Key takeaways
Pros
- Mahusay na user interface
- Madaling i-navigate
- Isang abot-kayang solution
Cons
- Medyo nakalilitong IVR options
- Walang multi-level IVR options
Ang pagsisimula sa Kavkom IVR feature
Ang Kavkom ay medyo madaling simulan, at halos walang hirap para sa sinumang pipili ng plan o magsisimula sa libreng trial. Hindi gaya sa ibang software na may IVR features, ang Kavkom ay walang di kinakailangang procedures para makapagsimula sa trial. Walang credit card information, walang verification ng user teams, at walang iba pang uri ng pahirap. Sa pangkalahatan, simple at kasiya-siya ang proseso, na aming tunay na ikinatutuwa.
Kapag na-access na ninyo ang inyong account, sasalubungin kayo ng isang maluwag, kaaya-aya, at napakadaling i-navigate na interface. Hindi namin lubos na mabigyang-diin kung gaano kami nagulat sa napakadaling paggamit nito. Ipinapakita ng pangunahing bahagi ng interface ang data at general information sa karamihan ng screens, habang hinahayaan ng simpleng bar menu na nasa kaliwa ang madaling navigation. Gumagana ang Kavkom bilang isang web app, kaya hindi ninyo kailangang mag-install ng anumang software sa inyong computer, na nakakatipid na maraming oras.
Walang mahihirap ng setups dito, at karamihan ng configuration ay gumagana agad. Madaling makita ang IVR feature kaya hindi kailangang gumugol ng maraming oras para hanapin ito. Piliin lang ang Apps mula sa PBX menu sa kaliwa, at hanapin ang IVR menu option sa comprehensive app list. Pagkatapos, i-click ang Add IVR menu button at puwede na kayong makapagsimula. Walang makukuhang IVR presets, kaya kailangan ninyong mag-umpisa mula sa umpisa.
Bagama’t bukod-tangi ang user interface, ang IVR feature ay dumaranas ng parehong problema tulad sa karamihan ng kompetisyon ng IVR – walang visual guide na makatutulong at walang visual representation ng IVR levels. Sa kabila nito, ang Kavkom IVR setup ay hindi mahirap sa anumang paraan; karaniwang kailangan lang ng ilang pag-click para i-set ang levels at makapagtatakda ng actions sa bawat isa sa kanila. Ang IVR levels ay nirerepresenta ng isang selection ng mga button at action field, bawat isa sa kanila ay may ilang setup options.
Ang builder ay gumagana tulad ng karamihan ng katulad na IVR software. Sa unang bahagi, puwede ninyong pangalanan ang inyong IVR, pumili ng Greeting at ng Exit action. Pagkatapos, puwede kayong pumili ng action para sa bawat button ng inyong IVR. Medyo kakaiba ang action options, e.g. puwede kayong pumili ng Voicemail, Hang Up, o Record tulad ng mangyayari kapag pinindot na ang napiling dial. Gayunman, meron din kayong standard option na iruta ang tawag sa isang extension number, na malamang na madalas ninyong magagamit.
Mukhang walang option para gumawa ng isang multi-level IVR. Maliban doon, hinahayaan kayo ng Kavkom IVR na makapili ng mas advanced na options sa mga susunod na hakbang. Puwede kayong mag-set ng macros at i-assign sila sa mga key, pumili ng sounds, timeouts, at iba pang advanced settings. Magandang option ito para sa users na gustong i-specify ang kanilang IVR, at piliin ang eksaktong mangyayari. Ang ibang users na gusto ng mas kaunting detalye at hands-on ang set-up ay puwedeng gamitin ang ino-offer na preset options.
Kumusta ang performance ng IVR?
Ang paggana ng Kavkom IVR ay lubhang maganda ang daloy at mahusay ang pagpe-perform, tulad ng inaasahan. Kailangan lang ninyong maasikaso ang pagpaplano ng inyong IVR levels nang naaayon bago kayo magsimula sa builder. Bagama’t madali ang pagsi-set up, puwedeng gusto ninyong subukan ang ilang options bago kayo magdesisyon kung alin-alin ang gusto ninyong isama. Sa pangkalahatan, maganda ang karanasan sa paggamit ng natapos na IVR, walang anumang system bugs o mga problema na dulot ng Kavkom mismo. Sa huli, dapat ikonsidera ang Kavkom IVR, lalo na dahil sa presyo nito.
Pagpepresyo
Bagama’t hindi Kavkom ang pinakamahusay na solution na inyong makukuha para sa inyong pera, hindi rin ito dapat isantabi. Pagdating sa cost value, walang dudang sulit ang presyo nito. Abot-kaya ang services ng Kavkom, at kasama sa bawat plan nito ang IVR feature, kaya hindi na ninyo kailangang mag-upscale para makuha ito. Tingnan natin kung ano ang makukuha sa bawat plan. Tandaan na ang plan prices ay tumatanggap lang ng Euros.
Basic
Ang plan na ito ay nagsisimula sa €10 kada buwan bawat user, at makukuha ninyo ang IVR functionality mula sa umpisa. Makakukuha rin kayo ng 100% na unlimited inbound calls, mobile redirection, at isang virtual number.
Comfort
Ang Comfort plan ay nagsisimula sa €20 kada buwan bawat user. Makakukuha kayo ng 100% na unlimited inbound at outbound calls, isang virtual number, pati na rin lahat ng features sa naunang plan.
Naka-quotation
Kung naghahanap kayo ng makukuhang custom na Kavkom plan, puwede kayong humingi ng quote. Walang minimum pricing information na makukuha sa website.
Kongklusyon
Bagama’t ang Kavkom ay hindi ang pinakakomplikado o ang pinaka-innovative na IVR software, gagawin nito ang trabaho nang mahusay. Ibig sabihin, lagi pa rin itong ikonsidera. Sadyang nakatutuwang makita ang magandang user interface ng application at ang madaling i-access na IVR na walang di kinakalangang procedure. Puwedeng ang Kavkom ay hindi ang go-to app para sa malalaking business na nangangailangan ng maraming komplikadong IVRs. Gayunman, hindi maikakailang magsisilbi itong mabuti para sa anumang mas maliliit ng negosyo nang wala ang downsides ng advanced at komplikadong software.
Frequently Asked Questions
Di gumagana ang Kavkom IVR namin
Siguraduhing i-check ang inyong IVR design at tingnan kung walang mga mali na magiging dahilan ng hindi tamang paggana. Ang pinaka-common na isyu sa IVR ay kadalasang dahil sa maling pagpaplano.
Hindi kami makagawa ng multi-level IVR sa Kavkom
Hindi sinusuportahan ng Kavkom ang multi-level IVR, pero puwede ninyong ma-simulate ang option na ito. Gamitin lang ang forward action ng isang IVR para iruta ang caller sa isa pang IVR number at makakukuha kayo ng halos magkaparehong resulta.