Key takeaways
Pros
- User-friendly na interface
- Customizable na templates, maaasahang customer support
- May makukuhang free plan
Cons
- Mahirap alamin ang advanced editing options
- Puwedeng mangailangan kayo ng support sa pag-implement ng advanced features.
Ang knowledge base software ng Freshdesk ay isang napakhusay na option para sa lahat ng uri ng mga business. Huwag mag-alala kung hindi pa kayo nakagamit ng ganitong software. Ang user interface ay napaka-intuitive. Kahit ang hindi masyadong tech-savvy users ay madaling maise-set up ang lahat at makapagsisimula ng pagsusulat ng knowledge base articles kaagad. Kaya din naming sabihin na makukumpleto nila ang proseso nang hindi binabasa ang documentation.
Ang paggawa ng articles mismo ay napakasimple rin. Maliban sa pangunahing functionalities katulad ng page-edit ng text at pagdadagdag ng pictures at videos, may offer din ang Freshdesk ng ilang pre-built templates para tulungan kayong makapagsimula. Makagagawa rin kayo ng ilang pangunahing optimization para sa search engine ng diretso sa software ng Freshdesk. Sa free plan, masusubukan ninyo ito at malalaman kung makatutulong ang software na ito sa pagbuo ng knowledge base ng inyong kompanya.
Ang pagsisimula sa Freshdesk
Napakadali lang ng pages-set up ng inyong free account at magagawa ito sa loob lang ng ilang minuto. puwede ninyong piliin ang option na ito o puwede kayong mag-sign up para sa libreng version ng software ng Freshdesk.
Mahalagang ma-specify na nai-set up namin ang lahat sa Chrome, pero gumagana rin ang Freshdesk sa Safari, Edge, at Firefox.
Pagkatapos mag-sign up, mago-offer ang Freshdesk sa inyo ng option na punan ang ilang details tungkol sa inyong business para mas mai-tailor ang experience sa inyo. Gayunman, puwede na ninyong lampasan kaagad ang hakbang na ito kung gusto ninyo.
Pagkatapos ng email authentication, kailangan lang ninyong i-set up ang inyong account at puwede na kayong magsimula. Kapag nag-sign in na kayo, sasalubungin kayo ng isang dashboard na naglalaman ng lahat ng kinakailangang impormasyon.
Kung nagsisimula pa lang kayo, puwede kayong kumuha na sample data para makita kung ano ang magiging hitsura na inyong dashboard kapag sinimulan na ninyong gamitin ang software. Siyempre, puwede ninyong i-dismiss ito at sa halip ay gumamit na ng tunay na data.
Para makapagsimula sa paggawa ng inyong knowledge base, pumunta sa menu sa kaliwa at i-click ang Solutions at magpatuloy sa pamamagitan ng pag-click sa Getting started.
Dito, puwede ninyong i-edit ang existing folders, o gumawa ng mga bago. Meron kayong dalawang folders para magsimula, pero puwede kayong magdagdag pa. Ngayon, para sa pinakamahalagang bahagi, puwede na kayong magsimulang magsulat ng knowledge base articles. Para gawin iyon, pindutin ang New article button sa kanang kanto sa itaas.
Maganda ang ginawa ng Freshdesk interface pagsasama-sama ng ilan sa iisang view nang hindi nagmumukhang masikip. Ang software ay nagbibigay sa inyo n option na magbasa pa tungkol sa advanced features, gayunman, puwede ninyong i-dismiss ito kung gusto ninyo.
Puwede kayong magsimulang magsulat ng inyong article mula sa umpsa, o puwede kayong pumili sa mga pre-set templates katulad ng How-to’s, FAQs, at User Guides. Kapag natapos na ninyo ang article, puwede na ninyo itong i-publish ipadala ito para ma-review.
User experience at features
Napakadaling mag-set up ng Freshdesk knowledge base. Ang software ay napaka-accessibe at madaling i-navigate. puwede kayong gumawa ng komplikadong support articles at technical documentation, o sumulat lang ng ilang paragraphs ng text na may mga updates at news.
Ang isang bagay na puwedeng pagbutihin ay ang advanced editing options. Sa unang pagbukas ninyo ng text editor, puwede ninyong basahin ang tungkol sa mga ito sa documentation. Pero kung isasara ninyo ang suggestion na ito, kailangan ninyong i-browse ang support pages para makakita ng sapat ng info kung paano ise-set up ang mga ito.
Gayunan, para makagawa ng knowledge base articles, ibinibigay ng Freshdesk ang lahat ng inyong kinakailangan. Mula sa isang interface na maginhawa at user-friendly, magagamit ninyo lahat na pangunahing editing capabilities at isang Quick Insert button, na magbibigay sa inyo ng pahintulot na magdagdag ng videos, images, notes, iba pang info, etc.
Ang isa sa nakita naming kapaki-pakinabang ay ang basic SEO sa kanang bahagi ng menu. Aasikasuhin ba nito ang lahat ng inyong SEO efforts? Hindi. pero ito ay isang mahusay na pinagsama-samang maliliit na too para makapagsimula kayo sap ag-optimize ng search engine.
Pagpepresyo
Gumagamit ng subscription-based na pricing model ang Freshdesk. may offer sila ng tatlong subscription packages. Bawat plan ay may mas maraming dagdag na features, kaya puwede ninyong palakihin o paliitin batay sa inyong mga pangangailangan.
Libre
Ito ay isang free plan na may pangunahing features kasama ang knowledge base, ticketing, analytics at reporting, social media integration, at 24/7 email support. Sa subscription tier na ito, puwede ang hanggang sa sampung agents.
Growth
Mabibili ninyo ang package na ito sa halagang €15 kada agent kada buwan na may taunang bill, o €18 kada agent kada buwan na may buwanang bill. Ino-offer ng tier na ito ang lahat mula sa Free option na may dagdag na automation, 24/5 phone support, SLAs, 1000+ marketplace apps, custom SSL, at marami pang iba.
Pro
Ang Pro plan ay nagkakahalaga ng €49 kada agent kada buwan na may taunang bill, o €59 kada agent kada buwan na may buwanang bill. Kasama sa performance-oriented package na ito ang lahat ng features mula sa Growth plan, na may dagdag na average handle time (AHT), custom apps, extendable API limits, customer satisfaction score (CSAT), customer segmentation, custom roles at reports, isang multilingual knowledge base, multiple products, at iba pa.
Enterprise
Ang pinakamahal sa Freshdesk ay ang Enterprise plan na makukuha sa halagang €79 kada agent kada buwan na may taunang bill, o €95 kada agent kada buwang na may buwanang bill. Sa package na ito, puwede ninyong gamiting ang features at functionalities mula sa mga naunang tiers, at may mga dagdag pa katulad ng unlimited products, sandbox, knowledge base approval workflow, bots, AI-powered social signals, IP range restrictions, at marami pa.
Kongklusyon
Nagbibigay ang Freshdesk ng user-friendly knowledge base software nang libre, kaya nagiging accessible ito kahit sa mga maliliit na businesses. Ang UI ay madaling i-navigate at simpleng trabahuhin. Hindi ninyo kailangang mag-alala tungkol sa pakiramdam na matatabunan ng blocks ng codes, iba’t ibang variables, ang nakalilitong wika. Tinitiyak ng Freshdesk na ang mga customers na may magkakaibang technical skill sets ay epektibong magagamit ang software para makagawa ng malawak ng knowledge base na puno ng tutorials, FAQs, at articles. Napakasimpleng magdagdag ng pictures, videos at iba pang media files salamat sa Quick Insert button. Ang pinakamaliit ng inconvenience lang ay ang kakulangan ng advanced text editing. Gayunman, kung susubukan ang interface at magbabasa ng ilang documentation ng Freshdesk, hindi kayo mahihirapan nang matagal na mahanap lahat ng inyong kailangan para makagawa ng magagandang knowledge base articles para sa inyong customers.
Frequently Asked Questions
May mga isyu kami sa paggawa ng internal knowledge base
Ang proseso ng pagsusulat ng internal knowledge base articles ay pareho sa mga external nito. Ang tanging hakbang na naiiba at kung paano ninyo ise-set ang visibility. Para gumawa ng internal knowledge base, mag-set ng visibility sa agents. puwede ninyong i-adjust ang article visibility ng articles na bago at existing.
Hindi kami makapag-bulk export ng data
puwede kayong mag-set up ng maramihang pag-export ng inyong data kung meron kayong Account Administrator privileges. Pumunta sa Admin > Account > Account Details > Export. Ang registered agent ay makatatanggap ng email link na may download link para sa Solutions sa XML format, kasama na account information.