Ang pagsisimula sa LiveAgent call center feature
Ang simpleng registration process ay ang unang green-flag ng anumang kompanya; buti na lang at meron nito ang LiveAgent. Kapag pinindot ang “Free Trial” button sa kanang bahagi sa itaas ng homepage, ang kailangan na lang i-input ay dalawang detalye para makausad. Pagtapos ilagay ang aming pangalan, email address, at pangalan ng kompanya, nagawa na ang aming account kasama ang link na diretso sa aming knowledge base.
Dinala kami agad sa Getting Started dashboard para ilagay ang ilan pang detalye ng kompanya kasama ang pagdagdag ng logo, voice support, at chat button. Meron pa ngang “learn the basics” at “discover LiveAgent” button para sa mga bagong user na gusto ng dagdag pang impormasyon, pero puwede itong laktawan kung kinakailangan. Tumingin-tingin kami nang konti at nalaman naming ang knowledge base ay puwedeng i-setup gamit ang button sa itaas ng Settings icon sa kaliwang bahagi. Gumawa kami ng maikling test article para magamit kung sakaling kailangan.
Nang natapos kami at bumalik sa dashboard, dinagdag namin ang logo ng kompanya at voice support dahil iikot sa call center features ang review na ito. Kapag nag-setup ng voice support, meron kayong option na ikonekta ang video call o audio call. Pinili namin ang classic na phone icon para makita kung paano namin idadagdag ang aming number.
Buti na lang dinala kami nito diretso sa call configurations kaya madali naming naidagdag ang aming number. Sa kaliwang bahagi ng screen, lahat ng buttons na pang-navigate sa software ay nakalagay sa malinis at organisadong listahan.
Natural, pumunta kami sa Call > Numbers at pinindot ang orange na “Create” button at dinagdag ang isang number mula sa Zadarma VoIP service. Maraming phone number service providers kaya sige lang at hanapin ang ginagamit ninyo o maglagay ng general VoIP phone number kung hindi ninyo makita ang inyong VoIP provider sa listahan. Nang na-input na namin ang tamang impormasyon, pinindot lang namin ang “Add” sa ibaba at lumabas na ang nakakonekta naming number na may green dot sa tabi nito. Mukhang green light sa amin ito kaya arangkada na!
Sunod, pumunta kami sa “Buttons” section at pinindot ang “Create” para makakuha kami ng ilalagay sa aming page. Nakuha namin ang mahaba-habang listahan ng iba’t ibang shape at kulay ng button designs na puwedeng pagpilian, pati ang option para makagawa ng custom-made, pero pinili namin ang simple: ang all-black “Call Us” button. Nang nakapili na kami, na-edit namin ang settings sa overview. Kasama rito kung saan pupunta ang tawag, call recording, at language settings.
Nang pinili namin ang “Integrate” na kulay red, dinala kami diretso sa kung saan kailangang kopyahin ang html code. Pumunta kami sa knowledge base gamit ang dashboard (sa itaas ng settings button sa kaliwang tab), dahil doon namin naisipang i-test ang button. Pumunta kami sa Knowledge base settings > General configuration > Tracking codes, at doon namin nilagay ang kinopya naming html code. Puwede ring i-copypaste ang code na ito sa kahit anong website.
Mukhang simple lang, di ba? Sa totoo lang, simple talaga. Bumalik kami sa live version ng aming page pagkatapos naming i-save ang code. Lumabas ito sa ibaba ng aming page na mono-chrome. Sana gumamit kami ng ilang kulay, pero buti na lang may message na nagsasabing puwede ninyo itong baguhin kahit anong oras.
LiveAgent Call Center Features at Implementation
Sa simula pa lang, napakalinis at maayos ang interface, na karamihan sa screen color ay nasa lighter spectrum habang ang importanteng buttons ay makukulay. Lahat ng buttons sa kaliwang tab ay maluwang na nakalista bilang icons, at pagtapos i-click ito, naglalabas sila ng mga dagdag na impormasyon gamit ang text tiles. Nakatawag ng aming pansin sa kanang bahagi sa itaas na kantong mas matitingkad ang kulay para sa notifications at isyung kailangang harapin.
Pagdating sa pagdagdag ng number, binigyan kami ng option na i-route ang tawag sa ilang department. Para sa review na ito, kami lang ang nag-iisang department, kaya ang option ay dalhin ang calls sa “General.” Para sa mga business na maraming department, mukhang madali lang namang organisahin ang call routing gamit lang ang dropdown menu at i-link ang numbers sa mga department. Meron ding option na automatic na ire-record ang parehong inbound at outbound calling.
Para sa button, bumilib kami sa dami ng options na pinakita sa amin. Agad, pinakita ng LiveAgent sa amin ang pinakapopular na pagpipilian kasama ang buttons sa lahat ng format at kulay. Nakapili rin kami sa pamamagitan ng button location, depende kung gusto namin silang nakalagay sa gilid, mga kanto, o naka-inline sa aming page.
Ang pinakahinangaan namin ay meron itong custom button option, na eksakto sa mga business na may tukoy na brand design at gustong naka-match lahat. Kahit magaganda ang premade buttons para sa mga hindi naman ito masyadong iniisip, ang pagkakaroon ng abilidad na i-customize ito gamit ang isang image o HTML ay sadyang naisasama lahat.
Nang pumunta kami sa options sa ilalim ng call configurations, nakita namin ang iba pang features na hindi namin inaasahang ma-tweak para sa aming call center. Ang unang kapansin-pansin sa amin ay ang “Breathing time” dahil hindi pa namin ito na-link sa kahit anong settings dati. Binasa namin ang maikling description sa ibaba nito at nakita naming puwedeng i-set ang oras sa pagitan ng mga tawag ng isang agent bilang isang tipo ng pahinga. Nakamamangha. Sa totoo lang, hindi kaduda-dudang ang kahit sinong nagtatrabaho sa call center ay magugustuhan ang feature setup na ito. Ang posibilidad na magkaroon ng maikling cool down pagkatapos ng calls ay napakahalaga, lalo na para sa reflection at kahit sa pag-inom ng tubig. Kudos sa LiveAgent sa pagbigay sa mga business ng option na mas magpapairal ng mindful work practices.
Maliban pa riyan, meron ding iba pang settings na may kinalaman sa queue time, priority o random assignment, at ring time na talagang nakatutulong sa pag-organisa ng call center sa gusto namin. Sa totoo lang, wala kaming maisip na kulang rito; sa kabaligtaran, pinakitaan pa kami ng features na hindi namin naisip bago nito.
Performance at paggamit
Oras na para sa testing! Meron kaming nakabukas na dalawang tabs, una ang aming customer agent dashboard at pangalawa ang aming knowledge base na kasama ang aming “Call Us” button. Ang lahat ay maayos kaya nagdesisyon kaming gawin na lang pareho sa isang browser at tingnan kung magkakaroon ito ng isyu o wala.
Nang i-click namin ang button, isang maliit na window ang lumabas at nagpaliwanag na puwede kaming tumawag diretso mula sa aming computer. Ayos. Siguro medyo iba ito sa aming mobile gadget pero ayos naman. Dumiretso na kami at tumawag.
Naging isang interactive dialing screen ito, at napatalon kami sa ringtone. Halos umalingawngaw agad ang tunog-retro na telephone ring sa buong kuwarto, at dahil sa aming gulat na itsura, medyo tumagal bago namin napuntahan ang isa pang tab.
Oo, andun ito sa kanang bahagi sa ibaba, isang green na square notification na puwedeng gamitin para tanggapin ang tawag. Sinagot namin ito, at lahat ay maayos at walang kahit anong isyu maliban sa ilang nag-echo sa pagsasalita at pagtanggap sa iisang gadget. Hindi naman kami nagulat dito.
Kahit tagumpay ito, hinanap namin ang settings para palitan ang ringtone. Inaamin namin, wala talagang malalampasang tawag sa tunog na iyon, pero sana puwede itong palitan ng kung anong gusto namin. Naghanap kami kung saan ito puwede palitan nang mas malumanay, pero hindi namin ito nakita. Ngayon, mas lalong nagustuhan namin ang Breathing Time feature.
Pagkatapos ng mas matagal na paghahanap sa support portal ng LiveAgent, nakita rin naming meron ngang sound configuration at kailangan lang itong i-activate sa Configuration>System>Plugins sa ilalim ng “Sounds” button. Kapag na-activate na, puwede na kayong pumunta sa Configuration> System>Sounds at palitan ang lahat doon.
Maliban pa riyan, ang buong interface ay deretsahan at suwabeng gumagana. Wala ngang isang saglit ang pagitan ng pagtawag at pagtanggap ng tawag; ibig sabihin, agaran ang action time. Parang quantum speed na hindi namin kailanman irereklamo. Nilalapit talaga nito ang mga customer sa customer agents.
LiveAgent pricing
Ang LiveAgent ay may offer na iba’t ibang pricing plans, kasama ang libreng version. Ang lahat ay may built-in na call center capabilities, kaya ang pagpili ng pinakamagandang plan para sa inyo ay nakadepende sa limitations o expansions ng ilang features. Tingnan natin sa ibaba ang mga ino-offer ng LiveAgent.
Libre
Ang LiveAgent ay may offer na libreng level na may limitadong features, kasama ang 7-araw na ticket history, isang live chat button, basic reporting, at iba pa.
Small
Para sa $9 bawat agent kada buwan, ang Small package ay nagbibigay ng lahat ng features sa libreng version na may extended capabilities, tulad ng unlimited ticket history, customer service, API integrations, at reporting.
Medium
Sa Medium package na $29 bawat agent kada buwan, meron ito ng lahat ng nasa Small package dagdag pa ang advanced functionality tulad ng unlimited chat buttons, proactive chat invitations, advanced feedback management, real-time visitor monitoring, at social media integrations.
Large
Sa $49 bawat agent kada buwan, kasama sa Large package ng LiveAgent ang lahat ng features na nasa mas mababang levels at hahayaan din kayong mag-operate ng feature-packed call center na meron features tulad ng IVR, video calls, unlimited call recording, call routing, transfers, at marami pa.
Enterprise
Sa $69 bawat agent kada buwan, ang pinaka-comprehensive package ng LiveAgent ay ang Enterprise level na may offer ng lahat mula sa Large package, at kasama pa ang features tulad ng dedicated key account manager, multi-level na knowledge base, ang pagtanggal ng LiveAgent branding, at SSO (single sign-on) para sa agents.
Kongklusyon
Lahat-lahat, pinapatunayan ng LiveAgent na talagang isa itong maayos na call center software, na naibibigay ang karamihan ng aming pangangailangan. Wala kaming na-encounter na kahit anong isyu, at mabilis naming nakuha ang feel ng software. Ang magkaroon ng abilidad na ma-customize ang mga button at mailagay sila kahit saan sa aming page ay nakapagbigay sa amin ng impression na ang LiveAgent ay talagang umaayon sa lahat ng klase ng business. Maliban sa maliit na isyung hindi madaling mahanap ang ringtone configuration, wala kaming masyadong reklamo. Ang LiveAgent ay isang software na siguradong may pakinabang sa iba’t ibang klase at laki na mga business.
Frequently Asked Questions
Paano babaguhin ang ringtone sa LiveAgent?
Sa dashboard, mag-navigate sa Configuration>System>Plugins, hanapin ang Sound configuration plugin at i-click ang Activate button. Pagtapos ay mag-navigate sa Configuration>System>Sounds. Piliin ang tunog na gusto ninyo o mag-upload ng bago sa pag-click ng “Choose file” at i-save ito.
Paano mai-implement ang LiveAgent call button sa aming website?
Mag-navigate sa Configuration>Call>Buttons at piliin ang button na gusto ninyo o gumawa ng bago. Pumunta sa Integration tab at kopyahin ang html code. Madali lang itong i-paste sa inyong website o sa Before section ng tracking codes sa inyong LiveAgent knowledge base.
Paano i-setup ang call routing sa LiveAgent call center?
Pumunta sa Configuration>Call>Settings kung saan kayo puwedeng pumili sa pagitan ng random at priority assignment. Puwede ring palitan ang routing time, kung saan maipadadala ito sa isa pang available agent.