Key takeaways
Pros
- Madaling maintindihan ang sign-up process
- Merong iba’t ibang complementary services ang AWS
- Malawak na knowledge base at tutorials
- User-friendly na interface
Cons
- Kahit libre ang chatbot, kailangan pa ring maglagay ng billing details
- Komplikadong web integration
- Nakalilito at mahirap intindihing pagpepresyo
Ang pagsisimula sa Amazon Lex chatbot feature
Ang Amazon Lex service ay isang tool ng Amazon Web Services (AWS) na pinapadali para sa inyo ang paggawa ng mga chatbot at iba pang conversational interfaces gamit ang natural na pag-intindi ng wika at automatic na speech recognition. Kapag ginagamit ito, puwede kayong gumawa ng chatbots na maiintindihan ang text at voice inputs at sasagot ito nang naaayon.
Para simulan ang installation process ng AWS Chatbot, kailangan ninyong mag-setup ng AWS account. Pumunta kami sa kanilang website para simulan ang sign-up process. Una, hiningan kami ng root email address at AWS account name.
Sa stage na ito pagkatapos i-click ang button ng “verify email address,” tatanungin sa inyo ang code na ipinadala sa inyong address para makumpirma ang inyong email address. Nagulat ako na natanggap ko agad ang code. Kapag tapos na ito, oras na para i-set up ang root user password ninyo.
Pagkatapos ay pinapunta kami sa pangalawa sa limang hakbang ng sign-up process. Sa bahaging ito, kinailangang magbigay ng mas personal na detalye tulad ng buong pangalan, phone number, bansa o rehiyon, at iba pa.
Kinailangan ding pumayag sa terms and conditions ng AWS Customer Agreement.
Ang pangatlong step ay tungkol sa pagbibigay ng inyong billing information, na siya naming ginawa. Hindi kami fan ng pagbibigay sa mga kompanya ng billing details, lalo na kung susubukan lang ang tool. Pero hindi ito maiiwasan kaya tumuloy kami sa pagrerehistro matapos ma-verify ang card details.
Sa pang-apat na hakbang, kinailangang makumpirma ang identity namin sa pagbigay ng telephone number para ma-verify ito sa pamamagitan ng pagtawag o pag-text. Pinili namin ang option na text at nakatanggap kami agad ng SMS, na siyang maganda.
Sa wakas, sa panghuling step ng pagrerehistro, pinapili kami ng gusto naming support plan. Merong apat na klase ng support na puwedeng pagpilian:
- basic support (libre lang),
- developer support (mula $29 kada buwan),
- business support (mula $100 kada buwan),
- enterprise level support (mula $15,000 kada buwan).
Hindi na kami nag-isip masyado at pinili na lang ang libreng klase ng support at tumuloy na sa pagkumpleto ng proseso ng pag-sign up.
Ang buong proseso ng pagrehistro ay umabot sa 15 minuto, na okay lang. Humingi ang AWS ng ilang detalye na tingin namin ay hindi na kailangan. Pero ito lang ang paraan para makagawa ng account. Kaya kailangang sumunod sa requirements.
Kung sa proseso mismo ng pagrehistro, wala namang problema tulad ng sa chatbot tool ng IBM Watson Assistant, halimbawa. Lahat ay malinaw at deretsahan lang kaya siguradong kaya ninyo itong gawin.
Amazon Lex chatbot features at implementation
Pagkatapos maging pamilyar ng ilang minuto sa maganda (pero technical din) na visual design ng software, sa wakas ay puwede nang tingnan nang malaliman ang features ng chatbot na ito.
Maganda ang unang impression sa UI pagkatapos mag-login sa aming AWS Management Console. Agad kaming nagpunta sa services tab para hanapin ang Amazon Lex chatbot at sinimulang diskubrehin ang features nito.
Unang tiningnan ang ilang available na resources sa bandang kaliwang bahagi ng site. Ito ay ang documentation, blogs, at “what’s new” na tab. Nagulat kami sa dami ng magagamit na impormasyon.
Sa blog section, halimbawa, merong articles ng iba’t ibang topics. Napaka-insightful nito para sa mga baguhang gumagamit ng chatbot tulad namin.
Ang documentation ay malawak din ang impormasyong magugustuhan ng mga gumagamit ng Amazon Lex.
Batay naman sa puwedeng magamit na features, inaamin naming natuwa kami nang makitang meron itong tutorials at instructions. Sa ibaba ay may makikita kayong halimbawa ng “configure bot settings” at “info” sa tabi nito. Kapag na-click ninyo ang text icon ay dadalhin kayo sa guides sa bandang kanang bahagi.
Ang ilang features na natuwa kaming diskubrehin ay ang idle session timeout, template example bots, at ang madaling live testing bot errors.
Napapag-usapan na rin lang ang errors, sa kasamaang-palad ay nakaranas kami ng error na hindi sigurado kung paano ayusin. Nagkaroon ng isyu sa pag-set up ng maraming wika para sa isang chatbot. Nalula kami sa dami ng iba’t ibang options na pagpipilian kaya medyo nakakairita. Pero nagbasa kami ng ilang resources tungkol dito kasi hindi puwedeng makipag-usap sa isang live agent dahil hindi ito kasama sa libreng customer support namin.
Sa kabuuan, ag Amazon Lex ay madaling gamitin, na merong konting nakakalitong aspektong nakakadismaya sa karanasan.
Performance at usefulness
Nagdesisyon kaming suriin ang performance at pakinabang ng Amazon Lex sa tatlong paraan: sa accuracy nito, sa satisfaction namin bilang user, at ang abilidad nitong makumpleto ang tasks. Sa usapin ng accuracy, ang Amazon Lex ay kayang maintindihan ang maraming klaseng input, at ang mga sagot nito ay relevant naman. Kasama rito ang pag-intindi ng context, pagkilala sa intent, at ang pagbibigay ng eksaktong impormasyon. Bilang isang user, ang rate na ibibigay namin batay sa satisfaction namin ay pito sa 10 points. Sa pangkalahatan, positibo ito na may ilang aspektong nakakairita tulad ng isyu sa pag-set up ng maraming wika. Bilang panghuli, ang Amazon Lex ay kayang kumpletuhin ang tasks, na siya namang goal nito. Kaya medyo nasiyahan naman kami sa chatbot na ito.
Amazon Lex chatbot pricing
Ang pagpepresyo sa Amazon Lex ay medyo komplikado at medyo natagalan kami sa pagkilatis nito. Mahirap itong intindihin, lalo na at nabasa naming libreng tool ito.
Hindi maintindihan kung magkano talaga at kung para saan ang kailangang bayaran. Pero nakahanap kami ng impormasyong ang Amazon Lex ay libre hanggang 10,000 na text at 5,000 na speech requests, hanggang 12 buwan.
Nasa ibaba ang impormasyon ng presyo ng tatlong klase ng serbisyo.
Streaming conversation pricing
Lahat ng user input ay pinoproseso sa isang streaming API call. Ibig sabihin, ang bot ay aktibong nakikinig at proactive kung sumagot.
Presyo: $0.0065 kada 1 speech interval (15 segundo)
Presyo: $0.0020 kada 1 text request
Request and response interaction pricing
Sa ganitong plan, ang bawat user input ay pinoproseso bilang hiwalay na API call. Masisingil kayo batay sa kung ilan ang requests ninyo sa bot na speech API o text API.
Presyo: $0.004 kada 1 speech interval
Presyo: $0.00075 kada 1 text request
Automated chatbot designer pricing
Puwede kayong automatic na gumawa ng chatbots gamit ang transcripts ng pag-uusap sa pamamagitan ng Amazon Lex Automated Chatbot Designer.
Presyo: $0.50 kada minuto
Kongklusyon
Sa pangkalahatan, halo-halo ang karanasan namin sa Amazon Lex, pero mas malapit ito sa pagiging positibo. Nag-enjoy kaming gamitin ang chatbot at sa pag-test ng features nito, pero ramdam ang pagiging technical nito. Dagdag pa, hindi namin nagustuhan ang pagbigay ng billing information. Sa kabilang banda, magandang may tutorials at resources sila, na siyang nagpadaling aralin at gamitin ang chatbot. Sa kabuuan, talagang na-enjoy namin ang pagkakaroon nito ng malinaw at intuitive na interface, pati na rin ang sapat na support at documentation para matulungan ang users na mag-navigate sa features ng chatbot. Kung kayo ay naghahanap ng medyo mura pero stable na solution, siguraduhing subukan ito.
Frequently Asked Questions
Paano magsimula sa Amazon Lex?
Ang Amazon Lex ay puwedeng ma-access sa AWS Management Console sa pamamagitan ng pag-navigate sa “Artificial Intelligence” category. Para gamitin ang Amazon Lex, kailangan ninyong magkaroon ng account sa Amazon Web Services. Pagagawin kayo ng account sa sign-up process kung wala pa kayong account. Para sa karagdagang impormasyon, puwede ninyong tingnan ang Amazon Lex V2 Getting Started Guide.
Paano gumawa ng Amazon Lex bots sa inyong mobile gadget?
Ang SDKs ay puwedeng magamit sa mga gadget ng iOS at Android, at binibigay ito ng Amazon Lex. Gamit ang mga SDK, puwede kayong magdevelop ng bots para sa inyong mobile use cases. Dagdag pa na ang Amazon Cognito ay puwede ring gamitin para paganahin ang user authentication.
Ano ang mga pangkaraniwang gamit ng Amazon Lex?
Ang Amazon Lex ay karaniwang ginagamit bilang informational bots, self-service voice chatbots at assistants, device control bots, enterprise productivity bots, transactional bots, at marami pang iba.