Key takeaways
Pros
- Mahusay na functionality nang walang bugs
- Madaling navigation
- Magandang email management features
- Mabilis na setup
Cons
- Baka mas gugustuhin ng ibang users ang mas advanced na features
- Medyo may pagkamahal ito
Ang pagsisimula sa Zendesk email management software features
Ang Zendesk ay may offer na libreng trial version na nagbibigay ng access sa lahat ng kailangan para sa email management software features. Kailangan sa registration process na makumpirma ninyo ang inyong trial registration gamit ang email link. Pagkatapos, kailangan ninyong tukuyin ang inyong trial experience at pumili kung ilang users ang kailangan ninyo, pati na rin kung anong tools ang gusto ninyong i-focus. Puwede ninyong laktawan ang section na ito, pero nirerekomenda naming kumpletuhin ninyo ito dahil puwede itong magkaroon ng pagkakaiba sa simula ng inyong paggamit.
Kapag tapos na kayo sa setup, puwede na kayong magsimulang mag-explore ng Zendesk interface. Kung na-access ninyo ang Zendesk sa unang beses, may offer na selection ng guides sa main screen na makatutulong sa inyong maging pamilyar sa mayaman nitong feature set. Pinapakita sa guides kung paano gamitin ang bawat functionality at paano sila i-set up. Puwede kayong makipag-engage sa tutorial kapag magse-set up kayo ng inyong ticketing system, na siyang malaking bahagi ng email management functionality ng Zendesk. At dahil medyo pamilyar na kami sa Zendesk, nagdesisyon kaming laktawan ito sa ngayon at umusad na.
Kahit gumagawa ng dedicated email address and Zendesk para sa inyo, puwede pa rin kayong magdagdag ng iba pang email account sa system. Puwede ninyong ma-access ang Admin Center sa pag-click sa cogwheel icon sa bandang kaliwa ng menu, na dadalhin kayo sa settings. I-access ninyo ang Channels section at mahahanap ninyo ang email settings.
May option kayong gumawa ng iba pang Zendesk address o ikonekta ang external email accounts. Tandaan na ang Zendesk ay dinaragdag din ang email address na ginamit ninyo sa registration. Ang section na ito ay hinahayaan din kayong mag-customize ng inyong email settings para maayos ang inyong user experience.
Sa Zendesk, kailangan ninyong mag-set up ng email forwarding mula sa inyong kasalukuyang email account kung hindi Gmail ang gamit ninyo. Ang section ng setup na ito ay may step-by-step instructions kung paano gawin pero medyo general ang impormasyon. Ang pinakamaganda ninyong gawin ay maghanap sa iba ng partikular na guide para sa inyong email account. Ang prosesong ito ay hindi dapat mahirap sa karamihan ng kaso at dapat matapos ninyo ito nang mabilis, puwera na lang kung gamit ninyo ay luma nang email service.
Kapag naidagdag na ninyo ang inyong mga email address at na-set up na ang forwarding, handa na kayo. Hindi na namin pinaglaruan ang ticketing o email settings dahil hindi na ito kailangan, pero puwede ninyo itong gawin kahit kailan. Bago tayo pumunta sa testing, tingnan natin kung anong mga email management features ang aasahan ninyo sa Zendesk.
Zendesk email management features
May offer ang Zendesk na nakagugulat na dami ng functionalities para sa maraming use cases; marami sa kanila ay puwede ring pang-email management. Puwede ninyong i-manage ang unlimited email addresses at gumamit ng contact forms sa kahit anong subscription plan. Ang size limit ng lahat ng ticket file attachment ay naka-set sa 50MB. Isa sa mga plans ay nagbibigay ng automatic email archiving features. Puwede rin ninyong gamitin ang answer bots para harapin ang ilang tasks at gumawa ng bagong workflows.
May offer din ang Zendesk na fully translated interface at advanced contact management features. Puwede ninyong magamit ang customer satisfaction ratings at follow-up surveys. Kasama rin sa email management features ang sharing at forwarding tickets sa pagitan ng maraming accounts, conditional ticket fields, at multiple ticket forms. Hybrid ang inbox, ibig sabihin, puwede rin ninyong gamitin ang ibang channels maliban sa email at makita ang lahat ng message sa iisang lugar. Sinusuportahan ng Zendesk ang predefined answers, pati na rin ang custom business rules at reporting.
Pagtrabaho gamit ang features ng Zendesk email management software
Intuitive at madali ang magtrabaho gamit ang Zendesk. Nagpadala kami sa sarili namin ng dalawang test emails para i-test ang performance ng system. Dumating lahat ng email nang mabilis at walang matagal na paghihintay. Nagpapadala rin agad-agad ang Zendesk ng automatic reply sa sender, sinasabi sa kanilang ang email message ay natanggap na. Pero hindi nagpapadala ng kahit anong notification ang Zendesk na magsasabi sa inyo tungkol sa mga bagong message. Ang tanging paraan lang para malamang may bagong message ay sa pamamagitan ng pagpunta sa ticketing system.
May ticket tab feature ang Zendesk, ibig sabihin ay puwede kayong lumipat nang mabilisan sa pagitan ng mga bukas na conversation nang hindi kailangan maghanap pa sa inbox. Ito ay medyo maganda. Kahit mukhang standard ang feature na ito, hindi lahat ng email management software ay meron nito. Pagkatapos ninyong magbukas ng ticket, medyo standard ang interface, at sinasabi namin ito bilang isang magandang bagay. Nakasanayan na namin ang ilang email layout, kaya magiging counterproductive kung babaguhin pa ito para lang magdagdag ng wow factor. Magaling ang ginawa ng Zendesk sa interface.
Masyadong maliit ang reply field para sa mas mahahabang emails, pero lumalaki ito kapag may naabot na haba, kaya maganda ang functionality na ito. May offer na maraming features ang Zendesk sa buong interface, pinapadali nito ang pagpapalit ng status ng inyong emails at tickets, makagagawa ng note ng customer data, o puwedeng mag-iwan ng notes para sa ibang users, makadadagdag ng attachments sa emails, o puwedeng i-apply ang predefined na mga sagot sa inyong email communication.
Hinahayaan kayo ng inbox section na makagawa ng bulk actions. Puwede ninyong pagsamahin ang piling emails sa iisang ticket, na siyang magagamit kung meron kayong maramihang emails mula sa isang contact na may parehong topic. Puwede rin ninyong i-update ang tickets nang bultuhan gamit ang edit option. Sa feature na ito, magagawa ang magdagdag ng tags nang bultuhan, palitan ang priorities at klase ng emails, at iba pa. Ang iba pang options ay kasama ang pag-delete ng emails at pagmarka sa kanila bilang SPAM messages. Isa pang kabanggit-banggit na feature ay ang filtering, na ginagawang mas madali ang pag-sort sa inyong inbox batay sa predefined criteria.
Sa kabuuan, ang Zendesk ay may offer na maganda-gandang email management features at puwede rin itong maging magandang email management software. Hindi nakakalula ang features at napakadaling maging pamilyar dito kahit baguhan o beteranong user na kayo. Ang pagtanggap at pagsagot sa emails ay gumagana nang walang kahit anong bugs o iba pang kahirapang magpapahinto sa inyong workflow.
Zendesk email management features pricing
Ang Zendesk ay isa sa mga solution na may offer na maraming pricing options. Nag-iiba-iba ang feature sets at ang bawat isa sa kanila ay naaangkop sa ibang use case. Dahil ang tinitingnan lang natin ay ang email management features ng Zendesk sa review na ito, ipapakita namin sa inyo ang plans na kasama ang functionality na ito.
Support Team
Ang plan na ito ay $19 kada buwan bawat agent. May offer itong ticketing system na puwedeng magamit para sa email management, at puwede rin ninyong ikonekta ang iba pang communication channels tulad ng social media. Makukuha ninyo ang lahat ng email management features ng mga naunang nabanggit na sa review na ito, pati na rin ang access sa business rules, customer details at history, pagruta batay sa agent status at capacity, at access sa integrations at applications.
Support Professional
Ang Support Professional plan ay $49 kada buwan bawat agent. Makukuha ninyo ang lahat ng features mula sa mga naunang plan, at mga dagdag pa tulad ng skill-based routing, business hours, customer satisfaction surveys, at marami pang iba.
Support Enterprise
Ang plan na ito ay ang pinakamahal sa lahat ng Support plan options. Ito ay $99 kada buwan bawat agent. Binibigay nito sa inyo ang access sa lahat ng features mula sa naunang dalawang plans at may dagdag pang custom team roles at permissions, customizable workspaces, third-party data storage, sandbox test environment, at iba pa.
Kongklusyon
Magandang option ang Zendesk para sa inyong pangangailangan sa email management dahil gumagana ito nang mahusay bilang software para sa email management. Sapat ang features at madaling gamitin sa kahit anong use case. Hindi kayo mahihirapang mag-navigate sa kalakhan ng interface. Pero kailangang handa kayong gamitin ang inyong wallet dahil medyo may kamahalan ang Zendesk kung magdedesisyon kayong bumili ng isa sa mas extensive na plans.
Frequently Asked Questions
Hindi natatanggap ng recipients ang emails na pinadala mula sa Zendesk.
Una sa lahat, subukan ninyong kontakin ang inyong customers gamit ang ibang paraan at alamin kung ang inyong emails ay napupunta sa kanilang SPAM folders. Ang ilang email providers ay merong mas istriktong rules para sa pagtukoy ng SPAM messages, at kahit hindi SPAM ay napupunta ito sa SPAM folder. Kung hindi ito ang kaso, i-check ninyo ang business rules at tingnan kung ang inyong triggers para sa pagpapadala ng emails ay naka-set up nang tama. Kung ang inyong isyu ay walang kinalaman sa kahit anong option na ito, siguraduhing kontakin ninyo ang Zendesk support para tulungan kayo sa troubleshooting.
Hindi nakatatanggap ng email tickets mula sa contacts.
Ang pinakaposibleng problema ay sa inyong email forwarding. Kung hindi ito naka-set nang tama, hindi darating ang mga message sa inyong Zendesk inbox. Muling i-check ninyo ang inyong forwarding settings at tingnan kung ang isyu ay puwedeng maayos sa ganoong paraan. Kung hindi, ikonsidera ninyong linisn ang inyong inbox na siya dapat ang nagpapadala ng emails sa inyong Zendesk account. Kung puno na ito, baka hindi ma-deliver ang emails.