Key takeaways
Pros
- Madali at mabilis ang setup
- Mahusay na interface
- Knowledge base + editor na mahusay ang pagkakadisenyo
Cons
- Puwede itong maging napakamahal kahit ang pinakamurang plans
Mahirap makahanap ng mali sa Freshservice knowledge base feature dahil simple ang navigation na ino-offer nito, at merong lahat ng tamang organization features na kadalasang inaalis sa ibang knowledge base solutions. Ang text editor ay state-of-the-art at ang setup at implementation ng mga ito ay napakadali. Ang Freshservice ay may offer na isa sa pinakamahusay ng knowledge base features sa market. Gayunman, puwede itong maging napakamahal kung hindi ninyo bibigyan ng pansin ang pricing plans. Ituloy ang pagbabasa para makita ang kabuuan ng knowledge base review.
Ang pagsisimula sa Freshservice
Ang Freshservice ay isang help desk, customer support, at service management software na ang pangunahing focus ay nasa IT. Ito ay bahagi rin ng Freshworks software selection. Hinahayaan ng Freshservice ang users na gawing mas madali ang kanilang IT operations. Ito ay isang ganap na IT hep desk solution na may ticketing system, knowledge base, at bawat iba pang mahahalagang tool para sa IT support. Ang review na ito ay naka-focus sa Freshservice knowledge base at kung paano ito gumagana sa pang-araw-araw ng support scenarios.
Ang pagsisimula sa Freshservice ay kasingdali ng pagsagot na isang simpleng registration form. Hindi ito nangangailangan ng credit card information, at hindi ninyo kailangang dumaan sa maraming proseso para ma-access ang inyong account. Halos ilang minuto lang bago magsimulang maging pamilyar sa inyong dashboard. Kapag nakakuha na kayo ng access, isang mukhang modernong interface ang sasalubong sa inyo sa umpisa. Walang kayong makukuhang guides pero malinis ang interface at madaling i-navigate kahit kayo ay isang ganap na bagong user.
Ang Freshworks ay tunay na mukhang modern at nakatutuwang tingnan. Ang pangunahing dashboard ay may offer ng magandang overview kung saan ninyo makikita ang ticketing system information sa mga komprehensibong chart. Sa kaliwa ay ang pangunahing menu kung saan ninyo makita lahat ng tools at madaling maa-access ang anumang kailangan ninyo sa ilang segundo lang. Sa itaas, makikita ninyo ang tasks, notifications, general settings, at iba pang related na menu items. Sa pangkalahatan, ang interface ay napakagaling at mahirap makahanp ng mali dito sa isang tingin lang.
Ang paghahanap ng knowledge base sa Freshservice ay nakalilito dahil kung ang aktuwal na section ay tinatawag ng Knowledge base, Solutions ang nakasaad sa menu item. Bagama’t hindi ito ang pinakamahirap na task para malamang Solutions ang tumutukoy sa Knowledge base, naiisip naming wala sa parehong sitwasyon ang bagong users. Madaling mag-refer ang Solutions sa software FAQs o makakuha ng starter guide. Kahit may maliit na isyung ganito, mahahanap ninyo ang Solutions option sa kaliwa ng menu panel.
User experience at features
Kapag na-access na ninyo ang knowledge base feature, puwede na kayong tumingin-tigin sa paligid. Ang interface ay nananatiling kasiya-siya gaya ng buong Freshservice application, at ito ay diretsong nag-iimbita sa inyong magsimulang magsulat ng articles kapag wala itong laman. Kapag nag-click kayo ng Create article, dadalhin kayo sa knowledge base article editor at puwede na ninyong simulang hangaan ang dali nang pag-navigate sa knowledge base interface agad-agad.
Nakamamangha ang paggana at hitsura ng article editor. Walang partikular na kahanga-hangang nangyayari rito, na mabuti naman dahil napapanatili kayong naka-focus nito, at tinutulungan kayong maging tutok sa pagsusulat, tulad rin ng standard na text editing software. Ito ay isang classic, well-designed, at fully functional na text editor, na laging isang mabuting bagay. Alam ninyo kung nasaan ang bawat tool at walang itinatago mula sa inyong paningin.
Ang toolbar sa itaas ay may offer na bawat standard text formatting na alam na ninyo mula sa text editor software tulad ng Microsoft Word. Ang toolbar ay madaling makuha sa lahat ng oras, at sinusuportahan nito ang lahat ng standard keyboard shortcuts. Puwede kayong magdagdag ng images at videos sa ilang clicks lang, at hindi ninyo kailangang mag-alala tungkol sa embedding dahil ang parehong uri ng media ay automatic nang naka-embed sa lahat ng articles. Puwede rin kayong magdagdag ng tags at keywords sa kaliwang panel, o mamili ng author ng article, bukod pa sa iba pang pagpipilian.
Sinusuportahan ng Freshservice knowledge base ang categories at folders na sinisigurong lagi ninyong matututukan ang inyong article organization structure. Nakagugulat na marami pa ring solutions na hindi pa gumagamit ng features na ito, na puwedeng maging napakahalaga para sa mga kompanyang nagpaplanong gumawa ng mas malawak at detalyadong knowledge bases. Ang mga category ay ang go-to features para sa pag-oorganisa kung kaya ang Freshservice knowledge base ay tunay na pinakamagandang pagpipilian.
Pagpepresyo
Ang Freshservice ay may ino-offer na apat na pricing plans na may iba-ibang feature sets. Ang knowledge base feature ay kasama sa bawat plan. Walang option para magkaroon ng libreng plan, kaya kung pinaplano ninyong gamitin ang knowledge base feature, kakailanganin din ninyong magdesisyon kung ano pang ibang tools ang kailangan ninyo bago kayo magdesisyon sa inyong plan. Tingnan nating ang mga offer.
Starter
Ang Starter plan ay nagkakahalaga ng $29 kada buwan bawat user na may monthly payments o $19 kada buwan na may annual payments. May ino-offer itong knowledge base, incident management, self-service portal, SLA, workflow automations, orchestration, access controls starter, analytics, custom SSL, at maraming marami pang iba.
Growth
Ang Growth plan ay nagkakahalaga ng $59 kada buwan bawat user na may monthly payments o $49 kada buwan bawat user na may annual payments. Makukuha ninyo ang lahat na nasa naunang plan (pero di ito tinukoy sa pricing), at dagdag pa ang service catalog, asset management, purchase order management, employee onboarding, on-call management, portal customization, Multiple SLAs, at marami pa.
Pro
Ang Pro plan ay nagkakahalaga ng $109 kada buwan bawat user na may monthly payments o $89 kada buwan bawat user na may annual payments. Kasama rito ang mga naunang binanggit na features at dagdag pa ang problem management, change management, release management, project management, contract management, analytics pro, at marami pa.
Enterprise
Ang Enterprise plan ay nagkakahalaga ng $129 kada buwan bawat user na may monthly payments, o $109 kada buwan bawat user na may annual payments. Makukuha ninyong lahat ng nasa naunang plans, pati na rin ang inyong sariling virtual agent, sandbox, audit logs, at 20,000 orchestration transactions kada buwan para sa bawat account.
Kongklusyon
Ino-offer ng Freshservice and isa sa pinakamahusay na knowledge base tools na inyong makikita. Madaling umpisahan ito, at ito ay mahusay na dinisenyo na nagbibigay ng kasiguraduhan sa kamangha-manghang karanasan sa pagsusulat. Ang knowledge base feature ay isa sa pinakamahusay na makukuha, pero kailangan pa rin ninyong pag-ingatan ang inyong budget. Bagama’t mahusay ang Freshservice, puwedeng maging napaka-demanding ng pricing nito, lalo na kapag nagdesisyon kayong kunin ang mas mahal na plan na may mas malaking feature set. Gayunman, kung gagawin man ninyo ito, hindi kayo magsisisi.
Frequently Asked Questions
Hindi namin makita ang knowledge base sa Freshservice
Ang knowledge base sa Freshservice application ay tinatawag ng Solutions. Hindi ninyo ito makikita sa menu panel sa kaliwa. Kapag ito ay inyo nang na-click, dadalhin kayo nito sa knowledge base at puwede na kayong magsimulang magsulat.