Key takeaways
Pros
- Maganda at mahusay na dinisenyong interface
- Madali ang navigation
- Magandang presyo at may libreng plan
Cons
- Walang bago sa mga feature
Ang Flowlu ay isang mahusay na knowledge base software na may offer ng lahat ng kinakailangang features ng knowledge base. Bagama’t wala itong offer na anumang dagdag pagdating sa functionality, meron naman itong maganda at mahusay na dinisenyong interface na nagbibigay ng mahusay na karanasan. Meron rin itong matinong pagpepresyo, pero kailangan ninyong ikonsidera kung sulit na magbayad para sa karagdagang features at kung kakailanganin ninyo ang mga ito o hindi. Anuman iyon, hindi kayo puwedeng magkakamali sa knowledge base ng Flowlu. Tingnan ang aming review sa ibaba at higit pang alamin kung paano ito nag-perform.
Ang pagsisimula sa Flowlu
Ang Flowlu ay isang detalyadong solution na naka-focus sa pagpapadali ng maraming mga proseso ng business at kadalasang ginagamit bilang isang dedicated knowledge base software. May offer itong features at tools para sa customer relationship management, project management, task at team management, pati na rin sa finances, invoicing, issue tracking, client portal, at mind maps. Tingnan natin ang knowledge base feature ng Flowlu, at alamin kung paano ito nag-perform.
Ang Flowlu ay may simpleng registration process na makapagpapasimula sa inyo agad sa libreng version. Ang kailangan lang ay ang inyong email at basic information tungkol sa inyo o sa inyong business. Kapag natapos na kayo sa registration, agad kayong dadalhin sa Flowlu dashboard at puwede na kayong magsimula sa onboarding process. Hinahayaan kayo ng onbarding na punan ang inyong profile information at company account information, pati na rin ang pagpili ng tools na gusto ninyong gamitin sa inyong Flowlu account.
Ang knowledge base at knowledge management ay dalawa sa mga option na ito, kaya siguraduhing masuri ang mga item na ito kung gusto ninyong gamitin ang Flowlu bilang knowledge base software. Ang Flowlu ay may offer na options para sa internal at external knowledge base, pero parehong feature lang ito. Kailangan lang ninyong hayaan ang libreng access sa alinman sa inyong knowledge base at gawin itong pampubliko para sa online visitors. Bago kayo makapagsimula, kailangan muna ninyong i-set up ang feature. Ang onboarding ay may offer na madaling guide na nagpapakita sa inyo ng mga hakbang sa paggawa ng inyong unang knowledge base.
Ang interface ng Flowlu ay mukhang napakaganda at moderno. Makikita ninyo ang buong toolset sa kaliwang menu panel at lahat ay may malinaw na marka, kaya hindi kayo dapat mahirapang makita anuman ang inyong hinahanap. Matalino nitong ipinapakita sa inyo kung ano ang mga gawaing kailangan ninyong matapos sa maghapon, pati na rin ang pahintulutan kayong makita ang bagong updates mula sa inyong mga katrabaho (o ang Flowlu bot) sa homepage dashboard.
User experience at features
Perpektong gumagana ang interface at siguradong walang anumang problema sa pag-access ng knowledge base. Maa-access ninyo ang knowledge base sa Flowlu sa pag-click sa knowledge base icon na nasa menu sa kaliwang panel. Ito ay medyo simple at madaling i-access, na hindi masasabi sa lahat ng knowledge base solutions. Minsan, kailangan nating pahalagahan ang maliliit na bagay, at ito ay halimbawa nito. Ang feature ay hindi agad bumubukas nang buong window sa umpisa pero bilang isang hiwalay na tab na nag-slide mula sa menu bar. Mukha itong medyo cool, at nagbibigay ito ng dagdag na flexibility sakaling magkamali kayo sa pag-click. Puwede kayong pumili agad na ibang option mula sa menu.
Ang buong interface ay mukhang maayos at napakasuwabe tulad na isang mas detalyado at pinag-isipang mabuting mechanism kaya hindi lang ito mukhang maganda pero functional din. Puwede ninyong i-click ang Plus icon para gumawa ng isang bagong knowledge base, na maglalabas ng isa pang sliding element mula sa kanang bahagi. Dito, puwede ninyong pangalanan at i-describe ang inyong knowledge base, pati na rin ang pagpili ng kulay ng font, magdagdag ng title picture, at gumawa ng desisyon kung hahayaan ninyo ang comments sa inyong knowledge base article. Sa ngayon, mukhang magaganda ang mga option, at puwede ninyong baguhin ang mga ito anumang oras.
Kapag napasok na ninyo ang inyong bagong knowledge base, iimbitahan kayo agad ng interface na magsulat ng bagong article. Kapag na-click na ninyo ang Create a new article, may lalabas na isa pang sliding element at ipapakilala sa inyo ang Flowlu knowledge base article editor. Ang text editor ay kasingganda ng ibang bahagi ng Flowlu web application, at ito ay may offer na isang simple pero madaling-i-navigate na interface na ang tools ay madaling makita agad. Hindi ito ang pinakamalaking selection na aming nakita pero narito ang bawat kinakailangang tool.
Malaya kayong makapagsusulat at makagagamit ng headers na makikita sa ibaba ng formatting option na nasa toolbar. Sinusuportahan ng editor ang madaling pagdaragdag ng pictures, videos, at links kaya talagang walang problema na maging mahusay at puno ng angkop na media ang inyong mga article. At makakukuha kayo ng karagdagang options sa kanang panel kung saan kayo puwedeng mag-asikaso ng basic SEO tags at ticket status. Puwede rin kayong mag-attach ng files mula sa Google Drive. Bukod pa rito, may option ding pumili ng isang parent article na magpapahintulot sa madaling categorization at organization ng inyong articles.
Sa pangkalahatan, ang Flowlu knowledge base ay napakadaling gamitin at hindi kayo dapat magkaproblema sa pag-access ng anumang features na inyong kakailanganin. Walang anumang karagdagang functionality na magbibigay ng karagdagang value kumpara sa ibang solutions, pero hindi naman ito talagang kailangan. Ang pinakamahalaga, ang interface ay magandang i-navigate, at pinahihintulutan ang madaling pag-access sa knowledge base at sa editor.
Pagpepresyo
May offer ang Flowlu na limang pricing plans na may iba-ibang features. Ang bawat plan ay may knowledge base. Ang mas mahal na plans ay may offer na mas maraming features habang inaalis ang feature limitations sa mas mataas na monthly subscriptions. Meron ding libreng plan na may limitadong features na makukuha, pero puwede kayong magsimula sa isang trial ng anumang bayad na plans kung gusto ninyo. Tingnan natin ang bawat plan at kung ano ang kanilang ino-offer.
Libre
May offer ang libreng plan nga 1GB ng storage at may two user limit. Puwede kayong mag-asikaso ng unlimited projects at tasks, mag-store ng unlimited contacts, ay may access din kayo sa CRM automation. Kabilang sa ibang features ang invoicing at online payments, expense tracking, isang project template, at isang knowledge base.
Team
Ang Team plan ay nagkakahalagang $39 kada buwan para sa 8 users na may buwanang subscription, o $29 kada buwan para sa 8 users na may taunang subscription. May offer itong 10GB na storage. Makukuha ninyo lahat ng features mula sa libreng plan pero may kasamang 3 project templates at 2 knowledge bases. Makakukuha rin kayo ng task automation, API at webhooks, email integration, at time tracking.
Business
Ang Business plan ay nagkakahalagang $74 kada buwan para sa 16 users na may buwanang subscription, o $59 kada buwan para sa 16 users na may taunang subscription. Nagbibigay ito ng 50GB na storage. Makukuha ninyo lahat ng mga naunang feature na may 6 na project templates at unlimited na knowledge bases, pati na rin ang custom fields feature.
Professional
Ang Professional plan ay nagkakahalagang $149 kada buwan para sa 25 users na may buwanang subscription, o $119 para sa 25 users na may taunang subscription. Nagbibigay ito ng 100GB na storage. Ang tanging pangunahing pagkakaiba sa plan na ito ay ang makukuha ninyong 20 project templates kabilang ang lahat ng features mula sa mga naunang plan.
Enterprise
Ang Enterprise plan ay nagkakahalagang $249 kada buwan para sa unlimited na bilang ng users, o puwedeng kayong magbayad ng $199 kung pipiliin ninyo ang taunang subscription. Makukuha ninyo ang lahat ng features mula sa mga naunang plan nang walang limitasyon sa project templates.
Kongklusyon
Ang Flowlu ay isang knowledge base na mahusay na binalanse para sa matinong pagpresyo na may offer na napakagandang interface at knowledge base feature na madaling gamitin. Bagama’t wala itong offer na magarbong advanced features, ang ino-offer nito ay sapat para makagawa ng nakamamanghang knowledge bases at detalyadong articles. Mas higit pa itong abot-kaya para sa team anuman ang laki nito, at makakukuha kayo ng mahuhusay na features sa alinmang package. Ang tanging bagay na dapat ninyong ikonsidera ay ang pakinabang na mga feature nito sa inyong business.
Frequently Asked Questions
Paano namin mababago ang user access sa Flowlu knowledge base?
Puwede ninyong baguhin ang access para sa users sa application level at sa knowledge base level. Para baguhin ito sa application level, pumunta sa Marketplace > Knowledge Base > User Access Settings. Puwede ninyong baguhin ang access level para sa bawat user nang magkakahiwalay sa section na ito. Kung gusto ninyong baguhin kung sino ang puwedeng mag-edit ng articles at maka-access sa mas malalim na level, pumunta sa settings ng alinman sa inyong knowledge bases, at pumunta sa Access. Puwede ninyong baguhin ang user permissions sa section na ito.
Paano kami makagagamit ng custom domain sa Flowlu knowledge base?
Pumunta sa inyong domain control panel at hanapin ang setting kung saan ninyo puwedeng baguhin ang DNS records. Pagkatapos, hanapin and CNAME record para sa inyong domain at ituro ang record mula sa inyong domain patungo sa “hc.flowlu.com.” Pagtapos, buksan ang inyong knowledge base settings at pumunta sa External page. Itsek ang change the domain name box at ilagay ang inyong custom domain name nang walang htts://.