Key takeaways
Pros
- Mabilis ang set up
- Iba-ibang guides at tutorials na available
- Maraming customization options na puwedeng pagpilian
Cons
- Mahal para sa maliliit na kompanya
- Puwedeng maging nakakalula dahil sa dami ng tools at features
- Kailangang magbigay ng work email
- Nakakadudang quality ng internal user support
Ang pagsisimula sa Intercom chatbot feature
Ang intercom chatbot ay isang software solution na dinisenyo para sa customer support at chatbot services. Hinahayaan nito ang mga business at organisasyong makapag-interact sa kanilang customers nang real-time sa pakikipag-chat. Kayang i-handle ng chatbot ang iba’t ibang customer inquiries, mula sa simpleng tanong at pagturo sa customers sa kaugnay na resources at support.
Para makapagsimula sa chatbot na ito, nagpunta kami sa website nito at nakita ang sign-up page. Pagka-click sa “get started” na button, nakapagsimula na kami ng aming registration. Lahat-lahat, ang sign-up sa Intercom chatbot ay inabot ng 10 minuto. Hindi kami hiningan ng kahit anong kakaibang detalye.
Ang kinailangan lang ibigay ay ang sumusunod:
- pangalan at apelyido
- pangalan at laki ng kompanya
- email sa trabaho
- password
- telephone number (optional)
Pero kahit deretsahan ang proseso, may ilang bagay na nagustuhan at hindi namin nagustuhan.
Una, hindi kami fan ng pagbibigay ng work email. Hindi kami pinalampas sa sign-up form nang hindi ginagamit ang work email. Sa kabilang banda, natuwa kaming makitang puwedeng mag-sign up gamit ang Google, at hindi required ang credit card. Pagtapos mag-fill up ng lahat ng detalye, sinabihan kaming i-check ang aming email para sa verification link. Dumating agad ang email at dahil doon, nakapagpatuloy kami agad.
Lahat-lahat, ang buong proseso ay madali para sa baguhan. Walang nakakalito at tingin namin, hindi kayo magkakaroon ng kahit anong isyu.
Intercom chatbot features at implementation
Pagtapos ng registration, tumuloy kami sa website ng tool. May magandang sorpresang naghihintay: isang set ng tanong na ang target ay gawing personalized ang aming experience gamit ang software:
- Ano ang inyong experience sa pag-set up ng customer support solution?
- Ano ang pangunahing gamit ninyo sa Intercom?
- Mula saang department kayo?
- Ano ang description ng inyong kasalukuyang role?
Magandang masagot ang mga tanong na ito para mapaganda pa ang aming user experience mula sa simula.
Kung titingnan ang kabuuang visual design ng tool, aaminin naming nagustuhan namin ito mula sa simula pa lang. Madali itong basahin at gamitin. Hindi mahirap mag-navigate sa app.
Dagdag pa, nakatanggap din kami ng email galing sa Intercom na nagbibigay ng ilang tips tulad ng sumusunod:
- demo mode
- pag-install ng Intercom Messenger
- pag-imbita sa teammates sa Intercom
- pag-consolidate ng support conversations,
- pagbibigay ng support nang mabilis gamit ang Macros.
Sobra-sobra ang features na puwedeng pagpilian; puwede ninyong basahin ang tungkol dito sa website ng Intercom. Medyo may kahabaan ang listahan pero hindi kailangan mag-alala. Nagbibigay ang Intercom ng magagamit na guides para tulungan kayo sa lahat ng proseso. Dagdag pa, makikita rin ninyo kung gaano katagal ma-implement ang bawat feature. Kaya hindi kayo nag-iisa sa lahat nang ito at hindi dapat madismaya dahil sa komplikasyong ito!
Ang paborito naming feature ay ang customizable na conversational bots na magagamit para i-qualify ang leads, ma-solve ang support inquiries, at marami pa. Ito ang dahilan kung bakit kami nag-sign up sa software. Kaya sa susunod na section, tatalakayin namin ang performance at usefulness ng chatbot.
Performance at paggamit
Pagtapos naming maging pamilyar sa karamihan ng features ng Intercom, nagdesisyon kaming i-test ang chatbot nang masinsinan. Ginawa namin ito sa pamamagitan ng paggamit nito sa aming test website. Sa aming opinion, isa sa pangunahing benepisyo ng paggamit ng Intercom chatbot ay ang kakayanan nitong makipag-usap sa users, pati ang dami ng customization options. Enjoy kami sa pag-customize ng halos lahat, mula sa visual side ng chatbot hanggang sa settings tulad ng kung sino ang puwedeng makapagsimula ng usapang at marami pa. Dagdag pa, ang mataas na level ng customization ng Intercom chatbot ay hinayaan kaming i-personalize ang behavior ng bot at responses nito para ibagay sa partikular na pangangailangan ng potential user/customer ng aming website.
Intercom chatbot pricing
Ang Intercom ay may offer na iba’t ibang pricing plans, na may subscription plan at dagdag na add-ons na may bayad. Ituloy ang pagbabasa para malaman ang iba pang detalye ng mga plan sa ibaba.
Para sa mga maliliit na business
Kung kayo ay may maliit na business na konti ang pangangailangan, may Starter plan ang Intercom para sa inyo. Ang plan na ito ay $74 kada buwan. Ang aasahan ninyong kasama dito ay ang access sa features tulad ng: chat at email support, targeted outbound email, in-product messages, shared Inbox, help center, at marami pa.
Para sa karamihan ng business
Ang category ng subscription plan na ito ay may kasamang tatlong iba’t ibang option na pagpipilian: Support, Engage, at Convert plans. Para malaman ang pricing ng mga plan na ito, kailangang mag-request kayo ng demo.
Para sa mga bagong kompanya
Kung ramdam ninyo ay walang solution na magbibigay ng inyong pangangailangan, puwede ninyong gamitin ang Intercom bilang bagong kompanya. Puwede ninyong gamitin ito sa halagang $65 kada buwan. Para maging eligible, kailangan ninyong mag-apply sa Intercom at matanggap. May 95% discount na available para sa mga startup na eligible para sa advanced na features ng Intercom at Early Stage Academy.
Kongklusyon
Ang Intercom chatbot ay maaasahang solution. Kung titingnan ang kalakasan ng software na ito, siguradong marami. Halimbawa ay ang madaling sign-up at implementation, maraming features na pagpipilian, at user-friendly na interface. Kung kailangang banggitin ang kahit anong negatibo, ito ay ang mahal na presyo, lalo na’t may ibang mas murang solution. Dagdag pa, puwedeng maging medyo nakakalula ito para sa wala pang karanasang user. Sa kabuuan, ang Intercom chatbot tool ay walang bugs, responsive, at madaling i-navigate. Kailangan ninyong ikonsiderang masubukan ito kung tingin ninyo ay may benepisyo ito sa inyong business.
Frequently Asked Questions
Anong data ang kinokolekta ng Intercom?
Ang intercom ay kumukuha at nagta-track ng maraming data points sa users nito. Halimbawa: buong pangalan, email, phone number, web sessions, last at first seen, recent page views, siyudad at bansa, browser language at version, pati ang bilang ng followers sa Twitter at messages na pinadala sa Intercom. Ang buong listahan ay puwedeng makita sa website ng Intercom.
Puwede bang magamit ang Intercom nang libre?
Oo, pero sa tagal lang ng libreng 14-araw na trial period nito. Pagtapos noon, para tuloy-tuloy pang magamit ang software, kailangang magbayad para rito. Ang presyo ay nagsisimula sa $74 kada buwan at meron pang ibang plans na pagpipilian para sa malalaki at maliliit na kompanya.
Ano ang features ng Intercom chatbot?
Ang Intercom ay isang customer communication platform na may offer na iba’t ibang features, kasama ang chatbot. Ang ilang pangunahing features ng Intercom chatbot ay ang sumusunod: Natural language processing (NLP): Para maintindihan at epektibong makasagot sa inquiries ng customers, gumagamit ng NLP ang chatbot ng Intercom.Customization: Madaling i-customize ng mga business ang chatbot ng Intercom para punan ang kanilang partikular na pangangailangan, kasama ang pag-set up ng automated workflows at custom responses.Integration sa iba pang features ng Intercom: Puwede ninyong i-integrate ang chatbot sa ibang features tulad ng triggers at lead capture forms.Reporting at analytics: Ang Intercom ay nagbibigay ng matatag na reporting para manatili kayong nangunguna sa performance ng inyong chatbot.
Paano gumawa ng custom Intercom bot?
Ito ang step-by-step guide para makagawa ng custom Intercom bot: Mag-sign up sa Intercom. Gumawa ng bagong bot. Sabihin ang paggagamitan ng bot. Pumili ng trigger. Idisenyo ang daloy ng usapan. Magdagdag ng functionality. I-test ang bot ninyo. At panghuli: i-launch ang inyong bot. Ang pagsunod dito ay masisigurong lahat ay gagana nang maayos.