Key takeaways
Pros
- May libreng version
- Madali ang registration
- User-friendly na UI
Cons
- May ilang bugs minsan
- Sa Facebook lang dadaan ang pag-sign up
- Masyadong nakakalito at hindi intuitive ang pagpepresyo
Ang pagsisimula sa Chatfuel Chatbot feature
User-friendly na chatbot-building platform ang Chatfuel para sa mga business at individuals. Sa Chatfuel, puwede ninyong i-set up ang chatbots sa Facebook Messenger, WhatsApp, Instagram, at ibang websites kahit di kayo maalam ng coding. Pinadadali ng drag-and-drop interface nito ang paggawa at pag-customize ng chatbots na puwedeng i-handle ang maraming interaction. Kasama rito ang pagsagot sa tanong ng customer, pag-schedule ng appointments, at pagproseso ng orders.
Una sa lahat, para sa tamang pag-test ng Chatfuel, kailangan muna naming mag-sign up para sa account. Ginawa namin ito sa website ng software.
Sa tingin namin, ang sign-up ay deretsahan at user-friendly. Nang pumunta kami sa website ng Chatfuel, nakita namin agad ang button ng Start Free Trial. Pinuntahan namin ito at sinimulan ang installation.
Pagtapos nito, na-redirect kami sa sign-up page ng Chatfuel kung saan sinabihan kaming mag-log in gamit ang aming Facebook account – walang ibang option.
Nakita naming maganda itong paraan para simplehan ang registration. Sa kabilang banda, mas na-appreciate sana namin kung may ibang alternatibong option sa pag-sign up.
Hindi na kailangang magbigay ng detalye ng credit card o gumawa ng kahit anong bayad. Ang Chatfuel ay may offer na libreng plan para sa users na gagawa at magte-test ng kanilang chatbot nang walang kahit anong financial na commitment.
Pagkakumpleto namin ng sign-up form sa Facebook, dinala kami sa dashboard ng Chatfuel kung saan kinailangan naming sagutin ang ilang tanong:
Pagtapos naming sagutin lahat, sinabihan kaming ikonekta ang aming Facebook page sa chatbot.
Sa kabuuan, ang proseso ng registration ay tumagal lang ng ilang minuto. Walang confirmation o verification sa email o anuman. Pagtapos ng lahat, sa tingin namin ay nagbibigay ang Chatfuel ng madaling gamiting interface na hinahayaan pati ang mga baguhang makapagsimula nang madali sa chatbot.
Chatfuel Chatbot Features at Implementation
Nang natapos kami sa sign-up, oras na para i-test nang tama ang features ng bot at i-implement ito – ang pinaka-exciting na part.
Sa tingin namin, ang Chatfuel ay maganda ang visual ng user interface, malinis ang disenyong madaling i-navigate kahit ng baguhan.
Maganda sa mata ang platform kaya simple lang ang paggawa at pag-manage ng chatbots dito.
Hinayaan kami ng drag-and-drop na editor na i-customize ang itsura ng chatbot at magdagdag ng features na gusto namin.
Nagbibigay ng maraming features ang Chatfuel sa users nito. Kasama rito ang access sa direct support, hanggang 50 active chats sa users, at posibilidad na makagawa ng bots para sa Facebook Messenger at Instagram. Dagdag pa, gumagamit ang chatbot ng natural language processing (NLP), na hinahayaan ang chatbot na maintindihan at makasagot sa natural language input mula sa users.
Puwede ring ma-integrate ang platform sa third-party services tulad ng Zapier, Calendly, at Stripe. Pinapayagan nito ang users na ma-automate ang tasks tulad ng order processing at appointment scheduling.
Habang ginagamit namin ang Chatfuel, hindi kami nakaranas ng kahit anong isyu sa pag-test ng chatbot. Pero baka makakita kayo ng errors sa pag-set up ng bagong feature o pag-integrate sa third-party service – tulad sa ibang tools. Sa kasong iyan, may offer ang Chatfuel na isang comprehensive na help center at community forum kung saan kayo makahahanap ng sagot sa inyong tanong.
Dagdag pa, nagbibigay ang Chatfuel ng maraming support resources kasama ang tutorials, documentation, at email support.
Sa kabuuan, nagbibigay ang Chatfuel ng deretsahan at intuitive na interface na madaling i-navigate. Kahit may ilang isyu o kalituhan paminsan-minsan, sinisigurado ng customer support ng platform na mabilis maaayos ng mga user ang kahit anong problema.
Performance at paggamit
Para sa nakagamit at nakapag-test na ng Chatfuel chatbot sa Facebook page, bumilib kami sa performance nito. Sobrang user-friendly at intuitive ng bot, napapadali sa kahit sino nn makapag-navigate at makagamit. Nagustuhan namin ang personalized na experience nito; binabagay ang mga sagot nito sa aming partikular na pangangailangan at interes. Ang abilidad ng bot na mabilis makapagbigay ng mahalagang impormasyon at makasagot sa mga tanong ay nakatipid sa aming oras at effort.
Sa kabuuan, ang tingin namin sa Chatfuel chatbot ay napakahalagang tool ito para sa gustong makapag-engage sa Facebook page nang mas epektibo.
Chatfuel Chatbot pricing
Sadyang nakakalito ang ilang pagpepresyo ng Chatfuel. Sa kanilang website, nakita namin ang 3 magkakaibang pricing page na iba-iba ang suggestion na bayad. Para linawin ang kalituhang ito, kumontak kami sa kanilang customer support. Mabilis at insightful ang kanilang sagot. Paliwanag nila, ang pricing ay nag-iiba depende sa lokasyon ng user at IP address nito.
Kung bagong user kayo ng kanilang platform, may pricing table na puwedeng bumagay sa inyo. Ipaliliwanag namin ito sa ibaba. Ang mga presyo ay nakadepende rin sa inyong geographical location. Kaya tandaang hindi 100% siguradong ang presyo ay puwedeng ma-apply sa inyo.
Trial plan
Kahit medyo limitado ito, puwedeng pakinabangan ng users ng Chatfuel ang trial plan. Puwedeng makagawa ng chatbots para sa Facebook Messenger at Instagram, magkaroon ng hanggang 50 active conversations sa users, at magka-access sa direct support. Dagdag pa, binibigyan din nito ang users ng access sa iba’t ibang templates, flow builder, at integrations.
Entrepreneur plan
Sa $12 kada buwan, puwedeng makuha ang Enterprise plan. Maliban sa features ng libreng plan, puwedeng ma-enjoy ang hanggang 500 conversations. Malaki ang kaibahang iyan mula sa naunang plan.
Startup plan
Kung dadagdagan ninyo ang inyong budget ng $8 kada buwan, makakukuha kayo ng dobleng conversations (kumpara sa naunang plan). Salamat ito sa Startup plan na $20 kada buwan kung taunan ang billing.
Small Business plan
Ang susunod na plan ng Chatfuel ay ang Small Business plan na mas mahal nang konti – $48 kada buwan kung taunan ang billing. Ito ay may offer na 3,000 conversations.
Growing Business plan
Panghuli ang Growing Business option. Ito ang pinaka-advanced sa lahat. Ibibigay kasi nito ang limit na hanggang 10,000 conversations kada buwan. Puwedeng makuha ang plan na ito nang mas mura nang konti sa $100 kada buwan.
Halimbawa ng features na available sa users sa bawat plan ay ang flow builder, templates, communication automation, lead management, live chat, support, at integrations.
Kung lalampas kayo sa limit, may dagdag na fee ito.
Kongklusyon
Sa kabuuan, napabilib kami sa chatbot platform na Chatfuel. Ang kadalian nitong gamitin, customization options, at iba’t ibang features ay ginagawa itong solid na choice para sa mga business na iba-iba ang laki.
Kahit may ilang isyu o kalituhan minsan, ang comprehensive na help center at community forum ng platform na ito ay nagbibigay ng sapat na support sa users. Dagdag pa, accessible ang pricing plans ng Chatfuel sa mga business na may iba-ibang budget. Sa kabuuan, kung naghahanap kayo ng user-friendly at maraming features na chatbot platform, irerekomenda namin sa inyong subukan ang Chatfuel.
Frequently Asked Questions
May isyu sa pagkonekta ng Chatfuel sa Facebook Page
Para maiwasan ang isyu sa pagkonekta ng inyong Chatfuel chatbot sa Facebook Page, pumunta sa Home tab sa Chatfuel at piliin ang Connect sa ilalim ng Facebook Page option. Piliin ang page na gusto ninyong ikonekta at i-click ang Connect button. Piliin ang Done, at ayos na dapat kayo. Kung aksidenteng nakonekta ang maling page, ang kailangan lang gawin ay i-disconnect ito at pagtapos ay idagdag ang gusto ninyong ikonekta.
Unresponsive ang aming Chatfuel bot.
Una sa lahat, i-check kung ang bot ay naka-enable. Pangalawa, i-test ang bot sa Chatfuel platform para makita kung naka-configure ito nang tama. Sunod, i-verify kung ang bot ay naka-integrate nang tama sa inyong platform o website. Huwag ding kalimutang baka ang isyu ay ang bilang ng inyong available na credits.