Key takeaways
Pros
- Libreng trials sa lahat ng subscription plan
- Integrations sa iba’t ibang apps
Cons
- Kailangan ng oras para matutunang pumunta sa software
- Bak mangailangan kayo ng tulong mula sa kanilang customer support team
Sa review na ito, magfo-focus tayo sa “Freshchat” ng Freshwork dahil ito ang may pinakamaraming features na makatutulong sa inyong email management. Ang Freshchat ay medyo madaling i-setup, kailangan lang ninyong ilagay ang inyong email address at handa na kayo. Puwede kayong magsimula sa pag-customize ng appearance ng inyong system at profile.
Puwede ninyong i-upload ang logo ng inyong kompanya, gumawa ng site name, at mag-customize ng mga kulay na aangkop sa inyong brand. Ang prosesong ito ay medyo simple at hindi masyadong matrabaho.
Kapag nai-set up na ninyo ang appearance at masaya na kayo sa mga resulta, dadalhin na kayo sa main system. Puwedeng magtagal kayo sa bahaging ito bago masanay at madiskubre lahat ng iba-ibang kapasidad na ino-offer ng Freshchat.
Puwede rin itong maging mas mahirap kumpara sa ibang email management systems sa market dahil may offer ang Freshdesk na solution na hindi lang sa email management tool naka-focus. Ito ay mas komplikadong solution na puwedeng makatulong sa inyong kompanyang mag-asikaso ng customer inquiries sa pamamagitan ng pagpapalit nito sa tickets at isaayos ang mga ito sa iisang centralized na lokasyon.
Freshdesk features
Gumawa ng Journey emails
May offer ang Freshdesk na iba’t ibang email templates na puwede ninyong ipadala sa inyong customers. Puwede rin kayong gumawa ng sarili ninyong email template na aangkop sa isang partikular na punto sa customer journey.
Puwede ring i-customize itong templates para umangkop sa inyong brand.
Mga canned response
Hahayaan ng feature na ito na mag-save ang mga user ng pre-written response sa mga karaniwang customer inquiry, na madaling maisisingit sa emails. Puwede itong makatulong sa inyong makatipid ng oras at pagsisikap dahil hindi na kailangang isulat nang paulit-ulit ang mga sagot. Puwede ring makatulong ang canned responses sa pagbibigay ng consistency sa customer service.
Hinahayaan ng canned responses ng Freshdesk ang users ng gumawa ng isang library ng mga sagot na puwedeng i-share sa ibang mga miyembro ng team. Makatutulong ito sa kanilang makapagbigay ng pare-pareho at eksaktong mga sagot sa customers, kahit sinuman ang nag-aasikaso ng inquiry.
Schedule meetings
Sa feature na ito, madaling makapagpapa-schedule at makapag-oorganisa ng meetings ang users sa customers o ibang team members mula mismo sa kanilang inbox. Nakatutulong itong alisin ang pagpapabalik-balik ng emails para sa pagko-coordinate ng schedules. Puwedeng magpadala ang users ng meeting request sa pamamagitan ng Freshdesk, at puwedeng tanggapin o tanggihan ng recipients ang invitation.
Bukod dito, isinasama rin ito sa iba pang kilalang calendar apps tulad ng Google Calendar, Outlook, o iCalendar.
Workflow automation
Makatutulong ang feature na ito sa pag-automate ng mga paulit-ulit na gawain na puwedeng makaubos ng oras. Halimbawa, puwede ninyong i-automate ang proseso ng pagtatakda ng emails para matiyak na napananatili ng inyong agents ang mabilis na response at resolution times pagdating sa customer inquiries.
Nagbibigay rin ang Freshdesk ng collaborative workspace para sa inyong team para mapahusay ang pagiging epektibo sa pamamagitan ng pagtiyak na hindi iisang isyu ang inaasikaso ng dalawang agents.
Performance at user experience
May offer ang Freshdesk email management software ng maraming features na isang magandang option para sa mga business na nag-iisip kung paano mapahuhusay ang kanilang customer service operations.
Sa pangkalahatan, ito ay maaasahan at responsive na software. Medyo mabilis itong mag-load at maganda ang daloy ng pagtakbo, na nagpapadali sa pagma-manage ng malaking bilang ng emails.
Pinapasimple rin ng search function na mahanap ang ilang partikular na email or customer inquiry.
Sa kabilang banda, puwedeng medyo maguluhan ang bagong users sa interface ng Freshdesk. Bagama’t maraming customization options at features na ino-offer ang software, puwedeng medyo matagalan pa bago masanay sa features nito. Gayunpaman, kapag naging pamilyar na kayo sa interface nito, nagiging mas user-friendly at intuitive na ito.
Pagpepresyo
May iba-ibang pricing plans na ino-offer ang Freshworks batay sa uri ng solusyong gusto ninyong isagawa sa inyong business. Puwede ninyong piliin ang Freshdesk, Freshchat, Freshsales, Freshservice, at Freshmarketer. Lahat ng options na ito ay may offer na iba-ibang set ng features na nagbibigay sa inyo ng permisong mamili ng pinakamahusay na option para sa inyong business batay sa inyong goals, bukod-tanging pangangailangan at requirements. Puwede rin ninyong samantalahin ang libreng trials para i-test ang iba-ibang features bago kayo magdesisyong kumuha ng partikular na subscription.
Freshdesk pricing
Free
Ang libreng version ay nagkakahalagang €0 at puwedeng magamit ng hanggang 10 agent. Ang libreng option ay pinakakonti ang ino-offer na bilang ng features, bagama’t puwede itong maging magandang option para sa maliliit ng business at startups na hindi pa nangangailangan ng maraming advanced features. Ilan sa features na kasama sa subscription na ito ay ang integrated ticketing sa lahat ng email at social, ticket dispatch, knowledge base, analytics at reporting, team collaboration, at 24/7 customer support.
Growth
Ang pangalawang pricing option ay tinatawag ng Growth at nagkakahalagang €15 bawat agent kada buwan kung taunan ang billing, at €18 bawat agent kada buwan kung buwanan ang billing. Ang subscription na ito ay pinakaangkop sa mga business na lumalaki pa. Kasama rito ang lahat ng features mula sa libreng plan, at may mga idinagdag pa. Kasama sa ilang idinagdag na features ang automation, collision detection, SLA management at business hours, custom ticket views, custom ticket fields at status, at marami pa.
Pro
Ang Pro ay ang pinakakilalang subscription ng Freshdesk na may offer na advanced automation para sa mataas na performance. Nagkakahalaga ito ng €49 bawat agent/buwan na taunan ang billing o €59 bawat agent/buwan na buwanan ang billing. Kasama sa option na ito lahat ng features mula sa Growth subscription kasama ang ilang karagdagang features gaya ng custom roles, custom reports at dashboards, customer journey, canned forms, community forums, multilingual knowledge base, report sharing, at marami pa.
Enterprise
Ang huling option sa Freshdesk pricing ay isang fully featured na subscription para sa enterprise-level na support. Nagkakahalaga ito ng €79 bawat agent/buwan na may taunang billing o €95 bawat agent/month kung buwanan ang billing.
Ang subscription na ito ay may offer na maraming advanced features na dapat matugunan ang pangangailangan ng maraming kompanyang naka-focus sa pagbibigay ng mataas na level ng customer service. Kasama sa ilang advanced features ang email bot, assist bot, skill-based routing, AI-powered social signals, custom metrics, at marami pa.
Freshchat pricing
Free
Ang libreng version ay walang bayad at puwedeng gamitin ng hanggang 100 agent. Limitado ang offer nitong features. Gayunman, puwede itong maging magandang option para sa maliliit na business na hindi nangangailangan ng maraming advanced features. Ilan sa features na kasama sa libreng subscription ay ang chatbot, chatbot analytics, inbox views, groups, conversation labels, emails, bulk action, at marami pa.
Growth
Ang option na ito ay nagkakahalagang €15 bawat agent/buwan (taunan ang billing) o €18 bawat agent/buwan (buwanan ang billing). Ilan sa kasamang extra features ng Growth subscription ay ang priority inbox, private notes, user events at timeline, offline experience, conversations overview report, Instagram DMs, SMS, Whatsapp business, at marami pa.
Pro
Ang Pro subscription plan ay nagsisimula sa €39 bawat agent kada buwan (taunan ang billing) o puwede itong magkahalagang €47 bawat agent kada buwan kung magdedesisyon kayong ma-bill buwan-buwan. Ino-offer ng plan na ito ang lahat ng features na kasama sa Growth plan kasama ang ilang dagdag gaya ng auto-resolve, live translate, advanced dashboard, advanced automations, roles at permissions, at iba pa.
Enterprise
Ang plan na may pinaka-advanced na set ng features ay ang Pro pricing plan. Sa halagang €69 (bawat agent/buwan, taunan ang billing) o €83 (bawat agent/buwan, buwanan ang billing), puwede ninyong makuha ang lahat ng features na kasama sa Pro plan pati karagdagang features gaya ng hanggang 5,000 bot session/buwan nang libre, 500 campaign contacts, allowed domains, at user authentication.
Kongklusyon
Ang Freshdesk ay isang maaasahang email management software na dinisenyo para mapahusay ang customer service efficiency. Ito ay may simpleng setup process, mabilis na loading time, at tumatakbo nang medyo maganda ang daloy kahit makatanggap kayo ng malaking volume ng emails nang sabay-sabay. Nangangailangan ito ng konting panahon para ma-master lahat ng features at masanay sa interface. Gayunman, kapag naging pamilyar na kayo rito, sobrang user-friendly at intuitive nito. Ang Freshdesk ay may offer na iba-ibang pricing plans at libreng trials na puwedeng pagpilian ng mga business at i-test ang iba-ibang features bago mag-commit. Ang Freshdesk ay isang magandang solution para sa mga business na nangangailangan ng maaasahang customer service management software.