Key takeaways
Pros
- Mahusay na email management capabilities
- May features para sa mas madaling workflow
- Magandang interface na okay ang navigation
- Madaling integration sa email
Cons
- Medyo mukhang luma minsan
- Medyo mahal ang mas matataas na plan
Installation at implementation ng LiveAgent para sa email management
Ano ang kailangan para makapagsimula sa LiveAgent? Medyo simple lang ito. Kailangan lang naming magrehistro at gumawa ng libreng trial account. May option kaming pumili sa pagitan ng 7-araw na trial o 30-araw na trial. Ang 7-araw na libreng trial ay available para sa users na may kahit anong email address habang ang 30-araw na libreng trial ay para lang sa mga nagrehistro ng business email address. Simpleng ibinigay namin ang kinakailangang contact information at na-access namin agad ang bago naming account.
Binati kami ng setup guide na hindi lang madaling i-navigate kundi nakatulong din sa aming pagsisimula sa LiveAgent functionality. Puwede naming i-setup ang lahat ng aming communication channels kasama na ang email at marami pang iba. Kung gusto ninyong gamitin ang LiveAgent bilang inyong pangunahing email management software, magandang magsimula sa pagkonekta ng inyong email accounts.
Ang LiveAgent ay may offer na option na makapagdadagdag ng incoming at outgoing email accounts na nakapagbigay sa amin ng maraming options pagdating sa email management. Puwede rin naming piniling gamitin ang default email address na ginawa ng LiveAgent para sa aming account. Kasama sa pinakakilalang email integrations ang Gmail at Outlook pero puwede kayong magdagdag ng kahit anong klase ng email account na gusto ninyo gamit ang IMAP/POP3.
Kapag na-integrate na ninyo ang inyong email accounts o pinili ninyong gamitin ang default email, puwede na kayong magsimula. Napakadali ng integration process kapag pinili ninyo ang Google o Microsoft accounts. Ang IMAP/POP3 integration ay gumagana nang medyo iba pero madali pa ring matapos dahil kapareho lang ito ng pagkonekta ng email account sa email client. Puwede ninyong i-integrate ang isang set ng email accounts depende sa kung anong LiveAgent plan ang pinili ninyo.
LiveAgent email management features
Ang email management software capabilities ng LiveAgent ay mas nakabatay sa ticketing system nito, na may offer na maraming features na nakatutok sa pagpapahusay ng organization at efficiency. Ang emails o tickets ay may offer na standard email features tulad ng replies, forwarding, at pagpapadala ng halos kahit anong attachment, pero meron pang kailangang tingnan. Nagawa naming hatiin ang tickets at ipamahagi ang mga ito sa magkakaibang agents, pati na rin ang pag-merge sa mga ito sa kaso ng pagtanggap ng magkakaparehong request mula sa dalawang source.
Merong offer na mahusay na ticket filtering capabilities ang LiveAgent na nakatutulong sa pag-aayos ng inbox. Puwedeng gamitin ang tags para markahan ang ticket na merong iba-ibang condition na kayo ang nagtukoy o mag-iwan ng notes sa loob ng tickets para ma-share ang mga mahahalagang impormasyon sa ibang inbox users. Napansin din naming ang LiveAgent ay puwedeng makatulong sa mas mabilis na replies, salamat sa predefined answers at canned messages (macros). At saka ang inbox users ay puwedeng hatiin sa iba-ibang departments at puwede ring malaman kung aling department ang magiging responsable para sa mga tukoy na klase ng email message. At ang panghuli, ang LiveAgent ay may offer ding simple at epektibong CRM features pati na rin ang contact features para sa mga indibidwal at mga business.
Pagdating sa ticketing at email management, marami pang features pati na rin ibang communication channels ang binibigay ng LiveAgent. Siguraduhing i-check ang kanilang website at alamin ang iba pang tungkol sa kanilang email management features at functionalities. At saka sinusuportahan din ng LiveAgent ang malaking bilang ng native at external integrations na puwedeng makapagpaganda pa ng inyong functionality kung kailan ninyo kailangan ito.
Paggana ng LiveAgent email management software
Tingnan natin kung paano mag-perform ang LiveAgent sa isang standard use case scenario. Pinadalhan namin ang aming sarili ng dalawang halimbawa ng email para subukan kung paano gumagana ang ticketing system at para makita kung mabilis at responsive ito. Natutuwa kaming sabihing napaka-responsive nito at madaling gamitin. Nang napili na namin ang aming Tickets inbox, nakita namin ang listahan ng tickets na nakaayos nang default ayon sa kanilang kahalagahan, na ang ibig sabihin ay ang mas naunang ticket ay mas mahalagang masagot. Malinaw ding ang ayos ng ticket ay puwedeng pagpalitin kung kailangan.
May smart feature ang LiveAgent na hinahayaan kayong alamin ang status ng mga hindi pa naresolbang ticket sa pagtingin lang sa color-coded tags na makikita sa kaliwang bahagi ng ticket. Depende sa kulay, nagawa naming pag-ibahin ang klase ng email na na-deliver na o nabuksan na ng iba, dagdag pa sa ibang status options. Puwede rin ninyong makita ang basic contact information, tags, petsa kung kailan dumating ang email o ibang ticket, at marami pang iba. Pinag-isipan ito nang maigi, pero ang makitang puno ang inbox ay medyo nakakalula tulad sa regular na mailbox. Meron ding ilang action at mass action na puwedeng gawin sa inbox tulad ng pag-adjust ng filters, paglipat, pagbura ng messages, at marami pang iba.
Kapag nagbukas kami ng ticket, nananatiling functional ang interface, maraming offer na options at features para makaabante sa iba-ibang paraan. Puwede naming ma-access ang contact details, ticket notes, integrations, at iba pang features sa kanang bahagi ng ticket view. Sa gitna ng screen, makikita ang message pati ang space para maka-reply. Puwede rin naming ma-access ang iba pang functionality sa section na ito at magamit ang canned messages o predefined na mga sagot.
Kapag pinindot namin ang option na maka-reply, automatic na nilalagay ng LiveAgent ang greeting at valediction, nilalagay na rin pati ang pangalan ng sinasagot namin. Medyo useful ang feature na ito lalo na kung hinaharap ninyo ang dose-dosenang email araw-araw. Nagdagdag din ng link ang system na magdadala sa addressee sa isang customer portal kung saan puwede nilang ibigay ang kanilang feedback o makita ang history ng kanilang tickets. Sinusuportahan ng LiveAgent ang standard na attachment types, at puwede rin kayong mag-copy at paste ng images diretso sa message.
Sa pangkalahatan, ang paggamit ng LiveAgent ay isang kasiya-siyang karanasang inaalis ang mga balakid pagdating sa email management. Suwabe ang pagsagot, at lahat ng dagdag na features ay nagbibigay ng mas magandang ideya kung sino ang ka-deal ninyo, pati na ang pagbibigay ng maraming option na mapataas ang inyong efficiency sa inyong pang-araw-araw na trabaho. Dahil ang ticketing system ay hindi standard pagdating sa email management, malaki ang pakinabang nito sa pagtukoy ng mahahalagang isyu at pag-prioritize ng emails na hindi pa nabubuksan o nasasagot.
LiveAgent email management software pricing
Dahil ang LiveAgent ay may offer na mas malalaking functionality maliban sa email management, puwede kayong bumili ng plan na bibigyan kayo nang mas maraming option. Ang lahat ng LiveAgent plan, kasama na ang libreng plan, ay may offer na email management capabilities pero magkakaroon kayo ng access sa mas marami pang email management at ticketing features kung kayo ay mag-upscale. Tingnan natin ang binibigay ng bawat plan.
Free
Ang Free plan ay walang bayad at puwede itong gamitin hanggang gusto ninyo, pero may kasama itong limitasyon. Meron kayong 7 araw na ticket history, 1 incoming email account, 1 outgoing email account, at 3 department. Makakukuha rin kayo ng access sa 1 live chat button, 1 custom filter, customer portal, knowledge base, at white glove setup, maliban pa sa iba.
Small
Ang Small plan ay $9 kada buwan bawat agent para sa taunang billing o $12 kada buwan bawat agent para sa buwanang billing. May access kayo sa 1 incoming email account, 3 outgoing email account, 10 department, 1 live chat button, chat satisfaction survey, 1 API key + integration, knowledge base, customer service, white glove setups, pati na rin ang iba pang ticketing features na makadadagdag nang marami pang functionality sa inyong email management.
Medium
Ang Medium plan ay $29 kada buwan bawat agent para sa taunang billing o $35 kada buwan bawat agent para sa buwanang billing. Bibigyan kayo ng access sa lahat ng meron ang Small plan, dagdag ang 10 incoming email account, 10 outgoing email account, call center support, 20 department, IVR, product training, custom domain hosting, 20 event rule, 10 time rule, 5 SLA level at marami pang magagandang feature.
Large
Ang Large plan ay $49 kada buwan bawat agent sa taunang billing o $59 kada buwan bawat agent para sa buwanang billing. Makukuha ninyo ang lahat mula sa naunang dalawang plan pati na rin ang 40 incoming email account, 40 outgoing email account, 3 WhatsApp account, 50 department, Multi-knowledge base, senior account manager, 2 knowledge base, 100 event rule, time report, 10 SLA level, audit log, at marami pang iba.
Enterprise
Ang Enterprise plan ay $69 kada buwan bawat agent kung taunan ang billing o $85 kada buwan bawat agent kung buwanan ang billing. May offer itong features mula sa lahat ng naunang mga plan, pero marami pang dagdag na extra service para sa mga kliyenteng nangangailangan nito. Meron kayong dedicated key account manager, priority support, assisted WhatsApp integration, custom billing setup, scheduled release management, service review call at report, hanggang 40 custom role, multileveled na knowledge base, at assisted channels integration.
Kongklusyon
Puwede kayong bigyan ng mahusay na serbisyo ng LiveAgent bilang isang email management software, at nagbibigay ito ng lahat ng mahahalagang functionality na kailangan ninyo mula sa isang solution na tulad nito. Maliban pa riyan, ideyal ito sa maraming iba pang use cases at may benepisyo ito sa inyo kung nangangailangan kayo ng ibang paraan ng communication maliban sa email. Kahit ano pa, ang LiveAgent ay isang magaling na solution para sa email management, at hindi kayo magkakamali rito kahit ano pang plan ang piliin ninyo sa huli.