Suportahan ang inyong mga customer sa mas aktibong paraan gamit ang outbound call center software. Paigtingin ang relasyon sa kanila, i-optimize ang lahat ng interaksiyon sa mga outbound customer, at mag-generate ng mas maraming oportunidad para sa sales. Sa call center software ng LiveAgent, ang outbound customer communication ay mas madali at mas epektibo nang mapapatakbo nang diretso mula sa inyong help desk.
Napag-alaman sa isang pag-aaral ng inContact na ang karamihan sa mga consumer ay bukas sa pagkakataong makontak ng mga kompanya. Sa katunayan, sinabi ng 73% ng mga tao na may magandang karanasan sa pagtanggap ng incoming call mula sa isang business o service provider na nagdulot ng positibong pagbabago sa pananaw nila sa kompanya ang naging pagtawag na ito.
Di tulad ng inbound call center software na gamit ng mga business sa pagtanggap ng mga tawag ng customer, puwede kayong tumawag sa mga prospect, lead, o kasaluluyang customer gamit ang outbound call center software. Iba-iba ang dahilan kung bakit gumagawa ng outbound call, tulad ng pagbibigay ng mas aktibong suporta sa customer, pag-cross-sell o upsell sa kasalukuyang kliyente, paggawa ng survey research, at iba pa.
Pinagsasama na ng karamihan sa mga call center software solution sa ngayon ang parehong outbound at inbound call center na functionality. Sa pagpili ng pinakamahusay na outbound call center software, ang labanan na lang nito ay ang pagpili ng tool na may pinaka-angkop na features sa pangangailangan ninyo.
Magbigay ng mas aktibong uri ng pagsuporta sa pagkontak sa mga customer bago pa man sila humingi ng tulong sa inyo.
Pagdating sa mga renewal, ang isang napapanahong pagtawag ay puwedeng makatulong para di mawala ang mga customer.
Mag-offer sa mga kasalukuyang customer sa pamamagitan ng upselling o cross-selling ng mga kaakibat na produkto.
Dahil sa malawakang sakop ng mga feature ng inbound at outbound call center software, makatutulong ang LiveAgent sa pagpapahusay ng inyong komunikasyon sa mga customer, mapapahusay ang pagiging epektibo ng inyong customer support team, at nadadagdagan ang inyong customer satisfaction. Ikonekta lang ang anumang uri ng VOIP provider, mag-set up ng smart call routing, gumawa ng custom na mga IVR tree, pangasiwaan nang masa madali ang mga tawag na di natatanggap, itago ang unlimited na bilang ng mga call recording, makakuha ng tawag mula mismo sa inyong website, at paganahin ang video call na may chat – lahat mula sa loob mismo ng LiveAgent.
Ang call center software namin ay bahagi lang ng isang multichannel help desk platform na puno ng 180+ features, mga 40+ na integration, at walang katapusang option para sa customization. Kasama sa LiveAgent ang isang matatag na ticketing system na may automation, native na live chat, social media integration, at kapasidad para sa self-service. Hayaan ninyong makontak kayo ng mga customer gamit ang platform na kanilang gusto, habang nabibigyan ng kumpiyansa ang mga agent ninyo na epektibo nilang mahahawakan ang lahat ng uri ng komunikasyon mula sa iisang lugar na lang.
Dahil sa higit 40+ na mga integration, madali nang mapasimple at mapabuti ang komunikasyon ninyo sa mga outbound customer nang sobra-sobra. Makakuha ng notification tuwing may bagong ticket habang inaasikaso mo ang mga bagay-bagay sa Slack, nagrerehistro ng bagong deals sa PipeDrive, bini-bill ang mga user sa ChargeDesk – lahat mula na lang sa iisang LiveAgent ticket panel.
Simulang gumawa ng outbound call o email sa mga potensiyal ninyong customer gamit ang ilang click lang –mula mismo sa inyong LiveAgent dashboard, habang binibisita ang website ng inyong prospect. Kapag pinagana ang feature na ito, laking tulong ang dulot nito lalo na sa mga B2B sales team, dahil mas mahahawakan ng mga sales agent ang mga interaksiyong outbound na mas mabilis at mas madali.
Sa outbound call center CRM software ng LiveAgent, makakakuha kayo ng instant na access sa mga komprehensibong customer insights, kasama na ang personal na impormasyon ng bawat customer, mga binili nila dati, at history ng serbisyong natanggap nila – lahat sa iisang hybrid ticket stream. Dahil sa data na ito, mas makakapag-offer ng mahusay na tulong ang mga agent sa kasalukuyang customer at mas epektibong makakapag-upsell o cross-sell ng mga produkto ninyo kung saan nararapat.
Dahil sa unlimited na call recording functionality, puwede ninyong maitago ang lahat ng tawag at voice mail ng mga customer sa mas protektado at madaling paraan sa loob mismo ng inyong LiveAgent account. Sinisigurado ng feature na ito na walang nawawalang mga tawag ng customer, at nabibigyan pa ng pagkakataon ang mga agent na mas madaling ma-access at i-replay ang mga call recording kung kailangan nilang i-review ang dating mga naging pag-uusap para mapag-aralan nila kung paano bibigyan ng offer ang bawat customer.
Makipag-ugnayan sa mga prospect ninyong customer sa paggamit ng mga proactive chat invitation sa website ninyo, na siyang bahagi ng LiveAgent multichannel help desk solution. Mag-set ng mga automated na imbitasyong makipag-chat sa mga partikular na custom URL sa inyong website (tulad ng pricing page). Puwede ring imbitahan ng mga agent na makipag-chat ang mga visitor kapag nasa may checkout na sila para mas mapaigting ang kumpiyansa ng customer sa pagbili, mapaganda ang kanilang shopping experience, at mako-convert pa sila para maging suking customer.
Sundan at tutukan ang mga social media engagement ninyo gamit ang LiveAgent. Mainam na nakakapag-integrate ang software namin sa mga popular na social media channel tulad ng Facebook, Twitter, at Instagram. Mas madali ang pag-monitor at agarang makakapag-reply sa lahat ng mga social media message, comment, at brand mention mula sa iisang dashboard. Magbigay ng napapanahong pagtulong at mag-convert ng mas maraming leads para maging sales.
Ang LiveAgent call center software ay may built-in na analytics at reporting features. Makakuha ng mahahalagang insights mula sa napakaraming uri ng kapasidad ng reporting na natututukan ang iba’t ibang call center metrics at KPIs. Mag-generate ng iba’t ibang uri ng report, alamin kung kumusta na ang performance ng call center ninyo, at matukoy ang mga puwede pang pagbutihing bagay.
Cloud-based ang LiveAgent kaya madaling i-set up at gamitin. Simulan ang paggamit ng aming matatag na call center software matapos ang ilang minuto ng set-up na di na kailangang tawagin pa ang IT staff.
Pinagsama na ng LiveAgent ang parehong kapasidad bilang outbound at inbound call center software. Kaya makakuha ng unlimited na incoming call o kusang makipag-ugnayan sa mga customer.
Ang call center ay bahagi lang ng isang mas complex na solution kung saan mas madali ninyong mapapangasiwaan ang mga ticket, email, chat, voice communication, at mga social media message.
Kumuha ng isang propesyonal na outbound at inbound na call center software na kasama na sa isang malakas na help desk solution sa fixed na presyo kada buwan, nang walang mga hidden fee o pangmatagalang kontratahan. Mag-sign up para sa 14-araw na libreng trial nang makakuha ng full access sa lahat ng available features nito.
Bagay sa mga maliliit na negosyo, agency, at kahit sa malalaking korporasyon
Alamin kung paano mapapabuti ng call center solutions ang inyong negosyo gamit ang mga scalable at madaling i-integrate na software tulad ng automatic call distribution at predictive dialing. Unawain ang pagkakaiba ng contact at call centers, ang benepisyo sa remote workforce, at ang kahalagahan ng quality assurance. Tuklasin ang mga feature ng LiveAgent para sa mas epektibong customer service at in-depth workforce optimization. Bisitahin ang aming site para sa mas malalim na pag-unawa sa mga solusyon na ito.
Tuklasin ang mga benepisyo ng papalabas na call center sa pagpapataas ng benta at pagpapabuti ng serbisyo sa kustomer. Matutunan kung paano ang LiveAgent ay makakatulong sa iyong negosyo sa pamamagitan ng advanced na call center software. Subukan ito nang libre at simulan ang pag-level up ng iyong customer outreach!
Ayon sa research, mas pabor ang 39% ng mga consumer na gumamit ng phone kaysa ibang communication channels sa paghahanap ng support. Sa LiveAgent, puwede kayong mag-set up ng virtual call center doon mismo sa inyong help desk. Mas madali ang pag-manage ng inbound customer communications, pagpapahusay ng performance ng inyong support team, at pag-generate ng mas maraming inbound sales.
Join our community of happy clients and provide excellent customer support with LiveAgent.
Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.
Answer more tickets with our all-in-one help desk software. Try LiveAgent for 30 days with no credit card required.
Hello, I’m Andrej. We’re thrilled to invite you to an exclusive software demo where we’ll showcase our product and how it can transform your customer care. Learn how to achieve your business goals with LiveAgent or feel free to explore the best help desk software by yourself with no fee or credit card requirement.
Andrej Saxon | LiveAgent support team