inbox na nagtatago ng customer communication mula sa anumang channel, o predefined answers para mas mabilis kayong makasagot. Mag-split ng tickets kung masyadong komplikado ang isyu o mag-set up ng rules para magawa ang maraming automations na aasikaso sa maraming tasks.
Puwede pang magdagdag ng higit pa sa email. Gumawa ng digital call center, mag-set up ng live chat widget para sa website ninyo, gumawa ng customer portal gamit ang knowledge base, o idagdag ang social media accounts ninyo mula sa Facebook, Twitter, Instagram, at Viber. Suportado ang bawat communication channel ng maraming productivity features na sisiguradong ang workflow ninyo ay mas organisado at mas madalig gampanan.
Ano ang mga benepisyo ng Zentyal integration?
- May customer support na
- Native na Microsoft Active Directory compatibility
- Unlimited na virtual domains
Paano mag-integrate ng Zentyal sa LiveAgent
Ang LiveAgent ticketing system ay puwedeng mag-integrate sa Zentyal gamit ang IMAP/POP3. Dahil sa configuration settings ng LiveAgent, ang option na ito ay readily accessible. Ang step-by-step guide na ito ang tutulong sa inyong mag-integrate ng Zentyal sa inyong ticketing system.
- Kailangan ba ninyong mag-install muna ng Zentyal? Pumunta lang sa Zentyal website at pumili ng plan na babagay sa inyo. Makatutulong ang customer portal section sa Zentyal website, pati na ang installation guide. Kung may Zentyal access na kayo at naka-configure na ito, pumunta sa LiveAgent at ituloy ang susunod na mga hakbang.
- Ngayong naka-configure at handa nang gamitin ang Zentyal, pumunta sa LiveAgent account ninyo. Kung wala pa kayo nito, simulan ang libreng trial. I-click ang Create button sa ilalim ng Configuration > Email > Mail Accounts. Makikita ninyo ang listahan ng available email providers. I-click ang Other sa ibaba at IMAP/POP3 sa susunod na window.
- Para magandang makapag-integrate ng Zentyal, kailangan ninyong ilagay sa LiveAgent ang detalye ng Zentyal. Magbigay ng username, password, at email address. Kapag naipasok na ito, pumili ng method of fetching na may server information at port. Tandaang piliin ang department na magiging responsable sa paghawak ng tickets mula sa email address na nilagay ninyo. I-click ang Save button sa ibaba ng window para makumpleto na ang configuration.
Naka-set na ang lahat. Makukuha na ang Zentyal emails ng LiveAgent mula sa ticketing system ninyo. tingnan kung ano pa ang magagawa ng LiveAgent sa video sa ibaba. Puwede rin ninyong ma-review ang features page para sa karagdagang options, pati na ang Academy page sa dagdag na impormasyon tungkol sa customer support.
Frequently Asked Questions
Ano ang Zentyal?
Ang Zentyal ay isang software solution para sa email at groupware na tumatakbo sa Linux. May development addition na available bilang libreng download pati na ang source code. Available ito sa dalawang magkaibang package: Zentyal Server para sa maliliit na business at Zentyal Cloud sa pag-host ng mga kompanya. Ang kompanyang may karanasan na sa pag-install at pag-maintain ng email servers ang magbebenepisyo nang husto mula sa email server solution na ito. Bukod sa anti-virus at anti-spam protection, ang Zentyal ay may offer ding contact at calendar services.
Paano ginagamit ang Zentyal?
Sa Zentyal, ang email servers ay puwedeng mai-set up at pangasiwaan ng mahuhusay na teams na nakakaintindi kung paano mag-operate ng email server. Ang Microsoft Active Directory ay native na sinusuportahan nito kaya madaling makaka-manage ng clients dito. Kung may customer na nangangailangan ng tulong sa Zentyal, puwede nilang makuha ito sa customer support department. Madali ring gamitin ang Zentyal kahit wala nang assistance. May customer portal ding available sa website, na merong ilang topics tungkol sa solution. Bilang alternatibo, puwede kayong mag-integrate ng Zentyal sa LiveAgent at gamitin ito sa pakikipagkomunikasyon sa inyong help desk.
Ano ang mga benepisyo ng Zentyal integration?
May customer support na available Native na Microsoft Active Directory compatibility Unlimited na virtual domains
Paano mag-install ng Zentyal server?
Ang Zentyal server ay puwedeng ma-install gamit ang install wizard na puwedeng ma-download sa page. Dadalhin kayo nito sa buong installation process nang step-by-step. Makikita rin ninyo ang magandang guide sa Documentation section ng Zentyal website na kasama ang configuration options at iba pang impormasyon.
Discover how Zimbra integrates with LiveAgent to enhance your business email and collaboration experience. Zimbra offers innovative messaging solutions, syncing appointments and contacts seamlessly. Elevate your customer support with LiveAgent's ticketing system, organizing Zimbra emails efficiently. Unlock advanced communication features and manage your emails, live chats, social media, and more—all in one platform. Start your free trial today and transform your customer service with Zimbra and LiveAgent integration.
Enhance your small business with vCita integration on LiveAgent, offering seamless appointment scheduling, client management, and marketing tools. Easily manage customer interactions, streamline workflows, and schedule appointments directly from LiveAgent. Start your free trial today and discover how vCita can boost your business efficiency.
Discover Yootel's seamless VoIP integration with LiveAgent. Founded in 2012, Yootel offers top-notch VoIP services, business telephony, and marketing solutions, perfect for enhancing your call center experience. Benefit from superior connectivity, total support, and advanced equipment. Learn how to integrate Yootel with LiveAgent to improve your customer service capabilities efficiently. Start your free trial today and transform your communications setup!