Key takeaways
Pros
- Magandang variation ng subscription plans
- Mayamang features
- Maraming magagandang chatbot templates
- May libreng plan
- Madaling navigation
Cons
- Walang spelling checker
- Nakakalito ang sabay-sabay na pag-manage ng higit isang account
- Walang video communication features
- Napakatagal mag-load ng mga tool minsan
Ang pagsisimula sa Freshchat chatbot feature
Ang Freshchat ay isang cloud-based na customer messaging platform para makapag-engage ang mga business sa kanilang customers nang real-time gamit ang maraming channels tulad ng website chat, social media, at mobile messaging. Ang platform ay may offer na iba’t ibang features na mas pinadadali ang customer support kasama ang chatbots, canned responses, at detalyadong analytics. Ang tool ay dinisenyo para pagandahin ang customer experience sa pagbigay ng agarang assistance at personalized support. Sa Freshchat, mapapaganda ng mga business ang efficiency ng kanilang customer service at mapapataas ang customer satisfaction.
Para makapagsimula, pumunta kami sa website ng tool (www.freshworks.com) at nag-sign up sa libreng plan. Hindi kami makapili sa dalawang option – gagamitin ang email namin o Google. Ginamit namin ang mas mabilis na version – Google – at tumuloy kami. Sa ganitong paraan, kinailangan lang ibigay ang pangalang ng aming kompanya at phone number bilang details.
Masasabi naming dinisenyo ang sign-up process ng Freshchat para maging user-friendly at accessible kahit para sa bago pa lang sa chatbot platforms. Pinakaimportante, dinisenyo ito para maging mabilis.
Ang platform ay may offer na comprehensive na gabay sa kanilang registration process. Sinisigurado nitong meron kayo ng lahat ng impormasyong kailangan para makapagsimula. Habang madaling maintindihan ang mga hakbang, medyo mabagal ang paggana ng platform sa simula – iyan lang ang negatibong masasabi namin.
Deretsahan ang installation process, tumagal lang ng ilang minuto para makumpleto. Noong nakapag-sign up na kami, mas detalyado naming diniskubre ang tool. Sa tingin namin, hindi kayo magiging problemado sa pag-sign up ninyo.
Freshchat Chatbot Features at Implementation
Dahil tagumpay ang paggawa namin ng account, tuloy na sa pagkilala pa nang mas maigi sa software. Ang unang napansin namin ay ang interface na mainam sa mata. May napaka-intuitive na disenyo ang Freshchat – naging komportable kami agad.
Kung titingnan ang tool lang, may offer itong maraming interesanteng features sa users na tulad namin. Ang paborito namin ay ang analytics (e.g. customer satisfaction bar), FAQ section, at ang “bulk actions” na option kapag nakikipag-deal sa inyong contacts.
Maliban pa rito, positibo kaming nasorpresa sa “recommended features” na section. Ang section na ito ay tinutulungan kayong makuha ang lahat ng posibleng makuha sa plan ninyo. May mga suggestion ito kung anong features ang kailangan ninyong pakinabangan.
Pagdating sa ganyang features, ang pinakainteresanteng tumatak sa amin ay ang sumusunod:
chat groups: pagkakataong maorganisa ang teams sa groups para sa mas mabilis na pagresolba ng mga problema,
business hours: isang option para i-set ang inyong availability sa chat sa buong araw para masabihan ang customers,
canned responses: isang paraan para makagawa ng templates ng mga sagot para sa mas mabilis at mas consistent na messaging.
Sa wakas, talagang nagustuhan namin ang iba’t ibang template ng chatbot. Hindi namin nakita ang lahat ng higit 50 templates, kahanga-hangang makitang hindi namin kailangang gumawa ng bots mula sa simula. Magaling itong dagdag.
Sa kabuuan, ang tool ay mayaman sa interesanteng functionalities na sulit diskubrehin. Nag-aalala lang kami sa mga baguhang mahihirapan sa paggamit ng tool na ito. Sinasabi namin ito dahil hindi kami nakakita ng pop-up guides o tutorials sa setup at features sa loob ng tool. Sa kabila nito, ang Freshchat ay solid at maaasahang tool na ginawa ng mga may kaalaman at karanasan.
Performance at paggamit
Tinest namin ang Freshchat sa aming Facebook page. Masasabi naming nakakabilib ang resulta. Siyempre, tulad ng ibang chatbot, ang effectiveness ay kahalintulad sa oras at effort na ginugol ninyo para ma-configure ito. Sa tamang approach, ang planadong chatbot conversation ay makakatipid ng inyong oras. Dagdag pa, mapapataas nito ang inyong customer support sa mas mataas na level.
Habang tinetest, sinigurado naming mapunan ang kahit anong kakulangang nakita namin at regular kaming nag-update ng chat widget. Pero kahit walang palagiang monitoring, suwabe ang performance ng Freshchat, nagbigay ito ng magaling na customer service sa bawat bisita ng aming Facebook page. Siyempre, importanteng maalalang kahit ang sophisticated na chatbot ay may limitations. Kaya mahalagang siguraduhing ang agent na tao ay dapat palaging available para i-handle ang kahit anong komplikadong tanong na puwedeng lumabas. Isa sa pinakamaganda sa Freshchat ay iyong gaano ito kadaling gamitin at i-integrate sa inyong kasalukuyang support system.
Freshchat Chatbot pricing
Depende sa inyong pangangailangan at budget, ang Freshchat ay may offer na apat na options. Ang libreng plan ay available sa naghahanap ng walang babayarang solutions. Oo, posibleng i-enjoy ang mga advantage ng chatbot nang walang kahit anong investment na pera. Sa mga balak itaas ang chatbot experience, kailangang kunin ang may bayad na plans ng Freshchat para madiskubre ang kakaibang features nito at benefits.
Libre
Una sa lahat, meron libreng plan na puwede ninyong pakinabangan. Bibigyan kayo ng access sa hanggang 100 campaign contacts. Ang kasama sa features nito ay chatbots, chatbot analytics, inbox views, topics, groups, at marami pa. Kahit libre ito, marami-rami ang iba’t ibang features nito.
Growth
Ang susunod ay ang Growth plan. Buwanan ang billing nitong $18 bawat agent. Meron ito ng lahat ng nasa libreng plan na may ilang dagdag. Halimbawa ay ang hanggang 2,000 na libreng bot sessions kada buwan, FAQs, user events at timelines, SMS, at WhatsApp business na ilang features pa lang.
Pro
Kung sa tingin ninyo ay hindi sapat ang Growth plan sa inyong pangangailangan, puwede ninyong piliin ang Pro – para sa $47 bawat agent kada buwan na may buwanang billing. Ang Pro plan ay bibigyan kayo ng access sa lahat ng nabanggit na. Maliban pa riyan, puwede rin kayong mag-enjoy sa functionalities tulad ng live translation, auto-resolve, at conversation APIs.
Enterprise
Ang panghuli ay para sa nangangailangan pa ng dagdag na features – ang Enterprise plan. Ito ang pinaka-advanced sa lahat ng tiers at nagkakahalagang $83 kada buwan bawat agent. Ano ang puwedeng asahan dito? Ilang halimbawa ay ang allowed domains, user authentication, at 500 campaign contacts.
Kongklusyon
Para sa summary ng aming review, inipon namin ang ilang panghuling masasabi namin sa Freshchat software. Sa pangkalahatan, ito ay isang tool na sulit tingnan kung naghahanap kayo ng mura at convenient, at mabilis ma-implement. Kung fan kayo ng maraming chatbot templates at mayamang features, Freshchat ang tool para sa inyo.
Kung titingnan ang kahinaan, meron lang kaming dalawang babanggitin. Una, medyo may kamahalan ito dahil “bawat agent” ang batayan. Kaya kung may malaking team kayo, medyo magiging mahal ito. Dagdag pa, ang tool ay medyo matagal mag-respond kung minsan. Hindi kami sigurado kung dahil ito sa bug na nagdudulot sa isyu, server overload, o ibang problema. Sa pangkalahatan, ang tingin namin ay solution na sulit itong bigyan ng pagkakataon – may 21-araw na trial ito at panghabambuhay na libreng plan din, kaya bakit hindi subukan?
Frequently Asked Questions
Nahihirapan kaming i-customize ang aming Freshchat para sa Facebook Messenger
Para i-customize ang inyong Freshchat chatbot para sa Facebook Messenger, mag-navigate muna sa “chatbots” section. Pagtapos ay piliin ang chatbot na gusto ninyong i-customize. Pagtapos nito, makikita ninyo ang iba’t ibang options para makagawa, ma-configure, at ma-adjust ang inyong bot. Kontrolin ang inyong progreso habang nasa “preview” feature kayo, at i-unpublish ang chatbot kahit anong oras para masigurong hindi kayo mag-release ng naglolokong bot.
May isyu kami sa paggawa ng una naming Freshchat sa Facebook Messenger
Para makagawa ng inyong unang chatbot para sa Facebook Messenger gamit ang Freshchat, ikonekta ang inyong Facebook Page sa software. Kapag tapos na iyon, mag-navigate sa “chatbot” tab sa UI. Mula roon, puwede na kayong magsimulang mag-set up ng inyong chatbot. Puwede kayong gumawa mula sa wala o gumamit ng templates.