Key takeaways
Pros
- Magaling na article editor
- Madaling gamitin ang interface
- Madali ang navigation
- Mura at may libreng option
Cons
- Dedicated na knowledge base software
Ang pagsisimula sa Guru
Ang Guru ay may offer na libreng trial para sa gusto muna itong subukan. Puwede kayong mag-enroll sa simpleng registration form na humihingi lang ng konting impormasyon, kaya mas madali ang proseso. Kapag nakagawa na kayo ng account, makatatanggap kayo ng email na may link para kumpirmahin ang inyong registration. Kapag kumpirmado na, puwede nang i-fill in ang impormasyon ng kompanya at magdesisyon kung ano ang pangunahing objective sa inyong paggamit sa Guru application. Sa isa pang hakbang, papipiliin kayo ng department at role ninyo sa loob ng kompanya. Sa huling hakbang, puwede ninyong piliin ang demo call o i-decline ito.
Kapag tapos na kayo sa lahat ng hakbang, puwede nang simulan ang product tour o laktawan ito. Maganda ang pagkakagawa ng guide at pinapakita nito ang inyong bagong dashboard, Guru integrations, at ilan pang bagay na makatutulong sa inyong makapagsimula. Kapag tapos na kayo rito, puwede nang tingnan ang user interface, na maganda rin ang pagkakadisenyo tulad ng sa “Get Started” guide. Nagbibigay ang Guru ng mga nakatutulong na tooltips sa buong interface. Puwede itong i-click para alamin ang tungkol sa ilang partikular na functionalities.
Ang interface ay halong black-and-white, black sa navigation options habang ang white ay nakareserba para sa workspace. Maganda ang contrast para sa user experience na madali ang navigation. Walang masyadong menu options na siyang maganda dahil ginagawa nitong mas madali ang workflow, sa paningin namin. Nakalagay ang main menu sa kaliwang bahagi na wala nang ibang menu options na available kahit saan, at pinadadali nito ang navigation. Kapag nag-click kayo ng kahit ano sa menu option, dadalhin kayo sa kani-kanilang section ng Guru app. Ang paghanap sa option para makapagsulat ng articles ay napakadali dahil ang Guru ay walang offer na ibang communication tools, at puwede ninyong isiping isang dedicated knowledge base application ito.
Kasama sa menu option ang home screen, library, tasks, analytics, card manager, team settings, at collections. Kung gusto ninyong i-access ang settings, puwede ninyong i-click ang inyong profile icon sa kanang kanto sa itaas at i-adjust ang inyong Guru experience kung gusto ninyo. Nagbibigay din ng mga mainam na card ang interface, na kadalasan ay naglalaman ng detalye tungkol sa latest updates sa Guru o magagamit na guides na nagpapaliwanag ng ilang functionalities.
User experience at features
Kapag na-click ninyo ang “Create a card” option sa kanang kanto sa itaas, meron kayong dalawang options para makapagsimulang magsulat ng inyong unang article. Puwede kayong magsimulang magsulat ng bagong card mula sa simula o gumawa ng template. May option ding makahanap ng inspirasyon sa paggawa ng cards o templates sa pagbisita sa Guru community. Sinubukan namin ang parehong options – paggawa ng bagong card at paggawa ng template, at gumana naman sila nang halos pareho na may ilang konting kaibahan lang.
Kapag na-click ninyo ang alinman sa dalawang options, dadalhin kayo sa article editor ng Guru. Kaaya-aya ang itsura nitong may malaking focus sa blank writing section at isang non-intrusive toolbar na nakalagay sa itaas ng interface. Medyo mahusay ang text formatting options; hindi sila masyadong marami o masyadong konti, maganda ang balance. Sinusuportahan din ng text editor ang keyboard shortcuts, at puwede rin kayong gumamit ng mas maliit na toolbar na may parehong options kapag nag-highlight ka ng text.
Ang iba pang features ay ang classics tulad ng attachments at media – picture, videos, links, at codes. Puwede rin kayong magpalalim at i-customize ang inyong articles gamit ang markdowns, text colors, iframes, highlights, lists, at marami pang iba. Sa kabuuan, maganda ang options at may offer silang magaling na customization capabilities. Kung magdesisyon kayong gamitin ang Guru, hindi kayo mahihirapang gumawa ng engaging at informative na articles.
Pagtapos magsulat, puwede nang tumuloy sa susunod na hakbang kung saan puwedeng pumili ng collection settings. Puwedeng gamitin ang categorizing at tags para i-save ang inyong article kung saan dapat, magdagdag ng boards at tags, pati pagpili ng collection kung saan ilalagay ang article para ma-save. Ang huling hakbang ay ang verification settings at access. Puwede kayong mag-set ng isang verifier at verification interval para sa article. Kapaki-pakinabang ang feature na ito para panatiliing updated ang inyong content.
Makikita ang natapos ninyong articles sa Collections menu. Ang lahat ng collections na ginawa ninyo ay maayos na nakakategorya para madaling mahanap. Puwedeng i-edit ang inyong articles kahit anong oras at madaling kopyahin ang link sa kahit anong articles. Sa kabuuan, ang knowledge base software ng Guru ay may offer na nakamamanghang functionality at napakahusay na kadalian ng paggamit.
Guru knowledge base software pricing
Ang Guru ay may tatlong pricing plans, ang isa ay nahahati sa dalawang options batay sa bilang ng users. Ang bawat plan ay naka-focus sa ibang target group at may offer na iba’t ibang set ng features. Sa kabuuan, ang plans ay mukhang abot-kaya. Tingnan natin ang bawat isa at alamin kung ano ang masusulit ng inyong pera.
Free/Starter
Ang plan na ito ay puwedeng mapasainyo nang libre kung hindi kayo lalampas sa limit na tatlong users. Kung kailangan ng higit sa tatlong users, ang plan ay $6 kada buwan bawat user kung buwanan o $5 kada buwan bawat user kung taunan. Kasama sa top features ang browser extension, Slack at Microsoft Teams apps, scheduled content verification, at marami pa.
Builder
Ang Builder plan ay $12 kada buwan bawat user kung buwanan o $10 kada buwan bawat user kung taunan. May offer ito ng lahat ng nasa Free/Starter plan, dagdag ang advanced permissions, announcements, analytics, duplicate content detection, automated in-context knowledge, custom branding, at marami pang features.
Enterprise
Walang partikular na presyo ang Enterprise plan at kailangan kayong makipag-ugnayan sa sales para sa customized pricing. Ang plan na ito ay may offer na flexibility kaya ipagpalagay na nating puwede kayong pumili ng features mula sa buong feature set. Puwede ring may kasama itong AI-powered content suggestions, premium support, at designated CSM at implementation services.
Kongklusyon
Ang Guru ay may offer na sobrang well-rounded na knowledge base functionality na magaling at magagamit na set ng features. Ang buong application ay nagbibigay ng magaling na working environment na gawa sa isang intuitive at magandang user interface, pati madaling gamiting navigation options. Meron din itong napakagaling na article editor na maraming text formatting options at dagdag pang features. Ang pricing nito ay higit pa sa sulit, at puwedeng i-expand ang feature set kung kailangan. Sa kabuuan, ang Guru ay isang magaling na knowledge base software na di kayo pababayaan.
Frequently Asked Questions
Lumalabas ang images na may error sa Guru
Madali lang iresolba ang isyung ito; nangyayari ito sa ilang dahilan tulad ng connection issue. Ang pag-upload ulit ng image sa kahit anong Guru card ang sagot dito. Kung ayaw pa rin, i-check kung hosted ng Guru ang image ninyo. Kadalasan, ang mga walang access na ma-view ang Guru ay hindi makikita ang image na hosted sa loob ng application. Subukan ninyong i-edit ang permissions o i-upload ulit ang image. Kung meron pa ring problema, makipag-ugnayan sa Guru para makakuha ng tulong sa kanilang support team.
May problema sa pag-deliver ng Guru invitations
Sa kasalukuyan, walang sagot ang Guru sa problemang ito, pero malamang dahil ito sa internal security measures. Dahil hindi puwedeng ma-circumvent ang measure na ito, ang natitirang solution ay padiretsuhin ang mga hindi nakatanggap ng invites sa app.getguru.com at ipa-register sila gamit ang email address kung saan nila dapat natanggap ang invite.