Key takeaways
Pros
- Madaling gawing IVR levels
- Advanced options
- Madaling gamitin kapag nakasanayan na
- Pagpepresyo at libreng plan
Cons
- Mahirap i-navigate ang user interface
- Luma na ang guides
Maganda ang performance ng Bitrix24 IVR pero medyo magtatagal kayo nang kaunti para makasanayan ang paggamit ng maraming features nila. Medyo mahirap hanapin ang IVR settings pero kapag nahanap na ninyo, magiging user-friendly na ang pag-setup at gagana na ang features tulad ng inaasahan. Maganda ang Bitrix24 kung iisipin dahil sa maganda naman ang pagpepresyo nito at may libre pang plan na di kailangang lagyan ng anumang payment information.
Ang pagsisimula sa Bitrix24 IVR feature
Madali naman ang pagsisimula sa Bitrix24 dahil kukumpletuhin lang ang libreng registration. Matapos makumpirma ang email, maa-access ninyo agad ang workspace. Mabilis ang buong proseso at hindi na maghihintay pa. Kapag may access na kayo sa Bitrix24 app, puwede nang mag-browse ng mahaba nilang menu. Ang Bitrix24 ay may web application at nada-download na application para sa computer. Web application ang ginamit para sa test na ito.
Baka malito ang bagong users sa menu dahil maraming icons na walang nakikitang description kung di iho-hover ang mouse sa kanila. Ang web application ay meron ding search widget at option para iba-ibahin ang ayos o para itago ang menu icons na nagpapadali ng workflow. Medyo nagtagal kami sa paghahanap ng option para makagawa ng IVR sa Bitrix24. Ang application ay may integrated help guide pero luma na ito kaya di masyadong nakatulong.
Ang hitsura ng menu sa guide ay iba sa hitsura ng nasa application na ginamit para sa review na ito. Para sa mga interesadong mahanap ang IVR settings sa Bitrix24, pumunta sa CRM sa kaliwa ng menu, piliin ang Add-ons mula sa itaas ng menu, i-click ang Telephony, i-click ang Configure Telephony, at panghuli, piliin ang Voice menu at Add menu.
Ang proseso ng paglikha ng Interactive Voice Response ay di mahirap at diretso lang. Ang Bitrix24 ay may offer na maraming customization options na laging maganda para sa users na gusto ng partikular na performance ng kanilang IVR. Sa itaas, may option na magsulat ng text para sa text-to-speech option o puwedeng mag-upload ng sarili ninyong audio file. Magpe-play ang recording na ito kapag nakonekta ang caller sa IVR.
Sa paglikha, walang prosesong parang disenyong UI pero may option na piliin ang anumang action na gagawin ng bawat numero sa dialpad ng caller. Merong standard selection na pag-forward ng numero, ididirekta sila sa ibang users, at marami pa. Sa kabuuan, ang proseso ay simple lang at maikling oras lang ang gugugulin para tapusin ito kung pamilyar na kayo sa IVR systems.
Kapag tapos na kayo sa IVR setup, i-click lang ang Save. Ngayon, para gumana ang inyong IVR, kailangang ikonekta ito sa isang numero. Pumunta sa Telephony > Connection > Configure numbers > select a number/PBX, at paganahin ang Voice menu sa inbound call routing section. Tapos na, konektado na ang IVR ninyo.
Kumusta ang performance ng IVR?
Suwerte at ang pagtawag gamit ang Bitrix24 IVR ay madali at gagana ang lahat tulad ng inaasahan sa paggawa ng inyong IVR. Nag-test kami ng ilang calls at wala namang problemang nakaharap sa IVR performance. Maganda ang IVR depende sa paggamit ninyo at di hahadlang ang Bitrix24 dito. Wala namang bugs o anumang problema noong nag-test call kami.
Sa kabuuan, makaaasa at makararanas ang callers ninyo ng karaniwang IVR experience na mainam na ikokonekta sila sa nararapat na department. Kahit text-to-speech voice man ang gusto ninyo o sarili ninyong recordings, solid ang kabuuang karanasan dito at wala akong malaking reklamo.
Pagpepresyo
Ngayon, ang presyo ng Bitrix24 ang isa sa magagandang aspekto nito. Sa halip na magbayad kayo habang pinapaandar ito, makakapili kayo ng isa sa mga pricing plan. Limitado ang presyo sa bilang ng features at storage space. Ang pinakamainam ay may libreng plan ang Bitrix24 kaya di na ninyo kailangang magbayad nang malaking halaga para makuha ang IVR feature.
Libreng plan
May offer ang libreng plan na 5GB storage pati access sa collaboration features, tasks at projects, CRM, drive, contact center, at website builder. Maganda ang halaga ng offer pati ang functionality para sa isang libreng solution.
Basic plan
Kasama sa basic plan ang 24GB storage na may bawat feature ng libreng plan, at may dagdag na abilidad sa paggawa at pag-manage ng isang online store. Ang halaga nito ay $49 kada buwan para sa 5 user.
Standard plan
May offer ang standard plan na 100GB storage, bawat feature mula sa dalawang naunang plan, at may dagdag na marketing at online documents features. Ang halaga nito ay $99 kada buwan para sa 50 user.
Professional plan
May offer ang professional plan na 1024GB storage, bawat feature mula sa mga nakaraang plan, at may dagdag na bagong features tulad ng sales intelligence, automation, at HR. Ang halaga nito ay $199 kada buwan para sa 100 user.
Kongklusyon
Ang Bitrix24 IVR ay maganda, pero ang kabuuang solution ay puwedeng maging mahirap gamitin sa mga baguhan. Pero di dapat ito haharang sa inyong ikonsidera ito bilang dedicated IVR software ninyo. Mainam ang pagpepresyo ng Bitrix24, magaganda ang features, at gumagana nang maganda kapag natiyaga ninyo itong pag-aralang gamitin. Malakas itong contender para sa anumang call center.
Frequently Asked Questions
Di ko mahanap ang IVR option sa Bitrix24
Ang Bitrix24 ay isang complex na solution na maraming tools at features kaya huwag mag-alala kung tingin ninyo’y mahirap gamitin ang IVR. Pumunta sa CRM sa kaliwang navigation menu at piliin ang Add-ons mula sa taas na menu. I-click ang Telephony at ang Configure Telephony. Piliin ang Voice menu at panghuli ay ang Add menu. Dito ninyo masisimulan ang paggawa ng inyong IVR. Kung di pa rin makita ang IVR option, i-double-check kung tama ang plan ninyo na dapat puwede ang IVR.
Di ko alam kung paano ikonekta ang IVR sa isang partikular na numero sa Bitrix24
Dapat ninyong paganahin ang Voice menu para sa bawat numero nang magkakahiwalay kung gusto ninyong gamitin ang isa sa inyong IVR flows. Pumunta sa Telephony > Connection > Configure numbers. Piliin ang number/PBX at sa inbound call routing section, i-click ang enable Voice menu.