Key takeaways
Pros
- Isang advanced na paraan ng paggawa na isang knowledge base
- Feature-rich at madaling i-navigate
- Mahusay ng customization options
Cons
- Puwedeng hindi kinakailangang maging komplikado para sa ibang users
- Matagal na building process
Ang Bitrix24 knowledge base ay isang detalyadong feature na parehong-pareho sa mga sikat ng website builder. Ito ay maaring maging mabuting bagay at masamang bagay depende kung anong uri ng user kayo, at kung ano ang inaasahan ninyo mula sa isang knowledge base software. puwedeng may ilang user na ikinatutuwa ang advanced customization options, habang ang iba naman ay puwedeng matakot sa malaking bilang ng options. Sa alinmang kaso, ang Bitrix24 ay isang knowledge base builder na mahusay na dinisenyo, at madaling gamitin kapag nakasanayan na ninyo ito.
Ang pagsisimula sa Bitrix24
Ang Bitrix24 ay isang CMS, CRM, productivity, task management, at collaboration software na itinatag noong 1998 at nagkaroon ng unang official release noon 2003. Ito ay isang sikat na pagpipilian para sa maraming maliliit at malalaking business sa buong mundo salamat sa malawak na feature set nito, nakapagbibigay sa users ng option na makapagtrabaho gamit ang maraming tools sa isang all-rounder solution.
Alam na ng mga pamilyar sa Bitrix24 na napakadali lang ng registration, ang kailangan lang ay sagutan ang registration form at i-confirm ang inyong email address. Pagkatapos nito makakukuha kayo ng access sa inyong Bitrix24 account at puwede na kayong magsimulang maging pamilyar sa user interface nito. Ginamit namin ang Bitrix24 web application para sa review na ito, at bagama’t kami ay pamilyar na dito, medyo gumugol din kami ng oras habang inaalala kung paano ito i-navigate nang epektibo.
Ginagawa ng user interface ang anumang makapagpapanatili ng kaayusan ng mga bagay, pero minsan ay nakakainis din, lalo na kung gusto ninyong magtrabaho gamit ang maraming tools at features nang sabay-sabay. Ang Bitrix24 ay isang napakadetalaydong solution na sumasaklaw sa mga sikat na CRM capabilities at marami pa. Ito ang dahilan kung bakit hindi madali para sa mga bagong users ang i-master ang menu at interface.
Napakalawak ng menu options, kaya maglaan ng ilang sandali para makapag-adjust sa kanila kapag nasimula na ninyong gamitin ang Bitrix24. Samakatwid, puwedeng maging medyo magiging mahirap na gawain ang paghahanap sa knowledge base feature kung hindi ninyo alam kung saan magsisimulang maghanap. Ang knowledge base feature ay nasa ilalim ng Company section sa kaliwa ng menu. Kapag na-click na ninyo ang Company, makikita na ninyo ang Knowledge base option sa itaas ng menu panel.
User experience at features
Mukhang maganda ang pagpapakilala ng knowledge base ng Bitrix24. Salamat sa magandang pagkakadisenyo ng welcome screen na may dalawang options – gumawa ng bagong knowledge base, o kumunsulta sa help guide. Kapag na-click na ninyo ang Create a new knowledge base, magtutuloy-tuloy ang kaaya-ayang experience. May option kayo na piliin ang knowledge base template para kayo ay makapagsimula na, o puwede kayong magsimula mula sa simula. Alin mang paraan, ang susunod ay ang mga mahuhusay na customization option.
Ang buong knowledge base builder ay parehong-pareho sa website builders katulad ng Wix. Ito ay maaring makita bilang parehong maganda o masamang bagay, depende kung saang anggulo kayo manggagaling. Ang builder ay isang mahusay na paraan para sa mga business na magplano, magdisenyo at mag-manage ng kanilang knowledge base, pero puwede itong maging isang napakatagal na proseso, lalo na sa mga user na walang kaugnayan sa pagbuo ng mga website. Masisisyahan ang mga creative na hayaang maging wild ang kanilang creativity, habang ang mga user na kailangan ng gumaganang knowledge base out of the box ay puwedeng madismaya. Gayunman, ang knowledge base builder ay intuitive gamitin, at madaling i-navigate.
puwede ninyong i-customize ang halos kahit na ano sa knowledge base editor ng Bitrix24. puwede kayong magdagdag ng bagong blocks at pumili mula sa napakaraming at iba’t ibang options – text fields, images, videos, at titles, pati na rin ang website elements katulad ng menus, footers, buttons, links, CRM fields, o kahit isang online store. Hindi namin alam kung bakit gugustuhin ng iba na magdagdag ng online store sa kanilang knowledge base, pero sa aming palagay maganda ring magkaroon ng option na magagamit. Iba talaga ang knowledge base editor na ito, at palagi ninyong mahahanap ang inyong kailangan sa anumang mga sitwasyon.
Gayunman, sa dami ng options, napakadali lang gumawa ng website na hindi maganda ang disenyo nang walang intensiyong gawin ito, lalo na kung kulang kayo ng ilang pangunahing kaalaman tungkol sa user interfaces at user experience. Samakatwid, kinakailangan ang ilang pagpaplano bago kayo tuluyang makapagsimula sa paggawa ng magkakahiwalay ng pages para sa inyong articles. puwedeng may problema ito, lalo na sa mga business na may malaking bilang ng topics na kailangan nilang i-cover, bukod pa sa kinakailangang magpasya kung ano ang eksaktong hitsura at paano i-navigate ang inyong knowledge base. Kahit ang text field options lang mismo ay puwede ng nakagugulo para sa ilang users.
Kapag nahanap na ninny ang angkop na text element para sa inyong design, puwede na kayong magsimulang magsulat. Merong maraming options na may iba-ibang compositions at designs, kaya lubos naming inirerekomenda ang pagpaplano muna ng page. May ino-offer ang Bitrix24 na isang straightforward text formatting set ng options na hindi makakadismaya. puwede ninyong asahan ang karaniwang set, katulad ng makikita ninyo sa mga sikat na text editors – bold, italic, at underline options, alignment settings, link options, text at background color settings, at marami pang iba.
Sa pangkalahatan, ang knowledge base editor sa Bitrix24 ay medyo walang kahirap-hirap gamitin, pero kailangan ninyong bigyan ang inyong sarili ng ilang panahon para masanay dito. Katulad ng nabanggit namin dati, hindi lahat ng user ay gugustuhing mag-enage sa isang tunay na website editor. Kung kailangan ninyong gumawa ng isang simpleng knowledge base nang mabilis, inirerekomenda naming panatilihin ang ilang elements, at gamiting ang isang template bilang starting point. Gagawin nitong mas madali at mas mabilis ang inyong trabaho.
Pagpepresyo
Na-cover na natin ang pricing plans ng Bitrix24 sa ibang feature review, pero suriin nating muli ang mga ito para sigurado. May ino-offer na apat na pricing plans ang Bitrix24, bawat isa sa kanila ang may dagdag na bagong features para sa mas mataas na presyo. Lahat ng plans ay may kasamang knowledge base, pero ang mga mas mahal ay may dinagdag pang ilang related features. Makakukuha kayo ng libreng knowledge base sa libreng plan.
Libreng plan
Ang plan na ito ay libre at may kasamang isang company knowledge base, pati na rin ibang features katulad ng 5GB na storage, collaboration features, task at project management, storage drive, isang website builder, at marami pang iba.
Basic plan
Ang Basic plan ay nagkakahalaga ng $49 kada buwan para sa 5 users. May dagdag itong option ng pagkakaroon ng tatlong company knowledge bases at bawat feature mula sa libreng plan. Makukuha din ninyo ang 24GB na storage, online store options, CRM options at marami pang iba.
Standard plan
Ang standard plan ay nagkakahalaga ng $99 kada buwan para sa 50 users. puwede kayong magkaroon ng limang company knowledge bases, isang project knowledge base at option na mag-customize ng knowledge base permissions. May dinagdag itong marketing features ay online document management.
Professional plan
Ito ang pinakamahal na plan at nagkakaalaga ng $199 kada buwan para sa 100 users. Meron itong unlimited number ng knowledge bases at lahat ng knowledge base features mula sa mga naunang plans. Makukuha ninyo ang buong feature set na may automations, human resources tools, at marami pang iba.
Kongklusyon
Ang Bitrix24 knowledge base feature ay tunay na magandang website editor na nagbibigay permiso sa users na lubos na ma-customize ang buong knowledge base experience para sa bawat user. Bagama’t malamang na wala kayong makikitang knowledge base na feature na mas maraming features marami kayong makikita na mas madadaling gamitin at ipatupad. Ang knowledge base builder ang kalakasan ng Bitrix24, pero ito rin ang kahinaan nito. Kung ano ang puwedeng makita ng isang user na talagang magaling, ang isa ay puwedeng ikonsidera na hindi kailangan at nakapapagod. Kung naghahanap kayo ng knowledge base software na magpapahintulot sa inyo na malalim na i-customize at i-adjust ang inyong knowledge base, nakita mo na ito. Kung nangangailangan kayo ng mas simple, mas madaling gamiting, at mas madaling ipatupad, maghanap kayo sa ibang lugar.
Frequently Asked Questions
Hindi namin makita ang knowledge base sa Bitrix24:
Ang knowledge base ay makikita sa ilalim ng Company menu item na nasa kaliwa ng menu panel. I-click ito, at piliin ang Knowledge Base na nasa upper menu.
Hindi namin alam kung paano gumawa ng knowledge base sa Bitrix24
Ang Bitrix24 knowledge base ay gumagana tulad ng isang website builder, kapareho ng services gaya ng Wix. puwede kayong gumawa sa isang blangkong page, o magtrabaho gamit ang isang template. Bawat element sa page ay puwedeng i-customize o i-delete kapag ginusto. puwede kayong magdagdag ng bagong elements sa pamamagitan ng pag-click sa Add Block button. puwedeng medyo nakatatakot sa una ang proseso, pero sa kaunting pasensiya at praktis (at sa paggamit ng isang help guide na kasama sa knowledge base sa ilalim ng question mark button), siguradong makagagawa kayo ng isang kahanga-hangang knowledge base.