Key takeaways
Pros
- Napakagandang interface na may bug-free functionality
- Walang problemang call functionality
- Madali ang navigation
- Napakaganda ng user experience
Cons
- Puwedeng maging mahal
Ang pagsisimula sa CloudTalk call center feature
Hinayaan kami ng CloudTalk na mag-umpisa sa libreng trial, salamat sa trial form na available sa kanilang official website. Kinailangan lang ang aming contact details at suwerte namang di namin kinailangang ilagay ang aming credit card details para tapusin ito. Pagtapos, gumawa ang CloudTalk ng libreng number para sa aming libreng trial period, kaya hindi na namin kailangang humarap sa anumang VoIP provider at alamin kung saan puwedeng kumuha ng bagong number.
Maayos ang paggana ng CloudTalk sa umpisa. Hindi lang test number ang binigay sa amin pero pinaliwanag din nito nang maayos at simple ang iba’t ibang parte ng software. Binigyan din kami ng pagkakataong sagutin ang isang test call para mabigyan kami ng ideya kung paano gamitin ang call functionality. Napakagaling nito at ikinatutuwa namin ang ganitong guide sa bawat tipo ng software kahit na ano pa ang ginagawa nito. Sasabihan kayo ng CloudTalk na mag-download ng CloudTalk phone application. Kapag natapos na kayo sa setup, puwede na ninyong tingnan ang interface.
May napakagandang interface ang CloudTalk na moderno ang dating. Parang napakadali ang navigation kahit sa umpisa pa lang, kaya hindi kayo mahihirapang hanapin ang options na gusto ninyo. Nagpapakita ang main dashboard ng statistics sa mga piling oras tulad ng missed calls, average waiting times, at average call durations. Lahat ng navigation options ay nasa kaliwang menu bar. Nagbibigay din ng $5 credit para tulungan kayong makapag-umpisa sa calls. Maganda rin ang user experience sa CloudTalk Phone application.
Dahil hindi na namin kailangang gumawa o mag-integrate ng VoIP phone number, nakapag-umpisa kami sa pagdiskubre ng call center functionality agad-agad. Napakadaling maging pamiliar sa user interface. Bago mag-umpisa sa pag-test na parte ng review, tingnan muna natin kung ano ang call center features na maaasahan ninyo kapag pinili ninyo ang CloudTalk.
CloudTalk call center features
May offer ang CloudTalk na focused at straightforward call center functionality na mas pinagaganda ng iba’t ibang features. Kasama sa features na into ang kakayahang mag-adjust ng basic settings tulad ng enabling o disabling ng voicemail, pagdagdag ng recordings tulad ng email attachments nang default, SMART dialer, at iba pa. May offer ding call tagging ang CloudTalk, na may kasamang sariling settings at customization options na puwedeng i-adjust anumang oras.
Puwede rin naming hiwalay na ma-adjust ang call visibility settings para sa inbound at outbounds calls. May feature din ang CloudTalk na simple at malakas na contact list para sa madaling contact management. Kasama sa Dialer ang campaigns at surveys, pati na rin call scripts. Magandang dagdag ang mga ito sa CloudTalk feature set. Puwede rin naming i-manage ang individual call agents, gumawa at mag-manage ng groups, pati na rin makita ang comprehensive statistics at analytics.
Performance at paggamit
Dahil may binigay na phone number ang CloudTalk sa umpisa pa lang, hindi na kami kailangang dumaan sa mga mahihirap na setup. Nakapag-umpisa na kaming tumawag agad. Gumawa kami ng ilang test calls para tingnan ang performance ng CloudTalk, at masaya kaming ibalitang maayos ang performance nito. Kapag na-download na ninyo ang CloudTalk Phone application, puwede na kayong mag-dial at tumawag. Simple ang paggamit ng application dahil konti lang naman ang options na offer nito at hindi kayo masyadong maguguluhan. Magkakaroon kayo ng isang malaking dial pad na may karagdagang features tulad ng Power dialer, smart dialer, call history, contacts, messaging at user profile settings.
Nakaranas kami ng maiikling lags sa application pero hindi naman ito malaking bagay para huminto o maapektuhan nang malala ang aming workflow. Wala kaming naranasang kahit anong isyu sa calls. Klaro ang tunog sa magkabilang linya, walang drops, walang problema. Nagagawa rin ng CloudTalk ang kanyang trabaho sa iba pang bahagi. Dahil wala namang malalaking problema at walang kakaibang nangyayari sa mga call, nagdesisyon kaming subukan ang iba pang functionality sa CloudTalk Phone application.
Gumagana nang maayos ang contact functionality ng CloudTalk Phone application tulad ng sa web application. Wala kaming masyadong masasabi tungkol sa call history na parte ng app maliban sa gumagana ito nang maganda at makaka-callback kayo agad-agad. Hindi namin na-test ang messaging feature dahil hindi ito available sa aming libreng trial. Panghuli, ang profile settings at application settings ay hinahayaan kayong mag-customize ng inyong wika, shortcuts, app behavior, kasama na ang pag-adjust ng inyong audio settings.
CloudTalk pricing
May offer na apat na pricing plans ang CloudTalk. Ang bawat kasunod na mas mahal na plan ay mas malawak ang feature set kaysa sa nauna. Lahat ng plans ay may offer na call center functionality kaya ang inyong pagdedesisyon ay malamang nakaikot sa kung anong type ng feature ang kailangang i-handle ng inyong workload. Tingnan natin ang bawat plano at kung ano ang inyong makukuha rito.
Starter
Ang Starter plan ay nagkakahalaga ng $25 kada buwan bawat user kada taon. Nagbibigay ito sa inyo ng unlimited inbound at intracompany calls, click-to-call functionality, automated call distribution, mobile app, unlimited call queueing, international numbers, at availability sa higit 160 bansa at marami pa.
Essential
Nagkakahalaga ang Essential plan ng $30 kada buwan bawat user kada taon. Binibigyan kayo nito ng features mula sa Starter plan, at dagdag ang advanced analytics kasama ng unlimited history, real-time client dashboard, integrations sa ibang systems, Open API, skill-based routing, smart queueing, SMS/text messages, workflow automation, at marami pa.
Expert
Nagkakahalaga ang Expert plan ng $50 kada buwan bawat user kada taon. Nagbibigay ito ng maraming features mula sa naunang plans kasama na ang Salesforce integration, Power Dialer at Smart Dialer, call monitoring, wallboards, speech to text, single sign-on, SQL exporter, unlimited concurrent calls, at marami pa.
Custom
Ang Custom plan ay may offer na pinasadyang pricing. May offer itong features mula sa naunang plans at dagdag na custom onboarding, unlimited outbound calls, enterprise level security, developer support, custom reporting, SLAs, at marami pa.
Kongklusyon
Gumagawa ang CloudTalk ng napakagandang call center software, at sigurado kaming hindi kayo madidismaya kung ito ang pipiliin ninyo. Kasama sa offer nito ang lahat ng puwedeng kailanganin ninyo mula sa standard call center software, at mas mahalaga, lahat ay nai-implement sa isang napakagandang disenyong interface na may offer na madaling navigation. Lahat ng features ay walang dudang magbibigay ng benepisyo sa inyo. Ang pinakamahalagang desisyong kailangan ninyong gawin ay magkano ang kaya ninyong ibayad para sa software na ganitong uri. Puwedeng maging mahal ang plan, kaya pumili nang maayos.