Key takeaways
Pros
- Madaling setup at implementation
- Libreng phone number sa trial
- Magandang call quality at features
Cons
- Nakakalito ang interface
- May kamahalan
Ang pagsisimula sa Zendesk call center feature
Nagsimula kami sa Zendesk gamit ang libreng trial na available sa kanilang website. Medyo mabilis ang proseso maliban sa bahaging kinailangan naming maghintay ng confirmation email. Medyo matagal ito, at nagulat kaming di agad dumating ang email. Kinailangan pa naming mag-reapply para sa trial nang pangalawang beses, at doon lang dumating ang email. Kahit na ganoon, ang registration ay medyo mabilis pa rin at simple lang.
May offer na maganda-gandang options ang Zendesk sa simula ng trial. Puwede ninyong tukuyin kung paano ninyo gustong magamit ang application at makakuha nang mas maayos at pinasadyang user experience para sa inyong user case. Puwede ninyong laktawan ito kung gusto ninyo, pero nirerekomenda namig kumpletuhin ninyo ito. Kapag natapos ninyo ito o nilaktawan, ididiretso kayo sa Zendesk interface. May offer ang interface na ilang mainam na tooltips na magsisilbing guide na tutulong sa pagsisimula ninyo sa Zendesk.
Isa sa pinaka-cool sa Zendesk trial ay bibigyan kayo ng libreng phone number para subukan ang call center feature. Hindi namin kinailangang mag-integrate o dumaan sa komplikadong setups para magsimula, at nakapagsimula kaming makatawag agad. May option din sa Zendesk na maidagdag ang sarili ninyong phone number. Mahahanap ninyo ang option na ito sa Admin Center sa ilalim ng Talk settings. Ang option na ito ay may kasamang adjustments at customization options para sa inyong phone lines, kaya puwede pang tukuyin ang kanilang use case.
May offer ang Zendesk call center software na parehong inbound at outbound calling capabilities, kaya ito ay kumpletong call center solution para sa kahit anong klaseng business. Medyo madali lang ang implementation nito, at hindi dapat ito magiging problema ng kahit sino, pero kailangan naming sabihing puwede pang maging mas malinaw ang menu options dahil nakakalito ito paminsan-minsan. Mahirap ang paghanap ng admin panel para sa amin, at dapat mas kita ang ilang options, sa tingin namin. Bago tayo pumunta sa pag-test, tingnan muna natin ang listahan ng call center features ng Zendesk at alamin kung ano ang puwedeng asahan mula sa kanila.
Zendesk call center features
Ang call center functionality ng Zendesk ay kasama ang inbound at outbound call center capabilities at ang call center integration sa ticketing system ng Zendesk. Ang bawat inbound at outbound na tawag ay ginagawan ng ticket sa system. Ang call center tickets ay puwede ring i-record ang buong tawag kung i-activate ninyo ang option na ito para sa kahit anong phone number ninyo. Puwede ninyong ma-access ang buong call recording history sa ganitong paraan. Ang Zendesk ay may magaling na call routing na automatic na pinapadala ang tawag sa available na agents batay sa ilang criteria. Available din ang Interactive Voice Response.
May offer ding call monitoring at call whispering ang Zendesk. Mas useful ang panghuli lalo na sa bagong call center agents na tine-training. Interesante itong call whispering dahil bihira namin itong makita. Dito nakakakonekta ang senior na katrabaho sa call at makapagbibigay ng abiso sa agent na hindi maririnig ng customer. Panalo! Maa-access din ninyo ang call center analytics na magpapakita ng malalimang insights sa activities ninyo. May offer ang Zendesk na call scripting feature kung saan mapaplano ninyo ang latag ng usapan sa phone para maka-deliver ng mas mahusay na experience. Maa-access ninyo ang buong call history at mari-replay ang call recordings kung kailangan. May ilan ding automation features ang Zendesk na tutulong alisin ang nakakapagod o paulit-ulit na call center tasks.
Performance at paggamit ng Zendesk call center software
Dahil meron kayo agad makukuhang test number sa libreng trial, walang komplikadong setups na kailangang tapusin maliban na lang kung gusto ninyo talagang ikonekta ang sarili ninyong phone number. Kung gusto ninyo, makikita ninyo ang option sa settings, at tatagal lang ito ng ilang minuto para matapos. Maganda ang pagkakadisenyo ng user experience at interface. Kahit may ilang mas mahihirap i-access na functionality kung di ninyo alam kung nasaan ito, maganda pa rin ang pagkakagawa ng Zendesk sa disenyo ng application. Para ma-access ang call functionality, tumingin sa kanang bahagi sa itaas ng interface kung saan makikita ang phone icon.
Mahalagang tandaang puwede lang tawagan ang numbers sa loob ng USA sa libreng trial, pero puwedeng sumagot sa incoming call mula sa kahit anong bansa. Kung tatawagan ang inyong Zendesk number, may maririnig kayong message na “Thanks for trying Zendesk” at sasabihan kayong kailangan ninyong magkaroon ng bayad na plan para matanggal ang message na ito. Pagkatapos ng message na iyon, nakakonekta na kayo sa number at puwede nang sagutin ito sa Zendesk application. Ang app ay magpapakita ng visual notification kapag may incoming call, at makaririnig din kayo ng ringtone.
Ang Zendesk application ay may mainam na dialer pero wala itong contact list sa loob mismo ng calling window. Nagulat kaming malamang hindi pala na-record ang una naming call saanman sa ticketing system. Di kami sigurado kung ganoon dapat iyon o kung nagka-bug bigla ang Zendesk. Pero magaling naman ang call quality at walang naging problema sa calls. Mas mapapahusay pa ang experience kung gagamit kayo ng IVR, magsi-set ng iba-ibang greetings, o magku-customize ng call center functionality sa settings.
Sa kabuuan, ang calling experience sa Zendesk Talk functionality ay mahusay at wala kaming reklamo. Gumana ang mga tawag kung paano sila dapat gumana, at ang calling widget ay madaling ma-access kahit nasaan kayo sa interface. Kapag nalaman na ninyo kung saan maa-access ang Admin Center, hindi na kayo magkakaproblema sa pagtanda kung nasaan ang settings, at puwede ninyong i-adjust ito kung kailangan.
Zendesk pricing
May iba’t ibang pricing plans ang Zendesk para sa iba’t ibang use cases, pero ang Zendesk Suite pricing plan lang ang may offer na call center functionality. Ang iba pang plans ay naka-focus sa Sales teams at foundational customer support. Iisa-isahin natin ang bawat plan para ipakita ang makukuha ninyo sa kanila. Ang lahat ng plan ay may offer na call center functionality, kaya ang pipiliin ninyo ay malamang iikot sa iba pang functionality na meron ang bawat plan.
Suite Team
Ang Suite Team plan ay nagsisimula sa $49 kada buwan bawat user sa taunang billing. Meron kayong access sa ticketing system, messaging sa web, mobile, at social, pati na rin sa email, voice, SMS, at live chat support. Dagdag pa ang access sa iisang help center, automations, workflows, automated answers, routing, analytics, file storage, APIs, online support, at marami pa.
Suite Growth
Nagsisimula ang Suite Growth plan sa $79 kada buwan bawat user sa taunang billing. Meron ito ng lahat ng features sa Suite Team plan at may dagdag pang self-service customer portal, AI-powered knowledge management, customizable ticket layouts, light access licenses na hanggang 50 ang available, SLAs, multilingual support at content, at marami pa.
Suite Professional
Ang Suite Professional plan ay ang pinakamahal sa $99 kada buwan bawat user sa taunang billing. Meron itong pinagsamang features ng parehong naunang plans, at may dagdag pang bago – live agent activity dashboard, integrated community forums, private conversation threads, customizable at shareable dashboards, advanced voice capabilities, data location options, HIPAA compliance, at events connector para sa Amazon web services.
Kongklusyon
Ang Zendesk ay may offer na mahusay na call center functionality na may pinaka-intuitive interface na madali namang gamitin. Isang malaking dagdag ang di na kailangang mag-integrate o mag-set up ng call center sa komplikadong paraan. Pero hindi mura ang plans ng Zendesk at puwede itong makabutas ng bulsa. Makukuha ninyo ang maraming functionality at malaking value para sa presyo, pero mas maganda sanang may mas murang alternatibo sa Zendesk para sa naghahanap ng mahusay na call center software.
Frequently Asked Questions
Hindi maganda ang voice quality ng Zendesk Talk functionality
Posibleng may isa o higit pang dahilan sa isyung ito. Gaya ng sabi sa troubleshooting page ng Zendesk Talk, ang pinakakaraniwang dahilan ng di magandang voice quality ay ang mabagal o mahinang internet connection, o puwedeng dahilan din ang sound at audio drivers ng inyong calling hardware. Subukan ninyong lumipat sa lugar na mas maganda ang connection o mag-plug in sa ethernet cable para makakuha ng pinakamagandang resulta. Kung sa hardware drivers naman, subukan ninyong i-disable ang mga ito at tingnan kung may problema pa rin.
May call drops sa Zendesk call center
Kung ang mga tawag ay may tendency na mag-call drop, puwedeng subukan ang dalawang solution. Pero mahalagang banggitin na ang call drops ay normal kung gumagamit kayo ng libreng trial version ng Zendesk dahil naka-program ito sa dalawang minutong limit. Kung nag-call drop sa may bayad na account at gumagamit kayo ng IVR setup, subukan ninyong gumawa ng custom greeting dahil may tendency na mag-hang ang system kung walang naka-set na greeting. Isa pang solution ay i-check kung corrupted ang audio greeting files. Kung corrupted, subukang palitan o i-record ito.