Key takeaways
Pros
- Magagandang features para sa reporting
- Maraming integrations
- Madaling ma-implement
- Chatbot para sa rekomendasyon ng article
Cons
- Masyadong mahal na presyo
- Matagal bago matutunan nang tama ang lahat ng features
- Hindi gaanong kaaya-aya ang user design
Ang pagsisimula sa Zendesk chatbot feature
Para makapagsimula sa chatbots ng Zendesk, pinuntahan namin ang kanilang website at pinindot ang “Free Trial” button. Ito ay kung kailan namin naumpisahan ang registration process. Sa kabuuan, inabot kami ng 20 minuto. Mas matagal ito kumpara sa pagre-register sa ibang solutions; ang ilang ay inabot lang ng ilang minuto. Gayunman, nalaman naming okay lang ito. Kapansin-pansing kailangan naming maghintay ng humigit-kumulang 18 minuto para makuha ang aming confirmation email. Ito ang nagpatagal sa proseso ng pagsa-sign up. Kapag gumagawa kayo ng inyong account para makuha ang isang trial, hihingiin sa inyong ang sumusunod na detalye:
- email sa trabaho
- pangalan
- apelyido
- phone number
- pangalan ng kompanya
- bilang ng empleyado
- ang gusto ninyong use case
- wika
- password
Sa pangkalahatan, hindi kami nakakita ng anumang isyu habang nasa proseso ng pagsa-sign up maliban sa mga sandaling akala namin ay hindi darating ang aming confirmation email. Masasabi naming talagang madali ang proseso para sa mga baguhan kaya hindi kayo mahihirapan.
Pagkatapos ng registration, may nakita kaming ilang paraan para mapahusay ang aming karanasan sa trial. Sa pamamagitan ng pagsagot sa 4 na simpleng tanong mula sa Zendesk, nakagawa kami ng ilang positibong pagbabago sa aming trial para mas ma-enjoy namin ito.
Ang mga tanong ay:
- Nakapag-set up na ba kayo ng customer support solution?
- Kailan ninyo planong mag-launch?
- Ilang agents ang gagamit ng Zendesk?
- Paano kayo makokontak ng inyong customers?
Naging kapaki-pakinabang sa amin ang mga tanong na ito ng Zendesk para matulungan kaming pakinabangan ang trial sa pinakaposibleng paraan.
Zendesk chatbot features at implementation
Matapos ang proseso ng registration, nagawa na naming usisain ang features ng Zendesk at lahat ng may kinalaman sa pagpapagana nito.
Una sa lahat, aaminin naming hindi talaga kami tagahanga ng visual design ng Zendesk. Hindi ito kaaya-aya at maganda. Matagal bago matutunan kung nasaan ang lahat ng features kahit may maliit at maiikling tutorial na anyong pop-ups at videos. Ang lahat ay halos pare-pareho ng kulay kaya naghahalo-halo ang iba’t ibang options na nagbibigay ng pakiramdam ng pagkalito at pagkawala.
Para naman sa mga makukuhang features, kami ay nasorpresa sa ilan. Una, puwede kayong mag-set up ng answer bot na may mga article recommendation para sa inyong customers, na sa tingin namin ay napakahusay. Pangalawa, posibleng i-integrate ang Zendesk sa maraming tools na ginagamit ng maraming tao sa araw-araw, tulad ng Slack o Shopify.
Pagdating sa implementation ng chatbot, wala kaming nakitang anumang mairereklamo rito. Sa pagsunod sa instructions na binigay ng Zendesk, madali naming na-navigate ang buong proseso nang walang kahirap-hirap.
Performance at usefulness
Ang Zendesk chatbots ay gumagamit ng artificial intelligence at machine learning para awtomatikong mag-asikaso ng mga inquiry ng customer. Masasagot nila ang maraming tanong kaya mas makaka-focus ang agents na tao sa mas komplikadong tasks. Dahil ang chatbot ay na-train sa mas maraming halimbawa ng mga tanong at sagot, ang performance nito ay puwede pang mapahusay sa pagdaan ng panahon, sa aming opinyon.
Sa pangkalahatan, bilang isang user ng Zendesk chatbot, maire-report naming kami ay nagkaroon ng positibo kaysa negatibong karanasan sa tool batay sa performance at usefulness nito. Nakita namin itong makatutulong at epektibo para sa pag-aasikaso ng customer inquiries, pati na rin ang dali ng paggamit nito.
Bagama’t ang chatbot ay may paminsan-minsang kahirapan sa pag-unawa ng mas komplikado o bukod-tanging inquiries, nagpe-perform it nang mahusay naman. Sa pangkalahatan, nakikita namin ang chatbot bilang isang mahalagang karagdagan sa customer support teams. Sa tingin din namin, makatutulong ito sa mga kompanya para mapahusay ang kanilang pagiging epektibo at makapagbibigay ng mas mahusay ng serbisyo sa kanilang customers, kung may budget man sila para gamitin ang tool na ito.
Zendesk bot pricing
Una sa lahat, walang offer na anumang libreng plan ang Zendesk, na medyo nakakahinayang. Sa kabilang dako, puwedeng ikatuwa ninyong malamang may 14-araw na libreng trial na makukuha para sa lahat ng uri ng plans maliban sa mga pinakamahal. Mas maraming mga detalye tungkol sa mga partikular na pricing plan ang makikita sa ibaba.
Suite Team ($49/agent/ buwan)
Ang Suite Team ang pinakamurang plan na ino-offer ng Zendesk. Sa loob nito, makahahanap kayo ng features tulad ng email, voice at SMS support, messaging sa web, mobile at social platforms, pati na rin ang isang help center. Makapagse-set din kayo ng hanggang 50 AI-powered na automated answers.
Suite Growth ($79/agent/ buwan)
Sunod, may Growth plan sa halagang $30 at higit pa, sa $79 bawat agent kada buwan. Sa pagtaas ng presyong ito ay may karagdagang features. Halimbawa, merong hanggang 100 AI-powered na automated answers at maraming help centers para gumawa ng self-service na articles para sa inyong customers.
Suite Professional ($99/agent/ buwan)
May offer din ang Zendesk na Suite Professional plan sa halagang $99 bawat user kada buwan. May mas malaking pagkakaiba sa sakop ng features sa pagitan nito at ng Suite Growth plan kumpara sa Suite Growth at Suite Team plans.
Suite Enterprise ($150/agent/ buwan)
Ang Suite Enterprise ay isang subscription plan na dedicated para sa enterprises. Ilan sa features na makukuha rito ay ang matatatag na APIs, live agent activity dashboards, live date sharing, customizable branding, at marami pa.
It gets even more powerful ($215/agent/ buwan)
At ang panghuli, para sa higit $200 bawat user kada buwan, masisiyahan kayo sa mas maraming features kaysa iba pang plan. Kung hindi kayo naging interesado sa mga naunang plans, puwedeng ito na.
Kongklusyon
Sa pangkalahatan, ang paggamit ng Zendesk chatbot software ay naging isang positibong karanasan para sa amin. Naasikaso ng chatbot ang malaking bilang ng inquiries kaya nalibre kami para makapag-focus sa mas komplikadong tasks. Ang machine learning capabilities ng chatbot ay hinayaan din itong mapahusay ang performance sa pagdaan ng panahon, na humahantong sa mas magandang karanasan. Ang hindi naman namin nagustuhan dito ay ang mataas na presyo, na puwedeng mag-alis sa interes ng marami, lalo na ng maliliit na business. Sa kabuuan, ang chatbot ay naging interesanteng subukan at i-review. Puwede ninyong magustuhan ito kung wala kayong napakaliit ng budget at handa kayong maglaan ng oras para matutunan lahat ng features.