Key takeaways
Pros
- Libre ito
- May offer na marami at kahit papaano ay advanced na features
- Madaling gamitin
- Puwedeng ma-integrate sa ibang tools
Cons
- Nakakalula sa simula
- Nakakalimita sa users ang interface
- Mahal ang Enterprise solution
Ang pagsisimula sa HubSpot chatbot feature
Ang HubSpot ay isang customer relationship management (CRM) platform at marketing, sales, at customer service software. Nagbibigay ito ng tools at features para makatulong sa mga business na mag-manage at mag-analyze ng customer interactions at data sa buong customer lifecycle, na may goal na pagbutihin ang customer relationships at pagtulak sa paglago ng business. Ang pinaka-interesanteng feature ng HubSpot para sa amin ay siyempre ang chatbots, na sinubukan namin para sa review na ito. Pero bago magamit ang chatbot, kailangan ninyo munang mag-register.
Para gawin iyan, kailangan ninyong pumunta sa kanilang website at i-click ang “Get started for free” na button. Sasabihan kayong magbigay ng ilang essential na information tulad ng buo ninyong pangalan, pati na ang inyong email address. Ang susunod, tatanungin kayo sa ilang bagay: saang industriya kayo galing, ano ang inyong posisyon sa trabaho, ano ang tawag sa inyong kompanya, gaano ito kalaki, at ano ang website nito.
Ang buong sign up process ay hindi tumatagal ng 10 minuto at sobrang user-friendly nito. Ang puna lang ay mas matagal ito sa inaasahan kong tagal ng pagtanggap ko ng email ng confirmation link. Pero puwedeng dahil ito sa email provider ko.
Batay sa first impression ko, sobrang user-friendly ng interface nito. Lahat ay malinaw at madaling sundan kaya nakakakuntento ito.
Medyo nadismaya lang kami sa HubSpot nang lahat ng detalye ay tinatanong sa simula, hanggang sa naisip naming para sa personalization pala ito. Sa ganitong paraan, makatatanggap kami ng content galing sa HubSpot na nakabatay sa industry at job role.
HubSpot chatbot features at implementation
Nang natapos na ang registration process, oras na para mas makita nang malaliman ang features ng HubSpot at ng chatbot implementation nito.
Sa simula, medyo nakakalula ang visual design ng tool. Sa makikita ninyo sa ibaba, medyo maraming iba’t ibang tabs na iki-click tulad ng “Contacts,” “Conversations,” “Marketing,” “Sales,” “Service,” at iba pa. Pagkatapos ng ilang saglit, nasanay na rin kami. Kaya hindi masasabing komplikadong gamitin ang HubSpot dahil madali namang makapag-navigate sa interface nito.
Positibo kaming nagulat sa availability ng iba’t ibang features na kasama sa free plan. Kumpara sa ibang tools, masasabing nadaig nito ang ibang solutions sa kaparehong level. Ang ilang features na pinakagumulat sa amin ay ang chat widget at ang option na makakapag-adjust ng availability ninyo sa chat at sa pag-manage sa mga tao sa team ninyo.
Medyo nalula na naman kami nang tiningnan namin ang dami ng iba’t ibang settings. Tulad ng nauna, kinailangan pa ng konting oras para maging pamilyar sa lahat.
Hindi kami nakakita ng kahit anong nakakalito, na siyang ikinagulat namin. Hindi rin kami nakakita ng kahit anong isyu sa chatbot. Salamat marahil sa tulong ng tutorials para sa mga baguhan. Ang users na tulad namin ay may access sa iba’t ibang tutorial kaya maganda ito. Kung kailangan ninyo ng tulong, gagabayan kayo ng quick tutorial kahit sa porma ng pop-up tutorials at tips. Makikita ang itsura nila sa ibaba.
Na-curious din kami sa integrations ng HubSpot. Kapag nakapag-navigate na kayo sa kanilang App Marketplace, makikita ninyo ang marami nilang integrations na puwede ninyong pagpilian, kasama na ang mga magagamit ninyo tulad ng sales at customer service. Ang mga popular na halimbawa ng live chat integrations ay Intercom, Sakari SMS, Facebook Messenger, Salesmsg SMS, at TruConversations.
Performance at paggamit
Para i-test ang performance at gamit ng chatbot product ng HubSpot, ginamit namin ito sa aming website at nag-monitor ng performance nito nang ilang linggo. Nag-set up kami ng chatbot na kayang i-handle ang maraming task kasama na ang pag-book ng mga meeting, paggawa ng support tickets, at pagtulong sa pag-qualify ng leads.
Sinubukan rin kung paano naiintindihan at sasagot ang chatbot sa iba-ibang input language. Maliban sa pag-monitor ng performance ng chatbot, nag-request din kami ng feedback tungkol sa paggamit ng mga katrabaho naming nag-interact dito.
Ang resulta ng aming test ay nagbigay ang chatbot ng mahahalagang assistance sa aming users at nakayanan nitong i-handle ang malaking volume ng requests. Sa kabuuan, napabilib kami sa performance at gamit ng chatbot product ng HubSpot.
Presyo ng HubSpot chatbot
Ang unang kailangang tandaan ay may offer ang HubSpot sa kanilang subscribers na libreng plan habambuhay. Magandang balita ito sa fans ng walang bayad na solution. Dagdag pa, meron ding may bayad na plans. Nasa ibaba ang detalye ng lahat ng available na plans.
Libre ($0/ buwan)
Una, meron silang libreng plan. Bibigyan kayo nito ng storage na hanggang 15 milyong contacts at 1:1 na technical support. Kasama sa features nito ay ang iba’t ibang email templates, Facebook Messenger integration, at live chat features.
Starter (mula $50/ buwan)
Kasama sa Starter plan ang lahat ng nasa Free plan pero may extended na limit. May option pang puwedeng tanggalin ang HubSpot branding mula sa iba’t ibang lugar sa chatbots.
Professional (mula $500/ buwan)
Susunod ang Professional plan. Sa planong ito, kasama ang lahat ng nasa Starter plan at dagdag ang team management at personalization features, advanced support, at calculation options.
Enterprise (mula $1,200/ buwan)
At panghuli, kung may malaki kayong pangangailangan at team, baka mas gusto ninyo ng Enterprise plan. Ito ay may access sa lahat ng nasa ibang plans, pati na ang ilang dagdag pa tulad ng customization, administration, at coaching features.
Kongklusyon
Sa pangkalahatan, maaasahan ang chatbot tool ng HubSpot para sa mga business na naghahanap ng magagamit na chatbots para sa client conversations. Para sa mga business, may offer itong ilang option ng customization. Halimbawa ay ang abilidad na makapag-set up ng piling keywords o prompts para sa chatbot, pati na rin ang abilidad na makapag-integrate ng chatbot sa websites o messaging apps.
Kahit merong ilang minor na kahinaan ang chatbot tool ng HubSpot tulad ng posibilidad na iba ang pagkakaintindi ng chatbot sa inquiries ng mga customer o hindi sumasagot nang tama, libre naman ang tool. Kaya ang mga punang ito ay puwedeng ma-offset ng advantages nito. Kaaya-aya ito sa mga small at medium-sized na business dahil baka limitado ang kanilang budget sa panggastos sa applications ng customer relationship management.
Frequently Asked Questions
Ano ang gagawin kung hindi dumating ang email verification link?
Kung hindi ninyo natanggap ang inyong verification link, ang una ninyong gagawin ay i-check kung ang lahat ng ginawa ninyo ay tama. Palaging i-check ang inyong SPAM bago mag-troubleshoot sa HubSpot. Baka kasi minarkahang SPAM ng email provider ninyo ang email na galing sa HubSpot. Puwede rin ninyong i-check ang focused inbox kasama ang quarantined emails kung ginagamit ninyo ang Outlook o Office365. Kapag nasigurado na ninyong lahat ay tama, saka lang kumontak sa support team gamit ang special form na available sa website ng HubSpot para makuha ang link.
Paano matututunang gamitin ang chatbot interface ng HubSpot?
Kung nalilito kayo sa interface ng chatbot ng HubSpot, huwag kayong mag-alala masyado dahil may offer ang HubSpot na maraming klase ng guidelines, tips, at tricks para tulungan kayong makapagsimula sa tool na ito. Una, maraming in-app pop up na windows na gagabay sa inyo sa buong proseso ng paggawa ng chatbots. Pangalawa, nagbibigay ang HubSpot sa kanilang users ng knowledge base tungkol sa kanilang chatbot. Ang lahat ng materials na ito ay gagawing mas madali at enjoyable ang journey ng mga user.
Ano ang gagawin kung masyadong mahal sa amin ang Enterprise plan ng HubSpot chatbot?
Libre namang magagamit ang ilang features ng HubSpot. Kung namamahalan kayo sa Enterprise plan, meron namang libre, meron ding mas murang plans na puwedeng pagpilian. Kung hindi pa rin sapat sa pangangailangan ninyo ang mga plan na ito, puwede pa rin kayong magdesisyong kunin ang mas budget-friendly na chatbot para sa inyong business – hindi ninyo kailangang gamitin ang HubSpot solution.