Ang chatbot reviews ay nakabatay sa evaluation nitong pangunahing factors:
Madaling gamitin: Gaano ito kahirap i-setup? User-friendly ba ito o kailangan ba ng partikular na technical na kaalaman? Hanggang saan ang customization ng bawat chatbot? Gaano kadali ninyong mai-setup ang conversational interface at ma-customize ang chatbot na sasakto sa mga pangangailangan ng inyong business?
Implementation: Gaano kahirap planuhin ang chatbot workflow, at hanggang saan ninyo puwedeng planuhin ang conversations sa gitna ng chatbot at customer? Kailangan bang i-integrate ito sa iba pang systems o chat platforms?
Performance: Gaano kagaling ang pag-intindi ng chatbot at pagsagot nito sa inquiries ng user? Tama at akma ba ang tugon ng chatbot?
Presyo: Ano ang presyo ng implementation ng partikular na chatbot? Paano naikukumpara ang buwanang presyo sa mga kakompetensiya? Anong features ang kasama sa presyo?
Puwede rin ninyong makonsidera ang industriya at ang planong paggamit ng chatbot sa inyong business dahil puwedeng may offer silang ibang features at capabilities.
Pero kahit niri-review ang iba’t ibang chatbots, dapat ninyong tandaang ang performance ay nakadepende sa kung gaano ninyo kahusay na-setup ito. Kung paano ninyo i-configure ang advanced features ng chatbot ay magkakaroon ng malaking impact sa kabuuang performance.
Ang pinakasilbi nito ay mag-simulate ng conversation sa website users sa internet. Magagamit ito sa maraming paraan tulad ng pagsagot ng mga tanong ng users, pagbigay ng customer service, pag-assist sa online transactions at marami pang iba. Ang partikular na gamit sa chatbot ay natutukoy ng pangangailangan at goal ng business, at nakadepende ito sa implementation, customization, at design. Ang ibang simpleng chatbots ay puwedeng i-design para magsilbing general-purpose assistants habang ang iba ay puwedeng buuhin para sa maraming klaseng partikular na tasks.
Computer programs o software ang AI-powered chatbots na gumagana tulad ng tunay na customer service agents. Meron silang fluent conversational flows sa customers at web visitors at puwedeng iprogramang gamitin ang artificial intelligence (AI) at machine learning (ML) para mag-interpret ng human language (sa sulat o salita) at tumugon. Kung mas maraming data ang napag-aaralan ng chatbot, mas nagiging parang tao ang pagsagot nito.
Halimbawa, ang chatbot ay puwedeng gamitin sa websites para sagutin ang mga tanong tungkol sa mga produkto o serbisyo. Sa panahon ngayon, ang mga malalakas na chatbots ay gumagamit ng natural language understanding (NLU) para tukuyin ang pangangailangan ng user. Kapag may nagtatanong, tinutukoy ng chatbot ang intent sa likod ng tanong, hinahanap ang pinaka-nararapat na sagot, at binabalik ang sagot nito sa nagtatanong.
Nakakatulong ang chatbots sa virtual agents dahil nagtatrabaho sila ng 24/7 na customer service shifts at sinasagutan ang basic customer inquiries nang mabilis, na nagpapahusay ng work efficiency. Pero computer software lang ito at hindi kasing-advanced tulad ng mga tao, at minsan ay di nito naiintindihan ang tinatanong ng tao o baka wala itong tamang kasagutan.
NLP o natural language processing ay isang branch ng computer science. Sa context ng AI-powered chatbots, ang NLP ay isang artificial intelligence software na hinahayaan ang chatbots na maintindihan at maproseso ang wika ng tao (pagsusulat man o pagsasalita) para tumugon sa mga tanong ng user sa makabuluhang paraan.
Ang automated responses ay mga pre-written na sagot na ginagamit ng chatbot para sagutin ang users. Nakabatay ito sa keywords at patterns na natipon mula sa input ng user. Puwede itong maging epektibo sa pagsagot ng mga pangkaraniwang tanong. Pero parang nagiging hindi parang tao rito ang chatbot. Nagbibigay ng automated responses ang virtual agents sa user queries na makatutulong sa paglago ng work efficiency, pag-automate ng simpleng administrative tasks, at makabawas sa trabaho ng customer service agents.
Puwedeng gamitin ng ilang chatbots and customer data para maintindihan ang human behavior sa individual na level. Mga factor tulad ng browsing preferences o nakaraang mga binili ay makatutulong sa chatbot para mag-deliver ng mas personalized na customer service at recommendation. Napakahalaga ng personalization sa paggawa ng magaling na customer experience at tugunan ang pangangailangan ng bawat customer. Pero kapag mas nagiging common ang personalization, mas mahirap abutin ang inaasahan ng customer.
Puwedeng magkaroon ng malaking impact sa kanyang usability ang chatbot integration. Puwedeng ma-integrate sa iba’t-ibang systems at applications, tulad ng CRM systems, emails, e-commerce platforms, o social media channels. Sa pagkonekta ng chatbot sa internal systems ng inyong kompanya, mas maraming magagawa ang chatbot nang mag-isa. Kapag nagkaroon na ng access ang chatbot sa inyong backend at user-related data, matutulungan nito ang inyong customers sa kanilang partikular na kaso sa halip na magbigay lang ng basic at generic instructions.
Ang machine learning ay ang paggamit ng complex algorithms para kumuha ng insights mula sa patterns ng data. Puwedeng gamitin ang mga ito para mas mapahusay ang kakayahan ng chatbot na mas maging parang tao. Sa paggamit ng machine learning, puwede kayong mag-deliver ng mas personalized customer experience dahil susuriin ng chatbot ang inyong user interactions para magbigay ng targeted na recommendations. Ang mga chatbot na gumagamit ng machine learning ay makakatipon ng data tungkol sa inyong mga customer at target audience na hindi gumagamit ng cookies.
Gumagamit ng artificial intelligence (AI) ang multilingual virtual agents para sagutin ang mga tanong o gumawa ng iba’t ibang gawain sa piniling wika ng customer. Ang mga chatbot na ito ay may mga kakayahang mag-detect ng wika na makakatulong sa pagbigay ng multilingual support sa users at customers sa buong mundo. Higit na pinatataas nito ang scalability ng inyong business at pahusayin ang user experience. Matutulungan kayo ng multilingual chatbots para mapababa ang inyong gastusin dahil sila ang mas murang solution kaysa sa pag-expand ng inyong helpdesk team sa pagsama ng multilingual customer service agents.
Alam ng bawat customer-centric business na ang pag-analyze ng client interactions at behavior ang susi sa pagtayo ng bukod-tanging customer experiences. Magaling ang chatbot sa pagbibigay ng detalyadong statistics at insights na patunayang napakahalaga sa paggawa ng matagumpay na business strategy. Ang analytics na ito ay real-time data na nabubuo ng chatbot sa pamamagitan ng interaksiyon sa inyong mga website visitor.
Sa bawat pagkakataong may interaksiyon ang inyong chatbot sa customer, kumukuha ito ng impormasyon tulad ng chat volume, haba ng pakikipag-usap, bounce rate,user satisfaction, average response time, at iba pang importanteng impormasyon. Lahat ng data na ito ay napakahalaga para sukatin ang performance ng chatbot. Puwede rin itong gamitin para masagad ang potential at pagiging epektibong madadala nito sa inyong business. At puwedeng gamitin ng inyong sales at marketing teams ang impormasyon para maintindihan ang mga pangangailangan ng inyong customers, mas pahusayin ang kanilang karanasan, pataasin ang sales, pahusayin ang work efficiency, at marami pa.
Kayang asikasuhin ng chatbots ang unlimited na bilang ng tanong nang sabay-sabay. Hinahayaan kayo ng helpdesk team na magtuon ng pansin sa mas kumplikado at pangunahing tasks. Ang mga AI-powered chatbot na ito ay magsisigurong makakaya ng business ninyo ang malaking volume ng chats habang peak hours na hindi nagdadagdag ng customer service agents.
Kumpara sa customer support agents na puwedeng tumutok sa isang customer inquiry nang paisa-isa, puwedeng pagsabay-sabayin ng chatbot ang libo-libong immediate na tugon.
Isa pang factor na mas makapagpapahusay ng customer service at customer experience ay ang kakayahan ng chatbots na makipag-usap sa maraming wika. Hinahayaan nitong pumasok sa mga bagong market sa mababang halaga.
Puwedeng ma-integrate sa ibang systems at platforms ang chatbots. Makapagbibigay ito ng napakadaling omnichannel na karanasan na magbibigay sa customers ng option na makipag-usap sa pamamagitan ng kanilang pinipiling chat platforms.
Available nang 24/7 ang chatbots na tutulong sa mga customer kahit anong oras ng araw o gabi. Sumasagot naman sila agad, na gumagawa ng maayos na daloy ng komunikasyon sa gitna ng business at ng customer. Puwedeng magtanong ng kahit anong tanong ang customer at makakakuha agad sila ng sagot na hindi na nag-aantay sa susunod na available na agent.
Lumalaki ang mga business kaya kailangan ng mas maraming traffic sa kanilang website. Ang pagkakaroon ng scalable customer support ang tutulong sa contact center na pangasiwaan ang mataas na traffic volume. Sa halip na mag-invest sa pag-hire ng bagong customer service agents, puwedeng gamitin ng mga business ang time-efficient chatbots na kayang sumagot agad sa maraming tanong.
May offer din ang chatbots na personalized na serbisyo at interactive na one-on-one na karanasan batay sa individual na mga tugon ng customer.
Isa pang importanteng advantage ng paggamit ng chatbot ay nakakatipid ito sa pera. Kahit na ang implementation ng chatbots ay nangangailangan ng investment, mas mababa pa rin ito kumpara sa tradisyonal na gastos sa customer service, na kasama ang human resources, suweldo, at training.
Magandang tool ang chatbot sa pag-track at pagtipon ng client data, patterns sa pagbili, at pagsuri ng customer behavior. Puwede rin kayong magtipon ng feedback sa pamamagitan ng simpleng tanong at customer satisfaction surveys. Makatutulong ito sa pag-improve ng inyong mga serbisyo at produkto at pag-optimize ng inyong website para sa mas magandang customer experience.
Sa paggamit ng chatbot analytics, makikita ninyo kung paano gumagana ang chatbots at ipapakita ang insights kung paano nag-engage ang mga bisita sa inyong business.
Kahit may natural language processing sila, hindi maiintindihan ng chatbots ang input at emosyon ng mga customer. Ibig sabihin, puwede silang magbigay ng mga sagot na hindi parating 100% na tama o bagay, na makakasanhi ng pagkainis.
Hindi nakaka-adapt ang chatbots ng kanilang mga sagot sa individual users na nagagawa ng taong agent kaya ang pag-uusap ay parang di gaanong personal o engaging.
Para mag-deliver ng high-quality na karanasan, kailangan ng mga chatbot ng personalization. Kapag masyado silang scripted at pare-pareho ang sagot sa iba’t ibang tanong, bababa ang productivity ninyo at makasisira pa ng reputasyon ng inyong business. Ang pagtago ng mga dating binili at action ng inyong customer ay makatutulong sa pagbuo ng profile na tutulong sa chatbot na magrekomenda ng mga produktong interesante para sa user.
Kailangan ng palagiang maintenance, optimization, at revision ng mga chatbot para gumana nang maayos. Kailangan ninyong mag-upgrade ng knowledge base ng bagong data para epektibong masagot ang mga tanong ng customer. Kailangan din ninyong isiping sa bawat pagbabago ninyo sa inyong kompanya, kailangan din ninyong baguhin ang mga sagot ng bot para maiwasan ang anumang pagkakamali at maling sagot.
Puwedeng magkamali ang chatbots kung nagtatanong ang mga bisita ng mga tanong na wala sa kanilang database. Nagkakamali sila ng sagot o naka-loop na lang. Ang mga maling ito ay puwedeng maging nakakainis para sa mga customer.
May mga ethical concerns sa paggamit ng artificial intelligence at chatbots. Sa panahon ngayon, ang mundo ay mas nakasalalay sa teknolohiya sa iba’t ibang industriya. Habang mas inaayos ng teknolohiya ang efficiency at mabawasan ang gastos, puwede rin itong magkaroon ng malaking epekto sa unemployment. Ito ay dahil ang chatbots at AI ay makakapag-automate ng mga task na dati ay ginagawa ng tao.
Isa sa mga industriyang pinaka-maaapektuhan ay ang customer service. Parati nang nagagamit ang chatbots para makipag-usap at asikasuhin ang mga tanong ng customer. Habang ang mga teknolohiyang ito ay mas nagiging mas advanced, puwede nitong hawakan ang mga mas kumplikadong trabahong puwedeng magresulta sa pagkawala ng trabaho ng mga manggagawa.
Ang disadvantage ay may set ng functionalities lang na nagagawa ng bots at hindi na nakakagawa ng anumang labas na sa kanilang sakop. Ginawa ang chatbots para sumagot sa simple at tutok na mga tanong. Ibig sabihin, hindi nila kayang hawakan ang mas kumplikadong sitwasyon ng customer complaint o mga tanong na nangngailangan ng desisyon. Ang limitadong sakop ay ang dahilan kung bakit ang chatbots ay hindi nilayong maging lubusang kapalit ng customer service agents.
Ang chatbots ay computer programs na puwedeng gamitin sa iba-ibang industriyang tutulong sa pangunahing tasks tulad ng customer service, online shopping, pagkolekta ng customer data, pagbigay ng product recommendations, at marami pa. Ginagamit ng mga kompanya ang chatbots para makatipid ng resources at oras at makatulong sa pag-deliver ng mabilisang customer support.
Ito ang ilang halimbawa kung paano magagamit ang chatbots sa inyong business:
Nagbibigay ng 24/7 assistance ang chatbots sa clients. Puwede ninyo itong ikonekta sa knowledge base ng kompanya para sagutin ang mga basic na tanong. Kung gagawin ito, puwede nilang i-automate ang tasks na dapat sana ay hinahawakan ng support agents, na magbibigay sa kanila ng mas maraming oras na mag-focus sa mas komplikadong isyu. Puwedeng hawakan ng customer service bots ang mga reklamo ng customer at problemang kaugnay sa mga produkto o serbisyo, magpaliwanag ng technical issues, at marami pa. Sa mas komplikadong kaso, puwede nitong tipunin ang customer information tulad ng pangalan, order number, at tipo ng issue. Puwede nitong ipasa ang data sa agents para sa analysis.
Nagiging malakas na marketing tool para sa maraming business ang chatbots. Tinutulungan nitong mapahusay ang customer engagement dahil sa kanilang conversational capabilities. Sa paggamit ng chatbots para sa marketing at sales, hinahayaan nito ang mga kompanyang mag-engage sa leads nang 24/7 na di nangangailangang mag-online ng sales at marketing team. Nagagawa ng chatbots ang proactive sale sa pag-engage nito sa inyong website visitors at pagrekomenda ng produkto batay sa tinitingnan nila sa website o laman ng kanilang shopping cart. Puwede rin nilang tulungan ang inyong business na abutin ang mas mataas na engagement sa potential customers.
Puwedeng gamitin ng HR departments ang chatbots bilang virtual assistants na tutulong mag-automate ng HR operations tulad ng pagkolekta ng resume, pag-track ng applications, pag-schedule ng interviews, recruitment process, onboarding, o pagkolekta ng feedback ng mga empleyado. Puwedeng i-train ng HR ang chatbot para makipag-communicate sa empleyado at mag-analyze ng information. Puwede nga rin silang mag-suggest ng solutions para mapahusay ang buhay-trabaho sa loob ng organisasyon.
Puwedeng gamitin ang bots sa malawak na uri ng banking activities at financial services tulad ng pag-manage ng customer accounts, pagproseso ng transactions, pagbigay ng account details, pagbalanse ng impormasyon, at marami pa.
Puwede silang gumana bilang virtual financial advisors. Kaya nilang i-track ang ugali sa paggasta ng mga kliyente, mag-set ng payment reminders, o sundan ang incoming at outcoming transactions.
Kayang ma-detect ng chatbots ang nakakadudang activities at mag-notify ng customer kapag na-hack ang kanilang bank account.
Maraming financial institutions ang gumagamit ng chatbot para ma-automate ang pang-araw-araw na administrative tasks tulad ng pag-handle sa customer complaints, pagsagot sa basic queries, pag-offer ng advice tungkol sa kanilang investments, at marami pa.
Unti-unting nagiging popular ang chatbot sa maraming business sa iba’t ibang industriya dahil time-efficient at sulit ang presyo nila sa mga pang-araw araw na task. Pero hindi nila mapapalitan nang buo ang kakayahan ng taong agent dahil hindi nila kayang i-handle ang mga komplikadong request at wala silang empathetic na personal touch.
Kailangang isipin ninyo parati ang inyong mga customer at kanilang preferences at bigyan sila ng option na kumonekta sa taong representative kung gusto nila. Puwede ninyong mapaunlad ang pangkalahatang customer experience at satisfaction sa ganito.
Maraming advantage ang chatbot na makatutulong sa business ninyong lumago, makahikayat ng maraming customer, gawing mas episyente ang trabaho para sa inyong mga empleyado, at mag-generate ng revenue. Pero gaya ng bawat teknolohiya, may kasama rin silang disadvantage na kailangang isaalang-alang kung iniisip ninyong mag-implement ng chatbots sa inyong business strategy.
Join our community of happy clients and provide excellent customer support with LiveAgent.
Gumagamit ng cookies ang website namin. Sa pagpapatuloy mo dito, awtomatikong tatanggapin namin na may permiso kami sa pag-deploy ng cookies na nakadetalye sa aming polisiya sa privacy at cookies.