Key takeaways
Pros
- Madaling i-set up at user-friendly
- Abot kaya
- Sinusuportahan ang malawak na IVR setups
Cons
- Limitadong customization
- Mahirap makontak ang customer support minsan
Ang Flow Builder ng MessageBird ay isang magandang option para sa mga naghahanap ng pag-set up ng simpleng IVR menu. Ang UI ay intuitive at madaling i-navigate kaya hindi ninyo kailangang mag-alala na matambakan o mawala sa dami ng code. Nagbibigay ang MessageBird sa inyo ng isang mabilis na tutorial sa unang interaksiyon sa Flow Building feature nito. Ito ay isang nakapakagandang paraan para kahit ang di masyadong tech-savvy user ay madaling makapag-set up na sarili nilang flows. Ang isyu lang na nakita namin ay ang kakulangan ng customization pagdating sa IVR messages. Gayunman, sa palagay namin, hindi ito isang bagay na dapat maging dahilan para mawalang ng interes ang mga user sa pagpili ng IVR software ng MessageBird.
Ang pagsisimula sa MessageBird IVR feature
Simple lang ang pag-sign up sa trial version ng MessageBird. Matapos ninyong punan ang inyong mga detalye at magdagdag ng bilang ng inyong agents, sasalubungin kayo ng isang dashboard na malinis tingnan at hindi mukhang magulo para sa isang first-time user.
Bagama’t hindi ninyo agad makikita ang IVR functionality, pinadadali pa rin ng setup na makita ito sa dashboard. Para i-configure ang IVR function, puwede ninyong ma-access ito nang diretso mula sa inyong dashboard o sa menu na nasa kaliwang bahagi ng Flow Builder.
Sunod, i-click ang Templates. Makikita ninyo roon ang isang malaking pagpipilian ng flow-building at automation options. Para magpatuloy sa pag-setup, i-click ang Easy phone menu (IVR).
Ang nakita naming makakatulong nang husto ay isang tutorial na ino-offer ng MessageBird sa inyo kapag na-access na ninyo ang IVR configuration. Ang tutorial na ito ang gagabay sa inyo sa apat na simpleng hakbang kung paano gumawa ng create flows sa isang omnichannel environment, phone calls, etc. Puwede ninyong piliing kumpletuhin ang tutorial na ito o lampasan na lang kung gusto ninyo.
Ang una ninyong gagawin ay bumili ng isang phone number. Puwede ninyong gawin ito nang diretso mula sa Flow Builder sa pamamagitan ng pag-click sa isang pop-up window.
Kapag naihanda na ninyo ang phone number, puwede na ninyong simulang mag-configure ng inyong call trees. Magpatuloy sa pamamagitan ng pag-click sa Say button, puwede na ninyong gawin ang inyong message at mag-configure ng variables tulad ng language, voice, at iba pa.
Sa kasamaang-palad, hindi kayo makakapagdagdag ng audio file sa inyong message, kaya limitado kayo sa text-to-speech option. Marami kayong language options na mapagpipilian kasama ang iba’t ibang English accents. Hindi rin kayo makakukuha ng maraming voice options, kaya makapipili lang kayo sa pagitan ng lalaki at babaeng boses.
Kapag na-setup na ninyo ang message, puwede na kayong magsimulang gumawa ng inyong branches. Makagagawa kayo ng maraming branching options na may hiwalay na messages at triggers. Bagama’t mabilis ninyong mako-configure ang isang napakasimpleng IVR Menu, hinahayaan kayo ng MessageBird na gumawa ng mas detalyadong IVR setup. Pagkatapos idagdag ang inyong pangunahing IVR options, makagagawa na kayo ng branches at mako-configure na ang ibang actions, o maisasara na ninyo ang branch.
Hinahayaan kayo ng menu na ito na mag-configure ng simpleng IVR setup para mabilis kayong makontak ng inyong customers. Gayunman, kung nangangailangan kayo ng mas detalyadong setup, makakamit ninyo ito sa pamamagitan ng maraming branching options at dagdag na settings.
Kumusta ang performance ng IVR?
Ang buong Flow Builder function ay mahusay na gumagana at walang mga isyu. Ang setup ay medyo intuitive, salamat sa GUI at tutorial na nasa umpisa. Sa kasamaang-palad hindi hinahayaan ng IVR ang custom audio media files pero kung hindi iyon isyu sa inyo, maayos na gumagana ang text-to-speech functionality. Mahusay ang mismong IVR performance, at kung kayo ay naghahanap ng isang bagay na simple at madaling gamitin, matutugunan dapat nito lahat ng inyong inaasahan. Gayunman, kung kayo ay nahihirapang intindihin ang branching, variables, at anumang may kinalaman sa IVR configuration, nagbibigay ang MessageBird ng tutorial na madaling sundan sa kanilang Support center.
Pagpepresyo
Puwede ninyong gamitin ang flow-building capabilities ng MessageBird nang libre kung kailangan ninyo ng higit sa 2 seats at payag kayong bumili ng isang phone number. Kung gusto ninyong palawakin ang inyong operations, puwede kayong mag-upgrade sa option na $30 kada buwan na nagpapahintulot sa 3-10 seats.
Kongklusyon
Ito ay isang mahusay na option para sa mas maliliit na contact centers. Nagbibigay ang MessageBird sa inyo ng maraming capabilities, isang simpleng IVR setup, at multi-level na IVR options sa murang halaga. Ang buong UI ay intuitive at madaling i-navigate. Kahit hindi ito kasing-customizable gaya ng gusto ninyo, hindi nakadidismaya ang MessageBird kung kayo ay naghahanap ng isang simple at abot-kayang solution.
Frequently Asked Questions
Hindi namin alam kung paano bumili ng phone number
Para magamit ang IVR functionality ng MessageBird, kailangan ninyong bumili ng phone number. Para gawin ito, mag-sign in sa inyong account at i-click ang Numbers icon na nasa dashboard. Sa susunod na page, kailangan ninyon punan ang mga kinakailangang impormasyon, at i-click ang Buy button. Pagkatapos, i-check ang order summary at kumpirmahin ang inyong binili. Pagkatapos ninyong bayaran ang inyong number, puwede na ninyo itong idagdag sa inyong account.
Hindi gumagana ang aming IVR
Suriin ulit ang inyong IVR flow design kung may error at ayusin ito. Para sa karagdagang tulong sa inyong IVR, puwede ninyong konsultahin ang help section ng MessageBird o makipag-ugnayan sa customer service.