Key takeaways
Pros
- Lubos na customizable
- Madaling gamitin
- Matatag
Cons
- Ang ginamit na lingo ay puwedeng nakalilito
- Ang language detection ay puwedeng medyo clunky na
Sa dami ng configurable options nito, ang IVR feature na ito ay napakahusay para sa mas malalaking business na balak mag-automate ng kanilang contact center operations. Gayunman, puwede pa ring pakinabangan ng mga maliliit na kompanya ang software ng Infobip. Sa kabila ng napakaraming functionalities at options, puwede kayong mag-set up nang hindi malulula o malito.
Ang pagsisimula sa Infobip IVR feature
Nag-test kami ng software ng Infobip gamit ang Windows 10, pero puwede rin itong gumana sa Linux. Nakagugulat na ang pagsi-set up ng libreng trial sa Infobip ay nakakapagod. Matapos i-click ang “sign up” button, dinala kami sa kanilang customer satisfaction survey. Matapos tumingin-tingin sa website, sinubukan naming kumuha ng libreng account sa tulong ng docs pages. Matapos mag-click sa mga article, sa wakas ay nagawa na naming mag-sign up para sa isang libreng trial account.
Matapos makatanggap ng verification email at ng activation code sa aming phone, nakapagsimula na kaming mag-set up ng IVR feature.
Gayunman, ito ay nagpapakita na kaunting challenge. Kung kayo ay kapareho namin, makararamdam kayo ng pagkaligaw kung kayo ay naghahanap ng mga pamilyar na termino tulad ng “flow” o “call automation.” Ang pinakamahusay naming pagpipilian ay ang bumalik sa support portal. Madali lang makahanap ng impormasyon kung paano i-set up ang IVR feature. Gayunman, hindi binabanggit sa support documentation ang pagsi-set up ng mga bagay tulad ng personal profile, tags, channel events, etc. Kapag iyon ay inyo nang nagawa, puwede na kayong bumalik sa how-to.
Kahit medyo nakakainis ang mga unang hakbang, madali na mula roon.
Para i-set up ang IVR function, i-click ang Moments na nasa kaliwang bahagi ng menu. Kung gagawin ninyo ito sa unang pagkakataon, may maikling tutorial na ino-offer ang Infobip para gabayan kayo sa mga pangunahing hakbang.
Magpatuloy sa pamamagitan ng pag-click sa Create flow button at pagkatapos ay sa Start from scratch.
Pagkatapos, magkakaron kayo ng ilang trigger options na mapagpipilian. Para makagawa ng phone tree, i-click ang Inbound Call na tile.
Ngayon, puwede na kayong magsimulang tumingin-tingin gamit ang IVR function. Ang user interface ng Infobip ay napakalinis at intuitive, kaya kahit ang bagong user ay hindi maguguluhan.
Puwede kayong gumamit ng text-to-speech o pre-recorded audio files sa pagsagot ng inbound call nang awtomatiko gamit ang isang message. Puwede na kayong mag-upload ng audio file sa software nang diretso mula sa inyong computer. Para i-customize ang text-to-speech message, pumili mula sa iba-ibang voice options. Maliban doon, puwede ninyong i-configure ang speech rate, pause duration, at marami pa.
Hinahayaan kayo ng Infobip na mag-set up ng napakasimpleng call trees pati na rin ang mas komplikadong flows. Puwede kayong magdagdag ng iba pang communication channels sa inyong branches tulad ng SMS, email, at Whatsapp messenger. Sa ganitong paraan, gumagawa ang Infobip ng multichannel experience para sa inyo at sa inyong customers.
Ang nagustuhan namin sa software na ito ay ang maraming options na ino-offer nito. Puwede kayong mag-set up ng trackable goals para sa inyong IVR system, o i-configure ito para makakolekta at makapagtago ng data tungkol sa digits na inilalagay ng users.
Maraming advanced options ang puwede ninyong i-configure para makagawa ng isang intricate at highly customized na flow. Depende sa mga pangangailangan ng inyong business, ang inyong IVR ay puwedeng maging simple o komplikado gaya ng inyong gusto.
Kumusta ang performance ng IVR?
Sa kabila ng medyo nakakainis na mga unang hakbang sa pagsi-set up ng call trees, ang functionality ay gumagana nang maayos. Ang Infobip ay kilala sa pagiging maaasahan nito, kaya hindi nakagugulat na lahat ay maayos na tumatakbo at walang kahit na anong problema. Hinahayaan kayo ng software na sumubok sa pamamagitan ng pag-configure para makuha ninyo ang lahat ng inyong kailangan. Kahit ang pinaka-advanced option ay accessible sa users na wala masyadong technical na kaalaman. At kahit maligaw o malito kayo, napakadaling i-navigate ng Infobip documentation page at may ino-offer pang maraming mga article at how-to para kayo matulungan.
Pagpepresyo
Karamihan ng pricing ng Infobip ay custom. Ang mga presyo ng kanilang base subscription packages ay posible lang makita kapag kumuha kayo ng libreng account. May tatlong pricing options ang Infobip – Moments, Conversations, at Answers. Para magamit ang IVR feature, kailangan ninyo ng Moments package na nagsisimula sa €499 kada buwan. Para makakuha ng custom plan, puwede kayong makipag-ugnayan sa kanilang customer support o sales team.
Kongklusyon
Para i-summarize ang IVR feature ng Infobip, ang salitang “functional” ang maiisip. Ito ay highly configurable habang nananatiling accessible sa lahat ng uri ng users. Sa pamamagitan ng user-friendly interface at simpleng drop-down menus, hindi kayo matatakot kahit na ito ang unang pagkakataong magsi-set up kayo ng call tree. Ang pagpili ninyo ng maraming communication channels ang magbibigay-daan sa inyong makagawa ng multichannel experience para sa inyong mga kliyente. Bukod dito, puwede kayong mag-set up ng tracking diretso sa IVR para ang inyong call center ay manatiling nangunguna sa mga KPI nito. Sa kabila ng mga maliliit na abala, ang Infobip ay isang kahanga-hangang software para sa parehong maliliit na business na gustong mag-set up ng contact center, at malalaking industry leaders na kailangang mag-automate at mag-streamline ng kanilang mga proseso.
Frequently Asked Questions
Hindi maka-integrate ang Infobip IVR sa CRM namin
Para makuha ang impormasyon mula sa isang third-party database o CRM, puwede ninyong gamitin ang Call API feature. Magdagdag ng URL ng system na gusto ninyong isama sa flow. Sigurduhing tama ang URL para ang flow ay makapag-communicate rito. Pagkatapos, tukuyin ang method ng flow na gagamitin para makapagpadala ng requests sa URL. Kapag ito ay nagawa na ninyo, puwede na kayong mag-umpisa. Kapag nakaranas kayo ng anumang isyu, puwede kayong makipag-ugnayan sa customer support ng Infobip.
Hindi gumagana ang aming IVR
Suriin ulit ang inyong IVR flow design kung may error at ayusin ito. Kung nagkakaproblema pa rin kayo sa inyong IVR, puwede ninyong subukang konsultahin ang help section ng Infobip o makipag-ugnayan sa customer service para humingi ng tulong.