Key takeaways
Pros
- Maganda ang interface
- Madali ang navigation
- VPN, Cloud storage, at Calendar
- Abot-kamay ang presyo
Cons
- May ilang competitors na mas marami ang offer sa parehong presyo
- Puwede pang pagandahin ang features
Ang pagsisimula sa Proton Mail email management software features
Ang Proton Mail ay isang dedicated email service at email management software na may dagdag pang features na kasama. Habang ang Proton Mail ay may offer na dedicated business plans na nagbibigay ng support sa maraming users, meron din itong libreng plan para sa iisang user, na siyang ideyal para masubukan muna ito bago magdesisyong bilhin. Medyo madali lang ang pagsimula – kinailangan lang naming mag-fill out ng standard registration form. Hinayaan kami ng Proton na i-customize ang aming inbox sa simula pa lang, kung saan nakapili kami sa pagitan ng dalawang theme.
Kapag tapos na kayong pumili ng theme, puwede na kayong magsimula tumingin-tingin sa interface. Mukhang standard ang itsura ng interface. Sinusundan ng email clients at web apps ang parehong set ng rules kaya hindi na ito nakalilito sa user. Ang disenyo ng online mailbox ang isa sa mga bagay na tumatatak kahit anuman ang solution na ginagamit ninyo, at magandang makitang ang Proton ay sumusunod sa kaparehong rules tulad sa iba. Pinadadali nito at ginagawang intuitive ang navigation, gaya ng dapat.
Sinusuportahan ng Proton ang maraming interconnected mailbox para sa iba’t ibang users sa business plans, kaya hindi kayo magkakaproblemang gumawa ng hub para sa inyong company communications. Ang implementation ay medyo madali at puwede na kayo agad makapagsimulang gumamit ng Proton Mail pagtapos ng registration. Kung gusto ninyong mas i-configure pa ang inyong mailbox, pumunta lang sa mas extensive na settings options. Ang Proton ay puwedeng i-customize sa kahit anong paraan, at puwede ninyong i-adjust ang inyong privacy at filtering settings, interface design, at marami pa.
Puwede kayong magdagdag ng mga email address sa Proton, pero naka-lock ang feature na ito sa mga user ng libreng accounts. Ang interesanteng offer ay ang getting started guide na available kapag pumasok kayo sa inyong inbox sa unang beses. Kung makumpleto ninyo ang mga hakbang, meron kayong dagdag na libreng 1GB storage. Inisip naming meron ito sa lahat ng klase ng accounts, kahit anuman ang inyong plan. Bago namin ikuwento ang aming karanasan sa paggamit ng Proton Mail, tingnan muna natin ang features nito.
Proton Mail email management features
Naka-focus ang Proton Mail sa pagbibigay ng protektado at secure na email management software nang walang ibang major focus, na ang ibig sabihin ay lahat ng features nito ay dedicated sa misyong ito. Security ang major focus, kaya ang Proton ay may offer na iba’t ibang security measures at encryption para sa bawat email account. Puwede rin ninyong i-customize ang inyong email addresses para magkapareho sila ng pangalan ng inyong kompanya. Ang encryption ay puwede rin sa Proton calendar feature, kaya ang lahat ng inyong event information ay protektado rin.
Sinusuportahan ng email ang advanced filtering, search, out-of-office response, email signature, account transfer, user management, at contacts list. Puwede rin kayong makakuha ng support at tulong sa data migration o troubleshooting ng isyu sa Proton team kung kinakailangan. May offer din ang Proton mail na mobile applications, VPN, at cloud storage service.
Pagtrabaho gamit ang features ng Proton Mail email management software
Ang Proton Mail ay may offer na napakagaling at suwabeng working environment, salamat sa magandang pagkakadisenyo ng interface. Pinadalhan namin ang aming sarili ng ilang test emails para makita kung paano gumagana ang Proton sa pang-araw-araw na scenario. Nasa oras naman ang pagdating ng emails at nagawa pa naming diskubrehin ang interface. Maganda ang itsura nito, pero hindi namin maisip ang dahilan kung bakit hindi agad available ang reply option. Kailangan pang pindutin ang reply button para ma-access ang function na ito, na parang dagdag pang hakbang para sa amin. Pero maliit na isyung personal lang ito sa isang magandang interface.
Kapag napindot na ang reply button, bubuksan ng Proton ang isang mas maliit na window kung saan kayo puwedeng mag-type ng inyong reply. Sa una, akala namin ay medyo kakaiba ang design choice na ito, pero mabilis din naming nakasanayan. May kasama ring benepisyo ito; nakikita namin ang buong message kaya hindi namin kailangang mag-scroll pataas at pababa nang paulit-ulit kung gusto naming manigurado. Ang messages ay automatic nang naka-save bilang drafts, at ang window, kahit medyo maliit, ay nagbibigay ng magagandang tools para sa iba’t ibang paraan ng pag-edit at pag-format ng inyong messages.
Puwede pa rin sanang magkaroon ng dagdag na space para sa extra tools at features sa area na ito, pero di tiyak kung kailangan pa. Matapos naming pag-isipan, tingin namin ay hindi na kailangan. Di gaanong marami ang options pero higit pa sa sapat ito para makatulong sa inyong pagsusulat ng mahuhusay na messages. Hinahayaan nitong manatiling malinis ang interface, pati na rin ang madaling navigation nito. Ang logic na ito ay puwedeng ma-apply sa halos kabuuan ng Proton Mail interface, kasama ang mailbox.
Hinahayaan kayo ng Proton Mail na mag-customize at gumawa ng mga bagong folder para tulungan kayo sa pag-organisa ng lahat ng inyong email communications. Puwede ninyong piliing makatanggap ng notifications para sa isang folder, at hindi lang ito. Puwede rin kayong gumawa ng labels para sa inyong emails, pangalanan ang mga ito, at pumili ng kulay para sa bawat isa para mas palawigin pa ang inyong organisasyon. May offer ang Proton Mail na ilang basic categorizing options para sa piling emails. Puwede ninyo silang ilipat sa SPAM, trash, archive, magdagdag ng labels, o ilipat sa ibang folders. Inuulit namin, hindi sila ang may pinakamayamang features, pero nakita naming may pakinabang sila at hindi kayo makararanas ng kahit anong kalituhan.
Sa kabuuan, ang Proton Mail ay may offer na standard at kapaki-pakinabang na email management system na hindi nakakadismaya. Wala man silang offer na pinakamagagandang tools at features, hindi naman ito masama. Kahit gusto ninyo ng mas marami o mas konti, siguradong hindi kayo madidismaya sa pagpipilian dito sa dedicated na email management software na ito.
Proton Mail email management features pricing
Ang Proton Mail ay may offer na dalawang klaseng pricing plans. Ang unang kategorya ay para sa mga individual, na kasama rin ang libreng version ng Proton. Ang pangalawang kategorya ay pricing plans para sa mga business. Ang mga plan na ito ay sinusuportahan ang mas maraming features at sinadya para sa maramihang users sa parehong working environment. Dahil pangunahing ginagawa natin ang review na ito para sa mga mag-ari ng business, titingnan natin ang business plan selection.
Mail Essentials
Ang Mail Essentials plan ay $6.49, $6.99, o $7.99, depende kung pipiliin ninyo ay 24 buwan, 12 buwan, o buwanang billing period. Ang lahat ng presyo ay para sa bawat user kada buwan. Ang plan na ito ay may kasamang 10 email address sa bawat user, support para sa tatlong custom email domains, unlimited folders, labels, at filters, contact groups management, calendar sharing, isang libreng VPN connection, at 15GB na storage bawat user.
Business
Ang Business plan ay $9.99, $10.99, o $12.99 kada user, depende sa kung anong billing option ang pipiliin ninyo. Nagbibigay ito ng access sa 15 email addresses kada user, support para sa 15 custom email domains, 10 VPN connections kada user, 500GB storage bawat user, unlimited Hide My Email alias, at lahat ng features mula sa Mail Essentials plan.
Enterprise
Ang plan na ito ay may offer na custom pricing, kaya kailangan ninyong makipag-ugnayan sa Sales department ng Proton Mail para alamin ang price estimate. Makukuha ninyo ang lahat mula sa naunang dalawang plans. Ang solution ay puwedeng pasadyain batay sa inyong pangangailangan, at makakukuha rin kayo ng dedicated account manager, pati custom storage limit.
Kongklusyon
Sa huli, ang Proton Mail ay isang napakagandang email management software. Meron ito ng lahat ng kailangang features para sa epektibong pag-manage ng inyong email communication, at nagbibigay pa ito ng konting extra. Ang lahat ng business ay makikinabang sa VPN, calendar, at cloud storage. Ang pangunahing bentahe ay ang dagdag na security features, kaya isaisip ninyo ang Proton kung nangangailangan kayo ng extra layer na protection. Pero mahalagang sabihing kahit nagagawa nang tama ng Proton ang lahat, merong ilang competitors na nagbibigay ng mas mataas na value sa parehong halaga. Kung ang kailangan lang ninyo ay isang dedicated email management software, hindi kayo magkakamali sa Proton Mail.