Key takeaways
Pros
- Napaka-abot-kaya ng presyo
- Ang Knowledge base ay nagpe-perform tulad ng inaasahan
Cons
- Medyo outdated ang interface design
- Hindi kayo makagagamit ng videos sa KB articles
Ang Apptivo knowledge base ay isang average performer na, kasama lahat ng faults nito, gumagana pa rin nang mahusay. Maraming bagay para umayos ang Apptivo sa ganitong aspekto. Kahit di ito perpekto o di pinakamahusay na makukuhang knowledge base software, napakamura nito para sa alok nito. Puwedeng makadagdag sa knowledge base ang ilang dagdag na features sa pag-organisa, pero kung ikokonsidera ang mababang presyo nito, makukuha ninyo ang magandang halaga sa Apptivo. Gayunman, dapat ang users na may mataas na expectations mula sa knowledge base software ay ikumpara muna ito sa ibang solutions.
Ang pagsisimula sa Apptivo
Ang Apptivo ay isang detalyadong business software na binubuo ng malaking bilang ng integrated apps para sa iba-ibang gawain. Ito ay isang cloud-based na application na tunay na nakagagawa ng kahit ano – contact management, sales, customer service, marketing, at kahit pa ang knowledge management. Pero kahit na marami ang features nito, kaya ba nitong mag-perform nang mahusay sa kabuuan? Nagdesisyon kaming kunin ang Apptivo knowledge base para sa isang test para malaman kung sulit ito sa presyo.
Nagsimula kami sa paggawa ng isang libreng trial ng pinakamurang Lite plan ng Apptivo. Ang ikinagulat namin ay kung paano kami pinilit ng web application sa isang demo call sa halip na sa isang trial. Gayunman, madaling lampasan ito sa pamamagitan ng simpleng pag-click ulit ng Try for free button matapos naming gumawa ng account. Agad naming napuntahan ang trial version ng Apptivo web application at nagsimula na kaming maging pamilyar sa interface.
Ang Apptivo ay isang detalyadong software na maraming functionalities kaya natural lang na hindi ganoong kadaling i-navigate ang interface nito. Hindi nakatulong ang mabilisang pagtingin at pag-click sa bawat posibleng menu sa paghahanap kung nasaan ang knowledge base, at hindi rin nakatulong ang search widget sa itaas ng panel. Kilala ang Apptivo sa detalaydong app list nito, kaya sinubukan naming maghanap ng isang knowledge base app na puwedeng idadag sa system. Hindi rin kami naging matagumpay sa option na ito.
Nagdesisyong kaming mag-Google search para sa knowledge base at nalaman naming ito ay nasa pagitan ng apps, pero ang pangalan ng app ay “Answers’” sa halip na “Knowledge base.” Gayunpaman, idinagdag namin ang app sa system at sinimulang na ang pag-test. Bagama’t hindi ito ang pinaka-intuitive na knowledge base software, hindi naman lahat ng Apptivo user ay gagamit nito. Lubos na naiintindihan namin kung di ibibigay ang option na ito. Makikita ninyo ito sa App section sa ilalim ng Web presence category.
User experience at features
Ang Apptivo knowledge base ay isang simpleng hitsurang knowledge base, kaya ito ay nasa average range pagdating sa appeal kumpara sa iba. Ang design ay functional at iyon ang pinakamahalaga. Kasama sa kaliwang panel ang filtering options at ang button para makagawa ng bagong article. Kapag nakapasok na kayo sa knowledge base, makikita na ninyo ang buong listahan ng articles na meron kayo. Kung kasisimula pa lang ninyo, siyempre wala pa itong laman kaya simulan na nating ayusin ito.
Kapag na-click na ninyo ang Create button, puwede na kayong magsimulang sumulat ng bagong knowledge base article. Ang editor mismo ay medyo standard. Kahit parang masyadong maliit sa umpisa ang writing field, ito ay humahaba kapag umabot na sa isang partikular na haba ang inyong text. Samakatwid, ang pag-type dito ay hindi isyu at ang inyong writing experience ay maayos lang. Meron kayong maraming fields, ang pinakaimportante ay ang mga question and answer na field.
Ang feature set ng text editor ay medyo standard, meron kayong karaniwang text editing at formatting options tulad ng isang sapat na document editor. Meron ding option para magdagdag ng pictures, pero walang option para magdagdag ng videos sa inyong articles. Hindi ninyo puwedeng i-resize ang pictures matapos ninyong i-upload ang mga ito kaya kailangan ninyong i-resize ito sa ibang editor o i-adjust and size habang ina-upload pa lang. Kailangan din nitong malaman ang eksaktong dimensions ng pinakamahusay na option para sa inyong content.
Sa pangkalahatan, ang text editor ay sapat lang para sa karamihan ng paggamit pero puwede itong gumamit ng ilang visual upgrades at magdagdag ng video media support. Kapag natapos na kayong magsulat, puwede kayong tumingin sa SEO settings. Pagkatapos mag-save, makikita ninyo ang article sa article overview. Puwede kayong mag-edit nang mabilis kung kailangan dahil magbubukas ang article sa isang bagong window kapag na-click ninyo ito sa overview. Hindi namin makita ang option para mailagay ang articles sa folders o categories, na siyang nakahihinayang. Gayunman, ang knowledge base ay may search widget.
Pagpepresyo
Ang mga presyo ang malamang na pinakamagandang parte ng Apptivo dahil kahit ang pinakamahal na plan ay mas mura pa rin kumpara sa ibang knowledge base software ng competitor. May apat na plans ang Apptivo at bawat isa ay higit kaysa sa nauna. Lahat ng plans ay may knowledge base feature na kasama, kaya ang pagdedesisyon ay nakasalalay sa ibang functionalities na may pakinabang sa inyo. Tingnan natin kung ano ang inyong makukuha sa bawat isa sa mga plan.
Lite
Ang Lite plan ay nagkakahalagang $10 kada buwan bawat user at ito ay naka-focus sa maliliit na sales teams. Makukuha ninyo ang 18 apps, 100 custom fields kada app, 25 workflows, 8 custom dashboards, 3rd party service integration, at 24/7 na customer support.
Premium
Ang Premium plan ay nagkakahalagang $15 kada buwan bawat user. Ang plan ay angkop sa lumalagong teams. Makukuha ninyo sa plan na ito ang 46 apps, 250 fields kada app, 75 workflows, 25 custom dashboards, 3rd party service integration at 24/7 na customer support.
Ultimate
Ang Ultimate plan ay nagkakahalagang $25 kada buwan bawat user, at ito ay para sa malalaking teams. Kasama rito ang 57 apps, 350 custom fields kada app, 150 workflows, 50 custom dashboards, 3rd party service integration, at 24/7 na customer support.
Enterprise
Ang Enterprise plan ay may customizable na pagpepresyo. Kasama rito ang 65 apps, 500 custom fields kada app, 300 workflows, 100 custom dashboards, custom integration, 24/7 na customer support + SLA, at account manager.
Kongklusyon
Sa huli, iri-rate namin ang knowledge base ng Apptivo na magaling, pero hindi mahusay. Hindi nito nalampasan ang mga inaasahan sa karamihan ng mga aspekto, pero hindi rin naman nakakadismaya. Makapagpe-perform ito nang maayos at hindi ito nagkukulang, lalo na pagdating sa murang halaga nito. Gayunman, ang mga business na magdedepende sa paggamit ng knowledge base ay malamang magustuhan ang mas magandang solution para sa tasks. Ang Apptivo ay isa pa ring mahusay na software na may kahanga-hangang functionality. Nasa sa inyo na kung ikokonsidera ninyo kung papayag kayong gamitin ito sa inyong pang-araw-araw na trabaho.
Frequently Asked Questions
Hindi namin makita ang knowledge base sa Apptivo
Ang knowledge base feature ng Apptivo ay tinatawag na Answers. Kailangan muna ninyong kunin ang app mula sa detalyadong app selection. Kapag nasa account na ninyo, pumunta sa App Store at hanapin ang Answers app sa ilalim ng Web presence category. Kapag nakuha na ninyo ang app, makikita ninyo ito sa ilalim ng Web presence menu button sa inyong dashboard.