Key takeaways
Pros
- Madaling gamitin at i-navigate
- May libreng version
- Parang chat ang interface
Cons
- Puwede pang mag-offer ng dagdag na features ang libreng version
- Walang libreng trial
Ang pagsisimula sa Spike
Sobrang simple lang ang pag-setup ng Spike at ilang minuto lang ito. Puwede ang sign-in gamit ang Google o anumang ibang email account na gamit ninyo. Pagkagawa ng account sa Spike, puwede ninyong i-upload ang inyong picture at i-edit ang pangalang makikita ng mga katrabaho ninyo.
Pagka-setup ng inyong account, pangalan at picture, simulan na ang real-time collaboration sa inyong teammates sa pagpapadala ng invitation sa kanila. Puwede ring laktawan ang hakbang na ito at saka na gawin.
Pagtapos nito, makikita na inyo ang buong inbox ninyo na puro messages. Sa umpisa, parang napakadaling i-navigate ng Spike at napakadaling hanapin ang lahat ng necessary features at options.
Spike features
Tine-test namin ang libreng version na ino-offer ng Spike kaya basic features lang ang available. Pero sapat na dapat ang features na ito para maintindihan kung paano ito gumagana at kung gaano kadali o kahirap itong i-navigate pagdating sa kanilang email management tool.
Sa kaliwang kanto sa ibaba, may 5 iba-ibang icon. Ang unang icon ay “Home” na pinapakita ang lahat ng messages at emails na meron kayo sa inyong inbox.
Ang ikalawang icon ay ang “Timeline” na isang kalendaryong puwedeng makapag-schedule ng iba-ibang events, reminders, meetings, etc.
Ang icon sa gitna ay para sa paggawa ng bagong message, bagong group, bagong note o anumang konektado sa icons sa paligid nito.
Ang ikaapat na icon ay ang “Groups” kung saan puwede kayong gumawa ng iba-ibang groups ng tao para mas maging organisado pa ang lahat. Puwedeng gumawa ng groups batay sa projects ninyong tinatrabaho, kapamilya, study groups, friend groups, at iba pa. Pangalanan lang ang group, magsulat ng maikling description, at mag-imbita ng tao sa group.
Panghuli ang “Contacts”. Dito ninyo makikita ang listahan ng lahat ng contacts ninyong na-save sa Spike. Puwede ring magdagdag ng bagong contacts at magpadala ng notes sa isa’t isa. Puwede ring magpadala ng notes sa sarili ninyo.
One-on-one calls
May offer din ang libreng version na abilidad para sa one-on-one video call o voice call. I-click lang ang maliit na camera icon sa kanang kanto sa itaas at piliin kung ang gusto ninyo ay video call o voice call sa isang tao. Puwede ring mag-share kayo ng screen sa bawat isa, na mas mapapahusay pa ang quality ng meeting at collaboration.
Translator
Ang isa pang magaling na feature ay ang translator. Mata-translate nito ang messages ninyo sa maraming wika sa ilang segundo lang, na nagpapadali ng communication kung meron kayong international contacts. I-click lang ang “three dots” sa tabi ng message at piliin ang “Translate.”
Customization options
Pagpunta ninyo sa “Account settings,” makikita ninyo ang maraming customization options. Puwede ninyong palitan at i-customize ang kulay ng inyong account o palitan ang signature ninyo sa dulo ng mga pinapadalang email. Puwede ring gumawa, magtanggal, at mag-edit ng tags o message templates. Kaya lang, medyo limitado ang customization options sa libreng version.
Desktop at mobile applications
Ang Spike ay may offer ding 3 iba-ibang paraan para magamit ninyo ang mga serbisyo nila. Available ito bilang web app na gagana kahit walang anumang ida-download sa inyong computer o anumang gadget. Puwede rin kayong mag-download ng desktop version ng app na gagana sa Windows at sa Mac, o kaya iyong mobile app na available para sa parehong iOS at Android.
Performance at user experience
Gaya ng nabanggit na, ang Spike ay isang tool na sobrang intuitive kahit para sa baguhang user dahil sobra itong organisado, at ang parang chat nitong interface ay napaka-unique kumpara sa maraming email management systems. Nagmumukhang informal at innovative ang mga usapan at message.
Lahat ng features na available sa libreng version ay gumagana nang mahusay, at ang basic features na ito ay malaki ang benepisyo sa gagamit nito araw-araw. Pero kung may-ari kayo ng business na mas higit pa ang pangangailangan at requirements, nirerekomenda naming kumuha kayo ng may bayad na subscription plan dahil may offer itong mas advanced na features.
Ang “Timeline” feature o kalendaryo ay maganda kung kailangan ninyong mag-schedule ng iba-ibang events, meetings o mag-set ng reminders para sa inyong sarili. Pero puwede pa itong mapahusay para makita ang iba-ibang buwan nang mas malinaw at para mas maging user-friendly at malinis.
Magaling din ang apps. Katulad ng desktop app ang web app kaya nasa sa inyo na kung gusto ninyo itong i-download sa computer o laptop ninyo. Mahusay umandar ang mobile app sa iOS at Android, at parang katulad din ito ng web app. Napakadaling hanapin ang lahat at wala kaming nakitang anumang isyu sa paggamit nito.
Spike pricing
May offer ang Spike na tatlong iba-ibang subscription plans. Ang bawat plan ay may offer na kanya-kanyang set ng features kaya makakapili kayo ng pinakabagay na version sa inyong pangangailangan at budget. Kung pipili kayo ng isa sa may bayad na subscription plan, puwede rin ninyong piliin kung ang bayad ay monthly o annually. Puwede naman kayong mag-upgrade o downgrade ng plan batay sa pangangailangan ninyo.
Free:
Ang libreng version ay may unlimited time at may offer na magandang set ng basic features tulad ng mobile app, unlimited collaboration notes, unlimited groups, 1 GB ng storage, one-on-one video calls, at file upload na hanggang 30 MB.
Pro:
Ang subscription na ito ay $8 bawat user kada buwan o $5 bawat user kada buwan kung annual ang billing. Ino-offer ng Pro subscription ang lahat ng features na kasama sa libreng plan at dagdag ang ilang features tulad ng unlimited search history, video calls na may 5 participants, 5 GB ng storage, file upload na hanggang 100 MG, at priority customer support.
Business:
May dalawang presyo rin ang business plan. Puwede kayong magbayad ng $16 bawat user kada buwan o $10 bawat user kada buwan kung annual kayo magbabayad. Kasama sa plan na ito ang advanced features na wala sa nakaraang dalawang plan. Kasama sa features ay ang sumusunod: VIP customer support, video call recording, SAML-SSO sa lahat ng mga gadget, 20 GB ng storage space, hanggang 10 participants sa isang video call, at file upload na hanggang 1 GB.
Kongklusyon
Sa kabuuan, ang Spike email management software ay isang magaling na tool para sa naghahanap na mai-streamline ang kanilang inbox at mapahusay ang productivity at collaboration. Ang napakadaling gamiting interface at parang chat na messaging system ay pinapasimple ang pag-navigate dito para mas mapangasiwaan ninyo ang inyong emails.
Habang ang libreng version ay may offer na kapaki-pakinabang na features, baka kailanganin ng ibang users ang dagdag na features na available lang sa may bayad na subscriptions. Importanteng tandaang ang iba-ibang pricing plans ay bumabagay sa iba-ibang users batay sa kanilang pangangailangan at requirements.
Frequently Asked Questions
Pag-delete ng inyong Spike account
Kung gusto ninyong i-delete ang inyong account, pumunta lang sa “Settings” at piliin ang account na gusto ninyong tanggalin. Tapos, i-click ang “Remove account.” Tatanggalin lang nito ang partikular na account mula sa gadget na iyon. Magagamit pa rin ninyo ang email account na iyon sa ibang gadget. Kung gusto ninyong tanggalin ang ibang account, ulitin lang ang mga hakbang na ito para sa bawat email account sa isang gadget.
Refund para sa inyong subscription
Puwedeng ikansela ang taunang subscriptions sa unang 14 na araw matapos ang unang pagbili. Kapag ikakansela ninyo ang subscription, prorated amount ang magiging refund ninyo mula sa araw ng pagkansela.Ang monthly subscription plans ay non-refundable. Kung ikakansela ninyo ang monthly subscription, magiging epektibo ito mula sa dulo ng kasalukuyang billing cycle. Kaya may access pa rin kayo sa account hanggang sa natitirang panahon ng billing period.