Key takeaways
Pros
- Puwedeng ma-customize ang features
- Flexible
- Maaasahang call tracking at analytics
Cons
- Medyo mahirap i-navigate
- Paminsan-minsang pag-lag sa dialing
- Medyo may kamahalan
Ang kailangan lang gawin para makagawa ng inyong libreng account sa Dialfire ay magbigay ng kinakailangang impormasyon sa Sign Up section sa kanilang website at lagyan ng tick ang box ng “terms and condition.”
Pagkatapos noon, simpleng i-verify lang ang inyong email at puwede na kayong magsimula agad gamit ang platform ng Dialfire.
Noong sinusubukan naming i-access ang aming account, nakita namin agad ang iba’t ibang paraan kung paano makakuha ng support, kasama na ang video tutorial at isang link ng knowledge base ng Dialfire. Napabilib kami sa user-centric approach na ito.
Pagkatapos naming tumingin-tingin ay nagdesisyon kaming tumuloy sa pag-test ng features ng call center. Inaamin namin, kung wala ang documentation, mahihirapan kaming ma-set up ng lahat. Kahit inasahan naming may malaking pulang button na nagsasabing “Make a call,” hindi talaga ganito ang paggana nito.
Ang unang dapat gawin ay i-import ang inyong contact list. Para gawin ito, pumunta sa tab ng Import sa kaliwang bahagi ng menu. Doon ninyo puwedeng ma-upload ang inyong contact list mula sa spreadsheet tulad ng Microsoft Excel, LibreOffice Calc, o Google Docs.
Pagkatapos ninyong gawin iyon, buksan ang Call tab. Doon, may option kayong tawagan ang existing na customer o magdagdag ng bago. Nagdesisyon kaming magdagdag ng bagong customer sa aming contacts. Puwede kayong mag-fill out ng marami-raming impormasyon tungkol sa kanila, kasama na ang conversation guidelines at call results.
Sa kanang ibabang kanto, puwede ninyo simulan ang phone call sa pamamagitan ng pag-click sa green na telephone icon. Puwede rin ninyong i-mute ang sarili ninyo, at sa pagpindot ng red dot sa kanan, puwede kayong magsimulang mag-record ng call.
Kung gusto ninyong i-enable ang inbound function, hahayaan kayo ng Dialfire na i-configure ang inyong number sa section ng Phone numbers. Puwede ninyong piliin na i-register ang existing nang phone number, mag-order ng bago, o gumawa ng virtual line. Mas maganda sana kung ang configuration option na ito ay naka-highlight. Pero hindi naman kayo masyadong mahihirapang hanapin iyon.
Dialfire call center features at implementation
Ang Dialfire ay isang cloud-based browser na call center application na ang pangunahing intensiyon ay gumawa ng outbound calls. Gaya ng nasabi na, gusto sana naming naibigay agad ang directions na ito sa tutorials at FAQs.
Pero ang kabuuang UI ay medyo nakalilito kaya nirerekomenda namin sa mga bagong user na panatiliing nakabukas ang documentation tab habang iniintindi pa ninyo ang system. Sa kabutihang-palad, magaling ang pagkakasulat at informative ang articles ng knowledge base.
Kung gumagawa kayo ng call campaigns, hahayaan kayo ng Dialfire na i-configure ang mga ito nang maayos sa Tasks section. Puwede kayong gumawa ng IVR flows, mag-export ng voice recordings, at marami pang iba. Puwede itong maging napaka-useful sa mas malalaking call centers para maka-establish ng mga proseso.
May offer din ang call center platform na Dialfire ng ilang features para sa agent monitoring. Sa Guiding section, puwede ninyong i-configure ang office branch ng bawat call center agent, magdagdag ng detalye ng campaigns, at kahit makinig sa call recordings.
Ang isa pang feature na magpapaganda sa operations ng inyong call center ay ang preview at predictive dialing. Puwede ninyong i-configure ang compliance rules at limitahan ang bilang ng sabay-sabay na tawag. Puwede rin ninyong i-set up ang dialer groups para sa iba’t ibang teams o departments.
Dagdag pa, puwede ninyong pag-aralan ang call center analytics at gumawa ng report sa Analytics tab, at madaling i-import at i-export ang available na data. Kasama rito ang contact list statistics, inbound queue statistics, at activity statistics.
Performance at usefulness
Pagdating sa call center performance ng Dialfire, wala namang masyadong mapupuna. Kung nakapagtrabaho na kayo sa isang malaking outbound call center, alam na ninyo na kung gagana, gagana. At iyon lang iyon. Kailangan ba ng tweaking ang UI? Oo, pero hindi ito nakakasirang problema. Puwede na ang call quality, puwede kayong mag-import at mag-export ng kailangang data, makinig sa calls, at mag-monitor sa inyong call center agents, at iyan lang naman ang kailangan ninyo.
Pero hindi namin puwedeng iwan ang review nang hindi sinasabing pagkatapos ng napakaikling oras ng testing, na-log out kami at kinailangang i-verify ang account namin. Puwede namang gawin iyon. Naisip naming i-check ang aming email.
Pero hindi ito ganoon kadali. Ang pinadala nilang email ay nagsasabing mag-book ng demo call o mananatili kaming naka-log out. Alam namin kung natatalo na kami kaya nagdesisyon kaming tumingin-tingin sa software para makapag-comment, at nag-quit na kami.
Dialfire pricing
Medyo komplikadong ipaliwanag ang presyo ng Dialfire. May offer silang 5 pangunahing subscriptions. Mas mataas ang level ng subscription, mas konti ang kailangang bayaran para sa dagdag na functionality ng Dialfire.
Pay as you go
Gaya ng sabi ng title, sa level na ito, babayaran mo lang ang functionalities na gagamitin mo. Ang initial na subscription fee ay libre. Pero ang lahat, kasama ang paggamit ng platform ng Dialfire, campaign scripting, predictive dialer, at inbound call blending, ay nangangailangan ng dagdag na bayad mula €0.001 hanggang €0.005 sa bawat paggamit ninyo.
Basic
Para sa €15 bawat user kada buwan, puwede ninyong gamitin ang platform ng Dialfire, predictive dialing, at technical support nang walang dagdag na bayad.
Advanced
Ang level na ito ay €20 bawat user kada buwan at magagamit lahat ng meron ang naunang package, kasama pa ang inbound call blending at call recording nang walang dagdag na bayad.
Professional
Sa pagbayad ng €25 bawat user kada buwan, ang Professional na level ay meron ang lahat ng nasa naunang packages, at may dagdag pang customizable na campaigns sa listahan ng features na walang extra na bayad.
Enterprise
Ang pinakamahal at matatag na subscription package ng Dialfire ay may halagang €30 bawat user kada buwan at kasama ang lahat ng features ng mga naunang levels, dagdag pa ang campaign scripting, Google Calendar at Google Data Studio Connector, activities module, at ang feature na subtenant agent nang walang dagdag na bayad.
Kongklusyon
Para sa pagtatapos ng aming karanasan sa call center software ng Dialfire, masasabi naming halo-halong kalamay ito. Sa una, kahit na medyo nadismaya kami sa nakalilitong UI, bumilib kami sa matatag at nakatutulong nitong documentation at bilang ng puwedeng ma-configure na features. Medyo parang basic lang ang platform. Pero sa call center environment, hindi naman kailangan maging masyadong magarbo.
Ngayong nasabi na iyan, mas nag-enjoy sana kami sa isang mas user-friendly na interface. Pero kung hindi naman abala sa inyong merong “How to” na nakabukas sa pangalawang screen, magiging okay lang kayo.
Ang panghuling kailangan naming pag-usapan ay ang tungkol sa kung paano natapos ang aming karanasan. Hindi namin nagustuhan na sapilitan kaming pinag-book ng demo call. Naiintindihan namin kung bakit sa iba ay puwede ito. Pero ang kailangan lang naming gawin ay subukan ang software sa sarili namin. Ang pakiramdam namin sa pag-log out sa amin ay na-hostage kami hanggang sa sumunod kami sa pinapagawa ng Dialfire na makipag-usap kami sa kanilang sales team.
Frequently Asked Questions
Medyo tagilid ang call quality.
Siguraduhing stable at malakas ang inyong internet connection, at naaayon ang inyong computer sa minimum na requirements para patakbuhin ang call center software ng Dialfire. Dagdag pa rito, baka gusto ninyong bawasan ang bilang ng active na tawag para gumanda ang call quality at maiwasan ang call dropping.
Hindi nakikita ang phone number namin.
Lalabas ang phone number na gusto ninyo basta ito ay nakarehistro sa Dialfire at naka-assign sa call task. Sa Phone numbers section, puwede ninyong i-check ang configuration ng Caller ID para masiguradong na-set up ninyo ito nang tama. Kung hindi pa rin lumalabas ang phone number, kailangan na ninyong sumangguni sa customer support ng Dialfire.