Key takeaways
Pros
- Magandang interface na madaling i-navigate
- Magaling na article editor
- Magandang presyo
Cons
- Napaka-basic na features ng knowledge base
- Medyo walang logic ang placement ng button sa knowledge base
Ang pagsisimula sa Deskero
Ang Deskero ay isang cloud-based customer service management solution na puwedeng gamiting knowledge base software. Maliban sa knowledge base, naka-focus din ang Deskero sa multi-channel support, social media customer service, at live chat na customer service. Habang ang live chat ang laging napo-promote na feature nito, titingnan natin ang features ng knowledge base ng Deskero sa review na ito.
Ang Deskero ay isa sa mga solution na hindi kayo pipiliting mag-demo; puwede kayong magsimula agad gamit ang kanilang libreng trial na hindi kinakailangang magbigay ng credit card information. Ito ay napakabilis din, kaya makakapag-register kayo at makapapasok na sa Dashboard sa loob lang ng dalawang minuto. Sa pagsisimula ng inyong journey, tutulungan kayo ng Deskero na mag-set up gamit ang maikli at napaka-useful na guide. Kapag tapos na kayo, mapupunta na kayo sa Dashboard at puwede na ninyong i-explore ito.
Ang pinili nilang color scheme ng interface ay interesanteng tingnan. Kaya baka hindi ito magustuhan ng ilang tao. Pero ito ay simpleng usapin lang ng preference at taste, kaya kanya-kanyang gusto na iyan. Napakahusay pa rin naman ng pagkakadisenyo ng interface at mukha itong madaling i-navigate sa kahit anong circumstance, na siyang pinakamahalaga. Walang nawawalang tool at madaling makita ang mga ito sa simula pa lang, kaya kahit anong trabaho ay madaling magagawa. Puwedeng ilaban sa pinakamagagaling na solutions ang interface na ito.
Sa bandang itaas ng interface ay ang simpleng menu bar na puwede kayong dalhin sa iba’t ibang tools at sections ng Deskero. Merong tickets, tasks, customers, analytics, chat, settings, at knowledge base. Ibig sabihin, hindi ninyo kailangang mapagod na maghanap sa buong software para makita ang mga ito, na siyang palaging naa-appreciate ng gumagamit kahit dapat ay standard ito. Ang bawat section sa menu selection ay may kasamang ikalawang menu bar sa kaliwang bahagi na hinahayaan kayong mag-perform ng actions at pumunta sa sub-sections. Kapag na-click ang option ng knowledge base, dadalhin kayo sa bago at walang laman na knowledge base na may simpleng interface.
User experience at features
Sasabihan kayo ng interface na gumawa ng categories at subcategories sa simula, na nagsasabing ang Deskero ay may magandang organizing option para sa inyong articles. Kapag gumagawa kayo ng bagong categories, puwede ninyong piliin ang pangalan ng category at visibility options – puwede kayong pumili kung ang category ay makikita ng agents nang internal lang, ng customers sa external, o makikita lang ito ng ilang grupo ng agents.
Dito ninyo makikita ang unang problema ng interface ng Deskero. Hindi obvious ang option para makagawa ng bagong article kasi walang visible na button nito kahit saan. Hindi man lang maipasok ang category ng article, at ang option lang para makausad ay ang paggawa ng isa pang category (o subcategory). Nakalipas ang isang minuto bago namin naisip na ang option para makagawa ng article ay nasa kaliwang menu bar sa ilalim ng option na “Solutions,” at doon kayo makagagawa ng bagong Solution (Article). Habang hindi naman ito ang pinakamalalang navigation, hindi rin ito ang pinakamaganda dahil halos lahat ng knowledge base software ay may kasamang button para makagawa ng articles na nakalagay sa obvious na lugar.
Kapag na-click na ang button ng “New Solution,” puwede na kayong magsimulang magsulat sa article editor. Masaya kaming sabihing ang pagkadisenyo ng article editor ay napakaganda. Gaya ng bawat magandang article editor, ang article editor ng Deskero ang nagdadala ng focus sa pagsusulat, at hindi sa iba pa. Malawak at sumasakop ng karamihan ng space ang fields para sa title, abstract, at nilalaman ng article. Walang istorbong elemento kaya nakaka-fous kayo sa pagsusulat.
Pero ang editor ay may malaking problema dahil sa kakulangan ng features. Ang text editing toolset nito ang pinakasimpleng nakita namin dahil meron lang itong basic editing functions. Puwede pa ring gamitin ito sa pagsusulat ng magandang article gamit ang creativity ninyo, pero puwede pa rin itong i-update ng Deskero para magdagdag ng marami pang text functionality sa sistema nito. Puwede kayong gumawa ng basic na mga bagay tulad ng bold at italics. Kaya lang, wala nang ibang options tulad ng text alignment, header option, font size option, at iba pang medyo importante, bagay na dapat sana ay standard sa bawat text editor.
Pero may options kayong magdagdag ng sarili ninyong code, links, images, at videos para mas maging creative kayo at masubukang i-customize ang inyong articles gamit ang options na ito. Sa ibaba ng article editor, makikita rin ang options para sa tags at search engine optimization.
Pagpepresyo
Medyo nakaka-disappoint din ang presyuhan nito, lalo na’t hindi naman kagandahan ang knowledge base ng Deskero sa kabuuan. Pero ang bawat plan ay may offer na ibang communication tools kaya ang presyo nito ay hindi lang para sa knowledge base feature, na sinasabi nitong ang Deskero ay may magandang deal. May offer itong tatlong plano, at ang bawat isa ay may kasamang buong set ng communication tools. Sa ibang features nanggagaling ang mga limitasyon nito.
Grow
Ang Grow plan ay $12 kada buwan bawat user kung buwanan ang pagbabayad o $9 naman kada buwan kung taunan ang pagbabayad. Naka-focus ito sa pagbibigay ng importanteng help desk features. Ang highlights nito ay ang social network ticketing, assignment automation, live chat, desktop notification, at full APIs.
Business
Ang Business plan naman ay $30 kada buwan bawat user sa buwanang pagbabayad o $25 kada buwan bawat user sa taunang pagbabayad. Ang highlights nito ay ang kumpletong multi-channel toolset, ticket assignment rules, chat at feedback widget, service level agreements, at scenarios na mga automation.
Premium
Ang Premium plan ay $120 kada buwan bawat user sa buwanang pagbabayad o $90 kada buwan bawat user sa taunang pagbabayad. Ito na ang pinakamahal na plan at may offer itong multi-brand management, time tracking, extended business at logic rules, libreng internal agents, at extra support at customization.
Kongklusyon
Maraming ino-offer ang Deskero sa murang halaga, pero may ilang essential features na wala sila, kaya sayang. Ito ay madaling gamitin sa kabuuan at maganda ang pagkakadisenyo ng help desk software na siguradong mapapasaya ang mga client. Habang ang knowledge base ay hindi naman useless at ang paggamit nito ay maganda naman, walang puwedeng pagko-customize sa mga article. Puwede sanang nagdagdag sila nang konti para sulit sa presyo para sa knowledge base kahit papaano.
Frequently Asked Questions
Hindi mahanap ang button para makagawa na bagong article sa knowledge base ng Deskero.
Kapag nakapasok na kayo sa inyong knowledge base, makikita ninyo ang screen na mag-iimbita sa inyong gumawa ng bagong categories o subcategories, pero walang option na makagagawa ng bagong article. Ang option na ito ay makikita sa ilalim ng Solutions menu item sa kaliwang panel. I-click ito, at makikita ninyo ang button para makagawa kayo ng bagong article sa itaas na bahagi sa kanang kanto ng interface ng knowledge base.
Saan puwedeng i-customize ang customer portal ng Deskero?
Makikita ninyo ang option na ito sa settings. Pumunta lang sa Settings > Public Portal > Branding. Dito ninyo puwedeng baguhin ang logo ng customer portal at kulay, pati na rin ang languages, portal information, at marami pang iba.