Key takeaways
Pros
- Maraming price plans
- Maraming templates
- Maraming features sa developer mode
Cons
- Problematic ang pag-sign up na meron pang bugs at server outages
- Mahaba ang onboarding process
- Walang autosave
Ang pagsisimula sa Quriobot feature
Isang popular na chatbot software ang Quriobot na may features na hinahayaan ang users na magamit ang chatbot sa mga website. Dagdag pa, puwedeng gamitin ng subscribers ang features ng Quriobot sa maraming conversational messengers tulad ng Facebook at WhatsApp. Tingnan natin ang chatbot feature ng Quriobot para makita kung paano nagpe-perform ang software na ito sa pang-araw-araw na gamit.
Dahil may libreng plan ang Quriobot, iisipin ninyong napakadali ang pagsisimula rito. Kailangan ninyong pumunta sa kanilang website at i-click ang “sign up” button. Pagkatapos mag-agree sa ilang rules at policies, may ilan kayong options para maka-create ng account, tulad ng: Google, Facebook, Office 365, at ang tradisyonal na paraan gamit ang inyong email at pangalan.
Nakaranas kami ng ilang isyu rito. Kahit anong password ang ilagay, sasabihin ng Quriobot na hindi ito masyadong malakas. Nangyari ito sa 5 iba’t ibang password na ginamit (kasama ang may mga number at special character, pati na rin ang upper at lowercase letters). Sa huli, nag-sign up na lang ako gamit ang Facebook account ko.
Pagkatapos ng registration, dadalhin kayo sa main page ng inyong account. Dito ninyo makikita ang guide na may 16 na hakbang kung paano kayo makapagsimula sa Quriobot. Hindi ninyo kailangang sundan iyon, pero puwede itong maging beneficial. May chance na mas mabilis ninyong matututunang gamitin ang Quriobot. Tuturuan kayo sa tutorial ng iba’t ibang bagay tulad ng paano ninyo bibigyan ng pangalan ang inyong bots, pagpili ng templates, pagdagdag ng bagong steps at rules, mag-configure ng messages sa bot, i-implement sila, at marami pang iba.
Kapag nakapag-create na kayo ng inyong bot, puwede na itong ilagay sa gusto ninyong channels. Meron kayong ilang options dito. Puwede ninyong ilagay ang chatbot sa landing page, i-embed ito sa website, o i-incorporate ito sa isa sa mga integrated na instant messengers tulad ng WhatsApp.
Ilang highlights:
- Medyo challenging ang proseso ng pag-sign up dahil nagbibigay ng impression ang website na buggy at mabagal ito
- Tumatagal ng ilang minuto ang proseso ng installation sa normal na kondisyon pero mas tatagal pa ito sa mga case na may isyu
- Naka-encounter kami ng ilang isyu, karamihan sa proseso ng pag-log in at out, dahil imposibleng makapag-log in ulit pagkatapos makapag-log out na, kaya kinailangan pang gumawa ng panibagong account
- Bilang baguhan, baka ma-discourage kayong tapusin ang sign-up process
Quriobot chatbot Features at implementation
Maraming kailangang tingnan sa features at implementation process ng Quriobot. Sa paggawa ninyo ng inyong unang actual na chatbot, baka positibong masorpresa kayo sa ilang available na options. Dahil iyan sa ino-offer ng Quriobot na malawak na posibilidad. Puwede kayong gumawa ng chatbot na makatutulong sa inyong customers, mag-retrieve ng leads, makakuha ng feedback, mangolekta ng lead information at ipadala ang mga ito sa Zapier, mag-schedule ng appointments, pataasin ang sales, at marami pang iba.
Una sa lahat, congrats sa Quriobot dahil sa pagkakaroon nito ng “preview” feature. Ang pag-preview sa inyong chatbots sa bawat hakbang ng paggawa nito ay isang powerful at useful na bagay. Hinahayaan kayong i-track ang inyong progreso para makita ninyo kung kayo ay may nagagawang mali.
Kung kailangan ninyong gumawa ng chatbot na higit sa isang wika, wala kayong magiging problema rito. Salamat ito sa higit 70 bot languages kasama pa ang dynamic translation galing sa Google Translate. Magagamit ito ng mga kompanyang may international na audience.
Walang saysay ang pag-implement ng chatbots kung hindi kayong gagawing pag-engage sa kahit anong klaseng tracking o analytics. Buti na lang at puwede ninyong ipadala ang lahat ng Quriobot action sa inyong Google Analytics bilang virtual page views at events (puwede rin sa Google Tag Manager).
Sa pag-implement naman ng mismong chatbot, puwede itong ilagay sa maraming lugar. Kasama rito ang landing page, sa inyong website, instant messengers tulad ng Facebook at Viber, at bilang hiwalay na live chat. Ang bawat lugar ay may iba’t ibang proseso ng pag-implement na naka-display sa section ng “channels” sa dashboard ng Quriobot.
Performance at paggamit
Ang pangkalahatang impression ay hindi pinakamadaling chatbot software ang Quriobot, lalo na kung hindi pa kayo nakapagdisenyo ng chatbot dati. Kailangan ng panahon para maging pamilyar sa lahat ng features nito at kung paano ito gumagana, kahit sa paggawa ng simpleng bot.
Ang siguradong magandang kapaki-pakinabang ay ang “preview” feature na pinapakita sa inyo ang itsura ng chatbot habang ginagawa pa lang ito. Sa ganitong paraan, puwede ninyong i-track ang inyong progreso at i-adjust ito sa kahit anong bahagi ng buong proseso.
Pero huwag umasang konting oras lang ang gugugulin para malaman lahat ng functionalities. Nagbibigay ng impression ang software na komplikado ito at hindi user-friendly. Ang nagpapalala pa rito ay ang maya’t mayang system outages at bugs.
Sa kabuuan, ang Quriobot ay may ilang areas na kailangan ng improvement. Pero hindi ninyo ito makikita kung hindi naman masyadong sophisticated ang inyong mga pangangailangan.
Quriobot pricing
Una sa lahat, may libreng plan ang Quriobot para sa kanilang subscribers. Magandang balita iyan para sa mga fans ng walang bayad na solutions. Dagdag pa, meron din silang may bayad na plans na puwedeng gamitin ng mga user. Ang lahat ng available na plans at ang specifications nila ay ipinapaliwanag sa ibaba.
Libreng plan
Sa plan na ito, puwede kayong umasa ng access sa medyo iba’t ibang features. Ang mga halimbawa ay ang email support, unlimited na organization members, All Step types, at custom look at feel ng bawat bot.
Meron pang ilang interesting na features na puwedeng gamitin para sa iba’t ibang messenger apps tulad ng Facebook channel, Facebook comment trigger, WhatsApp (Twilio) channel, LINE channel, MessageBird channel, Telegram channel, Viber channel, WhatsApp (360Dialog) channel, at kahit na ang live chat.
Business plan
Ang Business plan ay nagsisimula sa $14 kada buwan, at kasama ang lahat ng nasa Free plan at ilang dagdag na perks.
Ito ay ang pagtanggal ng Quriobot branding, custom domain para sa landing page, generalized domain, at isang full-featured na knowledge base para sa inyo at inyong clients.
Agency plan
Ang susunod ay ang Agency plan na nagsisimula sa $1,062/buwan. Dito, asahan ninyong kasama lahat ng nasa Business plan. Dagdag pa rito ang sub-organization discount at custom deployment domain.
Enterprise plan
Panghuli, tingnan natin nang mas malaliman ang Enterprise plan na nagsisimula sa $5,127/buwan. Kasama rito ang lahat ng nasa Agency plan. Bilang bonus, meron din itong iba pang feature ng Quriobot, custom look at feel, custom API integrations, custom reporting, custom-made na bot ng Quriobot developers, at siyempre ang premium support sa phone, email, at chat.
Kongklusyon
Sa kabuuan, ang chatbot solution na Quriobot ay average na tool na natutugunan ang basic na pangangailangan. Ang pangkalahatang impression ay hindi nito nabibigay ang kahit anong bukod-tanging features.
Sa kabilang banda, nagagawa nito ang simpleng bots, pero ang ilang features ay medyo nakalilito o challenging, lalo na kung di pa kayo nakapag-code dati.
Ang ilang advantage ay ang malawak na pricing plans, iba’t ibang templates, at ang developer mode. Pero ang naglalagay dito sa disadvantage ay ang ilang isyu tulad ng problemado nitong sign-up journey, mahabang proseso ng implementation, at ang nawawalang autosave.
Note: Ang mga opinyong sinabi rito ay mula sa guest author at hindi mula sa LiveAgent.
Frequently Asked Questions
Ano ang gagawin kapag hindi ma-save ang bot?
Sa sitwasyong hindi gumagana ang option na i-save ang bot, may ilang puwedeng solution. Una, i-refresh ang website. Pero sa ganitong kaso, puwedeng mawala ang hindi pa nase-save na changes. Pangalawa, i-click ang “revert your unsaved changes” na button. Pero sa ganitong paraan, mawawala rin ang changes na ginawa (pero hindi ang buong bot). Pangatlo, kontakin ang Quriobot support para magpatulong. Pang-apat, tingnan ang sagot nila kung bakit hindi ninyo ma-save ang inyong bot at gawin ang kinakailangang adjustment o pagbabago.
Puwede bang malaman kung may outage ang Quriobot?
Posible namang makita kung may outage ang Quriobot. Para gawin ito, puwede kayong pumunta sa Statusgator website at i-check ang status ng Quriobot dito. Puwede rin itong makita mismo sa website ng Quriobot. Kung gumagana ito nang tama at walang isyu, ibig sabihin ay walang outage.
Paano mahahanap ang solutions kung may isyu sa pag-edit ng bot?
Kung may nakita kayong problema sa pag-edit ng Quriobots, may 2 options kayo. Una, i-check ang Quriobot Academy para sa makakatulong na articles. Kung wala, kontakin ang Quriobot gamit ang email para ipaliwanag ang isyu.