Key takeaways
Pros
- Mabilis na implementation
- Maayos na integration sa website builders
- Magandang features ng configuration at planning
- Napakahusay na performance
Cons
- Baka medyo malula ang ilang users sa options
Ang pagsisimula sa Tidio chatbot feature
Ang Tidio ay sikat at malawak na customer support software na merong toolset na naka-focus sa ticketing, social media, at live chat. Ang live chat ay pinapatakbo ng chatbot na nakatutulong sa mga business na magkarelyebo ang kanilang teams at makapagbigay ng essential na support at sagot sa lahat ng bisita online. Titingnan natin ang chatbot feature ng Tidio para makita kung paano ito nagpe-perform sa pang-araw-araw na scenario ng customer communication.
Dahil may offer nang libreng plan ang Tidio, madali lang makapagsimula rito. Ang kailangan ninyo lang gawin ay mag-register ng inyong libreng account. Isa sa pinaka-importante ninyong gagawin habang nagre-register ay ang option na makapili ng website hosting service. Kung ang site ninyo ay ginawa gamit ang website builder tulad ng Wix o Shopify, puwede na ninyong direktang ma-implement ang chat gamit ang chatbot sa page ninyo nang halos walang effort. Puwede ninyong tingnan ang listahan ng Tidio integrations para makita kung ang ginamit ninyong website builder ay may direktang implementation.
Kung nakumpleto na ninyo ang registration gamit ang service na ito, dadalhin kayo agad mismo sa integration page sa inyong website service. Dito ninyo puwedeng idagdag ang live chat ng Tidio sa chatbot ng inyong site gamit lang ang ilang click. Pero kailangan muna ng system na masagot ang ilang tanong tulad ng kung ilan ang customer service agents ninyo, ang inyong intended na goal at pakay ng inyong website, ilang customer ang meron kayo, at iba pa. Deretsahan at madali lang sagutin ang mga tanong na ito, lalo na kung alam ninyo ang mga sagot.
Kung ang inyong website ay gumagana gamit ang ibang platform, simple pa rin ang proseo pero kailangan ninyong ma-access ang code ng inyong website para magawa ang chatbot integration. Halos magkapareho lang ang setup nito sa registration ng website builder. Kailangan lang sagutin ang mga tanong nang direkta sa website ng Tidio habang nagre-register. Ang pinaka-importanteng kaibahan ay ang pag-copy at paste ng automatically generated na live chat code sa code ng inyong website. Siguraduhin lang na meron kayong access sa code ng website o kaya sabihan ninyo ang web administrator ninyo na siya ang gumawa nito para sa inyo.
Tidio chatbot features at implementation
Ang Tidio ay maraming chatbot na available at ang bawat isa ay may iba’t ibang pakay. Puwede ninyo silang gamitin para pataasin ang inyong sales, mag-promote ng mga special deal, o para tulungan ang inyong customers sa kanilang mga katanungan. Sa tingin namin, maganda ang selection, hindi ito masyadong malawak para malito kayo, pero meron kayong ilang options sa bawat category. Kapag nakapili na kayo, kailangan pa ring i-configure ang chatbot. Ibig sabihin, kailangan ninyong magplano at ilagay sa chatbot ang posibleng itanong ng inyong customers.
Kung kayo ay metikuloso, ang bahaging ito ay nakakaubos ng oras. Puwede lang muna kayong maglagay ng mga tanong at sagot sa mga pinaka-common na topics o puwede na kayong magpalalim pa kung gusto ninyong gawing mahusay ang kaalaman ng bot. Kahit alin diyan, ang bahaging ito ng implementation process ay mahusay ang pagkakadisenyo at madaling gawin. Kung kayo ay nakagawa na ng chatbot o ng IVR, malamang hindi kayo magugulat kung paano ang prosesong ito. Ang Tidio ay may chatbot builder na merong visual representation ng lahat ng posibleng usapang kaya nitong i-handle, at puwede ninyo ma-access ang detalye ng bawat isa sa simpleng pag-click sa mga ito.
Puwede kayong pumili sa selection ng mga pinaka-ginagamit na wika maliban sa English para sa inyong chatbot, at tingnan ang ilang common na topics para mapadali ang proseso. Maliban diyan, puwede rin ninyong gamitin ang conversation trigger sa pinakasimula ng proseso. Puwede ninyong i-configure ang chat na mag-trigger kapag may pumasok na bisita sa website ninyo, kapag nagsimula sila ng usapan, o pumili sa ibang option sa listahan. Maraming option na mapagpipilian kaya meron kayong opportunity na palalimin at gawing responsive at matalino ang inyong chatbot.
Marami ring conditions na puwede ninyong i-implement sa behavior ng chatbot tulad ng browser, operating system, bansa, araw, wika, at iba pa. Magagamit ninyo ang conditions na ito para tukuyin ang behavior ng bot kapag tumutugma ang conditions. Napakalaking tulong nito, halimbawa, kapag gumagamit kayo ng maraming wika sa inyong website o kapag ang inyong tindahan ay may human customer support na available sa mga tukoy na araw at business hours.
Performance at paggamit
Sinubukan namin ang chatbot ng Tidio sa configuration namin sa ginawa naming test website gamit ang Wix, at medyo maganda ang nakuhang resulta. Tulad ng nabanggit, ang kagandahan ng chatbot ng Tidio ay nakabatay lang sa effort ninyo sa pag-configure nito. Kaya madaling makagawa ng isang chatbot na walang kuwenta o ng isang napakagaling tumulong. Ang mahusay na naplanong route ng chatbot conversation ay puwedeng maging napakabuti at makakatipid kayo sa inyong oras. Gayunman, ang proseso ng paggawa ng chatbot sa Tidio ay puwedeng napakahaba. Pero dahil sa available na mga preset, pinadadali nito ang buong pagpaplano.
Habang nagte-test, personal naming na-test ang chatbot at pinuno ang mga nakitang blind spot, at regular na nag-update ng chat widget. Walang naging problema sa performance ng chatbot ng Tidio. Pero may limitasyon din ang mahusay na naplanong chatbot, kaya importanteng siguraduhing may available na taong agent na sasagot nang mas malalim sa mga katanungan ng customer. Madali ang paggamit ng Tidio at madali ring mag-integrate kaya nagiging magaling na solution ito, lalo na at libre ito mula sa simula.
Presyo ng Tidio chatbot
May apat na pricing plan ang Tidio na may available na chatbot sa bawat isa. Kung iniisip ninyong kunin ang Tidio dahil sa chatbot nito, ang nag-iisang desisyon lang na kailangan ninyong gawin ay kung gagamitin ninyo ang iba pa nitong features. Tingnan natin ang ino-offer ng bawat plan.
Libre
Ang Free plan ay available para sa lahat. May kasama itong 50 conversation limit kada buwan, chatbot na may 100 conversation limit kada buwan, email support, desktop at mobile apps, third party app integrations, visitor’s info, at JavaScript API.
Communicator
Ang planong ito ay $15.66 bawat user kada buwan. Kasama rito ang unlimited na live chat conversations, hanggang limang operator, email, 24/5 na live chat support, permission management, live typing, analytics, departments, listahan ng live visitors, statistics ng viewed pages, at lahat ng features ng Free plan.
Chatbots
Ang Chatbot plan ay $31.74 kada buwan at may chatbot conversations na aabot ng 40,000 users kada buwan, lahat ng features ng Free plan, visual na chatbot editor, Zapier integration, at marami pang iba.
Tidio+
Ito ang pinakadetalyado at pinakamahal na planong ino-offer ng Tidio. Ito ay $235.16 kada buwan at merong unlimited live chat conversations, custom number ng operators, custom number ng engagements ng chatbot, full support, at lahat ng features ng mga nabanggit nang plan. Dagdag pa ang services tulad ng customer success manager na dedicated at marami pa.
Kongklusyon
Ang Tidio ay halos perfect. Kung gusto ninyo ng magaling na chatbot software, hindi kayo magkakamali rito. Hindi nakakapagod ang Tidio, Madali lang itong i-implement, i-manage, at gamitin, lalo na kung pipiliin ninyo ang suwabeng integrations sa website builders. Mahirap makapag-isip ng kahinaan ng Tidio, lalo na at isa itong libreng chatbot na available para sa kahit sino, salamat sa maikling registration nito.
Frequently Asked Questions
Hindi lumalabas ang chat widget sa aking website.
Maraming puwedeng maging dahilan ng isyung ito. Ang pinaka-common na problema ay ang pag-cache ng web browser. Subukan ninyong patakbuhin ang inyong website na nasa incognito window ang chat widget ng Tidio. Kung nagpakita ito, ang isyue ay dahil sa naka-cache na data na ginagamit ng browsers para mas mabilis na i-load ang website na nabisita na ninyo, na wala sa mga incognito window. Dapat na i-clear ninyo ang browser cache at i-refresh ang website sa normal na window. Pagkatapos nito ay lalabas na ang chat widget. Ang ibang puwedeng dahilan ay maling pag-type o typo sa code ng chat widget. Puwedeng aksidente itong mangyari. Tingnan kung makatutulong na i-copy-paste ang chat widget ng Tidio sa code ng inyong website.
Ano ang gagawin kung hindi ako nakatatanggap ng chat messages?
Maraming puwedeg dahilan. Una, i-check kung paano ninyo na-set up ang inyong business hours o kaya tingnan kung ang inyong chat ay active sa inyong website. Ang mga message sa labas ng business hours ay puwedeng hindi magbigay ng tamang notification, at makikita lang ito sa partikular na oras. Panghuli, kung may mga issue kayo sa chatbot na hindi lumalabas sa chat widget ng inyong Tidio, ang problema ay malamang dahil sa browser caching. Puwede ninyong maayos ito sa pamamagitan ng pag-clear ng browser cache o sa pagbubukas muna ng website sa incognito na window sa Tidio chat.
Gusto kong i-test ang aking bots at automation na parang ako ang user na nakikipag-interact sa chat widget.
Pumunta sa chatbots section sa Tidio at i-click ang tatlong dots sa kahit anong chatbot ninyo. Makikita ninyo ang option para i-test ang chatbot. I-click ito at magbubukas ang bagong window ng chat. Isa pang paraan para gawin ito ay gumawa ng sample website at i-integrate ito sa chatbot ng Tidio. Kapag na-publish na ninyo ang site, puwede na kayong pumasok at simulan ang pag-chat sa inyong sariling chatbot para makita kung paano ito mag-perform. Puwede ninyong buksan ang settings sa ibang window, i-tweak, magdagdag ng sagot o tanong, at mag-troubleshoot.
Gusto ko ilipat ang mga chat galing sa chatbot papunta sa operator.
Puwede ninyong i-set ang chatbot na maglipat ng chat sa isang operator sa simpleng pag-click ng isang button. Pumunta sa section ng Decision at i-enable ang option para i-trigger ang action kapag natapos na ang action ng bot. Ang bawat decision ay kayang i-enable ang Transfer to operator na option.