Key takeaways
Pros
- Intuitive at malinis na interface
- Mahusay na writing at user experience
- Hindi tipikal pero epektibong feature command
Cons
- Wala sa free plan ang knowledge base
- Puwedeng maging napakamahal ng presyo kung hindi ninyo magagamit ang ibang apps
Ang Odoo ay isang mahusay na knowledge base solution na may interesanteng attitude pagdating sa article formatting at editing. May ino-offer itong malinis na interface na madaling i-navigate, at talagang magaling na article editor na nagtataglay ng lahat ng standard na editing features sa pamamagitan ng simpleng keyboard shortcut. Abot-kaya rin ang presyo nito, pero ito ay nakasalalay lang sa bilang ng ibang makukuhang applications na gusto ninyong gamitin. Basahin ang buong review at alamin kung bakit Odoo ang isa sa pinakamahusay na pagpipilian para sa kinakailangan ninyong knowledge base.
Ang pagsisimula sa Odoo
Ang Odoo ay isang detalyado at customizable na open source software na dedicated sa iba-ibang areas ng business management, kasama ang knowledge base. Isinasama nito ang malaking bilang ng applications na angkop para sa sales, marketing, customer relationship management, project management, customer support, at maraming pang iba. Isinasama ng Odoo ang isang knowledge base plugin bilang bahagi ng deal nito, kaya tingnan natin ito at nang makita kung paano ito nagpe-perform.
Ang Odoo ay may ino-offer na libreng trial sa bawat plan nila, pati na rin libreng version ng kanilang solution. Kaya nitong suportahan ang unli na bilang ng users, pero puwede lang gamitin ang isang app mula sa kanilang mahabang listahan. Makapagsisimula kayo sa Odoo sa loob lang ng wala pang dalawang minuto. Gayunman, kailangan ninyong magdesisyon kung aling app ang gusto ninyong gamitin. Hindi makikita ang Odoo knowledge base sa introductory app store kaya kailangang pa ninyong idagdag ito sa inyong web application.
Puwede rin kayong magdagdag pa ng maraming apps sa inyong Odoo account kahit anuman ang napili ninyong functionality sa umpisa. Ang pagsisimula sa Odoo knowledge base feature ay napakabilis. Inabot lang kami ng hindi hihigit sa 5 minuto para makapagsimulang magsulat ng unang article, at puwede rin kayong tumingin sa isang sample document na nagpapaliwanag ng lahat ng knowledge base editor functions. Pero bago ninyo intindihing mabuti ang knowledge base editor, tingnan muna nating mabuti ang interface.
Ang user interface ng Odoo ay minimalistic at epektibo. Hindi nito binibigyan ang users ng maraming pagkakataon para maligaw, at hindi kami nakaranas ng anumang pagkalito habang ginagamit ito. Bagama’t hindi kami gumamit ng ibang apps maliban sa help desk, ticketing, at knowledge base, hindi namin maiisip na malulula ang mga tao kahit magdesisyon silang gumamit ng mas maraming apps. Ito ay dahil sa ang bawat app ay may hiwalay na interface at hindi nila ibinabahagi ang anumang nakalilitong menus sa anumang main screens.
User experience at features
Ngayon, tingnan natin ang knowledge base editor. Ang user interface dito ay nananatiling simple lang at epektibo tulad ng ibang app. Walang istorbong makakaagaw ng inyong focus sa pagsusulat, at ino-offer ng knowledge base editor lahat ng standard functionality na kailangan ninyo para makasulat ng mas malalimang articles sa media at may kasamang angkop na formatting pa. Gayunman, ang interesante sa user experience ay kung paano ninyo maa-access lahat ng functionality nito. Ang sagot ay “/”.
Tuwing kayo ay magsusulat sa knowledge base editor, puwede ninyong pindutin ang “/” button at lalabas ang isang listahan ng lahat ng posibleng features. Bagama’t parang hindi ito ang pinaka-intuitive na paraan ng pagtatrabaho sa umpisa, masasabi naming mabilis namin itong nakasanayan, at kaya naming sabihing mas napabilis nito ang aming pagsusulat sa ilang pagkakataon. Hindi namin kinailangang humanap ng partikular na function sa menu bars, lahat ng functionality ay lalabas sa pagpindot lang ng isang button at puwede naming isulat ang pangalan ng function na aming kailangan anumang oras, na nakakatutulong sa aming pag-focus sa pagsusulat.
Sa pamamagitan ng simpleng pagpindot ng nasabing button, puwede nang ma-access ang iba-ibang headers, bullet points, magdagdag ng media o code, columns, paragraph options, links at buttons, checklists, o kahit ang pagdadagdag ng inyong signature. Ang feature set ay napakaraming laman at hindi nagkukulang sa dapat maging laman ng isang magandang article editor. Ito ay napakahusay at madaling gamitin ng sinuman. Wala nang masyado pang kailangang idagdag tungkol sa editor, sa tingin namin ay magiging kasiya-siya itong gamiting anumang uri ng user kayo.
Maganda rin ang pagkakaayos ng Odoo knowledge base article. Bagama’t walang folder o category options, puwede kayong gumawa ng article levels o “trees.” Sa ganitong paraan, makasusulat kayo ng pangunahing article tungkol sa anumang topic, at magdagdag ng sub-articles sa ilalim nito, na epektibong gumagawa na isang komprehensibo at structured na hierarchy. Medyo madali ang paghahanap ng articles, pero kailangan ninyong ingatan ang mga pangalan sa umpisa pa lang para hindi kayo ang mismong malito kapag dumami na ang knowledge base articles.
Pagpepresyo
May dalawang bayad na plans na ino-offer ang Odoo pati libreng plan. Puwedeng kumuha lang kayo ng isang app mula sa detalyadong app list na may kasamang libreng plan kaya walang option para makakuha ng libreng knowledge base. Hindi ito makikita bilang hiwalay na app option sa inyong account registration. Tingnan natin kung ano ang inyong makukuha sa bawat plan.
One App
Ang One app plan ay libre, at may makukuha rin kayong unlimited user access. Pero isa-isang app lang ang inyong puwedeng gamitin, at kailangan ninyong mag-upgrade ng inyong plan kapag kumuha kayo ng isa pang app mula sa app store. Kapag hindi kayo nag-upgrade, automatic kayong papasok sa isang libreng trial.
Standard
Ang Standard plan ay nagbibigay sa inyo ng access sa lahat ng apps sa halagang $14.89 kada buwan bawat user. Mas mababa ang inyong babayaran kung kukuha kayo ng annual subscription. Kasama sa apps ang bawat app na ino-offer ng Odoo, kasama ang help desk, finance, human resources, productivity, at iba pang uri ng apps.
Custom
Ang Custom plan ay nagbibigay sa inyo ng dagdag na flexibility sa halagang $22.38 kada buwan bawat user. Makakukuha kayo ng access sa lahat ng apps, at sa Odoo Studio, Multi-company capabilities, External API, pati na rin sa Odoo Online, Odoo.sh, at sa On-Premise version.
Kongklusyon
Hindi madidismaya ang anumang uri ng user dahil ang Odoo knowledge base ay isang well-balanced at fully featured na solution. Magaan mang knowledge base ang inyong kailangan o mabigat sa bilang ng articles, ang article organization feature ay sapat na para matulungan kayong masubaybayan ang mga ito sa karamihan ng pagkakataon. Ang hindi tipikal na pag-access sa features gamit ang simpleng slash (/) command ay nakalilito sa umpisa, pero ito ay gumagana nang maayos sa araw-araw na pagsusulat. Sa pangkalahatan, ang Odoo knowledge base ay mahusay, at mahirap makahanap ng maipangtatapat sa abot-kayang solution na ito.
Frequently Asked Questions
Ano ang Odoo?
Ang Odoo ay isang komprehensibong suite ng business applications sa isang detalyadong software package. Mapipili ninyo ang apps na gusto ninyong gamitin at masasakop lahat ng areas ng inyong business tulad ng sales, human resources, marketing, at marami pang iba.
Para saan ang Odoo?
Ang Odoo ay ginagamit bilang business software para sa maraming uri ng paggamit. Kaya nitong asikasuhin ang marketing at sales tasks, tulungan kayo sa customer relationship management at customer service, tulungan kayong mag-manage ng finance at billing, at marami pa.
Magkano ang Odoo?
May iba’t ibang pricing plans ang Odoo, at may libreng plan na makukuha. Gayunman, isang application lang ang magagamit ng users sa libreng plan. Ang bayad na plan ay nagsisimula sa $14.89 kada buwan, at nagbibigay ito ng access sa lahat ng makukuhang Odoo applications.
Nasaan ang knowledge base sa Odoo?
Makikita ninyo ang knowledge base sa Odoo app store. Anumang uri ng apps ang inyong piliin kapag gumawa kayo ng inyong account, lagi pa rin niyong puwedeng idagdag ang knowledge base sa ibang pagkakataon. Hanapin lang ang “Knowledge” sa app store, at idagdag ito sa inyong account.