Key takeaways
Pros
- Madaling UI
- Mayamang features
- Magandang customization options
- Kapaki-pakinabang na analytics data
Cons
- Napakamahal ng presyo
- 3 lang ang subscription plans
- Dapat may coding skills/Javascript knowledge sa implementation
Ang pagsisimula sa Drift chatbot feature
Ang Drift chatbot solution ay hinahayaan ang mga business na makapag-engage nang real-time sa mga bisita ng kanilang website gamit ang conversational AI para makapagbigay ng instant at personalized na sagot sa kanilang tanong. Puwede ring i-integrate ang Drift sa ibang marketing at sales tools, pinapadali nito sa mga business na makakuha ng leads at i-convert ito bilang customers.
Para simulan ang test, nagdesisyon kaming mag-sign up sa limitado at libreng Drift subscription. Bilang bahagi ng Setup ng Drift, sinabihan kaming ibigay ang aming work email at password. Sunod, kailangang i-verify ang aming email address. Masaya kami dahil agad dumating ang verification link sa aming inbox.
Pagkatapos naming ma-verify, sinabihan kaming gawin ang ilang bagay sa susunod na windows. Kasama rito ang pagpili ng kulay ng bot at wika, pati ang pangalan ng kompanya at website information.
Pagtapos naming gawin ang mga iyon, natapos namin ang pag-sign up at itinuloy na ang test.
Sa kabuuan, hindi kami nakaranas ng kahit anong hirap. Deretsahan lang at mabilis ang proseso. Kung baguhan kayo at nag-aalala kung magagawa ninyo ito, huwag ma-stress. Tingin namin ay wala nang mas dadali pa sa sign up nila.
Drift chatbot features at implementation
Pagtapos namin sa registration phase, oras na para mas malalimang makilala ang features at implementation ng Drift.
Una sa lahat, ang chatbot ay may nakakabilib na visual design na nagbibigay ng engaging at intuitive na user experience. Maganda ring tingnan ang malinis at moderno nitong interface sa aming opinyon. Ang paggamit ng mga icon, typography, at color scheme ay consistent sa buong disenyo kaya cohesive at professional ang itsura. Highly responsive rin ito; binibigyan ang users ng tuloy-tuloy na experience sa iba’t ibang gadget at size ng screen.
Talagang masasabi naming ang interface ng Drift chatbot ay dinisenyong maging user-friendly at madaling i-navigate. Intuitive at deretsahan ang interface na may malinaw na menus at options para ma-set up ang inyong bot, ma-manage ang conversations, at ma-analyze ang performance data.
Ang iba’t ibang native features pati ang integrations ay positibo ang impression sa amin. Ang sobrang paborito namin ay ang chat playbooks, live visitors, at conversational landing pages. Bukod sa iba pang features, meron ding mga bagay tulad ng sumusunod:
- dedicated CMS
- semi-annual sales user testing
- semi-annual EBR
- access sa Drift support engineers
Kuntento kami sa user interface ng buong software kaya hindi namin inaasahan ang kahit anong isyu sa chatbot. Pero kailangan naming banggitin ang isa: ang speed ng application. Ang speed ng website ay medyo mabagal. Matagal mag-load ang ilang features. Sa kabilang banda, ang app ay may iba’t ibang functionalities. Kaya sa palagay namin, trade-off ito sa kasong ito.
Hindi naman kami nakakita ng kahit anong nakakalitong element sa chatbot mismo. Pero kung meron mang hindi malinaw, hindi ninyo kailangan mag-alala kahit konti (di rin kami nag-alala). Ito ay dahil ang Drift ay may offer na iba’t ibang magagamit na resources para sa kanilang users. Ang maliliit na bagay tulad nito ay puwedeng magpaganda ng user experience kaya maraming salamat sa team ng Drift para rito.
Performance at paggamit
Sa performance, ang Drift ay sobrang epektibong chatbot solution. Gumagamit ito ng advanced na natural language prosessing (NLP) technology para maintindihan ang intent ng customer queries at makapagbigay ng relevant na sagot. Puwede naming malugod na kumpirmahing ang chatbot ay may kakayanang i-handle ang malawak na range ng mga tanong. Mula sa mga simpleng request ng impormasyon hanggang sa komplikadong support queries, magagawa ng Drift ang trabaho. Dagdag pa, dapat i-highlight na ang Drift ay may offer na suwabeng integration sa ibang tools at platforms. Kasama sa mga halimbawa ang CRMs at marketing automation software, na sa tingin namin ay makatutulong sa lalong pagpapaganda ng effectiveness at usefulness nito.
Drift chatbot pricing
Ang Drift ay may offer na tatlong pricing plans. Dapat banggiting walang available na libreng option (maliban sa sobrang limitadong libreng version). Kung gusto ninyo ng libreng solution, ang chatbot na ito ay hindi para sa inyo. Tingan natin ngayon nang mas detalyado ang pricing plans.
Libre
Una sa lahat, posibleng mag-register sa libreng version ng software. Hindi kami nakakita ng kahit anong mahaba-habang detalye tungkol sa plan kaya tingin namin ay hindi ito time-bound. Hindi rin kami nakatanggap ng kahit anong impormasyon sa email tungkol sa duration nito. Dagdag pa, sinabi ng support team nila sa amin na wala silang kahit anong impormasyon sa features ng libreng plan na maibibigay sa amin. Medyo nakagugulat ito. Sa nakita namin, pinapayagan ng solution ang maliliit na access sa ilang pinaka-basic na features sa loob ng chatbot, halimbawa sa isang user lang.
Premium
Ang una at tingin naming pinakamura na bayad na plan ay ang Premium. Ito ay may napakalaking halaga na $2,500 kada buwan. Sa presyong ito, may access kayo sa features tulad ng live chat, meetings, custom chatbots, Intel, at real-time notifications.
Advanced
Puwede ring piliin ng users ang Advanced na option. Sa kasamaang-palad, hindi masabi kung magkano ang kailangang bayaran para rito dahil customizable plan ito. Pero masasabi naming kung anong features ang puwede ninyong asahan. Para sa plan na ito, kasama lahat ng meron ang Premium plan, pati ang dagdag na functionalities tulad ng fastlane, audiences, at A/B testing.
Enterprise
Panghuli, meron ding Enterprise solution na puwede ninyong kunin. Kailangan ninyong kausapin ang sales team ng Drift para malaman ang eksaktong presyo nito. Ito ang pinakakomplikado sa lahat ng plan. Binibigyan kayo nito ng access sa lahat ng features ng mga nabanggit nang plans, kasama ang ibang functions tulad ng workspaces, AI-powered na chatbots, flex routing, at custom RBAC.
Kongklusyon
Bilang summary ng review, masasabi naminng halo ang pakiramdam namin sa chatbot bago ang testing. Ang pinaka-concern namin ay ang presyo. Nakakadismaya ang napakamahal nitong presyo, lalo na kung hindi pa kayo nakagamit ng chatbot dati at mahigpit ang inyong budget. Pagtapos ng testing ng chatbot, inaamin naming sobrang user-friendly nito at madaling gamitin. Na-enjoy namin ang customization features na hinahayaan kaming bigyan ang bots ng brand-personalized na look. Sa lahat-lahat, ang chatbot na ito ay magandang idagdag sa inyong kompanya kung hindi kayo strict sa budget, kaya huwag mag-atubiling subukan ito.
Frequently Asked Questions
Paano mag-set up ng group meetings sa Drift?
Para gawin ito, kailangan ninyong gumawa ng bagong meeting type. Para makagawa ng bagong meeting type, kailangan munang pumunta sa “Meetings” at piliin ang “Create meeting type” na option. Sa susunod na hakbang, piliin ang “Group” at i-click ang “Next.” Huling hakbang ang pagpili ng meeting name at pag-click ng “Creating meeting type” na button. Para sa dagdag na detalye, bumisita sa help center ng website ng Drift.
Paano ma-install ang Drift sa aming website gamit ang Javascript
Ang pag-install ng Drift sa inyong website ay pinakamadali sa direct insertion ng inyong Javascript snippet. Para gawin ito, kopyahin muna ang code. Sunod ay i-paste ito bago sa dulo ng section ng backend ng inyong website. Iyon na iyon!
Paano gagamitin ang display frequency sa playbooks sa Drift?
Ang inyong playbooks ay may condition na nagsasabi kung gaano kadalas makita ng bisita ang isang partikular na playbook. Kailangan ninyong i-set kung gaano kadalas ipapakita ang inyong playbook pagtapos ma-set ang targeting conditions. Para gawin ito, mag-scroll down at piliin ang tamang radio button. Puwede rin ninyong piliin ang porsiyento ng customer na makakakita ng inyong bot. Para sa karagdagang detalye, bumisita sa help center ng Drift.