Key takeaways
Pros
- User-friendly at intuitive ang interface
- Abot-kaya ang pricing
- Accessible at madaling gamitin ang features
Cons
- Walang preview sa iba-ibang gadget
Ang pagsisimula sa LiveAgent
Simple lang ang gumawa ng isang libreng trial sa LiveAgent. Ang kailangan lang gawin ay punan and details sa sign-up form at maghintay ng ilang sandali para mai-set up ang inyong account. Kapag ito ay handa na, maa-access na ninyo ang Getting started page.
Ang page na ito ay isang tutorial o tour para maging pamilyar kayo sa pangunahing functionalities ng software. Pinili naming laktawan ito, pero puwede ninyo itong laging balikan.
Para umpisahan ang pagtatrabaho sa inyong knowledge base, pumunta sa Customer portal na inyong matatagpuan sa panel sa kaliwa.
Mula roon, dadalhin kayo nito sa isang interface na malinis tingnan kung saan puwede kayong magdagdag at mag-manage ng lahat ng elements ng inyong customer portal.
May offer ang Customer portal tab na menu na naglalaman ng knowledge base articles, forums, feedback, suggestions, at kahit ang pagma-manage ng aming feedback buttons.
Mabilis kaming tumingin-tingin, at pagtapos ay handa na kaming magsimulang magsulat ng aming knowledge base article. Sa Knowledge base tab sa Customer portal menu, makikita ninyo ang + Create button. Isang drop-down menu ang magbibigay sa inyo ng options na makapagsulat ng article o gumawa ng bagong category, forum, o suggestion category.
Pinili namin ang unang option na diretsong nagdala sa amin sa knowledge base editor. Mula umpisa, makikita ninyong ang buong UI ay functional pero simple lang at accessible. Hindi na namin kailangang magbasa ng support articles o gumugol ng mahabang panahon sa pagsisikap na malaman kung ano ang dapat naming gawin.
Ang lahat ay nilatag na ang nasa sa isip ay ang user. Kahit ang Title box ay sumisigaw na para hindi ninyo ito makalimutang punan.
Sa kanan, makikita ninyo ang status, kung ang article ay bukas sa publiko o pang-internal lang, at puwede kayong magdagdag ng keywords, description, at iba pa.
Sinubukan namin ito para sa kaunting pag-customize ng text at pagdagdag ng images, at pagtapos ay handa na kaming i-publish ang natapos naming trabaho.
Puwede ninyong i-publish agad ang article o puwede ninyo itong i-save bilang draft. Nagdesisyon kaming i-publish ang amin, sabik na makita ito sa publiko.
Para makita ang article na aming ginawa, nag-click kami ng link sa kanan sa ilalim ng title bar, at nakita namin kung ano ang hitsura ng aming pumpkin-filled na knowledge base article sa isang visitor.
User experience at features
Puwede ninyong patakbuhin ang LiveAgent sa halos lahat ng karaniwang browsers, kabilang ang Microsoft Edge, Google Chrome, Firefox, Safari, at Opera. Gumamit kami ng Google Chrome, at ang karanasan ay suwabe at walang anumang delay o lag. Sa madaling salita, ang aming karanasan sa software ng LiveAgent ay napakasuwabe. Maliban sa paunang pag-setup na tumagal nang humigit-kumulang isang minuto, lahat ay napaka-reactive nang walang mahabang loading times.
Sa knowledge base software na ito, puwede ninyong i-customize at i-adjust ang halos kahit ano. Gamit ang Design tab, puwede kayong pumili mula sa iba’t ibang themes na inyong maiko-customize sa ibang pagkakataon para umangkop ang page sa inyong branding.
Sa knowledge base ng LiveAgent, tumitingin kayo sa isang napaka-accessible na design na malinaw na inuna ang end user. Hindi ninyo kailangang maging tech-savvy para madaling ma-navigate ito at magamit lahat ng ino-offer ng functionalities nito. Lahat ng inyong kailangan ay kabilang sa editor, kaya hindi na ninyo kailangan pang tumingin sa ibang lugar.
Napakasimple rin ng pagdagdag at pag-adjust ng images. Ang kailangan lang ninyong gawin ay i-upload ang image at i-customize ito ayon sa inyong kagustuhan. Puwede lang ninyong ayusin ang basic settings o suriin ang mga advanced option kung gusto ninyong maging adventurous.
Isang maliit pero mahusay na feature ang alternative text bar. Hinahayaan kayo nitong magdagdag ng alternative text sa images mula umpisa. Hindi lang ito nakatutulong sa inyong SEO efforts, pero hindi na kailangang balikan at i-edit ang image matapos ma-publish ang article.
Ang set-up ng forums ay kasingdali ng pagsusulat ng article. Ito ay isang mahusay na option kung gusto ninyong makakonekta sa inyong website visitors at magbukas ng isang direktang communication channel hindi lang sa pagitan ninyo at nila, pero sa pagitan ng lahat ng inyong audience.
Kailangan naming sabihing napalampas namin ang isang option para ma-preview ang aming knowledge base sa maraming gadget. Gusto sana naming makita ang layout sa mobile gadget bago ma-publish ang article.
Sa pangkalahatan, ang UI ay medyo intuitive kaya malamang hindi na ninyo kailangang magbasa ng maraming support documentation para malaman ang pasikot-sikot nito. Gayunman, kung kailangan ninyo ng tulong, napakadaling hanapin ang support portal ng LiveAgent na merong sariling knowledge base at ito ay puno ng articles na makatutulong.
Pagpepresyo
May offer ang LiveAgent na subscription-based pricing kaya madaling mag-scale up at down ayon sa pangangailangan ng inyong business.
Libre
Ang tier na ito ay ganap na libre. Kabilang dito ang limitadong set ng features tulad ng 7-araw na ticket history, chat button, basic reporting, at iba pa.
Small
Kasama sa $9 kada agent/buwan na package na ito ang extended versions ng lahat ng features na makikita ninyo sa libreng version at iba pa. Ang kapansin-pansin ay ang unli na ticket history, integrations gamit ang API, white-glove setup, at time rules, kabilang ang iba pa.
Medium
Para sa $29 kada agent/buwan, hinahayaan kayo ng subscription na gamitin lahat ng features mula sa mga naunang package at marami pa. Ang kapasin-pansing karagdagan ay ang unli na chat buttons, feedback management, time tracking, social networks, at real-time visitor monitoring.
Large
Ang pinapopular na subscription package ng LiveAgent ay nagkakahalagang $49 kada agent/buwan. Dagdag pa sa lahat ng features mula sa mga naunang tier, hinahayaan kayo nitong magset-up ng sarili ninyong call center na may IVR, video calls, unli na call recording, call routing, transfers, at marami pang iba.
Kongklusyon
Sa aming opinyon, ang knowledge base ng LiveAgent ay isang mahusay na option para sa lahat ng naghahanap ng isang platform kung saan puwede silang gumawa ng knowledge base na mukhang professional nang walang masyadong hassle. Ang kanilang user-friendly na interface ay napakadaling gamitin. Lahat ng functionalities na inyong kakailanganin ay maayos na naka-layout kung saan ninyo makikita ito. Ang isa pang bagay na dapat ipunto ay ang kawalan ng anumang bugs ng software ng LiveAgent. Masasabi naming hindi ito naging laggy. Samakatwid, hindi na ninyo kailangang mag-alalang magagambala ang inyong trabaho.
Sa lahat-lahat, ito ay isang napakahusay na option para sa mga nangangailangan ng isang user-friendly na solution kasama ang lahat ng basic at advanced features para makagawa ng isang engaging na customer portal na may mga knowledge base article at forum.
Frequently Asked Questions
Hindi namin mabago ang default na header at footer sa aming customer portal theme.
Pumunt sa Design at i-click ang Own HTML. Dito kayo puwedeng magsingit ng HTML code at mag-adjust ng header at footer sa inyong customer portal. Puwede kayong manood ng isang detalyadong video tutorial kung paano babaguhin ang header at footer sa Montana theme.
Gumagamit kami ng ibang date at time format sa naka-display sa aming knowledge base articles.
Sa loob ng Language metadata tab ng Edit language window, puwede ninyong baguhin ang date at time format para sa isang wika.