Key takeaways
Pros
- Madaling sundan ang navigation interface
- Fully-featured ang knowledge base
- May categories, autosaves, at iba pang dagdag na features
Cons
- Sobra itong mahal
Ang pagsisimula sa KnowledgeOwl
Ang KnowledgeOwl ay isang tunay na knowledge base software na nakatuon sa knowledge management. Kaya ito ay nakatuong solusyon na may malawak na kapasidad para sa paggawa ng iba’t ibang tipo ng knowledge base. Ang software na ito ay bagay sa human resources at mga department ng customer service ng mga kompanya na may iba’t ibang laki. Ang bawat plan ay may offer na mahabang listahan ng features, kaya sa unang tingin ay napaka-promising ng software na ito. Tingnan natin kung paano magsimula sa KnowledgeOwl knowledge base software.
Ang kailangan lang gawin para subukan ang KnowledgeOwl ay magrehistro ng bagong account gamit ang inyong email address, at puwede na kayong magsimula. Gagabayan kayo ng KnowledgeOwl sa pagsisimula gamit ang simpleng set ng options para mailagay ninyo ang inyong pangalan, pangalan ng knowledge base ninyo, at makapili ng URL para sa inyong knowledge base. Pagkatapos, iwi-welcome na kayo sa interface at puwede nang simulang mag-browse ng app.
Sa simula, mukha namang malinis at maayos ang interface. Meron itong simple at banayad na color scheme, nasa itaas ang mga pinaka-importanteng item sa menu na naka-highlight ng dark blue habang ang submenu sa kaliwang bahagi ay naka-highlight naman ng light gray. Simple at epektibo ito pero hindi naman kapansin-pansin ang itsura. Pero ito ay simpleng usapin lang ng taste, kaya di namin ito ikokonsidera sa pag-rate sa review na ito. Ang importante ay functional ang interface at madali itong gamitin kahit ng bagong users. Ito ang pinakamahalaga sa kaso ng KnowledgeOwl.
Dahil ang KnowledgeOwl knowledge base software ay naka-focus lang sa isang functionality, hindi na kailangan maghanap pa ng knowledge base feature. Puwede na kayong pumasok agad sa simula pa lang, deretso na sa guides sa pagsusulat at articles nang hindi na naghahanap. Pero puwede pa ring aralin ang iba pang knowledge base tools at features na nasa bahaging itaas ng menu. Puwedeng saka na pasukin ang buong library ng inyong articles o galugarin ang malawak na options sa setting. Maraming options, kasama ang pagpapalit ng access level sa mga knowledge base, pagse-setup ng istilo at disenyo ng inyong knowledge base, options para sa seguridad, at marami pang iba.
User experience at features
Hindi kayo agad iimbitahang gumawa ng una ninyong article, kundi maiimbitahan kayong gumawa muna ng una ninyong category, na siyang mas maganda. Hinahayaan nitong ayusin muna ninyo ang knowledge base bago pa kayo makapagsimulang magsulat. Puwede ninyong pangalanan ang kategorya ng inyong knowledge base at pumili sa maraming tipo ng landing pages para sa inyong kategorya. Hindi lang iyon. Puwede rin kayong pumili sa isa pang grupo ng settings tulad ng pagpili ng article display options, pag-tag ng meta descriptions, at marami pang iba.
Susunod, puwede na kayong magsimulang magsulat ng inyong article. Puwede kayong magdesisyon kung gusto ninyong magsimula sa wala, gumawa ng article gamit ang template, kumopya ng existing article para may mapagsimulan, o mag-share ng isang bahagi ng article. Sa totoo lang, maganda ang options na itong puwedeng pagpilian. Sinubukan namin ang blangkong template para maramdaman namin ang pagsusulat mula sa wala. Sa ganoong paraan, makikita namin nang mas maigi kung paano gumagana ang article editor ng KnowledgeOwl at ang ilan pang features nito.
Napakahusay ng article editor ng knowledge base. Balanse ang marami nitong features, madaling gamitin ang interface, at naka-focus sa pagsusulat nang walang istorbo. Wala kaming napansing masyadong espesyal pero wala rin namang kulang, at sa tingin namin, hindi kailangan ng upgrade para sa pagpapaganda ng editor. Nakukuha nito ang lahat ng pangangailan ninyo sa pagsusulat nang maayos, at kung sa amin lang, iyan ang tamang paraan.
Nakukuha ninyo ang lahat ng standard ng editing at formatting, suporta para sa media – pictures at videos, pati na rin ang options tulad ng SEO, mga kategorya, authorship, at marami pa. Meron ding autosave feature ang editor na aksidente lang naming nadiskubre dahil nag-procrastinate kami at ni-log out kami ng KnowledgeOwl. Ayos ang feature na ito hindi lang para sa mga nagpo-procrastinate pero pati na rin sa mga panahong hindi inaasahan gaya ng biglang pagkawala ng signal ng internet, pagkaubos ng baterya ng laptop, at iba pa.
Pagpepresyo
Ngayon, punta naman tayo sa presyo. May tatlong plan sa presyo ang KnowledgeOwl na ang bawat isa ay may dagdag na features kumpara sa mas murang plan. Medyo may kamahalan, kahit ang pinakamura ay mahal pa rin kumpara sa ibang knowledge base na may offer na software solutions. Ang bawat dagdag na author ay may dagdag na bayad na $20 kada buwan, at sa bawat dagdag na knowledge base ay may bayad na $40 kada buwan. Naka-apply ito sa lahat ng pricing plans dahil ang bawat plan ay may offer lang na tig-isang author at knowledge base. Tingnan natin kung ano pa ang kasama sa bawat plan.
Flex
Ito ay $79 kada buwan para sa isang author at isang knowledge base. May access kayo sa lahat ng features (ayon sa opisyal na pagpepresyo ng KnowledgeOwl), unlimited ang puwedeng magbasa, support, user access management, custom roles, at permissions.
Business
Ang Business Plan ay $299 kada buwan para sa isang author at isang knowledge base. Makukuha ninyo ang lahat ng features ng Flex plan, at dagdag pa ang 99.5% uptime SLA, priority support, HIPAA compliance, at makakapag-upload kayo ng sarili ninyong SSL certificates.
Enterprise
Ang planong ito ang pinakamahal. Ito ay tumataginting na $999 kada buwan para sa isang author at isang knowledge base. Ang lahat ng features at mga serbisyo ng naunang mga plan ay kasama, dagdag pa ang 99.9% uptime SLA, vendor security forms, 20% na discount para sa serbisyong professional, at dedicated na account management.
Kongklusyon
Walang kaduda-dudang ang KnowledgeOwl ay isang magandang knowledge base software na makatutulong sa kahit anong klaseng kompanyang gumawa ng mga nakamamanghang knowledge base. Nasa feature set na ang lahat ng kailangan, at ang interface ay mahusay na dinisenyo, halos perpekto, kung hindi lang sa presyo. Medyo may kamahalan ang KnowledgeOwl, at wala na kaming alam na mas mamahal pa sa knowledge base software na ito. Hindi kayo magkakamaling piliin ito kung ang gusto ninyo ay magandang knowledge base, pero handa dapat kayong magbayad nang mahal para rito. Nasa sa inyo na kung ito ay makapagdadala ng nararapat na ROI sa kalaunan.
Frequently Asked Questions
Puwede bang palitan ang settings ng article rating sa KnowledgeOwl?
Oo, makikita ninyo ang option para palitan ang settings ng article rating sa ilalim ng setting option sa main menu. I-click lang ang Settings > Article Ratings. Puwede kayong pumili sa pagitan ng thumbs up/thumbs down ratings, star rating options, CTA rating text, o di kaya rating-submit text.
Paano makagagawa ng subcategories sa KnowledgeOwl?
Una ninyong kailangang gawin ay ang article category. Ang option na ito ay makikita pagkatapos ninyong ilagay ang knowledge base ninyo. Kapag gumawa at pinasok na ang category, makikita ninyo ang option para gumawa ng subcategory para sa madaling pag-aayos ng inyong articles. Puwede kayong pumili ng pangalan at estilo ng inyong subcategory.