Key takeaways
Pros
- Flexible na paggawa ng IVR
- Madaling ma-implement
- Maaasahan at customizable
Cons
- Baka hindi madaling i-navigate ang menus para sa ilang user
- Ang pricing ay puwedeng maging napakamahal depende sa volume
Bagama’t ang Twilio ay isang detalyadong communication solution na puwedeng hindi gusto ng mga user na simple lang ang hanap, ang feature ng IVR ay gumagana nang mahusay. Madali itong gawin at ma-implement, at gumagana ito nang walang anumang isyu. Kung hindi ninyo alintanang pag-aralan ang mga mahuhusay na feature nito, ang IVR ng Twilio ay magsisilbi sa inyong bawat hakbang.
Ang pagsisimula sa Twilio IVR feature
Ang Interactive Voice Response ay isa lang sa maraming features na makukuha sa Twilio applications. Ito ay accessible mula sa dashboard options na nasa ilalim ng Studio. Ang Studio ay isang bahagi ng Twilio na nagpapahintulot sa inyong gumawa ng iba’t ibang workflows, hindi lang IVR. Pagkatapos ninyong magsimula, ipapakita sa inyo ang ilang options na may offer sa inyong magsimula mula sa umpisa, o puwede ninyong piliin ang isang partikular na workflow builder. Sa aming kaso, nagdesisyon kaming kunin ang IVR preset. Ang isang maganda sa Twilio ay ang praktikal na tutorial nito para sa bawat workflow builds.
Bagama’t ang guide ay napatunayang nakatutulong, ang Studio workflow ay medyo simple lang. Ang bawat IVR level ay na-visualize, at puwede ninyong planuhin o imapa ang actions tulad isang user interface designer kapag gumagawa ng website. Ang kailangan lang ninyong gawin ay piliin kung anong action ang gagawin ng magkakahiwalay na levels. Magagawa ninyo ito sa pag-click sa alinman sa workflow elements at pagpili ng action. Ang unang mga level ay may dalawang options – saying a message o playing a message.
Sa saying a message, may boses na AI na magbabasa ng inyong message sa isang customer habang ang playing a message naman ay magpapahintulot sa inyong mag-upload ng isang custom voice recording. Kabilang sa huling levels ang options na idirekta ang tawag sa isang partikular na number, at marami pa. Puwede kayong magmapa at magplano nang mas interactive sa paggalaw ng connectors para makagawa ng workflow sa paraang gusto ninyo. Kapag natapos na kayo sa paggawa ng inyong workflow, puwede ninyo itong i-attach sa alinman sa inyong Twilio numbers, at baguhin ito anumang oras.
Bagama’t ang paggawa ng workflows sa Twilio Studio ay isang madaling proseso, puwedeng maging mahirap maghanap ng option kung kayo ay bago sa solution na ito. Dahil marami ang features ng Twilio, kailangan naming alamin kung saan makikita ang option sa paggawa ng IVR. Gayunman, maraming guides at tutorial videos na makukuha online, kaya hindi naging mahirap ang makapag-umpisa.
Kumusta ang performance ng IVR?
Ang bahagi ng user experience sa review na ito ay naka-focus sa point of view ng customers at sa customer experience habang ginagamit ang Interactive Voice Response. Sa madaling salita, mahusay na gumagana ang IVR feature ng Twilio at walang mairereklamo rito. Hindi kami nakaranas ang anumang bugs habang tini-test namin ang IVR at gumana ang connection nang walang anumang problema.
Hindi rin nagkaroon ng problema ang system sa pag-intindi ng voice commands, ganoon din sa button commands. Ang pre-set robotic voice ay malayo pang maging perpekto, pero mahusay nitong ginagawa ang trabaho. Gayunman, nirerekomenda namin sa lahat na gumamit ng sarili nilang recordings para maging mas natural ang kanilang karanasan para sa callers sa darating na panahon.
Pagpepresyo
Ang presyo ng Twilio ay nakadepende sa bansang gusto ninyong tawagan at makatanggap ng tawag, kaya ang pagbabago sa pricing ay puwedeng maliit lang o malaki. Saanman ang lokasyon ng inyong business, ang presyo sa Twilio Voice ay pay-as-you-go, na nanganahulugang babayaran ninyo kung ano lang ang inyong nagastos. Walang pre-paid plans, pagpepresyo lang kada isang minuto ng inbound o outbound call.
Ang pricing ay nagsisimula sa $0.0270 kada minuto para sa outbound calls at 0.0100 kada minuto para sa inbound calls. Ang Twilio ay puwedeng maging napakamahal o mura, depende sa bilang ng call minutes na nagagamit. Gayunman, hindi ninyo kailangang magbayad ng sobra sa IVR functionality dahil ito ay mahalagang bahagi ng Voice solution.
Kongklusyon
Kung kayo ay naghahanap ng maaasahang solution para sa IVR, hindi kayo magkakamali sa Twilio. Mahusay na ginagawa ng Twilio ang lahat nang walang problema o bugs para pigilan kayo sa araw ng inyong trabaho. Gumagana ang IVR feature nang walang anumang issues. Gayunman, dahil ang Twilio ay hindi lang IVR software, kailangan ninyong magdesisyon kung gusto pa rin ninyong mag-invest ng oras at pera sa napaka-propesyonal na software na ito.
Frequently Asked Questions
Hindi gumagana ang aming IVR
Mag-double-check ng inyong IVR flow at baka may mali sa disenyo. Siguraduhing hindi kayo nakagawa ng imposibleng IVR flow, tingnan kung walang anumang dead ends, at i-verify kung tama ang widgets at elements na inyong ginamit. Kung wala kayong makitang anumang mali sa inyong IVR flow, siguraduhing na-publish ito at active ang inyong number.
Meron kaming problema sa pagdidisenyo ng aming IVR flow
Tingnan ang ilan sa aming online articles na nagpapaliwanang ng best practices sa paggawa ng IVR o sa paggamit ng preset flow na puwedeng makita sa IVR builder ng Twilio Studio. Tandaang ang simpleng IVR ay hindi gaanong nakakadismayang gamitin, kaya huwag maglagay ng karagdagang levels maliban kung talagang kailangan ninyo ang mga ito para sa tamang call routing.