Key takeaways
Pros
- Magandang navigation at interface
- Mahusay na knowledge base functionality at integration
- Puwedeng simulan nang libre
Cons
- Medyo nakalilitong implementation
- Puwedeng magmahal dahil sa ilang may bayad na plan
Ang Jira Service Management ay isang kumpletong software para sa project management at puwedeng gamitin bilang knowledge base software. May ino-offer itong mahusay na versatility at flexibility, pati na rin ang modernong article editor na lubos na nagpapadali ng pagsusulat; at espesyal na pasasalamat sa isang kakaibang command na nagdadala ng dagdag na functionality. Libre ang Jira Service Management, pero puwede itong maging medyo mahal dahil sa ilang may bayad na plan. Basahin ang detalye tungkol sa knowledge base ng Jira Service Management sa kumpletong review sa ibaba.
Ang pagsisimula sa Jira Service Management
Ang Jira Service Management ay isang detalyadong software na makatutulong sa inyong business project management. Puwede kayong makagawa ng magkakahiwalay na projects sa iba’t ibang departments, at makaka-manage kayo ng inyong finances, marketing, sales, customers service, at marami pang iba. Bawat isa sa mga department ay may hiwalay na knowledge base na nagpapadali sa pag-access ng lahat ng mahahalagang impormasyon sa lahat ng oras.
Ang basic version ng Jira Service Management ay may limitadong (pero marami na ring) feature set, at ito ay libre kaya ibig sabihin, puwede kayong makapagsimula nang walang binabayaran. Napakadali lang nito. Puntahan lang ang website ng Jira Service Management at punan ang registration form. Puwede kayong makakuha ng access sa inyong account sa loob ng ilang minuto at makapagsisimula nang mag-browse. Gayunman, una, kailangan ninyong pumili kung anong template ang gusto ninyong gamitin at idagdag ang project details sa template. Ito ay lubos na kapaki-pakinabang para matulungan kayong makapili ng angkop na tools para sa gawain nang hindi nagba-browse sa mga detalyadong app store. Ang knowledge base ay isang bahagi ng bawat project, kaya ito ay inyong makukuha alinman ang inyong piliin.
Kapag natapos na ninyo ang inyong project template, ipapakilala na sa inyo ang Jira Service Management dashboard. Ito ay lubos na maganda, at puwede kayong kumuha ng maikling introductory tutorial na magpapaliwanag sa inyo kung paano gumagana ang interface. Ang interface ay lubhang mukhang modern at nagagawa nito na lubos na mapanatiling simple ang mga bagay at madaling mapuntahan. Magbabago ito kapag nagdagdag kayo ng projects, pero ang main interface ay mananatiling malinis. Kapag ito ay inyo nang natapos, makikita na ninyo ang inyong projects sa dashboard.
Kapag nag-click kayo nito, makikita ninyo ang buong project dashboard at ang bakanteng interface na nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga detalye ng project. May dalawang menu na makikita, ang upper menu ay para sa general Jira Service Management navigation at ang pangalawang nasa kaliwang bahagi ay ang menu para sa indibidwal na project na inyong binuksan. Makikita ninyong ang knowledge base option dito. Ang bawat hiwalay na project ay may knowledge base sa menu na ito, kaya hindi kayo malilito tuwing lumilipat kayo sa pagitan ng mga project.
User experience at features
Ang knowledge base interface ay mukhang malinis at organisado, na ang ibig sabihin ay walang magulong search at hindi magiging dahilan nang pagkainis sa inyong trabaho. Nag-iimbita rin ito sa inyong agad nang magsimulang magsulat. Wala nang ibang pang nangyayari – walang category options, folders, o settings. Ito ay dahil hindi ninyo kailangan ang mga ito; bawat setting ay puwedeng makita sa general ng bawat project, at ang bawat project ay nagrerepresenta ng hiwalay na knowledge base category. Ginagawa nitong madali ang pag-oorganisa.
Noong sinubukan naming gumawa ng knowledge base, nakatanggap kami ng error message. Nangyari ito nang ilang beses kahit matapos naming i-reload ang Jira Service Management application. Makikita sa picture na nasa itaas ng text na ito, binanggit ng Jira na ang knowledge base ay pinatatakbo ng Confluence. Nalaman lang namin na kailangan muna palang i-set up ang Confluence para mapagana ang aming knowledge base feature matapos naming i-click ang link na ito. Ang Confluence ay isang document collaboration tool ng Jira, at suwerteng ito ay libre rin.
Hindi man ito ang pinakamadaling uri ng knowledge base setup, ito ay medyo mabilis at hindi kayo dapat nakararanas ng mahabang paghihintay o hoop-jumping. Ang introduction at setup ay halos kapareho sa Jira Service Management, kaya hindi kayo dapat magkaproblema sa pagiging pamilyar sa interface. Ang nakadidismaya ay ang hindi pagiging konektado ng mga app. Inaasahan namin na diretsong makagagawa kami ng knowledge base articles sa Jira Service Management, pero ang tanging pagpipilian para sa paggawa ng mga ito ay diretso sa Confluence. Libre man ang solution na ito, sa palagay namin ay hindi ito ang pinakamabisang paraan ng pag-aasikaso nito.
Talagang napilitan kaming gumawa ng bagong account habang nagre-register sa Confluence. Wala kaming nakitang paraan para idagdag ang Confluence sa account na nauna naming ginawa sa Jira Service Management. Kaya gumawa muna ng Confluence account bago kayo magdesisyong gumamit ng Jira Service Management bilang inyong knowledge base software, dahil awtomatikong magkakaroon kayo ng access sa mga ito. Kahit na may kaunting komplikasyon, ang knowledge base ay komportableng gumagana nang naaayon.
Kapag nag-click kayo ng Create article, puwede na kayong magsimulang magsulat sa magandang knowledge base article editor. Mahusay din ito, na may simpleng interface at basic functionality tulad ng nakasanayan ninyo sa standard na text editing software. Lahat ng text formatting features ay nandoon, at sila ay makukuha sa classic toolbar na nasa itaas ng interface. Puwede rin ninyong gamiting ang isang interesanteng feature kapag pinindot ninyo ang “/” button sa inyong keyboard. Maglalabas ito ng isang set ng options kung saan kayo puwedeng pumili ng idadagdag na emojis, action items, panels, links, headings, quotes, charts, Excel sheets, at marami pang iba. Kapag sinabi naming marami pang iba, marami ang ibig talaga naming sabihin – parang walang katapusan ang mga option.
Ang feature na ito ay naka-integrate sa ibang Jira functionalities para puwede ninyong ma-access and mga ito kung may access kayo sa ibang Jira tools. Puwedeng makaubos ng maraming oras ang pag-scroll sa lahat ng options kaya dapat palagi na lang kayong magsimulang mag-type ng pangalan ng isang partikular na element para makatipid kayo ng oras. Maliban doon, mahusay na magkaroon ng ganitong feature at puwedeng makatulong sa inyong mapaganda ang inyong knowledge base articles na hindi isang garantisadong option sa bawat knowledge base software.
Pagpepresyo
May offer na apat na pricing plans ang Jira. Isa sa pricing plans ay ganap na libre at hindi nangangailangan ng anumang credit card information, at puwede ninyo itong gamitin hangga’t gusto ninyo. Tingnan natin kung ano ang ino-offer ng bawat plan.
Free
Ang Free plan ay, tulad ng ipinangalan dito, laging libre, at may kasama itong tatlong user limit. Meron itong 2GB storage na available. Ang plan na ito ay may ino-offer na maraming features kasama ang email at embeddable na widget support, self-service portal, forms, configurable workflows, customizable queues, SLA management, reporting at analytics, automation, at marami pa.
Standard
Ang Standard plan ay nagkakahalaga ng $21 kada buwan kada agent. Meron itong 250GB file storage na available. Dala nito lahat ng functionality mula sa free plan at marami pang idinagdag tulad ng on-call management, service status pages, service dependency, audit logs, at data residency. Dinagdagan din nito ang ilang feature limits mula sa free plan sa unlimited na bilang kada buwan.
Premium
Ang Premium plan ay nagkakahalaga ng $47 kada buwan kada agent. Meron itong ino-offer na unlimited storage. Makukuha ninyo lahat ng functionality mula sa naunang dalawang plans, pati na rin ang global at multi-project automation, advanced alert integration, incident conference calls, incident investigation, heartbeat monitoring, service subscriptions, external services, service at infrastructure health analysis, at marami pa.
Enterprise
Ang Enterprise ay nagkakahalaga ng $134,500 kada taon para sa 201-300 agents. Meron itong unlimited storage. Ino-offer nito lahat ng naunang features na may dagdag na data at insight features tulad ng Atlassian analytics, Atlassian Data Lake, at Data connectors. Meron din kayong makukuhang mobile application management.
Kongklusyon
Ang Jira Service Management ay isang magandang knowledge base solution na angkop sa lahat ng uri ng business. Ang pinakamaganda rito ay ang free pricing plan na may ino-offer na maraming feature set. Kahit na limitado lang ito sa tatlong users, naiisip naming mas angkop ito sa mas maliliit na business. Gumagana rin nang mahusay ang knowledge base feature, at walang kulang na features. Puwedeng medyo nakakalito ang implementation pero ang buong solusyon ay mahusay na naibalanse kaya sa tingin namin, hindi ito ikokonsiderang malaking problema ninuman.
Frequently Asked Questions
Paano namin maa-access lahat ng commands sa Jira Service Management knowledge base?
Lahat ng uri ng commands ay accessible sa pamamagitan ng “/” button sa inyong keyboard. Kapag ito ay inyong pinindot, puwede na kayong magsimulang mag-browse o mag-type ng pangalan ng anumang available na functionality para madali itong makita. Detalyado ang listahan, kasama ang text formatting options, elements mula sa ibang software tulad ng Excel tables at Jira functions.
Ano ang dapat naming gawin kapag nakakuha kami ng error sa Jira Service Management knowledge base?
Ang Jira Service Management ay pinatatakbo ng isa pang Atlassian product na tinatawag na Confluence. Para paganahin ang inyong knowledge base nang walang problema, kailangan ninyong kumuha ng isang Confluence account. Puwede kayong sumali sa Confluence nang libre at walang anumang bayad. Pagkatapos, dapat ang inyong knowledge base ay nakikita na at gumagana nang walang anumang problema.
Paano namin isi-set up ang knowledge base sa Jira Service Management?
Ang Jira Service Management ay may offer sa mga user na gumawa at mag-manage ng iba’t ibang uri ng projects para sa bawat bahagi ng kanilang business. Halimbawa, puwede kayong makagawa ng customer service projects, sales project, at finance management project nang sabay-sabay. Puwede kayong magkaroon ng magkakahiwalay na knowledge base para sa bawat project, at punuin ito ng mga angkop na articles para sa bawat project. Maa-access ang knowledge base sa pag-click sa anumang project at pagpili ng knowledge base option mula sa kaliwang menu bar. Gayunman, kailangan muna ninyong kumuha ng Confluence account. Ang Confluence ay hiwalay na produkto ng Atlassian na naka-focus sa document management. Puwede ninyo itong makuha nang libre mula sa official website. Pagkatapos nito, ang inyong knowledge base feature sa anumang Jira Service Management ay gagana nang tama.
Nawawala ang search bar ng knowledge base, ano ang dapat naming gawin?
Tingnan kung 3rd party add-on HelpCenter Corrector ang inyong ginagamit. Ang add-on na ito ay may option na ganap na itago ang search bar mula sa inyong knowledge base o anumang iba pang project portals ninyo. Kung iyon ang inyong ginagamit, pumunta sa Manage Apps > HelpCenter Corrector at siguraduhing hindi naka-check ang Hide HelpCenter Search Bar at Hide Customer Portal Search Bar. Dapat makita agad ang search sa inyong knowledge base pagkatapos.