Key takeaways
Pros
- Napakaraming tools para sa iba't ibang use cases
- May call center sa libreng plan
- Murang presyo
Cons
- Medyo nakakalitong interface
- Mahirap matutunan
Ang pagsisimula sa Bitrix24 call center software
Hinahayaan ng Bitrix24 ang lahat ng users na magsimula nang libre dahil sa libreng option nila. Habang ang ilang features ay available sa may bayad na plans, masusubukan din ninyo ang mga ito sa libreng trial. Mabilis at madali ang registration process kasi basic na information lang ang kailangan. Kapag nalagyan na ninyo ng hinihinging mga detalye, padadalhan kayo ng activation link na kailangan para ma-access ang inyong Bitrix24 account. Dahil ang Bitrix24 ay napaka-extensive na software para sa maraming paggamit, makapipili kayo ng primary use case sa simula pa lang, at ang interface at lahat ng tools ay maa-adjust para sa pakay na ito. Pero makaka-access pa rin kayo sa tools.
Nakakailang ang pag-navigate ng interface sa umpisa. Hindi ito dahil sa masamang pagkakadisenyo. Puwedeng nakakalula ang dami ng available na tools, functions, at features para sa bagong user. Pero malinaw na markado ang bawat menu option sa karamihan ng pagkakataon. Kung matiyaga kayong maghanap, madali ninyong makikita ang call center functionality. Nakatago ito sa Collaboration option sa kaliwang menu bar.
Dahil hindi kami nagbayad sa Bitrix24 plan, nagamit namin ang Telephony functionality na may libreng 15-araw na trial. Nang ma-activate ito, ang Telephony function ay naging available agad. Pero dapat munang bumili ng credits para makatawag o ilagay ang inyong phone number. Ang Bitrix24 ay may offer na multiple phone number integration options gamit ang API, PBX, SIP services, at marami pa. Ang ilang options ay baka kailangan ng dagdag na bayad tulad ng Office PBX at Cloud PBX na kailangang bilhan ng special module para sa calls. Ang pinakamadaling option ay ang magrenta ng number. Anumang option ang piliin ninyo, magagamit ninyo ang Bitrix24 call center features.
Kung naisip ninyong bumili ng phone number, tandaang ang availability ay nagbabago sa bawat bansa kaya baka di kayo agad makakuha ng number para sa inyo. Mag-iiba-iba rin ang presyo. Bago tayo humantong sa pag-test na bahagi ng review, alamin natin ang uri ng call center features na puwede ninyong asahan sa Bitrix24.
Bitrix24 Call Center Features
Ang Bitrix24 ay isang extensive software solution na may call center capabilities na naka-focus sa customer relationship management. Sa Telephony function, nakakarenta kayo ng local phone numbers o nakokonekta ninyo ang sarili ninyong numbers kung meron kayong available. Posible ito salamat sa maraming available na integrations na nagagawa ang ganitong functionality. Kasama sa Bitrix24 call center functions ang paggawa ng internal phone number extensions pati na rin ang call queueing at call forwarding.
Ang Bitrix24 ay may offer na marami pang call center functionality na kasama sa iba pang CRM features nito. Makaka-record kayo ng lahat ng calls at maa-access ang recordings sa call center history anumang oras. May offer din ang Bitrix24 na telemarketing functionality na may advanced features tulad ng automatic dialer o callback widget na puwedeng ilagay sa kahit anong uri ng website. Puwede kayong magpadala ng callback requests o gumamit ng voice broadcasts at SMS.
Performance at paggamit ng Bitrix24 call center software
Ang Bitrix24 ay hindi mahirap o madaling gamitin. Dahil ito sa medyo komplikadong interface na medyo mahirap i-navigate ng bagong users. Pero kung masanay na kayo at matatandaan na ninyo kung nasaan ang bawat menu item, mas dadali na ang workflow. Kapag bumili kayo ng number, masisimulan na ninyong sumagot ng inbound calls pati na outbound calls nang walang problema. Madali na ninyong maa-access ang call center functionality mula sa tamang panel sa CRM section. Hanapin ang phone icon na dadalhin kayo sa call menu.
Makikita ninyo ang nakaraang calls sa CRM section pati na rin ang call menu section. May offer ang menu na itong higit pa sa telephony functionality. Puwede rin ninyong ma-access ang notifications menu, channels, at ilang settings options. Maikli lang ang settings at hinahayaan kayong mag-adjust ng keyboard shortcuts, paganahin o patayin ang ilang call center options, pumili ng speakers at microphone, i-adjust ang messaging settings, at marami pa.
Ang menu sa kaliwa ay may option na i-dial ang number at magsimulang tumawag. Ang dial pad ay medyo maliit pero hindi ito isyu kasi functional naman ito at magagamit ninyo ang inyong num pad para i-dial ang number. Kapag nagawa na ito, bubuksan ng Bitrix24 ang hiwalay na call window na may settings. Puwede ninyong patayin o paganahin ang microphone, i-adjust ang volume, at marami pa. Ang Bitrix24 ay may notifications din para sa incoming calls. Lahat ng calls ay nire-record sa call history.
Maganda naman ang call quality sa parehong kaso at wala kaming naging problemang sisira sa call. Walang call drops o pangit na call quality noong nag-test kami.
Bitrix 24 call center software pricing
May offer ang Bitrix24 na apat na pricing plans, kasama ang libre. Ang bawat plan ay may offer na call center features at abot-kaya naman sila, salamat sa mas mataas na maximum user limits sa bawat plan. Kung pinaplano ninyong bumili ng Bitrix24 plan, magdedesisyon kayo sa user limit at sa ilang karagdagang features na baka interesante sa inyong business. Tingnan natin ang bawat plan.
Libre
Ang libreng plan ay walang offer na anumang user limits. Kahit libre ito, baka may dagdag itong bayad tulad ng pagrenta ng number. May offer itong 5GB ng storage, collaboration features, chat, video calls, calendar, company workspace, feed, knowledge base, tasks at projects, CRM, drive, contact center, website builder, at marami pa.
Basic
Ang Basic plan ay $61 kada buwan sa bawat limang users pero makukuha ninyo ito nang mas mura kung annual billing. May offer itong 24GB ng storage. Ang plan na ito ay merong lahat ng features mula sa libreng plan at may dagdag na online store features pati customer support.
Standard
Ang Standard plan ay $124 kada buwan para sa 50 users pero makukuha ninyo ulit ito nang mas mura kung annual billing. Meron itong 100GB ng storage at may offer ng lahat ng features na nasa dalawang plan. Bibigyan din kayo nito ng access sa marketing features at online documenting features.
Professional
Ito ang pinakamahal na plan na ang presyo ay $249 kada buwan para sa 100 users. Pero mababawasan ang presyo kung pipiliin ninyo ang annual billing. May offer itong lahat ng features mula sa ibang plans at may dagdag na sales intelligence, automation, HR, at marami pa.
Kongklusyon
Ang Bitrix24 ay hindi kasama sa pinakamahusay na call center software solutions pero nararapat pa rin itong mapasali bilang competitor. Medyo nakakalito ang interface pero may magandang dahilan para rito: may offer itong napakaraming iba-ibang features maliban sa call center kaya napaka-versatile din itong solution para sa maraming business. Mukha mang mahal ang presyo, may offer din naman itong maraming user limits kaya nagiging isa sa mas murang solution itong available sa market ngayon. Kung ang hanap ninyo ay higit pa sa call center software, sulit din namang subukan ninyo ang Bitrix24.
Frequently Asked Questions
Marami kaming nakukuhang call errors.
Maraming dahilan kung bakit may call errors sa Bitrix24. Bago kayo mag-isip ng kung ano-ano tungkol sa functionality, lagi ninyong i-check kung ang phone number ninyo ay naka-integrate nang tama at kung may sapat kayong credits. Siguraduhing ang bawat phone number na ida-dial ay may tamang international format na may country code, city code, at ang number mismo. Panghuli, baka may isyu sa pangit na internet connection, firewall, o anumang antivirus software na nasa computer ninyo. Siguraduhing paganahin ang kinakailangang permissions sa Bitrix24 para hindi ma-block ng firewall o antivirus software ang activities nito.
Nahihirapan kaming tumawag gamit ang Bitrix24.
Ang Bitrix24 ay may offer na call center feature sa libreng plan pero kailangan pa rin ninyong kumuha ng phone number para makagawa at makatanggap ng calls. Mag-navigate sa CRM section ng kaliwang menu sa Bitrix24 at piliin ang Telephony sa may add-ons. I-check kung meron kayong available numbers sa section na ito. Kung wala, ikonekta ninyo ang sarili ninyong number o magrenta ng number mula sa Bitrix24 para magamit ang call functionality. Tandaang sisingilin kayo sa pagrenta ng phone number kahit gamit ninyo ang libreng plan.