Key takeaways
Pros
- Libre at/o mura
- Maraming iba-ibang functions sa isang app
Cons
- Di maganda ang feature selection
- Mahirap ang VOIP integration
- Luma na ang interface design
Ang pagsisimula sa Odoo call center software
Pinapahintulutan kayo ng Odoo na mag-umpisa sa libre kung isang application package ang inyong pipiliin sa umpisa ng inyong registration. Kung pipili ng labis pa sa isa, puwede kayong pumili ng may libreng trial period para masubukan ang maraming Odoo functionalities. Aypn sa website, nasa ilalim ito ng Sales option, pero siguradong maa-access din naman ito sa iba pang option. Mabilis at madali lang ang registration. Dadalhin kayo agad sa interface pero kailangan munang kumpirmahin ang inyong email address kasi may time limit ang Odoo sa paggawa nito.
Pagkatapos ninyong ma-access ang interface, dumerecho na sa Apps section kung gusto ninyo ang VoIP functionality sa inyong Odoo account. Nalaman namin na ang application na ito ay wala sa Sales option kung hindi nasa Productivity, kaya pinapayuhan ko kayo na gawin ito sa registration para maiwasan ang free trial option. Ang installation ng module ay napaka-simple, kailangan ninyong i-click ang install button at madaragdag na ang application sa inyong Odoo functionality.
Pagkatapos, makikita ninyo ang phone icon sa itaas na kanto sa kanan. Kapag na-click ito, magbubukas ang Odoo ng hiwalay na dial pad widget na may options na makita ang nakaraang call, ma-access ang contacts, at ang option na “next activities”. Pero ang Odoo functionality na ito ay walang kasamang phone number kaya kailangan ninyong ma-integrate ang sarili ninyong numero sa pamamagitan ng isang VoIP service, na baka makadagdag sa gastos. Puwede ninyong ma-access ang settings para sa Odoo VoIP mula sa general settings option at mag-set up ng call functionality. May offer din ang Odoo na ilang online guides na magpapaliwanag ng proseso sa inyo.
Kapag nakumpleto na ang lahat nang ito, maayos na at puwede na kayong mag-umpisang tumawag. Bago natin tingnan ang bahagi ng testing, sariwain natin ang iba’t ibang tipo ng call center features na puwede ninyong asahan mula sa Odoo.
Odoo call center features
Ang Odoo ay may napakaraming solution na ino-offer sa iba’t ibang klase ng applications para sa malaking bilang ng use cases. Puwedeng gawin ng software ang anumang kinakailangan ninyong gawin kasi makapipili kayo ng maraming functionalities at puwedeng pagsamahin ang mga ito para makabuo ng ideal solution para sa pangangailangan ng inyong business. Isa rito ang VoIP functionality sa detalyadong Odoo application store. Puwede ninyo itong umpisahan nang libre sa libreng trial.
Kahit hindi dedicated call center software ang Odoo, may offer itong magagandang set ng features para sa ilang use cases. Nagbibigay din ang Odoo ng magandang contact list feature na direktang kasama sa call widget para madaling ma-access ang inyong contacts. Puwede rin ninyong subukan mag-schedule ng calls sa pamamagitan ng action scheduling o gumawa ng call queues sa pamamagitan ng CRM application. May offer din ang Odoo na reporting features na makakatulong na masundan ang lahat ng call activities gamit ang search filters. May export features ding available.
Performance t usefulness ng Odoo call center software
Pinapadali ng Odoo para sa lahat ang pag-access ng call functionality dahil ang function na ito ay available sa itaas na kanto sa kanan kahit nasaang parte man kayo sa loob ng user interface. Ang settings para sa VoIP add-on ay nasa ilalim ng general settings at ang iba naman ay nasa user preferences. Ang options na ito ay madaling mahanap dahil ang interface ay dinisenyo nang maganda. Hindi man ito ang pinakamoderno, functional pa rin naman ito.
Habang ang Odoo setup ng VoIP application ay puwedeng mahirap para sa karamihan, puwedeng mapadali ito kung pipiliin ninyo ang isa sa supported VoIP providers – OnSIP o Axivox. Sayang lang na wala nang iba pang options para makonekta ang call functionality. Gayunman, ang calls ay functional at maayos naman ang performance. Wala pa naman kaming naranasang isyu sa test calls, pero iniisip naming puwedeng magkakaiba ito sa bawat gumagamit batay sa lakas ng connection at sa desisyon ng VoIP provider.
Ang call interface ay may options. Puwede kayong gumawa ng bagong contact kapag nag-dial ng numero para agad itong maidagdag sa inyong list. Ang dalawa pang options ay pag-mute ng calls at paglipat ng calls sa ibang Odoo user. Kung makikita ninyo, ang options ay konti lang pero talagang magagamit sa maraming scenarios. Ang ibang options sa labas ng calls ay ang “next activites” at contacts menu.
Sa kabuuan, hindi pinakamawalak o bonggang set ng call center features ang offer ng Odoo pero magagamit ito sa natatanging scenarios. Hindi man namin masasabing magagamit ito sa totoong call center environment pero hindi rin namin sinasabing hindi magagamit sa ganito ang Odoo. Nakadepende pa rin ito sa kung ano ang inaasahan ng isang user. Kung kailangan ninyo ng isang solusyong kayang gumawa ng maraming bagay maliban sa calls, puwedeng ang Odoo na ang inyong hinahanap.
Odoo call center software pricing
May offer ang Odoo na tatlong pricing options kasama na ang libreng plan. Puwedeng mahirap makakuha ng VoIP functionality sa libreng version dahil hindi kasama sa offer ang application packages ng VoIP application sa mga pagpipilian. Gayunman, puwede ninyong piliin ang libreng trial para magkaroon ng pagkakataong masubukan muna ito. Tara at tingnan natin ang pricing options.
Libre
Ang Free plan ay nagbibigay ng access sa isa sa maraming applications na offer ng Odoo nang libre. Kung magdesisyon kayong kumuha pa ng ibang application, libreng trial para sa nasabing application ang offer ng Odoo.
Standard
Ang Standard plan ay nagkakahalagang $11.90 kada buwan sa annual billing o $14.80 sa monthly billing na option. Ang presyo ay para sa isang Odoo user kada buwan at nagbibigay ang Odoo ng access sa lahat ng applications nang walang limit.
Custom
Ang Custom plan ay nagkakahalagang $17.90 kada buwan sa annual billing o $22.40 kada buwan sa monthly billing. Lahat ito ay bawat user kada buwan. Mabibigyan kayo ng access sa lahal ng Odoo applications at dagdag pa ang Odoo Studio, Multi-Company, at External API.
Kongklusyon
Puwedeng hindi ideal na first choice ang Odoo para sa business na naghahanap ng maayos at dedicated na call center software. Wala itong offer na sapat na functionality para sa epektibong call management. Pero ang kanyang napakamurang presyo at maraming iba-ibang functionality ay puwedeng kapaki-pakinabang para sa maraming business na hindi kailangang nakatutok sa calls lang, pero importanteng gamitin ito na may makatotohanang inaasahan.
Frequently Asked Questions
Hindi kami nakatatanggap ng tawag sa Odoo
Ang puwedeng kadahilanan ay hindi na-configure nang maayos ang integration ninyo. Muling i-check ang integration setting at i-check rin kung napahintulutan ninyo ang call functionality sa inyong user settings at sa personal settings. Maraming troubleshooting guides na makikita online, o puwedeng ninyong kontakin nang direkta ang Odoo dahil puwedeng hindi madaling maayos ang isyung ito para sa baguhang user.
Paano mag-schedule ng calls sa Odoo
Kailangan ninyong gumawa ng server action at isang contextual action menu entry. Pahihintulutan kayo nitong pumili ng maramihang contacts at gumawa ng calls nang maramihan. Kapag ginawa ninyo ito, puwede kayong pumili ng contacts na walang assigned salesperson at gumawa ng bulk activity.