Key takeaways
Pros
- Mahusay na IVR
- Komprehensibong user interface
Cons
- Ang pagpaplano at paggawa ng IVR ay puwedeng nakalilito,
- Medyo mahal ang presyo
Ang IVR feature ng Zendesk ay hindi pinakamadaling setup, pero hindi rin ito pinakamahirap. Nagpe-perform ito nang maayos, pero ang IVR setup ay nangangailangan ng ilang pre-planning para maiwasan ang pagkalito sa proseso ng paggawa. Ang Zendesk ay isang napakahusay na software, at kahit ang IVR configuration ay maraming bagay para mapabuti pa, hindi kayo magkakamali rito. Ang kalakasan ng Zendesk ay nasa ibang bagay. Kung papayag kayong magbayad ng mas mataas na presyo para sa features nito, malamang di kayo madidismaya.
Ang pagsisimula sa Zendesk IVR feature
Madaling ma-access ang IVR feature sa Zendesk, salamat sa interface na may mahusay na disenyo at madaling gamitin. Makakukuha agad kayo ng access sa interface pagtapos ninyong makumpleto ang inyong libreng trial registration, na puwedeng makumpleto sa loob lang ng ilang minuto. Ang IVR ay makikita sa ilalim ng Talk options sa Zendesk admin center, na makikita sa kaliwang bahagi ng menu panel.
Ang proseso ng paggawa ng inyong IVR ay hindi mainam, hindi rin ito kasingdaling intindihin. Walang tulong para sa visual planning, mapipili lang ninyo ang IVR options at actions. Bagama’t madaling gawin ang proseso mismo, wala kayong magandang overview ng buong IVR. Bawat level ng IVR ay isang hiwalay na tab na hindi nagpapakita kung saan ito hahantong sa isang malinaw at komprehensibong paraan kung ikukumpara sa ilang IVR solutions. Puwede itong humantong sa ilang pagkalito at mga problema habang ginagawa ang mas detalyadong IVR setups. Nirerekomenda namin ang visual na pagpaplano muna ng mga level ng IVR.
Ang bawat level ng IVR ay nagpapahintulot sa inyong piliin ang action para sa bawat button sa keypad ng caller. Walang malinaw na limitasyon kung ilang level ang puwede ninyong makuha, kung kaya’t puwede ninyong planuhin at gawing mas detalyado ang mga IVR kung kinakailangan. Meron ding option na makapili ng isang greeting, pero hindi ito gumana noong tini-test namin. Ang option lang noon ay “No greeting.” Gayunman, nakita namin ang option sa pagdagdag ng greetings sa ibang section ng Talk setup. Habang ginagawa, puwedeng palitan ang pangalan ng bawat level ng IVR para pahintulutan ang mas maayos na pagpaplano.
Puwede ninyong paganahin ang IVR para sa inyong phone lines sa ilalim ng configuration ng bawat phone line. Madaling ma-access ang menu na ito mula sa Talk configuration na nasa kaliwang panel. Puwede kayong mag-attach ng iba-ibang IVR setups sa iba-ibang phone numbers.
Kumusta ang performance ng IVR?
Bukod sa hindi masyadong user-friendly ang creation process, mahusay ang pag-perform ng IVR ng Zendesk. Hindi kami nakaranas ng anumang isyung sanhi ng system bugs noong nagti-testing. Gayunman, gumawa kami ng isang non-functional IVR noong mga unang pagsubok. Siguraduhing planuhin muna ang level ng inyong IVR bago ninyo subukang gawin ang mga ito. Nalaman naming lubos na makatutulong ito. Sa pangkalahatan, mahusay ang performance nito, at lahat ng IVR ay gumagana nang naaayon matapos ang tamang pagpaplano.
Pagpepresyo
Habang ang Zendesk ay may offer na maraming pricing plans, dalawa lang sa kanila ang nagbibigay sa users ng access sa IVR features. Ang IVR ay kasama sa Suite Professional at Suite Enterprise plans, ang dalawang pinakamahal na Zendesk plans na makukuha. Subscription-based ang parehong plan, at ang huling presyo ay depende sa bilang ng agent accounts na inyong kailangan.
Suite Professional
Ang suite ay nagsisimula sa $99 kada buwan bawat agent at nagfo-focus kadalasan sa pagdagdag ng call center functionality at features sa Zendesk feature set.
Suite Enterprise
Ang Suite Enterprise ay nagsisimula sa $150 kada buwan bawat agent. Nagdaragdag ito ng maraming features na target ang enterprise level na tasks at communication management.
Kongklusyon
Habang ang Zendesk ay isa sa pinakasikat na help desk solutions na makikita ninyo, ang IVR feature nito ay puwede pang mapahusay. Perpekto ang functionality at walang mga isyu tungkol dito, pero ang setup at implementation ay puwedeng makalito, lalo na sa bagong users. Ang pangalawang malaking problema ay ang presyo dahil ito ay may kamahalan kumpara sa ibang software na may offer na IVR. Kung kayo ay naghahanap ng software na maraming feature set na merong IVR pero hindi ninyo ito kailangang maging perpekto, puwedeng makatwiran ang presyo nito. Kung hindi, inirerekomenda naming maghanap kayo ng IVR solutions na mas mura at mas maganda ang design.
Frequently Asked Questions
Hindi nagpi-play ang IVR greeting
Kung ang idinagdag ninyong number ay nasa loob na ng inyong account bilang isang external number, puwedeng pigilan nito ang pag-play ng IVR greeting. Puwedeng mag-play ito ng ibang greeting o hindi na talagang mag-play ng greeting. Inirerekomendang tanggalin ang apektadong number mula sa External numbers list.
Paulit-ulit ang pag-play ng IVR greeting
Awtomatikong umuulit ng tatlong beses ang IVR greeting sa Zendesk kung walang nade-detect na pagpindot ang system. Kapag ang greeting ay umulit nang higit sa tatlong beses, siguraduhin ninyong ang greeting ay nakalagay sa Edit route section sa ilalim ng Active routes ng IVR na di pareho ng greeting sa level ng menu. Kung nagkakaproblema pa rin kayo sa inyong IVR greeting, inirerekomenda naming makipag-ugnayan kayo sa customer support ng Zendesk.