Key takeaways
Pros
- Isa sa pinakamadaling i-set up na IVR features
- Mahusay na interface na madaling i-navigate
- Mura ito at kasama ang IVR sa basic plan
Cons
- Puwedeng mahirap gumawa ng mga detalyadong IVR tree
Hindi maikakaila na ang IVR ng Aircall ay malakas na pagpipiliang may ilang kahinaan. Napakadaling planuhin, gawin, at ipatupad ang inyong IVRs, at higit na mas mura kaysa sa karamihan ng IVR. Ginugulat din ng Aircall ang mga user sa text-to-speech customization options nito. May maliit na problemang lumilitaw kapag gumagawa ng mga detalyadong IVR. Samakatwid, puntos ito sa kahinaan ng flexibility ng Aircall. Gayunman, hindi nito dapat pinipigilan ang mga user sa epektibong paggamit ng Aircall dahil ito ay isang maliit na problema sa isang kamangha-manghang IVR software.
Ang pagsisimula sa Aircall IVR feature
Mabilis at madali ang pagsisimula sa Aircall. Kapag nag-sign up kayo para sa trial, makakapili kayo ng plan na gusto ninyong subukan. Ang buong proseso ng pagrerehistro ay medyo madali, tulad ng inaasahan. Kapag napunta na kayo sa dashboard, sasalubungin kayo ng magandang interface na napakadaling i-navigate. Ang pinakamagandang bahagi ay, ang IVR setup ay makukuha agad sa welcome screen kaya hindi ninyo kailangang maghanap sa Aircall configuration.
Ang paggawa ng IVR ay nakatali sa paggawa ng bagong number. Kapag na-click na ninyo ang Create a new number, makakapili kayo kung gusto ninyo ng isang classic na number o isang IVR number. Ang Aircall ay may napakadali at intuitive na setup na madaling maintindihan mula sa umpisa. Ang pagpaplano ay visual na nirerepresenta ng UI-design-like na interface, kung saan malinaw na makikita ninyo ang bawat level at mga angkop na action nito.
Gayunman, nagiging medyo komplikado ang mga bagay kapag gusto ninyong gumawa ng mas detalyadong multi-level na IVR, dahil walang ibang paraan para mairuta pa ang mga tawag matapos piliin ang unang routing. Bagama’t karamihan ng mga business ay malamang na gustong panatilihing simple ang kanilang IVR para matiyak ang mabilis na koneksiyon sa pagitan ng mga customer at representative, sa ilang mga kaso ay walang ibang option kundi ang gumawa ng detalyadong IVR.
Napakahusay ng IVR customization options. May option kayong magdagdag ng custom file, pati na rin ang makapili sa pagitan ng malaking bilang ng text-to-speech voices. Marami ring language options na may angkop na accents, kasama ang maraming English accents na mapagpipilian. Puwede kayong magsulat na sarili ninyong messages at makinig sa kanila bago ninyo piliin ang pinaka-angkop para sa inyo.
Kumusta ang performance ng IVR?
Ang Aircall IVR ay nagpe-perform ayon sa nilalayon at walang isyu. Nagiging mas professional ang IVR sa idinagdag na custom text-to-speech voice recording, habang ang text-to-speech options ay nakatutulong gumawa ng ere ng isang international call center. Ang buong setup ay gumagana nang walang anumang problema, tulad sa karamihan ng mga modernong IVR. Mahusay ang performance ng Aircall, at kung ang inyong karanasan ay pareho ng sa amin, hindi kayo dapat magkaroon ng anumang malaking problema.
Pagpepresyo
Ang Aircall ay may abot-kayang pagpepresyo, at sa kabutihang palad ay makukuha kahit sa pinaka-basic na plan. Meron ding libreng trial na makukuha sa bawat isa sa mga plan na ito, kaya masusubukan ninyo ang mga ito bago ninyo bilihin. Tingnan natin kung ano ang makukuha ninyo sa Aircall.
Essentials
Ang Essentials Plan ay nagsisimula sa $30 kada buwan bawat user, na may minimum na tatlong users. Bukod sa IVR, makakukuha kayo ng access sa higit 50 na integrations at API, SMS functionality, essential telephony features tulad ng call recording at click-to-dial, unlimited simultaneous outbound call, at marami pa.
Professional
Ang Professional Plan ay nagsisimula sa $50 kada buwan bawat user, na may minimum na tatlong users. Makukuha ninyo lahat mula sa naunang plan, at may mandatory call tagging, advanced analytics at monitoring, advanced support features, advanced sales features, at marami pa.
Custom
Puwede ninyong i-customize ang inyong plan at presyo para sa Aircall sa kanilang Custom plan. Meron itong minimum na 10 users. Makukuha ninyo lahat mula sa naunang dalawang plans, pati na rin ang mga bagong feature tulad ng custom analytics, custom onboarding, access sa API developer support, SLAs, at marami pa.
Kongklusyon
Marahil ang Aircall ay ang isa sa pinakamahusay na IVR na matino ang pagpresyo. Napakadali ng setup nito; may ino-offer itong ilang mahuhusay na customization options at puwedeng matapos sa ilang minuto lang. Merong ilang bagay na maling ginagawa ang Aircall, at ang IVR feature nito ay halos perpekto na. Habang ang ilang users na sumusubok na gawing detalyado ang IVR trees ay puwedeng medyo madidismaya, ang di nangangailangan ng functionality na ito ay magiging higit na kuntento sa anumang offer ng Aircall.
Frequently Asked Questions
Hindi gumagana ang aming IVR
Suriin ulit ang inyong IVR flow. Laging nakatutulong na planuhin muna ang inyong IVR flow para maalis ang anumang kalituhan habang ginagawa ito sa Aircall. Kung nakararanas kayo ng iba-ibang problema sa inyong IVR, konsultahin ang Aircall troubleshooting guide o makipag-ugnayan sa customer service para humingi ng tulong.
Hindi kami makagawa ng multi-levl na IVR
Hindi diretsong sinusuportahan ng Aircall ang multi-level IVR. Gayunman, puwede ninyong subukang gumawa ng kaparehong sistema sa pamamagitan ng pagsi-setup ng maraming mas maliliit na IVR para sa bawat isa sa makukuha ninyong numbers. Sa pamamagitan ng pagli-link ng mga IVR na ito sa forwarding action, puwede ninyong i-simulate ang karanasan sa isang multi-level IVR.