Key takeaways
Pros
- Libreng gamitin
- Sobrang friendly na UI
- Magandang features kahit libre lang ang tool
Cons
- Konting kaibahan lang sa pricing plans
- Paminsan-minsang bugs dahil sa isyu sa Facebook API
- Walang built-in na kalendaryo
Ang pagsisimula sa Manychat bot feature
Ang Manychat ay isang chatbot-building platform na dinisenyo para makagawa ng interactive chatbots sa Instagram Direct Messages, Facebook Messenger, at SMS. Meron itong visual na drag-and-drop interface na hinahayaan ang users na magdisenyo at mag-customize ng kanilang chatbots nang walang kailangang isulat na kahit anong code. Ang platform ay meron ding malawak at magagandang features. Ang mga halimbawa ay ang pre-built na templates, audience segmentation, broadcasting, at analytics.
Para sa amin, ang proseso ng pag-install ng Manychat ay nagsimula sa pagbisita sa website ng Manychat at pag-click sa “Get Started Free” na button. Mula roon, pinapili kami ng isa sa apat na channels: Instagram, Facebook, Telegram, at WhatsApp. At dahil gusto naming i-test ang chatbot sa Facebook Messenger, pinili namin ang option na iyon at tumuloy sa pag-log in gamit ang Facebook account na ni-request.
Ang Manychat ay nag-request ng access sa ilang details tungkol sa amin at sa pages na pagmamay-ari namin tulad ng pangalan, profile picture, email address, pag-manage ang at pag-access ng pages, at iba pa. Wala kaming choice kundi mag-agree at pagkatapos ay hinayaan na kaming magpatuloy.
Sa registration process, ang Manychat ay nagbibigay ng madaling karanasang tumutulong sa mga user na makapag-set up ng kanilang chatbot. Ang haba ng oras para makapag-sign up sa Manychat ay nakadepende sa pagiging pamilyar ng user sa sign-up process tulad nito. Sa kabuuan, ang installation process ay puwedeng tumagal ng ilang minuto.
Sa kabuuan, naramdaman naming ang Manychat ay nagsusumikap na gawing madali ang installation process para sa baguhang users. Ang software ay dinisenyo na maging user-friendly at intuitive. Sa aming opinion, ang kompanya ay nagbibigay ng malawak na support at resources para makatulong sa mga user na magsimula at gumana agad.
Manychat bot features at Implementation
Sa pangkalahatan, nakita naming ang Manychat ay may malinis at intuitive na user interface. Ang platform ay may visual na disenyong magaan sa mata kaya madali itong i-navigate at gamitin. Nahanap namin nang walang kapagod-pagod ang kailangan namin sa app at nakagawa kami ng aming chatbot automations nang walang kahirap-hirap.
Gusto naming ang Manychat ay may offer na malawak na features at options sa paggawa ng chatbots at automations.
Nagustuhan namin ang sumusunod na features: keywords set up, growth tools, at drag-and-drop editor. Marami ring pre-built na templates at automation sequences na available, na sa tingin namin ay makatutulong sa pagsimula agad. Ang paborito naming halimbawa ay ang use cases tulad ng “increase engagement,” “capture phone numbers,” at “inform about products.”
Pakiramdam namin ay malilito kayo sa platform sa simula, lalo na kung hindi kayo pamilyar sa chatbot technology. Pero ang Manychat ay nagbibigay ng ilang support at tutorial resources para tulungan ang users na makapagsimula. Kasama rito ang extensive na knowledge base, video tutorials, at ang community forum kung saan puwedeng magtanong ang users at makatanggap ng guidance mula sa ibang users. Sa kabuuan, ang Manychat ay may user-friendly na interface at isang comprehensive na set ng features sa paggawa ng chatbots at automations sa loob ng libreng plan.
Performance at paggamit
Para i-rate ang performance at paggamit ng chatbot, nagdesisyon kaming ikonekta ito sa isa sa aming test Facebook page. Sa pag-set up ng chatbot flows, nalaman naming ang proseso ay deretsahan. May magagandang template na available na ginamit namin. Sa kung paano nag-perform ang chatbot sa ilang user inputs, wala kaming masabing kahit anong negatibo. Tumugon ang Manychat sa kung paano namin na-set up ang lahat ng commands. Ang isa lang naming reklamo ay ang bilis ng replies. Pero baka nakadepende ito sa maraming factors tulad ng Internet speed, halimbawa. Sa pangkalahatan, ang chatbot ay nag-perform ng kung paano ito dapat mag-perform.
Manychat bot pricing
Ito ay isang libreng solution na may isang bayad na plan kung gusto ninyong dagdagan ang features. Tingnan natin nang detalyado ang subscription options sa ibaba.
Libreng plan
Ang libreng plan ay may offer na ilang features na puwedeng sapat na sa inyong pangangailangan, depende sa kanilang size. Ang ilang functionality na makukuha ninyo sa option na ito ay unlimited chatbot flows, 10 tags, 2 sequences, at 3 keywords. Ang disadvantage ng plan na ito ay kasama rito ang Manychat branding na tingin namin ay nakakaasiwa.
Pro plan
Kung sa bayad na plan naman, may halaga itong $15 kada buwan. Ito ay mura na rin kung titingnan kung anong features meron ito. Halimbawang kasama rito ay ang unlimited chatbot flows, unlimited tags at sequences, walang Manychat branding, at kahit ang one tap contact data collection.
Kongklusyon
Sa pagtatapos ng review na ito, na-enjoy naming subukan ang Manychat chatbot software. Sa opinion namin, maganda itong tool para sa maliliit na business na may basic na pangangailangan sa chatbots. Ang chatbot ay madaling i-set up at gamitin at budget-friendly pa. Masasabi naming kahit sinong baguhan ay magugustuhan ito. Kahit ang features nito ay hindi gaanon kayaman (kumpara sa alternatibong solutions), hindi kayo madidismaya rito.
Frequently Asked Questions
Bakit nagpapadala ng maling message ang bot?
Ang inyong bot ay puwedeng magpadala ng maling message sa ilang dahilan. Para malaman kung bakit, i-verify ang apat na bagay. Una, i-check kung ang “Instant Reply” ay naka-on. Nagdudulot ito ng isyu kung naka-on ito. Pangalawa, tingnan ang custom templates sa Ads Manager. Kung hindi ito nakakonekta sa inyong campaign sa JSON tool sa Manychat, ang messages sa bot ay puwedeng mali rin. Mahalagang i-verify na hindi kayo gumagamit ng ibang chatbot kasabay nito. Puwede rin nitong maapektuhan ang accuracy ng bot messages. Panghuli, puwedeng ang problema ay dahil sa live chat triggers. Tingnan ang mga ito at i-verify kung gumagana ito nang tama.
Ano ang gagawin kung hindi makadagdag ng page sa Manychat?
Para makonekta sa Manychat ang mga bagong page, kailangan ninyong maging admin ng mga page na ito sa Facebook. Kung iyan ang inyong kaso, ang kailangang gawin ay i-click ang “create new account” sa Manychat app at gumawa ng account. Pagkatapos ay makikita ninyo ang option na connect a Facebook page – i-click ang button nito at sundan ang hakbang. Kung hindi ninyo makita ang pages na gusto ninyong idagdag, kailangan ninyong i-review ang inyong business integrations sa Facebook. Puwedeng hindi naka-on ang tamang settings sa Manychat. I-adjust lang ito para maayos ang problema.
Paano magtanggal ng Facebook page sa Manychat?
Para tanggalin ang isang Facebook page sa Manychat, pumunta sa inyong Manychat account, mag-navigate sa “Settings” at sa “Connected Pages.” Mula roon, i-click ang “Remove” button sa tabi ng page na gusto ninyong tanggalin. Kumpirmahin ang action at matatanggal na ang page sa Manychat.