Key takeaways
Pros
- May libreng plan
- Madaling i-navigate
- Maraming features kahit libreng plan
Cons
- Kokonti ang tutorials at guides
- May ilang challenge sa pag-authorize ng credit card at VAT number information
- Masyadong basic ang mga template (hindi gaanong con ito)
- Challenging ang pag-integrate sa mga third-party app
Ang pagsisimula sa IBM Watson Assistant feature
Kaya ng IBM Watson AI Assistant chatbot software na maintindihan ang inyong requests, mag-adapt sa inyong domain, makilala ang plain-language na mga sagot, mag-handle ng hindi napuputol na usapang natural, at marami pang iba. Dagdag pa, ang AI bot ng IBM ay puwedeng ma-deploy sa maraming social media channels tulad ng Intercom, Slack, Facebook Messenger, SMS na may Twilio, WhatsApp, at pati na rin ang Amazon Alexa.
Para makapagsimula sa software, pumunta kami sa sign-up website ng chatbot at sinimulan ang proseso ng pagrerehistro. Para magamit ang chatbot, kailangan ninyong gumawa ng account sa IBM Cloud at magbigay ng sumusunod na detalye:
- email address (kailangang ma-verify bago makausad sa proseso ng pag-sign up),
- pangalan at apelyido,
- bansa o rehiyon.
Sasabihan din kayong tanggapin ang “terms and conditions” at pumayag na makatanggap ng marketing information (optional itong huli).
Sa susunod na bahagi, maiimbitahan kayong i-review ang ilang privacy notice at pumayag sa pagproseso ng data. Kapag nagawa na iyon, oras na para i-verify ang inyong identity. Ni-request ulit kaming magbigay ng ilang detalye tulad ng gustong klase ng account, company information, billing information, at credit card information. Medyo nadismaya kami nito sa simula kasi magti-test lang naman ng chatbot. Ang pagbibigay ng ganyang klaseng sensitibong impormasyon tulad sa credit card ay hindi nakakapalagay ng loob.
Nagulat kami kasi may nangyaring nakakadismaya. Hindi ma-authorize ang kahit anong credit card nang ginagawa namin ang account. Tapos hindi rin ma-verify ang VAT number sa kahit anong configuration kaya lalong nakakairita. Dahil dito, tumagal ng isang oras ang proseso ng pagrerehistro, at inaamin naming hindi ito naging maayos. Hindi namin inaasahan ang isyung ito pero lumabas siya. Baka siguro dahil ang card namin ay nakarehistro sa Poland, pero hindi dapat ito naging isyu. Ang sign-up ay walang problema dapat para sa inyo kahit na baguhan kayo sa klase ng tool na ito, basta may credentials kayong matatanggap ng IBM.
Tungkol naman sa interface nito, napaka-user friendly nito. Pero kahit hindi namin nagustuhan ang madidilim na kulay na ginamit ng IBM, madali pa ring i-navigate ang tool nang walang aberya.
IBM Watson Assistant features at implementation
Pagkatapos ng ilang problema sa proseso ng pagrerehistro, oras na para tingnan ang lahat ng features na ino-offer ng IBM Watson Assistant. Excited kaming i-test ito dahil sa mga nabasa naming iba-ibang review dati.
Nagsimula kami sa pagtingin-tingin sa kung ano ang itsura ng UX at visual design. Pagkatapos magduda sa nakakalulang madidilim na kulay, nagulat kaming makitang hindi naman pala ito gaanong nakakalula tulad nang naunang naisip.
Hindi masasabing madaling mahanap ang lahat nang mabilisan. Pero ilang saglit lang ay pamilyar na lahat. Ang naging challenging para sa amin ay ang pag-integrate ng tool na ito sa ibang third-party apps. Kung wala kayong karanasan sa mga API at integration, puwede kayong malito sa bahaging ito.
Ang IBM chatbot ay may offer na maraming features sa libreng plan na puwede ninyong pakinabangan tulad ng:
- webchat,
- SMS at MMS,
- messaging channel integrations,
- custom channel API,
- hanggang 1,000 active users kada buwan,
- 3 assistants,
- 7 araw ng analytics data retention,
- industry-leading NPL (natural language processing),
- customer service desk integrations,
at marami pa.
Sa usapin ng mga isyung nakita namin, may isang bukod-tangi. Pero hindi masasabing isyu ito ng chatbot. Bagkus, mas dahil sa karanasan ng paggamit ng ibang chatbot. Ang naging problema, sa aming opinyon, ay masyadong basic ang mga template ng chatbot. Puwedeng hindi ito problema ng lahat. Siguro ay mataas lang ang inaasahan namin sa isang chatbot na gawa ng kompanyang IBM.
Posibleng isa pang nakitang nakakadismaya ay ang kawalan ng guides at tutorials na ginawa sanang mas kasiya-siya para sa amin ang proseso ng onboarding. Kumpara sa ibang solutions na na-test namin, kailangang humabol ng nag-develop ng chatbot ng IBM. Kahit may ilang tutorials, puwede pa sanang mas malinaw ito sa mga user.
Performance at usefulness
Sa kabuuan, ang chatbot ng IBM ay medyo madaling gamitin at puwedeng i-test ang mga resulta habang kino-configure ninyo ito. Dagdag pa, ang pag-train sa model ay hindi matagal gawin. Pagkatapos i-test ang chatbot sa isang website namin, nasiyahan kami sa naging resulta. Masaya rin na kayang umintindi ng chatbot at sumasagot ito nang tama sa user input kahit komplikado ito.
IBM Watson Assistant pricing
Una sa lahat, ang IBM Watson Assistant ay may libreng version. Dagdag pa, ang mga user ay puwedeng mag-subscribe sa mga may bayad na plan. Nasa ibaba ang lahat ng available na plan at kanilang mga detalye.
Lite plan ($0/buwan)
Ang plan na ito ay may offer na medyo konting features kung pag-uusapan ay dami. Ang ilang halimbawa ay ang webchat, SMS at MMS, pag-integrate sa messaging channels, custom channel APIs, at hanggang 1,000 active users kada buwan.
Plus plan (mula $140/buwan)
Ang Plus plan na option ay nagsisimula sa $140 kada buwan. Magandang kombinasyon ito ng libre at ng enterprise plan. Ang pangunahing features nito ay ang analytics data retention ng 30 araw, 24 na oras na session timeout limit, at ang posibilidad na makapaghanap gamit ang existing na content.
Enterprise plan (custom pricing/ buwan)
Para mas ma-access pa ang ibang features, puwede kayong mag-subscribe sa customized na Enterprise plan ng IBM. Maliban sa nakasama nang features sa dalawang nabanggit na plans, ang enterprise na option ay nagbibigay sa inyo ng access sa data isolation, onboarding support, batch intent classification, HIPAA, uptime SLA, segment integration, at marami pang iba.
Kongklusyon
Para i-summarize ang lahat, nag-enjoy kami sa pag-test ng IBM Watson chatbot. Sa aming opinyon, ang tool na ito (sa libreng version) ay sapat na para sa mga baguhang gumagamit ng chatbot, pati na rin sa mga gusto ng medyo advance na galawan. Kahit na may ino-offer na libreng trial at libreng plan ang tool na ito, siguro hindi naman masyadong makasasakit sa inyo kung susubukan ninyo kahit sa bandang huli ay hindi ninyo ito magustuhan.
Frequently Asked Questions
Gusto naming gumawa ng account sa IBM Cloud na hindi binibigay ang credit card o billing information.
Hindi kayo puwedeng gumawa ng account sa IBM Cloud na hindi binibigay ang billing information. Pero nagbibigay ang IBM Cloud ng libreng level ng service na hinahayaan nito ang mga user na subukan ang ilan nitong service nang libre. Para ma-access ang libreng service na ito, kailangang ibigay ng user ang kanyang billing information pero hindi sila sisingilin ng IBM sa paggamit nila ng mga serbisyong kasama sa libreng version nito basta hindi lalampas sa limit.