Magbigay ng magaling na customer experience gamit ang live chat platform ng LiveAgent. Maka-access ng mabilis na live chat widget at advanced features na sadyang mapadadali ang anumang customer interaction. Gawing customer ang website visitors at ayusin ang customer queries na may real-time support. Pagandahin ang customer engagement gamit ang iisang chat application. Makatipid sa oras at tutukan ang mga importanteng gawain sa LiveAgent customer service platform.
Chat software
Chat capabilities
Isang state-of-the-art chat tool ang ino-offer ng LiveAgent. Meron itong premium features para tulungan ang customer support teams na makapagbigay ng magaling na chat experience. Ilan sa pangunahing features ang smart chat routing, proactive chat invitations, visitor tracking, at marami pa. Ang multilingual chat widget ng LiveAgent ay isa sa pinakamabilis sa market ngayon.
Mga benepisyo ng chat support software
Makakuha ng napakagaling na user experience kada chat agent at magbigay ng magandang experience sa pag-uusap sa customer. Tutulong ang aming advanced features sa customer support agents na mag-handle ng daan-daang pag-uusap araw-araw. Tingnan kung ano ang makukuha ng inyong help desk agents sa iisang platform.
Pagbutihin ang agent productivity gamit ang:
Pagandahin ang inyong website at makipag-usap sa visitors, salamat sa modernong messaging software. Pataasin ang customer loyalty dahil sa mabilisang pagsagot sa chat requests, salamat sa isang powerful na tool. Tingnan kung ano ang makukuha ng inyong customers at customer service teams sa LiveAgent.
Puliduhin ang customer journey dahil sa:
Ang LiveAgent ay higit pa sa pagiging simpleng live chat provider. Diskubrehin ang aming customer service platform na kayang mag-handle ng bawat importanteng communication channel. Alamin ang detalye ng essential features at tingnan kung paano sila gumagana.
Automatic messages
Makapukaw ng atensiyon gamit ang proactive messages na mag-iimbita sa website browsers na makipag-chat sa customer care agent. I-customize ang mga message at gumawa ng personalized experience na ideyal sa pakay ng website ninyo. Ang proactive chat invitations ay isang powerful na feature na puwedeng gawing nagbabayad na customer ang website visitors.
Visitor tracking
Tutukan ang website visitors para makita kung saan silang bahagi nagbababad. Ipapakita ng chat overview ang bilang ng website visitors, aktibong agents, at bawat nagaganap na chat. Gamitin ang website monitoring para matukoy ang paboritong URLs. Magpadala ng chat message sa potential customers kung gusto ninyo silang tulungan sa kanilang journey.
Pasilip sa message
Ihanda na ang mga sagot ninyo bago pa man magpadala ang customer ng message. Ipapakita ng real time typing view kung ano ang sinusulat ng customers bago pa man nila ipadala ito. Gamitin ang powerful feature na ito para paghandaan nang mas mabilis ang mga sagot o para makapag-research agad tungkol sa mga topic at sa customer. Magbigay ng customer support na may di matutularang bilis.
Language options
Sinasalita ng LiveAgent ang wika ninyo at ang wika ng inyong customers. Pumili sa higit 40 wikang tutulong sa inyong makapagbigay ng support sa iba’t ibang bansa. I-customize ang inyong chat windows at piliin ang kanilang pangunahing wika. Puwedeng i-set up ang bawat chat widget na iba-iba ang wika kung nagbibigay kayo ng support sa iba’t ibang lugar.
00:00/05:51
Flexible chat
Kasama sa live chat software para sa website ang live chat widget na puwede ninyong ma-customize at ilagay sa inyong website gamit ang ilang linya ng generated code. Dahil sa chat widget customization settings, mababago ninyo ang hitsura nito, makakapag-setup kayo ng custom branding, o makagagawa ng pre-chat form para makuha ang contact details. Pagandahin ang inyong site gamit ang live chat para sa WordPress. Iki-click lang ng customers ang widget kapag nagba-browse sa isang website, at kokonekta na sa isang customer support agent. Puwede ring sumagot ang chat agent mula sa mobile app na available sa Android at iOS.
Tutulungan ng chat conversations na mapabuti ang sales process ng contact center ninyo at ma-empower ang mga online business
Mas makatipid
Ang pinakamabilis na chat widget ng LiveAgent ay tutulong sa maaasahan at mabilis na pag-aayos ng mga isyu. Makatipid sa presyo ng support ng isang agent kada buwan at lutasin ang mas malaking chat volume sa mas maikling panahon.
17 – 30%
Bawas sa gastusin
Ang paggamit ng live chat bilang platform ng communication ay mas mura kaysa sa calls at mas mabilis sa emails. Maranasan ang pagbawas sa gastusin gamit ang LiveAgent.
Mas kumita pa
Tulungan ang inyong customers sa desisyon nilang bumili at magrekomenda ng mas magandang mga produkto. Gawing nagbabayad na customer ang mas maraming website visitors. Taasan ang inyong conversions gamit ang simpleng chat window sa inyong website.
20%
Itinaas ng conversion rate
Palakasin ang conversion rates ninyo at dagdagan ang kita sa paggamit ng magandang chat strategy. Tutulong ang aming chat app na ma-convert ninyo ang visitors para maging customers, at madagdagan ang inyong ROI.
Pasayahin ang customers
Pagandahin ang customer loyalty at gamitin ang pinakamabilis na chat widget para tulungan ang inyong customers. Bawasan ang cart abandonment gamit ang makatutulong na features at manatiling available para makita ng website viewers kapag nagba-browse sila.
73%
Mas mataas na satisfaction rates
Magbigay ng personalized conversations para sa inyong customers. Ang aming fully-featured na live chat software ay tutulong sa inyong customer satisfaction at magandang karanasan ng agent.
Piliin ang napakagaling na customer success software na may chat capabilities sa tamang halaga. Makatipid sa aming price calculator at sulitin ang halaga para sa chat functionality.
Subukan ang lahat ng ino-offer namin sa libreng 30-araw na trial
Mga Testimonial
Pinakamagandang presyo
Ang LiveAgent ay may offer na pinakasulit na halaga sa mundo ng live chat support software.
Pinakapopular
Ngayong may konting ideya na kayo kung bakit puwedeng malaking tulong ang live chat software sa inyong kompanya, alamin pa natin kung paano ninyo magagamit ang power ng nakamamanghang tool na ito.
Ito ay isang online chat software na makakakonekta sa inyo sa inyong customers nang real-time mula kahit saan. Sa live chat software, di lang kayo mas mabilis at madaling nakokontak ng clients ninyo pero nabibigyan din kayo ng competitive edge at nakagagawa pa ng nagtatagal na magandang impression sa inyong customers.
Sa ngayon, ang pinakapopular at malawakang ginagamit ay ang text-only live chat software. Nagbibigay itong uri ng live customer chat ng casual chatting experience parang sa paggamit ng messaging apps tulad ng Facebook messenger.
Ang ibang uri ng live chat software ay video at voice solutions. Hindi ito ang kadalasang gustong paraan ng customers sa pagkontak sa inyong business pero makatutulong ito kapag mas komplikadong isyu ang inaayos na nangangailangan ng mas malalimang pagpapaliwanag o video demo.
Importanteng tandaan na maraming text-only live chat applications ang puwede ring hikayatin ang users na makipag-voice chat o video chat.
Ano ang ilang pangunahing features at functionalities ng ganitong chat solution? Silipin natin ang ilang features na baka makatulong sa inyo.
Ang paggamit ng live chat app ay sadyang makapagpapaganda ng inyong business performance habang napapasaya ninyo ang inyong customers at napananatiling engaged sila.
Tingnan natin ang ilan sa pinakamahalagang benepisyong maidudulot ng live chat service sa inyong business.
1. Customer experience – Puwedeng magkaroon ang website visitors ninyo ng personalized experience habang nakikipag-usap sila sa isang support agent. Ang dating ng mga kompanya ay mas totoo at mas malalapitan kapag nakakausap sila ng customers sa real-time gamit ang live chat system.
2. 24/7 customer support – Puwedeng magpadala ang site visitors ng chat message kahit walang agents na naka-online. Puwede ninyong i-configure ang inyong live chat para idirekta sila sa isang knowledge base o self-service.
3. Nadagdagang web conversions – Ang inyong sales team ay puwedeng mag-pitch ng inyong mga produkto at serbisyo sa potential customers habang napapanatili ang real-time na pakikipag-usap nang relaxed lang pero professional pa rin.
4. Accessible at engaging – Di dapat nag-aaksaya ng oras ang customers sa paghahanap ng contact information ninyo. Puwede na silang mag-type ng tanong sa live chat para makakuha agad ng tulong. Puwede rin kayong maglagay ng multilingual chat widget para magamit ng mga customer ang kanilang sariling wika para makipag-usap sa inyo.
5. Nagtataguyod ng relasyon – Malalaman agad ng agents ang tono ng boses ng customers para agad silang makapag-adjust sa sitwasyon. Maipapakita rin nila ang kanilang personalities para makapagtaguyod ng pagkakatiwalaan at makatutulong na relasyon.
6. Pinapalakas ang productivity – Ang isang agent ay isang tawag lang ang puwedeng i-handle, pero puwede silang makipag-chat sa maraming website visitors nang sabay-sabay. Kasama ng advanced features tulad ng canned messages o chat automation, puwede pa ninyong ma-streamline ang workflow ng contact center ninyo.
7. Pinataas na first contact resolution – Mabilis masasagot ng customer service rep ang mga tanong mula sa bago at nagbabalik na users. Di na kailangang magkaroon ng napakahabang email threads kung kaya namang masagot agad ang clients.
8. Kinokolekta ang data – Ang pag-harvest ng malaking data ang tutulong sa inyong magdesisyon nang mas maayos tungkol sa mga produkto at serbisyo ninyo, pati na sa inyong sales at marketing strategies.
9. Mababang halaga – Ang pag-implement ng maaasahang live chat service ay di hamak na mas okey sa budget kaysa sa pag-set up ng call center.
10. Paborito ito ng customer – Higit 81% ng customers ay kuntento sa live chat solution.
Mahirap tukuyin ang average na presyo ng live chat software. Nakaasa ito sa maraming factors tulad ng kung subscription-based service ba ito, ano ang pricing model ng ganoong solution, ilang features ang kasama, etc.
Pero puwede kaming mag-estima na magbabayad kayo mula $16 hanggang $150 bawat buwan kada agent.
Narito ang ilang halimbawa ng iba-ibang pricing models na puwedeng ma-apply sa website chat software.
Una sa lahat, isulat ninyo kung para saan ang live chat software. Ito ba ang magiging pangunahing paraan sa pakikipag-usap sa customers? Ito ba ang pangunahing tutulong sa pag-close ng business deals? Siguraduhing malinaw ang main use case ng kukunin ninyong live chat software solution. Tapos magdesisyon kung aling option ang pinakabagay sa laki ng business ninyo at kung puwede ba itong ma-integrate sa iba ninyong business applications. Huwag ding kalimutang tingnan ang anumang limitasyon o features na di suportado ng live chat software. Dapat makapagbigay ang pinakamahusay na software para sa call center ng lahat ng features at integrations na kailangan ninyo para mas episyente itong magamit.
Narito ang ilang strategies para tulungan kayong magdesisyon kung aling online chat option ang bagay sa pangangailangan ninyo.
Isang common na tanong ang laging masasaisip. Makakahingi ba kayo ng tulong kapag kinailangan? Ang pagkakaroon ng maaasahang support channel ay kritikal para ang live chat experience ay maging positibo. Puwede ring mabilis ang kapalpakan sa technology kaya importanteng magkaroon kayo ng mabilis sa sagot at tulong kung kailan ninyo ito kailangan.
Habang lumalago ang inyong business, kasama ring lalago ang chat volume. Kailangan ninyo ng isang live chat software solution na puwedeng makapag-scale up o down batay sa pangangailangan ng contact center ninyo.
Ang ilang software options ay hindi gaanong puwede ang customization at ang ilan ay wala ring advanced features tulad ng unlimited chat history, chat tags, o file sharing. Kayo na ang magdesisyon kung gusto ninyo ng ganitong limitasyon.
Anong klase ba ng collaborative experience ang meron sa team ninyo? Puwede ba silang makapag-transfer ng online chats sa isa’t isa, mag-share ng files, maglagay ng tags na nakikita ng mga katrabaho nila, at madaling nakakapag-usap sa isa’t isa? Mahahalagang mga tanong itong kailangang ikonsidera kapag pipili kayo ng live chat software para sa inyo at sa team ninyo.
Lagi naming ipapaalala ang importansiya ng solution na pipiliin ninyo na dapat marami itong kayang integrations. Di lang nito nasusulit ang halaga ng binili ninyo kundi sinisigurado ring magkakaroon ang customers ninyo ng unified experience sa maraming platforms.
Pinakamagandang live chat software para sa maliliit at medium-sized na business sa eCommerce, Saas, etc. na sineseryoso ang customer centricity.
Ang LiveAgent ay isang web-based solution na nagbibigay ng mabilis at maaasahang live chat widget na maraming advanced features. Puwede pa itong ma-customize para sakto itong bumagay sa inyong branding. Sa solution na ito, ang website visitors ay madaling magiging nagbabayad na customers na nabibigyan ng napakagaling na customer service.
Ilan sa kilalang customers ng software na ito ay mga industry giant tulad ng Forbes, Airbus, Nascar, eSky, at Slido.
Ang LiveAgent ay isa sa iilang software solutions na may offer na libreng kumpletong version. Pero kung gusto ninyong pakinabangan ang kabuuang potential nito at ang dagdag na features, kasama ang live chat, puwede kayong pumili sa sumusunod na pricing options: $9, $29, at $49 kada buwan bawat agent.
Pero puwede ninyong subukan ang 30-araw na libreng trial bago kumuha ng isang plan para masubukan ninyo kung ano ang makukuha ninyo.
Pinakamagandang live chat software para sa lumalagong customer-centric na business na gustong magtaguyod ng matatag na relasyon sa kanilang clients.
Ang Front ay magandang option para sa mga business na gustong mag-streamline ng kanilang business communication. May offer ang Front na live website chat na puwedeng i-manage mula mismo sa inyong inbox. Matututukan pa ng team ninyo ang kanilang daily tasks gamit ang team chat feature ng Front para sa magandang daloy ng collaboration.
Ilan sa kilalang customers na gumagamit ng Front software ay Fundraise Up, Hootsuite, at Bubble.
Ang offer ng Front sa customers ay tatlong pricing options. Kasama rito ang $19 option, $49 option, at $99 option. Buwanan ang bayaran batay sa bilang ng users na gumagamit nito. May offer din silang libreng 7-araw na trial para matutunan ninyo ang powerful na software na ito bago kayo mag-subscribe sa isa sa mga bayad na plan.
Suriin ang mga alternatibo sa Front.
Pinakamagandang live chat software para sa mga local business na merong online presence at pisikal na tindahan.
May offer ang Podium na powerful na Podium Webchat solution na tutulong sa inyong maka-generate ng hanggang higit sa 11 beses na inbound leads. Makokolekta ninyo ang impormasyon ng lead bago pa man sila magsimula ng chat para makapagbigay ang team ninyo ng pinakamahusay na posibleng customer experience.
Ilan sa customers ng Podium ay ang Lunchbox, America’s Car-Mart, at Bruce Titus Auto Group.
May offer ang Podium na tatlong pricing options na mapagpipilian. Una ay nagsisimula sa $289, ikalawa ay $449, at ang huli ay $649. Puwede rin ninyong subukan ang Podium nang makita itong gumana gamit ang 14-araw na libreng trial.
Pinakamagandang live chat software para sa maliliit o medium-sized na business na may vision ng paglago.
Nagbibigay ang Zendesk ng live chat option para di lang ikatuwa ng customers pero para rin ma-streamline ang workflow ng inyong agents at mapaganda ang kanilang engagement. May offer ang Zendesk na live chat tool na itataas ang level ng inyong customer satisfaction rate.
Kasama sa customers na gumagamit ng Zendesk help desk software solutions ay ang BaubleBar, 99designs, at Modsy.
Puwede kayong magsimula sa Support option sa halagang $19 bawat operator kada buwan. Kung gusto ninyong maka-access ng mas maraming features kasama ang live chat software, puwede kayong mag-subscribe sa Suite pricing na nagsisimula sa $49. Kung gusto ninyong i-test ang Zendesk, puwedeng mag-sign up sa kanilang 30-araw na libreng trial.
Tingnan na ang mga alternatibo sa Zendesk.
Pinakamagandang live chat software para sa mas malaking customer-centric na kompanyang may mataas na volume ng customer interaction.
Wala nang mas dadali pa para sa customers ninyo ang pagkontak sa inyo gamit ang embeddable chat widgets ng Zoho Desk.
Ilan sa kuntentong customers na gumagamit ng Zoho Desk ay Daimler, Lycamobile, at McAfee.
Ang Zoho Desk ay may libreng option sa pricing plan nila. Para sa mas advanced na features, puwedeng pumili mula sa tatlong tiers na $14, $23, o $40 bawat agent kada buwan. Ang live chat feature ay available sa $40 nilang pricepoint.
Puwede rin kayong mag-subscribe sa libreng 15-araw na trial nang ma-test ninyo ito.
Tingnan ang mga alternatibo sa Zoho Desk.
Pinakamagandang live chat software para sa anumang laki ng business na gustong magbigay ng masasayang experience sa customers nila.
Ang Freshdesk Messaging (dating Freshchat) ay pinapadali ang customer communication gamit ang automation at AI-powered bots. Napakahusay na business tool ang Freshdesk software na pinagkakatiwalaan ng higit 50,000 customer.
Ilan sa mga business na gumagamit ng Freshdesk software ay Blue Nile, Travix, at Klarna.
Maa-access ninyo sa Freshdesk ang essential features gamit ang libre nilang basic plan. Pero para lubos na ma-experience ang powerful software na ito, mag-sign up sa $15, $39, o $49 kada buwan bawat agent. Bago kayo kumuha ng isang may bayad na options, subukan muna ang Freshdesk sa kanilang 21-araw na libreng trial.
I-review ang mga alternatibo sa Freshdesk.
Pinakamagandang live chat software para sa maliliit na business na gustong mailagay sa iisang lugar ang lahat ng kanilang komunikasyon.
May offer ang Tidio na live chat at chatbots sa iisang convenient na tool. Kumonekta sa iba’t ibang website gamit ang dedicated plugins na di kailangan ng anumang coding.
Ginagamit ang Tidio ng iba’t ibang uri ng kompanya tulad ng Reputation, L’Occitane en Provence, at LoginRadius.
Sa Tidio, puwedeng gumamit ang customers ng basic features kasama ang live chat nang libreng-libre. Para sa mas gustong sumubok ng kabuuang makukuha nila sa software solution na ito, meron silang pricing plan na €32.50, €65.83, o €332.50 na taunan ang bayad. Magagamit din ninyo ang 7-araw na libreng trial para magka-ideya kayo sa maidudulot ng live chat software na ito sa inyong business.
Kilatisin ang mga alternatibo sa Tidio.
Pinakamagandang live chat software para sa lumalagong mga business na nagtataguyod din ng advocacy at gustong magbigay ng magaling na customer experience.
Ang HubSpot live chat ay isang chat software solution na naii-streamline ang live chat interactions ninyo gamit ang Conversation Inbox kung saan kayo puwedeng makapag-follow-up sa usapan, makapag-schedule ng meetings, at gumawa ng calls, etc.
Ilan sa clients na gumagamit ng mga produkto ng HubSpot Service Hub ay ang GoFundMe, Frontify, at SoundCloud.
Para maranasan ang maliit na bahagi ng HubSpot live chat software solution, puwedeng mag-sign up nang libre. Puwede ring mag-subscribe sa software ng HubSpot Service Hub na may bayad sa halagang $45, $450, o $1,200 kada buwan. Kung gusto ninyong subukan nang di kumukuha ng may bayad na premium plan, gamitin ang 14-araw na libreng trial.
Tingnan ang mga alternatibo sa HubSpot.
Pinakamagandang live chat software para sa mga business na gustong magbigay ng accessible na communication tools sa kanilang customers.
Naka-translate sa higit 45 wika, ang tawk.to ay magandang option sa lahat ng gustong pasayahin ang kanilang customers sa buong mundo. Sa live chat software solution na ito, makokontak kayo ng inyong customers mula sa kanilang desktop pati sa mobile gadgets nila.
Kasama sa tawk.to customer base ang mga kompanyang tuladng Adidas, Domino’s, at Chevrolet.
Libre ang tawk.to. Wala itong limitasyon sa bilang ng agents o chat volume kaya magagamit ninyo ang live chat software na libreng-libre. Sakaling kailangan ng professional na tulong, puwede kayong kumuha ng native speaker na mag-aabiso sa inyo kung ano ang kailangang gawin sa halagang $1 kada oras.
Silipin ang mga alternatibo sa Tawk.
Pinakamagandang live chat software para sa mga startup at medium-sized na kompanya sa anumang industriya.
Ang LiveChat software solution ay madaling ikonekta sa ibang applications, salamat sa higit 200 integration nila. Magbigay ng mabilis at madaling gamiting live chat support sa iisang app na may multichannel support.
Ilan sa mga business na umaasa sa LiveChat software ay ang Atlassian, 1Password, at Adobe.
Ang LiveChat ay may offer na pricing plans simula sa $16 bawat seat/buwan na taunan ang bayad, o $19 na buwan-buwan babayaran. Ang kasunod na option ay $33 kada seat/buwan na taunan ang bayad, o $39 na buwan-buwan babayaran. Ang huling option ay $50 bawat seat/buwan na taunan ang bayad, o $59 na buwan-buwan babayaran. may offer din ang LiveChat na Enterprise plan na makukuha ninyo ang detalye sa isang demo call. May option ding subukan ang LiveChat software nang libre sa kanilang 14-araw na trial period.
I-review ang mga alternatibo sa LiveChat.
Pinakamagandang live chat software para sa anumang kompanyang gustong dagdagan ang sales at magbigay ng magaling na customer service.
Sa Acquire live chat software, madaling mag-implement ng webhooks, mangolekta ng data, at mag-transfer ng incoming chats sa mga agent habang nagbibigay ng convenient na end-to-end solution para sa inyong customer support.
Ginagamit ang live chat software solution na ito ng mga kompanyang tulad ng Audi, Paysafe, at Samsung
Ang pricing nila ay individual. Puwede kayong mag-request ng custom pricing proposal na nakaayon sa pangangailangan ninyo. Ang Acquire ay walang libreng trial.
Pinakamagandang live chat software para sa malalaking kompanyang nilalagay ang customer sa unahan ng kanilang operations.
Ang matatag na live chat software solution na ito ay nagbibigay ng maraming personalization options, chatbots, in-app messages, at marami pa.
Ang Intercom ay maraming kilalang customers tulad ng New Relic, Airtable, at Sotheby’s.
Simula sa $38/buwan, magagamit na ninyo ang basic features ng Intercom. Kung kailangang i-upgrade, may option na $75/buwan. Naniningil din ang Intercom sa ilang rekomendadong add-ons: custom bots na $99/buwan, answer bot na $99/buwan, product tours na $119/buwan, at help center articles na $49/buwan.
Ikumpara ang mga alternatibo sa Intercom.
Pinakamagandang live chat software para sa anumang laki ng kompanyang gustong pagandahin ang customer experience ng lahat ng clients nila.
Ang all-in-one na customer experience software solution ay nagsisilbi sa higit 80,000 customers sa buong mundo. Ang Birdeye chatbot na si Robin ay tutulong sa agents habang nagbibigay ng sagot sa tanong ng customer.
Maraming kompanya ang umaasa sa Birdeye software solutions tulad ng DriveTime, Eldorado Resorts, at Alliance.
Kailangan ninyong mag-request ng pricing plan na ibabagay sa inyong business. Pero puwedeng subukan nang libre ang Birdseye sa pag-sign up sa 30-araw na libreng trial.
Kilatisin ang mga alternatibo sa Birdeye.
Pinakamagandang live chat software para sa maliliit at medium-sized na mga business na gustong pagandahin ang relasyon nila sa kanilang customers.
Dadalhin ng ActiveCampaign ang automation sa anumang business na di takot subukan ang potential nito. Ang ActiveCampaign Conversations ang puwedeng magdala sa kompanya ninyo sa future.
Kasama sa mga business na nakikinabang sa ActiveCampaign software solutions ay Artivive, McCrindle, at Bumper Leads.
Puwedeng magbayad ng $9, $49, o $149 bawat buwan na taunan ang bayad, o puwedeng mag-request ng custom pricing plan. May offer ang ActiveCampaign na 14-araw na libreng trial para kilalanin ang kanilang features.
Pinakamagandang live chat software para sa mga startup at business na gusto ng malakas na relasyon sa customer.
Para sa Drift, magandang magsimula ng usapan. Dahil sa maraming software solutions kasama ang live chat software, higit 50,000 kompanya ang gumagamit ng Drift para magbigay ng magandang customer experience.
Ilan sa customers na gumagamit ng Drift ay ang Tenable, Smartling, at Zenefits.
Para makakuha ng impormasyon sa presyo ng Drift software, mag-request kayo ng pricing plan. Pero may offer ang Drift na libreng trial period kaya masusubukan ninyo ito bago bilhin.
Tingnan ang mga alternatibo sa Drift.
Tulad ng nakita ninyo, maraming pagpipiliang options ng live chat software para sa inyong contact center.
I-summarize natin ang 5 pinakamahusay na options na puwedeng sagutin ang mga pangangailangan ninyo.
1. LiveAgent – ang pinakasulit sa halaga sa lahat, walang duda. Sa 4.7 na rating sa Capterra, alam ninyong nasa mabuti kayong kamay. Ang offer nito ay ang pinakamabilis na customizable live chat widget na may automation options, kaya di kayo magkakamali rito. Ang pag-convert ng chats sa tickets ay magpapadali sa agents ninyong matutukan ang mga bagay kahit mabigat ang workload. Kasama ang LiveAgent sa paglago ng inyong business dahil sa madaling scalability nito.
2. Zoho Desk – ang magaling na platform para sa medium o malalaking kompanyang inuuna ang kapakanan ng customers. Tulad ng sinasaad ng Capterra rating nitong 4.5, di kayo madi-disappoint kung pipiliin ninyo ito. Sa Zoho Desk, puwedeng i-customize ang live chat software para sumakto sa branding ninyo. Kung mataas ang volume ng customer interactions, puwede ninyong gamitin ang chatbot para maibsan ang trabaho ng agents ninyo at mapababa ang response times.
3. HubSpot Service Hub – ang software na ito ay may Capterra rating na 4.4 na patunay na gusto ng kanilang clients ang kanilang serbisyo. Dahil madali itong i-integrate sa ibang produkto ng HubSpot, madali lang i-set up ang HubSpot live chat. Puwede pa kayong lumalim dito dahil nagbibigay ito ng maraming reports at puwede ninyong pag-aralan nang husto ang analytics ninyo.
4. Intercom – di kayo magkakamali sa dati nang subok na sa larangan ng customer service. Sa kanilang Capterra rating na 4.5, alam ninyo kung bakit meron silang loyal na customer base. Sa dami ng kanilang automation options at multichannel platform, masisiguro ninyong walang maiiwang customer inquiry na di masasagot.
5. Zendesk – nagbibigay ng maraming features na makikita ninyo ang halaga para sa inyong kompanya. Sa Capterra rating nilang 4.4, masisiguro ninyong ang kanilang live chat software ay tutulungan kayong magbigay ng magaling na customer support. Makaka-enjoy ang clients ninyo ng mabilis at personalized na sagot mula sa agents, at mararamdaman din nilang empowered silang ayusin ang sarili nilang inquiries gamit ang self-service option at matatag na knowledge base.
Live chat software | LiveAgent
Subukan ang top live chat software nang libre! Di kailangan ng credit card.
|
Zoho Desk | HubSpot Service Hub | Intercom | Zendesk |
---|---|---|---|---|---|
Capterra rating
Kabuuang software ratings mula sa verified users sa Capterra.
|
4.7
(approx. 1k reviews)
|
4.5
(approx. 1.7k reviews)
|
4.4
(approx. 100 reviews)
|
4.5
(approx. 800 reviews)
|
4.4
(approx. 2.8k reviews)
|
Web-based |
|
|
|
|
|
Libreng version |
May offer ang LiveAgent na libreng version.
|
May offer ang Zoho Desk na libreng version.
|
May offer ang HubSpot Service Hub na libreng version.
|
Walang offer ang Intercom na libreng version.
|
Walang offer ang Zendesk na libreng version.
|
Free trial |
May offer ang LiveAgent na libreng trial.
|
May offer ang Zoho Desk na libreng trial.
|
May offer ang HubSpot Service Hub na libreng trial.
|
May offer ang Intercom na libreng trial.
|
May offer ang Zendesk na libreng trial.
|
Starting price |
$29/agent/month
Ang presyo ng LiveAgent live chat software ay nagsisimula sa $29 agent/buwan.
|
$58.5/agent/month
Ang presyo ng Zoho Desk live chat software ay nagsisimula sa $58.5 agent/buwan.
|
€41/agent/month
Ang presyo ng HubSpot Service Hub live chat software ay nagsisimula sa €41 agent/buwan.
|
$38/agent/month
Ang presyo ng Intercom live chat software ay nagsisimula sa $38 agent/buwan.
|
$69/agent/month
Ang presyo ng Zendesk live chat software ay nagsisimula sa $69 agent/buwan.
|
Kung interestado kayong bumili ng live chat software, narito ang listahan ng mga puwede ninyong itanong para malaman kung babagay ito sa inyo.
Ang mga simpleng tanong na ito ay tutulong sa inyong tingnan kung aling software option ang sakto sa inyong business. Ang demo calls ay ang paninigurado ninyong tama ang ginagawa ninyong investment. Kaya magtanong na!
Iba-iba malamang ang sagot ng iba-ibang providers pero simple lang naman ito. Una, piliin ang natipuhan ninyong live chat software at mag-sign up dito. Tapos, maglagay ng live chat button sa inyong website. Mag-iiba-iba ang complexity nito sa iba-ibang provider. Kung LiveAgent ang titingnan bilang halimbawa, kailangan lang ilagay ang HTML code sa body ng inyong page. Kung di naman ninyo kailangang i-customize nang husto ang inyong live chat button, ilang minuto lang dapat ang gugugulin sa pag-setup ng live chat software ng LiveAgent.
Depende ito sa mapipili ninyong live chat software solution. Sa article sa itaas, makikita ninyo ang top 15 live chat software providers, aling features ang ino-offer nila, at kung magkano.
Maraming options ngayon at kailangan ninyo talagang mag-evaluate kung ano ang pinaka-epektibo sa inyo. Pero kung ang hanap ninyo’y isang simpleng gamiting technology na 100% maaasahan, LiveAgent ang para sa inyo.
Ang live chat software ng LiveAgent ay isang napakagaling na solution na sakop ang lahat, at bagay sa bawat business na gustong magbigay ng magaling na support gamit ang maraming communication channels. Makatanggap man kayo ng chat, phone call, o social media mention, o notification sa isa pang digital channel, madali ninyong mahahanap ang anumang customer interaction, kasama ang chat session, dahil sa built-in ticketing system.
Di lang sa bilang pero sa quality rin ng features, kaya ang LiveAgent live chat software ang magandang option sa mga customer-centric business.
Dito bibida ang LiveAgent. May offer kasing maraming uri ng features at higit 150 integrations pero abot-presyo at abot-kaya pa rin, di kayo lugi. Kahit libre ninyong magagamit ang essential features, ang $15 price tag ay napakaliit na bayad sa lahat ng capabilities na io-offer ng software.
Mataas ang ratings ng LiveAgent sa Capterra, G2, at TrustRadius. Kung pinahahalagahan ninyo ang opinyon ng ganitong mga komunidad at katulad na users ng LiveAgent live chat software, ito marahil ang pinakabagay na option para sa inyo.
Live chat software lang talaga ito ng LiveAgent. Sa mabilis na initial setup na di tatagal ng 5 minuto, di kailangang marunong kayong mag-code para magawa ito. Ang pag-customize at paggamit nitong live chat software araw-araw ay napakadali, kahit sa hindi tech-savvy. Dahil pa sa higit 150 integrations, madali kayong makakakonekta sa anumang platform na kailangan ninyo.
Alternatibo sa Dixa - LiveAgent
Discover why LiveAgent is the ideal cost-effective alternative to Dixa. Explore its multi-channel ticketing system, robust integrations, and advanced features to elevate your customer service. Try LiveAgent with a 14-day free trial and experience top-notch support solutions tailored for various business needs.
Discover the benefits of call center automation with LiveAgent! Enhance customer satisfaction, improve agent workflows, and increase revenue by automating repetitive processes. Explore features like IVR, automatic callback, and CRM integration. Try LiveAgent's powerful software with over 180 features for free and transform your customer service experience today!
Magbigay ng mahusay na customer service.
Discover LiveAgent, the all-in-one help desk software that enhances customer service with 24/7 support and no setup fees. Easily manage tickets across multiple channels, boost revenue with fast live chat, and improve issue resolution through advanced call center features. Start a free trial without the need for a credit card and experience seamless customer communication today!
Subukan ang libreng chat client ng LiveAgent! Isang madaling gamiting software para sa instant messaging na nagtitipon ng lahat ng IM accounts sa isang lugar. Puwede itong gamitin para sa personal at work-related na usapan, at libre para sa lahat ng user. Simulan ang iyong libreng account at pagbutihin ang iyong customer service ngayon!
Join our community of happy clients and provide excellent customer support with LiveAgent.
Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.