Key takeaways
Pros
- Malawak na documentation para matulungan kayong magsimula
- Useful na integrations
- Magandang integrations
Cons
- Nakalilitong pricing
- Sa may bayad na plan lang available ang support tickets at contact sa tao
- Hindi malinaw na descriptions, minsan masyadong “technical”
Ang pagsisimula sa Dialogflow chatbot feature
Ang Dialogflow ay isang virtual agent ng Google na kayang mag-handle ng sabay-sabay na usapan sa inyong customers. Naiintindihan nito ang wika ng tao dahil sa module nilang natural language understanding. Ang users ng Dialogflow ay puwedeng pakinabangan ang features nito tulad ng visual flow builder, omnichannel na implementation, advanced AI, at end-to-end management.
Nadiskubre naming para makapagsimula sa Dialogflow chatbot, puwedeng pumili sa 1 sa 2 posibleng paraan. Ang una ay kailangang dumaan sa masinsing proseso ng registration na kasama ang maraming detalye tulad ng sumusunod:
- bansa kung saan nakatira
- description ng inyong organisasyon o ng mga pangangailangan nito
- gustong klase ng account
- pangalan ng business
- detalye ng pagbabayad
- billing address
Kailangan din ninyong sumang-ayon sa iba’t ibang policy at agreement. Makikita ninyo itong proseso sa ibaba.
Tatapatin namin kayo – mas matrabahong paraan ito. Sa dahilang ito, nagdesisyon kaming gamitin ang method na mas hindi nakakaubos ng oras. Sa pagpili ng mas madaling paraan ng pag-sign up, ang buong proseso ay tumagal lang nang ilang segundo. Ang kailangan lang gawin ay pumunta sa kanilang website, tanggapin ang terms of service, at pagkatapos ay handa na kaming pumunta sa exciting part – ang paggamit ng chatbot.
Sa sign-up process mismo, hindi kami nakaranas ng kahit anong hirap. Lahat ay deretsahan. Ang kailangan lang gawin ay mag-sign up gamit ang Google account namin (siguraduhing meron kayo) at tapos na iyon. Kung iniisip ninyong madali para sa beginners ang proseso, masasabi naming siguradong madali ito, at least itong pangalawang method na ginamit namin.
Dialogflow chatbot features at implementation
Para makagawa ng inyong unang chatbots, kailangan ninyong gumawa ng kahit isang agent para ma-access ang test console. Ang detalyeng kailangan ninyong ibigay ay ang sumusunod:
- pangalan ng agent
- default na wika
- default na time zone
- google project name
- klase ng agent
Ang visual design naman ng console ay magaan sa mata. Nag-enjoy kami sa pag-navigate dito at pagiging pamilyar sa lahat. Sa tingin namin, ang available na features ay kapaki-pakinabang at iba-iba, na siyang importante sa isang chatbot. May malawak na range ng iba’t ibang functions na puwedeng pagpilian tulad ng sumusunod:
- contexts (para maalala ang parameters)
- na-set na events sa non-verbal signals
- training phrases
- knowledge base
- chat history
Sa simula, medyo nakalilito ang descriptions ng iba’t ibang features. Binigyan kami ng napaka-“technical” na pakiramdam, na kinasanayan rin paglipas ng ilang oras. Sa kabilang banda, nasiyahan kami sa pagkakaroon nito ng malawak na documentation ng support resources at FAQ sections. Available ito agad kung kailangan ninyo ng tulong. Pero kung gusto ninyong magbukas ng support ticket, available lang ang option na ito sa mga naka-subscribe sa may bayad na support at chatbot plans.
Performance at paggamit
Para sa pangkalahatang performance at gamit ng Dialogflow chatbot, masasabi naming kaya nitong maibigay ang requirements ng parehong baguhang users at ang ibang may karanasan na sa paggamit ng chatbots. Ang tool na ito ay may basic features na meron din sa ibang chatbot, at meron din itong malawak na klase ng dagdag na capabilities na hinahanap ng mas beteranong users. Ginawa rin naming ma-test ang chatbot sa mobile app at web application, at nakatugon naman ito sa maraming user inputs.
Dialogflow chatbot pricing
Ang pricing ng Dialogflow chatbot ng Google ay nakabatay sa bilang ng requests na ginawa sa service, na may libreng tier na may kasamang hanggang 100,000 requests kada buwan at meron pang bayad na plans na available para sa mas mataas na gamit. Dagdag pa rito, meron ding dagdag sa bayad para sa ilang features tulad ng phone call o SMS support, o paggamit ng Google Cloud resources. Nirerekomenda naming i-check ninyo sa website ng Google Cloud ang mas updated na impormasyon sa pricing.
CX Agent (2021-09)
Ang Dialogflow ay may offer na text requests sa halagang $0.007 kada request. May offer din itong audio input/output na may dagdag na $0.06 kada minuto. Wala namang charge ang design-time request at iba pang session request na nagbibigay sa inyo ng flexibility na hindi nagpapamahal sa inyong budget.
CX Agent (2020-09)
Para sa text, ang Dialogflow ay may charge na $20 kada 100 chat sessions. Para sa audio input/output, may charge silang $45 kada 100 voice sessions. Meron din silang offer na design-time requests at iba pang session requests na walang charge, para maka-focus kayo sa paggamit ng service nang walang dagdag na singil.
Kongklusyon
Sa kabuuan, ang Dialogflow chatbot ay isang maaasahang solution. Ang mga naghahanap ng tools na ginagawang posible ang human-computer interactions ay dapat subukan ito. Dagdag pa, meron itong libreng trial kaya puwede ninyong silipin ito nang walang investment o commitment. Mahalagang banggiting ang chatbot ay puwedeng maging medyo technical para sa inyo kung hindi kayo techie. Kung naghahanap kayo ng mas madaling solution, baka mas magandang tingnan ninyo ang ibang tools tulad ng LiveAgent.
Frequently Asked Questions
Gaano katagal ang isang session sa Dialogflow?
Ang session sa Dialogflow ay usapan sa pagitan ng user at agent. Para ma-track ang conversations at ma-maintain ang context, ang bawat session ay may naka-assign na isang unique session ID. Sa tuwing magsisimula ng pag-uusap ang user sa agent, gagawa ito ng bagong session na may bagong session ID. Sa Dialogflow, ang isang session ay tumatagal nang 15 minuto. Pagtapos nito, gagawa sila ng bagong session ID para sa susunod na usapan. Pero puwedeng ma-configure ang inyong agent na magkaroon ng mas maikli o mas mahabang session timeout.
Gumagana ba ang Dialogflow offline?
Hindi. Dahil cloud-based ito, kailangan ng Dialogflow ng internet connection para gumana. Ang data at models para sa agent ay naka-store sa servers ng Google, at puwede lang itong ma-access online. Dahil kailangan ng Dialogflow na makakonekta sa servers ng Google para ma-access ang models at data, hindi ito gagana offline. Kailangan din ng internet connection para maproseso ang request ng user at para makasagot ito nang maayos.